
Guest Blogger 3 – Carlo Vidamo


Guest Blogger #2 : Alexis Gutierrez
Saranggola Blog Awards Winner, Maikling Kwento, 2010
Ang hamon na ibinigay kay Goyo (palayaw) ay lumikha ng blog mula sa musikang ibinigay sa kanya. Ang pamagat ng musikang ito ay The Feather – soundtrack ng Forrest Gump.
Madalas din ay gamitin ko ang musikang ito para sa pagsusulat. Tinutulungan ako nito na pakalmahin ang isip at magpokus sa nilalaman ng aking puso – kung ano ba ang nais kong sabihin.
Salamat at pumayag si Goyo – isa sa mga kilala kong sikat sa Tumblr upang sumulat ng blog para sa aking ika – 8 taong pagbablog. Sa blog na ito tumatambay si Goyo (Theiskulbukol)
Biosketch: Si Goyo na mas okay tawaging Alexis kung isa kang tunay na chicks ay tubong Rizal. Inabot s’ya ng anim na taon para matapos ang kursong Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa FEU-East Asia College. Natsambahan naman n’ya ang board exam noong October 2012 at ngayon ay isa ng ganap na tambay. Bukod sa paghahanap ng mapapasukang trabaho, wala s’yang pinagkakaabalahan ngayon kung hindi ang kumain at humilata sa bahay. Naniniwala s’ya na late bloomer s’ya sa lahat ng bagay maging sa pagsusulat. Kahit anong matripan n’yang isulat ay isinusulat n’ya. Single nga pala si Goyo, pero may crush na disi-otso anyos na dalagita.
Tunghayan natin ang kanyang blog :
“Super Arte”
I. Paulit-ulit kong pinakinggan ang piyesang ibinigay sa akin para paghugutan ng damdamin upang makabuo ng isang akda. Nakakainip. Nakakaantok. Nakakatamad pala. Wala akong mapiga sa ulo ko. At mukhang wala rin akong tenga sa ganitong klase ng musika – ang totoo’y sa lahat naman ng klase ng musika. Bukas na lang ulit. Teka, hindi pa pala ako sigurado. Bahala na.
II. Basa ng pawis ang batok ko noong bumangon ako sa kama pasado alas-siyete ng umaga. Dumiresto sa kubeta para umihi, maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay humarap agad sa computer – ni hindi man lang ako nagpasalamat sa Diyos para sa panibagong araw. Muli kong pinakinggan ‘yung piyesa ng kung sinong musikero na noong isang araw ko pa ginigiling sa kokote ko habang naghahanap sa internet ng trabahong p’wedeng pasukan ng mga tsambalerong bagitong engineer tulad ko. Hindi pa nangangalahati ang tugtog ay napahikab agad ako at napaisip na bitin ‘ata ang tulog ko. Nagtimpla ako ng kape bilang parte ng ritwal tuwing umaga, pampagising na rin. Hindi naman talaga ako nagtimpla. Binuksan ko lang ‘yung isang sachet ng 3 in 1 coffee at itinaktak ang laman sa loob ng baso, nilagyan ng mainit na tubig tsaka hinalo gamit ang kutsarita.
Paubos na ang kape. Patapos na rin ang pangalawang ulit ng kulang siyam na minutong piyesa. Hindi ko pa rin maramdaman ang kurba ng mga nota. Wala rin akong makitang trabahong maaari kong aplayan. Panget ang araw na ‘to.
III. Higit isang oras din siguro akong nakanganga sa kahabaan ng byahe dahil sa sarap ng tulog. Naalimpungatan lang ako noong magsimula nang tumaas ang araw at malasahan ko na ang sarili kong hininga. Kinopya ko nga pala sa cellphone ko ‘yung piyesa. Tutal gising na rin naman ako at hindi na ulit dadalawin ng antok, dala na rin ng pagkabagot ay muli kong sinandtrip ‘yung piyesa na hindi ko makuha-kuha. Kahit anong gawin kong pagpapanggap na may mahihita ako sa paulit-ulit na pakikinig ay wala pa rin talaga. Naba-blangko ako. Hindi ako makapag-focus. Akala ko madali lang. Akala ko petiks lang. Nakakahiya, pero inakala ko rin kasi na magaling na ako. Nakaka-frustrate pala ang putang inang tugtog na ‘to.
Kasabay ng pagbabago ng bilis ng sinasakyang van ay ang pagbabago rin ng ritmo at tyempo ng tugtog. Sobrang biglaan. Walang sabi-sabi. Para akong nahipnotismo at unti-unting lumulubog sa matigas na kutson na kinalalagakan ng puwet ko. ‘Yung damdamin na pilit kong hinuhugot at hindi ko makapa sa musika, biglang tinubuan ng ulo at katawan, at nabuhay bilang isang tunay na problemang personal. Mabilis ang pangyayari. Ako mismo na nakakaranas ay hindi makasunod. Humiwalay sa kasalukuyan ang isip ko. Sunud-sunod na rin ang pagbato ng tanong ng sarili kong konsensya. Palalim nang palalim ang diskusyon. Palawak nang palawak ang tinatalakay na paksa. Tuluyan nang kinain ng lungkot na matagal nang naninirahan sa loob ko ang baluti ng pagpapanggap bilang isang matibay at matigas na tao.
Trabaho, pera, ambisyon sa buhay, palayo nang palayung mga pangarap, materyal na pag-aari, atensyon, estado ng yabang, at marami pang pansariling kaligayahan na nagbibigay sa akin ng kalungkutan. Lahat ‘yun ay naging isang halimaw na pilit tumitibag sa pagkatao ko. Ang mga tanong ay nagpanggap na liriko at tuluyang lumapat sa mabagal na duyan ng musika. Nabuhay panandalian ang tugtog pero naroon pa rin at tuluyan nang nagmantsa ang nabuong lungkot. Naging easy target ako at nagmistulang punching bag. Bawat nota ay may katumbas na bigat at sakit. Korner ako. Walang takas. Hindi ako makaiwas.
Isang malakas na suntok pa-uppercut. Sinundan ng isang right hook na binalanse pa sa kaliwa. Paulit-ulit na body blow at mabibigat na jab. At isang solidong straight sa mukha ‘rekta sa ilong bilang panapos. Ang huling suntok ay para sa katotohanang ang huling bagay na nagpapalungkot sa akin pero maaaring unang makapagpasaya ay may kinalaman sa buhay pag-ibig. Tumigil ang van, nasa Starmall na ako. ‘Tang ina pala talaga ‘yang pag-ibig na ‘yan. Kahit saan sumisingit. Kahit saan may ganap.
IV. Naging swabe ang lakad ko para sa araw na ‘yun. Nakuha ko na ang membership ID ko na ilang buwan ding nabulok sa opisinang ‘yun. Wala pa pala akong TIN. At dalawampu’t limang araw pa bago ilabas ang NBI clearance ko. Swabe naman talaga, ‘di ba? Naka-tatlong palit nga ako ng damit at isang libong mura dahil sa init ng panahon eh. Pero maniwala ka, wala pa ring amoy ang kili-kili ko.
Mag-a-alas tres na ng hapon noong makabalik ako sa terminal. Pumasok muna ako sa loob ng katabing mall para makapag-palamig at makapagbawas na rin ng tubig sa pantog. Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa harap ng salamin sa loob ng kubeta. Gwapo pa rin naman ako kahit walang pera, ‘di ba? Hindi sumagot ang mamang mataba sa harap ko. Lumabas na lang ako.
Mabilis akong nainip. Hindi ako napasaya ng mga bagay na maaaring makita sa loob ng mall. Lumabas din ako agad at dumiretso sa parking lot. Inilabas ang baon na tubig. Nagsindi ng sigarilyo. Nilibang ang sarili sa usok. Biglang may kumatok.
Bumalik ang ilang bagay na pinagninilayan ko kaninang umaga. Bakit nga ba wala pa ring nangyayari sa buhay ko hanggang ngayon? Akala ko magiging madali na ang lahat kapag nakatapos na ako ng pag-aaral. Hindi pa rin pala. Akala ko okay na kapag naipasa ko na ‘yung board exam. Hindi pa rin pala. Akala ko matatapos na ang pagiging istambay ko at palamunin kapag nagsikap ako nang husto sa paghahanap ng trabaho. Mas lalong hindi pa rin pala.
Sinimot ko na ang natirang ilang lagok sa binili kong inumin pagkatapos kong ibato ang puwitan ng pangalawang yosi sa pwestong ‘yun. Tumayo, nagpagpag ng sarili at dumiretso na sa pila.
V. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Pero biglang may nauna na roon sa p’westong pinapangarap ko kahit todo abangers ako – doon sa likod ng driver kung saan maluwag, masosolo ko ang buga ng erkon, katabi pa ng bintana, at higit sa lahat ay hindi maiipit ang itlog ko sa pagkakaupo. Dahil bigo, umatras ako ng bahagya palayo sa gilid na pintuan ng van at inaninag na lang ang upuan sa tabi ng drayber. Inilapat ko ang malaki kong mukha sa tinted na salamin at inispatang maigi kung may bakante pa nga roon. Swerte. Bata ang nakaupo. Maluwag pa rin kahit magtabi kami, isip-isip ko.
Iginala ko ang mga mata ko pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi ng bata. Mukhang naka-tyempo nga ako dito sa puwesto ko. Pero mukhang minalas naman ‘yung bata dahil asiwa s’ya at hindi mapakali ang isang braso na nasa gawi ko. May nakasuot na sleeve na madalas gamiting pamorma ng mga traysikol drayber ang braso n’yang iyon. Parang may gustong takpan. At parang kailangan talagang ingatan.
Minasdan ko pang mabuti ang bata at napansin kong nangingitim at payat ang mga kamay nito; na sa sobrang pagkatuyo ay nagkaroon na rin ng bitak-bitak ang balat parang na-El Niño pero namumuti. Parang nanghihina rin s’ya na mababakas naman sa mukha niya. Pero kapansin-pansin na buhay na buhay ang mga mata. “Kagagaling ko lang po kasi sa dialysis.” Biglang usap n’ya. Marahil ay napansin n’yang matagal ang pagkakatuon ng tingin ko sa kanya kaya s’ya na mismo ang sumagot ng mga tanong na unti-unti nang nabubuo sa isip ko.
Bigla akong natameme at napahiya. Ako na walang ginawa kung hindi ang magsunog ng baga kayoyosi at bugbugin ang atay katotoma, ako na walang pinipiling pagkain na lalantakan para dagdagan ang taba sa katawan ko, bakit nga ba panay ang reklamo ko? Bakit nga ba ang kapal ng mukha ko?
VI. Inalis ko na ang tingin sa batang katabi ko at nag-focus na lang sa pagmamasid sa mga taong pawisan at puro nakasimangot habang nasa pila at nag-aabang ng susunod na van.
Pang-walo sa pila ay kapansin-pansin ang isang mama na masinsinang nakikipag-usap sa isa sa mga drayber sa terminal na ‘yun. Nasa edad trenta’y singko hanggang kwarenta’y tres ang mama kung ang pagbabasehan ay ang hitsura ng kanyang bruskong mukha, nag-aagaw sa pagiging abo at itim ang buhok nito dala siguro ng laging pagkabilad sa araw , walang bigote at balbas, sunog ang balat, nakamaong na shorts at kupas na sando, namumuti ang mga binti at paa, gayun din ang suot na sandals, at mukhang sanay sa mabibigat na trabaho. Hinala ko’y batikan sa construction site ang mamang ito.
Ang higit na kapuna-puna sa mamang iyon ay hindi talaga ang kanyang hitsura, kun’di ang mga bakal na animo’y scaffolding na nakatarak sa kanang braso n’ya dahilan para mabura ang ilang bahagi ng isang babae na naka-tattoo sa balat n’ya. Pero wala ni isang bakas ng sakit o pakiramdam ng pagiging hindi komportable ang makikita sa mukha ng mama sa kabila ng hassle na dala-dala n’ya.
Ano nga pala ulit ‘yung nirereklamo mo tungkol sa mailap na trabahong hinahanap-hanap mo? Mabilis na pagsingit ng tanong sa ulo ko.
Hindi ako makasagot sa magkahiwalay na tanong sa magkasunod na senaryo, kinuha ko na lang ang earphones sa loob ng bag ko at isinaksak sa telepono, hinanap ang mahiwagang p’yesa sa listahan ng mga kanta, pumikit at mabilis na tumungo. Umaasang makakatulog at makakatakas sa kahihiyang inabot sa harap ng sarili kong mga multo.
Guest Blogger 1. Fr. Rhett Sarabia
Para sa ikawalong taon ng blog na ito, ang Hibang ay nag anyaya ng mga piling bloggers na magsusulat at tatanggap ng hamon ng pagbablog.
Partikular na pinili natin ang mga nagsipagwagi ng Unang karangalang BlogGaling ng Saranggola Blog Awards mula 2009 – 2012.
Ang mga Guest Bloggers natin ay tumanggap ng mga hamon sa pagsusulat kung saan may larawan o musika na gagamitin at paghuhugutan ng damdamin at imahinasyon.
Malaya silang magbablog ng kung anumang pumasok sa kanilang isipan matapos makita ang mga ipinadala sa kanila.
Ang unang guest blogger natin ay si Fr. Rhet Sarabia. Nagwagi sya noong 2009 sa kategoryang Tula.
ang ibinigay natin sa kanya ay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.
narito ang awitin:
Ang awiting ito ay madalas kong kuhaan ng inspirasyon. Sa mga hindi nakakaalam, madalas ay nakikinig ako sa musika, tumitingin sa larawan o nanonood ng paborito kong clippings ng pelikula para humugot ng damdamin.
Ang awiting ito ay ginamit ko rin sa blog post ko na The Music of the Night na sinulat ko noong 2009.
Kung paanong humagod ang kantang ito sa damdamin at imahinasyon ni Fr. Rhett ay tunghayan natin sa kanyang blog na ito:
—-
SAYAW SA TAG-ULAN
Mabelyn S. De Dios. Ito ang nakasulat sa application form na hawak-hawak ko. Imposible ito. Pero habang isa-isa kong binabasa ang mga information, tugmang –tugma ito sa isang kakilala ko matagal nang panahon ang nakakalipas. Hmmm…ang lalim ng aking buntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang info sheet na hawak ko. Imposible talaga. Thirty years….thirty long years.
Ferdie! Hoy! Ferdie, halika ka silong ka sa payong ko. Madilim na kalangitan. Unti-unting pumapatak ang ulan. Eh, di nakisilong, kaw ba naman ang tawagin ng crush mo.Magiging choosy pa ba ako? Kilig much talaga. Kabog, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hiyang-hiya nga ako, pakiwari ko dinig na dinig nya ang kalabog ng puso ko. Hmm, ganun pala sya kabango sa malapitan. Winner to! Para akong nanalo sa sweepstakes. Lakad, minsan bumibilis, minsan mahina. Ewan ko ba, wish ko sana mahaba pa ang daan pauwi.
Ano ba yan, pre…takna ka ng tokneneng! Ito ang bulalas ni Angelo. Bestfriend ko since elementary. Wala ka man lang nasabi..e yun na yun oh!..kayo…kayong dalawa lang sa iisang payong, wala ka man lang nasabi? Eh, sa naunahan ako ng kaba eh. Bestfriend naman, opportunity na yun oh, pinalagpas mo pa. Next time, hayaan mo maghahanda na ako.
Next time ba kamo? Wala. Kasi simula na ng summer. Ewan ko ba, buong summer naman na nagningning ang haring araw. Walang ulan, walang sukob-sukob sa payong. Uso ang tuli pag summer, kaya hayun nagkayayaan kaming magpipinsan. Dalawang linggo rin akong natigil sa bahay. Isang araw napadaan si crush ko, Hoy Ferdie, maliligo kami sa ilog, sama ka? Eh, kasi..Anong kasi, halika ka na! Di pwede! Sayang ….hays, sayang talaga! Gabi-gabi di makatulog ng maigi, noong una akala ko dahil sa maalinsangan na panahon, pero ang totoo sa kakaisip kay Maybelyn. Insan,…ano yan? Tanong ni Bert. Yaaks! Tagyawat sa ilong! Ows…umiibig na sya. Sabay halakhak na nang-aalaska! Na conscious tuloy ako. Dumaan pa ang isang araw, waah…pulang-pula na sya at ang laki. Ferdie! Ferdie! Boses ni Maybelyn. Pupunta kami sa ilog, sama ka? Sumagot akong patago. Hindi pwede! Ano , hindi na naman pwede? At bakit nagtatago ka, ha? Basta hindi pwede ngayon.
Mabilis na lumipas ang summer. Umpisa na naman ng tag-ulan. Sa iskul namin kanina pa ako nagmamasid, pawang may hinihintay. Ah, baka absent lang nawari ko. Second, third day…natapos ang linggo walang Maybelyn. Pre,….pre…sambit ni Angelo. Kasi sina Maybelyn lumipat na pala sa Maynila. Parang sasabog ang puso ko sa aking narinig. Di ko alam kung sasabog nga talaga. Pero sa sa pakiwari ko hindi ako makahinga. Patakbo kung tinungo ang kanilang bahay. Kasabay naman noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Lakad, takbo, lakad ulit…sa gitna ng ulan. Di ko antala ang lakas ng ulan. Ni hindi ko napansin ang pag-agos ng aking luha.Wala na akong susukubang payong. Wala na si Maybelyn. Unang ranas ng hapdi dahil sa ngalan ng walang kamuwang-muwang na pag-ibig. Natanong ko lang noon kung bakit may mga bagay na kailangang magtapos na hindi man lamang lubusang nakaniig at samsamin ang tamis nito. Para bagang sayaw na kung saan unti-unti mo nang nasasabayan at siya naman natatapos ang saliw ng tugtog nito. Ulan! Bakit kung kalian ka pumapatak, sabay namang pumapatak ang luha ng dalamhati.Minsan nasabi ko sa aking sarili sana di ka na lang papatak muli.
Twenty five years old na ako ngayon. Binata pa rin Correction Single for life. Congratulations, Pare! Ito nga pala misis ko si Anabel, at ang anak naming si Mardel. Say hello to your tito. Ikaw kailan ka naman mag-aasawa? Sabay tawa! Itong besfriend kong si Angelo alaskador pa rin. Ngayon pa! Hindi na noh, sagot ko naman sa kanya. Di ba si Sir Marco, yun…para naman hindi tumanda. Engr. Mariliza de Guzman, oo ako nga si Isay Santos, De Guzman na ngayon. Salamat po Mang Andres at nakarating kayo. Si Mang Andres dating dyanitor namin sa highschool. Napagod ako sa maghapong iyon. Ang daming bisitang dumating. Mag-aalas otso na ng gabi ng huling umalis ang mga bisitang kamag-anak. Pagkasara ko ng pintuan ay siya namang buhos ng malakas na ulan. Isang kabanata na naman ang muling nabuksan sa landasin ng aking buhay. Kasabay ng pagpatak ng ulan, nasambit ko sa aking sarili, this time around di na luha ng pighati, datapwat merong sense of fulfillment at contentment. Hindi naman pala na sa bawat pagpatak ng ulan kalungkutan ang dala. Kailangan lang sigurong marunong kang makisayaw sa bawat saliw ng musika nitong dala sa iyong buhay.
Good morning, Sir! I’m Maybelyn S. De Dios. Ferdie? Ferdie delos Santos? Yes, I am Father Ferdie delos Santos. Matagal kaming nag-usap. Pero minsan wala akong nauunawaan sa kanyang sinasabi. . Pilit kung ninanamnam ang halimuyak na hatid ng muling pagtatagpo. Lumilipad ang aking diwa at kaisipan. Ang unang pagsukob sa ulan. Ang bilis ng kabog na aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Ang tagyawat sa ilong. Ang alaala ng kahapon, yun ang muling nabuksan at nilakbay ng aking diwa. Ang tagal kitang hinintay at hinanap. Sa mahabang panahon na ginugol ko sa Maynila, nagbakasakali akong isang araw ay makita kitang muli. Bawat tag-ulan. Bawat may magkasintahang magkasukob sa iisang payong, dasal ko parati sa Diyos na sana tayo ang magkasukob.
Father Ferdie?…Ok lang kayo? Hmmm, yes. Pagod lang siguro ako. Miss De Dios, pakiproceed na lang sa HR Department. And by the way, congratulations, magsisimula ka na this school year at our Cebu branch as per your request. Pakikamusta na lang ako sa family mo, at saka …ano nga pala name ng son mo? Ferdie…yun ang name nya…pinangalan ko yun sa isang taong minsan kung minahal. Hindi ko na naramdaman ang pagpinid ng pintuan ng aking opisina. Malayo ang aking tingin, para bang may hinahanap ako sa nakaraan ng aking buhay.Pilit may binabalikan Saan ba ako nagkulang? Hinanap kita. Parang eksena lang sa pelikula. Pag andon ako sa eksena wala ka, pag nandon ka naman ako naman ang wala. O sadyang ang tadhana ang syang nagbadya ng ating kapalaran. Bumuhos na naman ang ulan. Malakas na malakas ito. Kasabay nito ang pag-agos ng aking luha. Bakit tuwing umuulan, pinupukaw nito ang mga alaala ng nakaraan? Di ba sya pwedeng umulan na lang na walang sinasagasaang dahilan.
2013. Malayo na ako sa Pilipinas. Bagong assignment, bagong buhay, bagong panimula. Kahit dito sa malayong lugar umuulan pa rin, kasabay ang pagpukaw nito sa mga alaala ng aking nakaraan. Ngayon ko lang napagtanto: My first love was meant to be my only and last love. Hays! Kilig much? Nope, this time around, thankful, kasi minsan dumating ang pag-ibig , este ang sinaunang pag-ibig ng buhay ko.. Habang sinusulat ko ito humihigop ako ng mainit na kape sa saliw ng awitin ni Aiza Seguera..entaytol, Anong nangyari sa ating dalawa? Umuulan na naman. Sana naman walang basagan ng trip. Sige na, bumalik ka na lang bukas Mister Ulan. Please!
Bluguy.
April 8, 2013
Rome, Italy
—
Sino si Fr. Rhett?
Si Bluguy o Rhett Ruiz Sarabia ay ipinanganak noong Marso 23, 1964 sa bayan ng Kalibo, Aklan Nagtapos sa samu’t-saring kurso: BSC major in Accounting sa Adamson University, Manila; Philosophy units sa San Carlos Seminary, Makati; BS in Sacred Theology sa Don Bosco Center of Studies ( Bene Probatus),Manila; BS Education (Magna cum Laude) sa Salesian Pontifical University, Rome, Italy; at Licentiate in Education major in Methodological Pedagogy .II (Magna cum Laude) sa Salesian Pontifical University, Rome, Italy.
Nakapagtrabaho sa Metro Bank sa Makati ng mahigit isang taon bago naisipang tahakin ang bokasyon sa buhay relihiyoso. Pumasok sa seminaryo pagkatapos ng EDSA rebolusyon. Inordenahan sa pagkapari noong 1996. Naging formator sa seminaryo, educator (St. Alexis Center of Studies at Laguna Northwestern College) at Vicar Provincial ng St. Peregrine Philippine Vicariate ng Order of Servants of Mary. Kasalukuyang naglilingkod dito sa General curia OSM, Rome, Italy bilang isang General Councilor ng aming Orden. Mahilig magsulat at makisalamuha sa mga OFW dito sa Italya.
Puntahan ang kanyang blog na bluguy
http://blurosebluguy.wordpress.com/
Maraming Salamat Fr. Rhett Sarabia – katukayo, dahil parehong blue ang nickname natin – sa pagpapaunlak sa aking imbitasyon.
Hindi katulad ng ibang hotel, iba ang lobby nito.
Mabango, maaliwalas, malaki at mamahalin ang ilaw.
Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking hotel.
Mas lalong nagmumukhang maluwang ito dahil kakaunti lang ang tao.
International Standards. Iba-ibang lahi rin ang nagchecheck-in.
May pamilya, pero madalas solo – nag-iisa.
Iba rin ang itsura ng mga tao, maaliwalas ang mukha, lahat nakangiti
at alam mong natutuwa sa ganda ng hotel.
Matapos akong kumuha ng picture sa mga ilaw
paintings, at accessories ng lobby
nagpasya na akong lumapit sa frontdesk.
Hiningi ang aking ID, “Pinoy ka?” tanong ko.
“Opo Mr. Umali. Im Lourdes, taga Manila ako.”
Tiningnan niya ang papers ko
ngumiti siya at sinabing “we upgraded your room from deluxe to suite.”
Wow! tuwang-tuwa ako.
Mababaw lang kasi ako.
Pakiramdam ko, ang pinakamasayang araw ko ay nung mula economy ay nilipat ako sa business class ng isang airline for free.
Sumunod dito ay nung nilipat din ako sa isang suite sa isang hotel sa Cebu.
Swerte ata talaga ako sa mga upgrades.
Excited na ko.
Kung makikita mo ko, para akong batang inabutan ng candy. Literal na hanggang tenga ang ngiti ko.
Wala nang sasaya pa sa libre.
at syempre walang katapusang pasasalamat sa front desk officer.
Dahil class ang hotel, card din ang gamit sa elevator.
carpeted ang lalakaran mula mula lobby, elevator at hall way.
Hinatid ako ng butler sa aking kwarto at pinaliwanag nya ang oras ng breakfast, kung saan matatagpuan ang mga amenities
ganun din ang oras ng meeting ko. Pati ang isusuot ko sa ka appointment ko binilin niya rin.
Kung may kailangan daw ako ay tawagin ko lang siya.
Personalize daw ang service ng bawat room.
1 butler is equal to 1 guest. Sosyal di ba?!
Napangiti ako. Di ko kinaya ang buhay na ito.
Mula sa teacher na naging NGO worker na napunta sa real estate.
Napaisip ako, sabi ko napakaluho naman
pero parang nabasa niya ang sinabi ko at sinabi nyang
“the best things in life are free”
nawala naman ang konsyensya ko.
“Enjoy your stay Mr. Umali”
at umalis siya.
Pagpasok ko, nanlaki ang mata ko.
meron pa bang mas wa wow sa wow?
Hindi ‘to hotel room. Para syang isang napakalaking 2 Bedroom Condo unit.
May living area, may CR, may isa pang akala ko ay guest room yun pala ay business room.
May kitchen area rin. Syempre dahil bata ang puso ko, sinilip ko ang laman ng ref.
Punong-puno ng dark chocolates at coke hihihihi
Pinasok ko ang bedroom ko -ang laki ng kama!
Tapos may walk-in closet papunta sa CR na nasa loob ng room.
Bongga, dalawa ang CR; meron sa living room at meron dito sa bedroom at may Jacuzzi pa!!
Sa vanity counter ng CR may iba’t-ibang klase ng pabango syempre ayaw kong buksan baka may bayad.
Binuksan ko rin ang closet at tanaaannnnn!!! May mga damit! may mga suit at infairness sukat sa kin!
Ako na ang prinsepe ng Pilipinas!
Narinig kong nag riring ang telepono.
“Hello?”
“Hi Sir, chinicheck ko lang po kung okay na po ba kayo?”
“Hi Lourdes, yes okay na okay ako. Ganda ng room! Question, nasan ang price nung mga food na nasa bar?”
“Everything is free sir.”
Alleluia!
Parang ang laki ng kabutihang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!
“Wow! Thank you thank you!”
Pagkatapos ng conversation ay pumunta ako sa Ref at kumuha ng Coke at chocolate.
binuksan ko ang TV at napatigil ako sa pinapalabas
parang slideshow.
pictures ko nung bata ako, video…
ako.
mga larawan na wala sa photoalbum ko.
Mga kuha ko, video ko. umiiyak, gumagapang, inaalalayan ng nanay ko
tumatakbo, nakikipaglaro sa mga kapatid
unang simba kasama ng tatay ko
unang pagpasok sa school, nung unang beses na napaaway ako, graduation…
mga byahe naming magkakabarkada
mga pasyal at byahe ko
teaching days
pag iyak ng mga bata, pakikipaghabulan
storytelling, fieldtrips,
parents day
teachers day
NGO work,
pakikipag usap sa community
sa mga katutubo
unang pag-ibig
unang pagkabigo
tawanan sa opisina
conventions
flashback…
flashback…
ang buhay ko, napapanood ko.
tawa, iyak, hagulgol, halakhak
masarap pa lang panoorin ang pelikula ng buhay mo.
Mamaya isusuot ko ang pinakamagarang suit at gagmitin ang pinakamahal na pabango.
Haharap ako sa pinakaespesyal na ka Appointment ko.
+
Hindi ako naniniwalang may isang itinadhana para sa atin.
Bullshit yun. Sa t’wing makakakita ako ng foreigner
naiisip ko, ano yun, majority ng itinadhana magkakalahi?
‘Pag Pinoy ka malamang ang katadhana mo ay Pinoy din?
Sinadya ni tadhana para hindi ka mahirapang maghanap?
Hindi ba nya naisip noon na magkakaroon ng Facebook,
ng chat o kaya ng promo fare? Nakakalokah!
Nagugustuhan mo ang isang tao dahil sa comfort.
Kaya ko ‘tong paamuin, gusto ko ‘to, swak kami,
nagkakaintindihan kami. Good vibes kami. Okay kami.
Hindi kumplikado, hindi magastos, masaya ang puso ko,
panatag ako sa kanya – komportable ako sa kanya.
—
Noong medyo bata pa ako, hindi ko iniisip ang pag-ibig.
Wala akong pakiaalam.
Abala ako sa paaralan, sa organisasyon,
sa mga gawaing panlipunan.
Habang tumatagal, nababawasan naman ang dalas ng pagbablog ko.
Kahit marami akong gustong isulat, yung iba hindi ko maexpress.
Isa pa, dahil na nga siguro sa paikli na paikling attention span ng mga readers.
Pansin mo ba na minsan mas nahu hook ka sa mga status message at tweets?
Pakiramdam mo mas maraming nag cocomment sa FB status message mo o kaya sa tweet mo kesa sa blog mo.
Pero syempre babawi ako.
Ngayong ika-8 anibersaryo ng blog ko.
Ang mga susunod na ipopost ko ay tiyak na de-kalibre at babasahin ng marami.
Dahil nag imbita ako ng mga guest bloggers,
Tama!
Inanyayahan ko ang mga Saranggola Blog Awards winners mula 2009 – 2012 na maging bahagi ng aking blog.
Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon ako ng guest bloggers. Syempre blog ko ‘to kaya gusto ko ay ako ang nagsusulat.
Pero kung tulad naman nila ang magsusulat, why not di ba? It’s an honor.
Kaya naman nagpapasalamat ako sa mga tumugon sa aking paanyaya;
silang mga piling nagsipagwagi ng unang karangalan- BlogGaling ng SBA.
Syempre para maiba naman, hindi basta-basta sila magpapadala sa’kin ng blog entry.
Ito ang hamon:
Binigyan ko sila ng mga inspirasyon.
Kung hindi nyo naitatanong,
minsan ay hindi ako nakapagsusulat ng tuloy-tuloy o mula sa imahinasyon ko.
Minsan ay gumagamit ako ng mga larawan o kaya musika kung saan hinuhugot ko ang aking obra.
At ito nga ang pinadala ko sa kanila.
Mga larawan at musika na gagamitin nila.
Ano kaya ang kalalabasan ng inspirasyong iyon?
Maaari kasing hindi madaling gamitin ang mga inspirasyon / midyum na iyon dahil wala naman talaga iyong kinalaman sa buhay nila.
Kaya mula April 24,
sunod- sunod n’yong mababasa ang mga ginawa nilang blog entry.
ABANGAN!
Naging takbuhan ko na ang pagsusulat.
Pag marami akong naiisip, may gustong sabihin o kaya may magandang nangyari,
sinusulat ko agad yun sa diary ko nung bata pa ako.
Hanggang sa ang mga sulat na iyon ay nauwi sa mga salita.
Nahilig akong magkwento.
Kahit sa klase ‘pag walang teacher, ako ang tatayo sa harap,
nung High School ako, para akong guidance counselor sa mga kaklase at kaibigan ko.
Gift ko daw ang pagsasalita.
Kaya nga siguro ako naging teacher.
Pero dahil saglit lang naman ako nagturo,
bumalik ako sa pagsusulat.
Salamat sa Blog.
Kaya sa trabaho, hindi nawawala yun,
yung pagsasalita.
Lagi akong may kwento
pero dumalang ang pagsusulat.
habang tumatagal pakiramdam ko
parang nalilimitahan ko na ang mga pwede kong isulat.
Ang mas mahirap, minsan kahit pagsasalita
o mga sasabihin mo
kailangan mo ng piliin.
Kung hilig mo ang magsulat at magsalita
hindi biro ang pigilan ang sarili
pero alam mong ito ang tama.
May panahong hihinto ka,
wala namang magsasabi sayo
pero desisyon mong ‘wag magsalita
at magsulat.
May kapangyarihan ang mga salansan ng mga titik.
Binuo ang mga salita para may mangyari.
At dapat kong matutunan na may sukdulan ang mga salita.
Hindi lahat sinasabi, hindi lahat sinusulat.
May gusto akong sabihin
pero hindi pwede.
Kadaraan lang ng magbabalut, ganitong oras, past 12 midnight – Makati.
Worth writing? Yes. Dahil minsan na lang ‘to, at anytime soon, magiging history na rin ang paglalako ng balut.
Marami ng phase out na minsan, maiisip mo na ganun ka na pala katanda.
Tulad ng brick game, game and watch, cassette at kung anu-ano pa na siguradong may listahan ka rin.
Pero ang mas interesante ay kung paanong parang naghahabol ka sa bilis ng mga pangyayari at mga bagay na ni sa hinagap ay hindi mo maiisip na mangyayari.
Gaya ng bumili ka ng tubig na naka bote.
Mineral Water? Tanggap na natin ‘to pero di ba big deal?
Basic ang tubig pero kailangang bilhin sa halagang mas mahal pa sa load.
Kape sa halagang P160 isang baso.
At ang mas masakit ay tanggap natin.
Kaya sasabihin mong, anong point ng blog na’to e matagal nang hindi isyu ang sinasabi ko.
Wala lang, gusto ko lang mangalabit ng mga isip, patirin gamit ang sapot ng gagamba,
Baka sakaling may mga taong bukas pa ang kamalayan at makadama.
—
Pasado na ang RH bill.
15 years in the making.
Hindi ko sasabihin kung Pro RH ako o Anti RH.
Walang bearing yun.
Nalungkot ako sa simbahan.
Bilang dating aktibo sa aming parokya
naisip ko, anong nangyari?
sa mga pari, obispo, madre at mga lingkod nito.
Na miss ko si Pope John Paul II
Naalala ko kung gaano kasaya at kaningas ang damdamin ng mga kabataan noon
na nangakong ipagpapatuloy ang pagpapalaganap ng aral ng simbahan.
Kung gaano kaaktibo ang bawat pamilya sa pakikibahagi hindi lang sa misa bagkus sa mga gawain nito.
Namiss ko ang mga kapwa kabataan na nagseminar at inihanda ang sarili sa pagdating ng Santo Papa.
Namiss ko ang relasyon ko sa aking simbahan.
Kung buhay si Pope John Paul ngayon, ano kayang status message nya sa FB.
siguro “watching Phil Congress debate re RH Bill – lols!”
—
Nung isang gabi magkakasama kami – magkakabarkadang 30′ish.
may something in common, single at buhay single.
Successful naman sa mga trabaho, pero hindi sa relationship.
Dapat sa ganitong edad biro nila, bumababa ang standards.
Kaso walang gustong mag compromise.
Lumitaw si “estado sa buhay”
kailangan ganito, dapat ganyan, etcetera etcetera
may qualifying,
may matching,
may standards,
may norms,
resulta
zero lovelife.
akala ko habang nagkakaedad;
nagmamadali ka
hindi pala.
sa tingin nila
madalas may halaga, may presyo, may value
hanggang sa irationalize mo na kayo ang bagay
base sa future and economic opportunity nyo.
—
nung christmas
ang dami kong natanggap na regalo
ang ganda ng mga kahon
pero ang obvious
nagtatago ang mga regalo sa
its the thought that counts.
na ja justify ng brand ang halaga ng regalo
o kaya ng packaging,
sayang nga
kung nakaisip sana ako ng
magandang packaging
magreregalo ako ng balut.
Bilang pagsuporta sa patimpalak ng isang kaibigang blogger, sasali din ako sa contest na ‘to.
Ang totoo mahirap magsulat tungkol sa paborito kong Station dahil wala naman talagang dahilan. Bihira naman kasi akong manood sa ibang station kaya wala akong comparison.
Madalas kung hindi ABS-CBN ang pinapanood ko, nasa ANC channel ako, Knowledge Ch, DZMM teleradyo, Studio 23, Cinema One, Lifestyle Ch at ngayon nga ay mas madalas akong manood ng Jeepney TV.
So kung hihimayin ang dahilan kung bakit ABS-CBN ang choice ko, medyo mahirap sagutin. Siguro ito talaga ang swak sa panlasa ko. Halata naman di ba?
That’s it pansit!
Ang patimpalak na ito ay mula sa mga sumusunod:
“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”
Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 4
TEMA : Lakbay
Kategorya
1. Maikling kwento
2. Kwentong pambata
3. Tula
4. Blog / Sanaysay (freestyle)
5. Larawan (photoblog)
Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2012 – Oktubre 15, 2012
Awarding : Disyembre 15, 2012 (tentative)
Kalahok
Filipino citizen, 18 years old pataas
nasa loob o labas ng Pilipinas
matagal na o baguhang blogger (blogspot, wordpress, self-host, tumblr, multiply, *facebook note o kahit anong social media)
Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2012.
Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito.
Syempre dahil birthday ko, maiba naman, sa ibang bansa ang bakasyon.
Umaga ang lipad ko. Yung kaibigan ko na sasama, gabi ang lipad nya.
Pag dating sa guest house sa Hong Kong, mala documentary ang eksena.
Para bang sa susunod na mga araw ay nasa pahina na ko ng dyaryo,
laman ng tv at kinakampanya ng netizen na makauwi na sa Pilipinas.
Akala ko Hotel, iba pala pag sinabing guest house.
Sa Agoda kasi galing kaya akala ko nga hotel.
Nakamura kami, yun pala mapapamura kami.
Hindi alam ng taxi driver kung saan ito, paikot-ikot kami
kaya binaba ako sa kalye, lakarin ko na lang daw.
Nakita ko ang building, maraming Indian sa baba.
Parang lumang building sa Quiapo na maraming vendor.
Nakisiksik sa elevator at bumungad sa itaas na palapag ang isang black receptionist.
Hindi naman ako nagdidiscriminate, pero dub-dub, dub-dub, dub-dub.
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinakita ko ang reservation voucher ko
dinala ako sa kwarto na maliit, may isang maliit na kama at maliit na CR.
Ito ba yun?
Napaupo ako, tumanaw sa bintana, nakadungaw sa rehas na bintana
at tila may musika sa isip ko …
sinong mapalad, sino ang kaawa-awa, kami bang halos ang buhay ay inilay sa bansa
bagong bayani na ang sandata ay luha, bigyan naman ninyo kami kahit….. na konting awa!
Blagag!
humampas ang pinto.
“Always turn off the aircon whenever you leave your room.”
bilin ng amo ko este ng negro landlord ko.
{“I did not kill eynibody!”}
hindi ako nakapagsalita.
“Clear?”
Yes! Yes! Wait, where’s the other bed, you see we paid 1 room with 2 beds
There’s no more bed!
at dinuro-duro ako.
napasiksik ako sa kanto ng kwarto, nangangatog, nag dial ng telepono, walang signal ang globe (as always)
salamat sa Sun!
tawag sa Pilipinas …
Ayos lang ako dito, maayos ang tinutuluyan ko, mababait sila
sumbong sa kaibigan na hahabol pa lang sa gabi at sabi ko aalis na ko dahil hindi safe dito,
Labas ng kwarto… excuse me, ill go ahead because my friend is so big, we cannot sleep in the same bed but its okay, i will not refund, bye… (sabay balik) oh by the way heres the key… (balik ulit) and I already closed the aircon. Ciao!
Ampotah ang bait ko!
Ganito pala ang buhay ng TNT, naglalakad, hila-hila ang maleta sa kahabaan ng Nathan Road, Tsim Sha Tsui, palinga-linga at naghahanap ng masisilungan
at syempre natagpuan ang sariling kumakain sa McDo!
Nagningning ang mata, sa wakas, natanaw ko sa labas ang isang boutique hotel.
6K a night ang presyo at iba ang presyo pag weekend.
Sayang ang pera. Lakad ulit.
ilang tawag ang sinagot ko mula sa kaibigan nag nagtuturo pa ng maraming guest house
at bigo ng paulit-ulit. Lintsak, hindi kami magkaintindihan dito
nakailang iskinita, paliku-liko, tawid, liko, underpass, lakad at maya-maya ay may kumaway, babae,
gitrum? gitrum?
huh?
gitrum? gitrum?
ah! yes yes guest room.
litgu!
uki, litgu!
sa wakas, nakatagpo rin ng safe na guest room.
Maggagabi na nang lumabas ako at nagpunta sa Fitness First
syempre sayang ang privilege ng fitness first passport kaya naki gym ako dito.
Maya-maya, tumawag ang kaibigan ko at sinabing naiwan sya ng eroplano.
Hong Adik!
Arrival ang nabasa pala nya at hindi departure.
Nag blink blink ang mata ko
I’m alone… I’m all alone
Yipeee!!!!
Mala dora ang adventure ko sa laki ng mapang dala ko.
Wala akong connection at hindi ko alam ang proseso ng wifi
Useless ang GPS, ang google map at kung anu-ano pang apps
kasing useless ng Globe.
Gabi, muli akong kinabahan,
Ang mga tao sa kalsada
Nakatambay sa daan,
Ang sama ng tingin
Nakita ko ang pangalan ng building,
Parehas sa una kong napuntahan, dali-dali akong naglakad
Matapos malagpasan ang dalawang gusali ay tirahan ko na.
Anak ng…. paikot ikot ako kanina sa kahahanap ng lilipatan,
Halos magkatabi lang pala ang dalawang gusali na to!
Second Day
Tanghali na ko nagising.
11AM
Kaya cable car lang at Buddha sa dulo ng Hong Kong.
Nagdeclare ng typhoon signal number 8
Kaya sa halip na cable car pabalik ay bus na lang.
In short, next morning, bawal mag Macau.
Mga 3 hours lang ang bagyo.
Yun na yun.
Tanging anim na puno na nabuwal ang binalita sa kanilang local news
With media coverage and yellow / caution line pa yun ha.
Kaya next morning, Hello Mickey!
Totoo palang maiiyak ka pag first time mo sa Disney Land.
Ang Lion King, ang It’s a small world, water parade, mickey mouse and friends
Sinakyan ko halos lahat pati carousel.
9PM daw ang fireworks. Nagtaka ako,
saka ko napansin na pasado alas siyete na ay may araw pa
kaya nang dumilim
nagliwanag ang kalangitan
ang fireworks!
Kasabay ng bawat kalabit ng flash ay pagtulo ng luha
Sinasabayan ng bawat wow ng mga bata sa paligid.
May kung ano ang gabing iyon.
Tahimik akong umuwi, naglakad sa Night Market
At namili ng keychain.
Syempre, keychain naman talaga ang pambansang pasalubong sa Pilipinas!
Ikaapat at huling araw
Nagpunta ako sa Central. Naroon nakatambay ang maraming Pinoy!
Linggo nga pala.
Araw ng pahinga.
Animo’y pista sa Hong Kong
Ang saya ng mga Pilipino.
Hindi ko na masyadong hinalungkat ang bawat kwento ng kanilang buhay
Andito ako para magbakasyon.
Nagpunta sa peak.
Naenjoy ang view
Kumain
Nagpunta ng airport.
At umuwi.
Lunes ng madaling araw, lumapag ang eroplano sa NAIA terminal 3.
Narito ang mga dapat tandaan sa pagpunta sa Hong Kong
Hanggang sa muling paglalakbay!
Interesting at talaga namang natawa at naexcite ako sa wish na ito mula kay Zyra Bambico ng blessed Zyra :
Happy Anniv Kuya Blue ![]()
Eto po ang aking hiling hehe:
To view this photo slideshow you need to have Flash Player 9 or newer installed and JavaScript enabled. PhotoSnack.com is a photo sharing website that allows you to upload your photos and share them with your friends.
Very touching naman ang wish na ito mula kay Lei ng Forbidden Lei
Hindi ko talent ang hiningi ng blogger na ito kaya humingi ako ng tulong sa iba. Ito ang kanyang email
mula kay Khanto Saberola ng Kwatro Khanto
New Header po ang aking kahilingan para sa Lucky 7.
Medyo napaglumaan na ng panahon ang header na ginagamit ko. Hindi ako makagawa dahil may sira ang computer ko sa bahay.
Yun lamang po.
Happy 7 years sa inyong blog.
more power and god bless
Isang blogger na taga Mindanao ang nagpadala ng kanyang wish. Mula ito kay Marvin Ric Mendoza, blogger sa likod ng Mga Tula at Kwento: Bahaghari ng Kaisipan
Importante din ang ikatlong hiling. Naisip ko, oo nga, marami ang matutulungan ng hiling na ito.
ito ay mula kay Richie Mendoza ng One Man One World
bago lang po ako sa pagboblog. Matagal ko na gusto magblog ngunit itong mga nakaraang buwan pa lang ako nakapag umpisa talaga. Natutuwa kasi ako tuwing nagbabasa ng mga kwento ng ibang tao kaya naisipan ko rin gumawa ng sarili ko.
Hindi matanggal ang ngiti sa akin nang mabasa ko ang wish ng isang blogger na gustong magpaka anonymous. Narito ang kanyang hiling:
Medyo marami-rami at halos himatayin ako sa mga wishes na natanggap ko hehehe. Sa bagay, sabi nga nila, kung magagrant lang naman. Y not Choknut.
Pero sabi ko nga, hindi naman ako mayaman kaya yung iba hindi ko kaya i grant.
Para sa mga ngayon lang napunta sa site ko, maaaring balikan ang pinagmulan ng Lucky Wish na ito sa nakaraang post ko (click here).
Paano nga ba pinili o pinipili ang mga wishes?
Halos lahat ng mga nagwish ay hindi para sa kanila, karamihan ay para sa mga mahal nila sa buhay o sa mga sinusuportahan nilang adhikain at organisasyon.
7 Years na ang blog na ito. Medyo mahaba-habang taon na rin simula nang magsimula akong magblog.
Syempre, nag-iisip ako kung paano ipagdiwang ang ikapitong taon. Sa atin kasi, importante ang edad na ito at madalas ay may handaan. Kaso hindi ako maghahanda. Kaya nag-isip ako ng paraan kung paano ito magiging memorable.
Pag may birthday, may regalo. Kaya nga naisip ko na humingi ng regalo magbigay ng regalo.
Sino ang bibigyan?
Pipili ako ng pitong bloggers na may hiling.
Kahit ano na importante sayo, magpapaligaya sayo, mahalaga sayo at kailangan mo.
Hindi sana mahal dahil hindi naman ako mayaman.
Nakatanggap ako ng email galing sa isang kaibigan tungkol sa patimpalak sa pagsulat ng “inspirational stories” ng PSICOM para sa buwan ng Marso. Kilala natin ang PSICOM sa kanilang mga aklat na SOPAS at True Philippine Ghost Stories. Ang mainit na pinag-uusapan ay ang kanilang Paraan / Patakaran sa Pagsali:
15. Deadline for submission of entries through e-mail will be on the eve of March 31, 2012. All entries will become the property of PSICOM Publishing Inc. and may be used for future publications.
16. All non-winning entries that will be published in future publications will have a compensation of P 700 cash. Payment will be given after publication.
Bilang tagapamahala ng Saranggola Blog Awards (SBA); munting patimpalak para sa mga blogger sa Pagsulat ng Tula, Maikling Kwento at Kwentong Pambata; nais kong ipahayag ang aking saloobin.
1. Bagamat natutuwa ako at mayroong lugar o “venue” ang mga blogger at baguhang manunulat sa tulong ng PSICOM, hindi naman ako sang-ayon na ang lahat ng mga likha ng mga manunulat; nagwagi man o hindi ay magiging pag-aari na ng PSICOM.
2. Hindi rin nakasaad kung may royalty kung sakaling ilalathala muli ang mga aklat. Sa karanasan ng ilang kakilala ko, walang royalty na nakuha nang maisama ang kanilang akda sa ilan nilang nailimbag na mga aklat. Mayroon pa ngang isang blogger na hindi nasabihan na ang kanyang pinadalang kwento ay nailimbag na.
3. Sadyang may mga manunulat na nais lamang nila na mailathala ang kanilang mga likha at hindi humihingi ng kabayaraan. Gayunman, bilang kabahagi at sumusuporta sa samahan ng mga manunulat at manlilimbag, nakikiusap ako sa PSICOM na mas lawakan ang suporta at mas maging magalang pa sa karapatan ng mga manunulat.
4. Sa mga manunulat at mga bloggers; basahing mabuti at unawain ang mga patakaran ng mga patimpalak upang maingatan ang ating karapatan.
5. Kung ito ang patakan ng PSICOM o ng iba pang may mga patimpalak, wala naman talaga tayong magagawa para baguhin ito, maaaring sabihin na hindi naman tayo pinipilit na sumali dahil malinaw ang patakarang ito at hindi nila itinago. Ang sa akin lang, kung patuloy na tatangkilin ang ganitong sistema ng patimpalak, hindi ito mababago at hindi natin maiaangat ang ating karapatan.
6. Bakit natin sila hahayaang kumita gamit ang ating talino at pagkamalikhain? Maaari tayong kumita gamit ang ating blog, marami ring publishing house na pwede nating lapitan at maaari rin na tayo ang magpalimbag ng sarili nating aklat.
7. Ang Saranggola Blog Awards ay patuloy na susuporta at gagalang sa karapatang-ari ng mga bloggers at manunulat. Kasama sa pagsuporta nito ang pangangalaga sa kalayaan ng mga manunulat na ipahayag ang kanilang saloobin sakaling nayuyurakan ang kanilang karapatan.
Ang blog ay nagbigay kalayaan, nag-angat ng galing at kumilala sa mga manunulat na marami ay hindi pinansin ng ilang mga publisher/publishing company, kaya nga marapat na alagaan at panatilihin nating buhay ang ating boses sa platform na ito.
Sa simula, may tatlong dambuhalang lumulutang sa kalawakan; ito ang araw, ang buwan at ang daigdig. Sa umaga, ang araw ang tumatanglaw sa daigdig at buwan naman sa gabi. Maliban sa buwan, madilim na ang kalawakan kung kaya’t may pagkakataong binabalot ang daigdig ng dilim sakalaing malamlam ang buwan o di kaya ay nagkukubli ito sa makapal ulap.
Sa umaga, ang lahat ay nagtatrabaho, abala sa paghahanap ng pagkain, pagtatayo ng kubo na masisilungan at kahoy na ipanggagatong sakaling dumating ang malamig na gabi.
Gayundin ang mga bata, sa umaga ay masayang naglalambitin sa mga sanga ng puno, lumulukso sa mga halaman, nagtatampisaw sa ilog at agad ding nagsisiuwian pagkagat ng dilim.
Madalas ang umpukan sa gabi, sa gitna ng apoy; magkakasama ang mga bata at matatanda. Sa ganitong okasyon maririnig ang tinig ni Tala. Siya ang pinakamatanda sa nayon, pinakikinggan ang kanyang mga payo sakaling may hindi pagkakasundo sa mga miyembro ng pamayanan. Paborito rin siya ng mga bata dahil lahat ng tanong nila ay nasasagot nito; kung saan nagmula ang isda, bakit asul ang kulay ng langit, saan nagtatago ang bahaghari at marami pang kasagutan tungkol sa pagkamangha nila sa daigdig. Hindi rin siya nauubusan ng mga kwento na kapupulutan ng aral. Siya ang nagsisilbing gabay sa kanilang pamayanan.
Isang gabi, nagbalik sa umpukan ang mga bata at matatanda upang makinig kay Tala, subalit hindi siya dumating. Gayundin ang nangyari sa mga sumunod na gabi.
Nagpasya silang puntahan si Tala at nakita nila ito sa kanyang tahanan na mahinang-mahina. Agad nila itong pinainom ng tubig at pinakain. Nagpatawag din sila ng manggagamot. Bahagyang naginhawan si Tala subalit di gaya ng dati, hindi na siya madalas makadalo sa gabi ng mga pagtitipon.
Sa bawat gabi, iba-iba ang nagkukwento sa mga bata, iba-iba rin ang tumatayong tagapagbati at tagapayo kaya lang hindi nagkakasundo ang mga miyembro ng pamayanan. Hindi rin nasisiyahan ang mga bata sa mga sagot sa kanilang tanong.
Lumala ang mga away at di pagkakasundo, nabalitaan ito ni Tala na kanyang labis na ikinalungkot.
Pinatawag ni Tala ang matatanda at magulang sa kanyang tahanan. Sapagkat labis na syang mahina at hindi na kaya ng kanyang katawan ang lamig ng gabi, t’wing hapon siya nagkukwento at sumasagot sa mga tanong na hindi nila masagot. Nag-aral sila kay Tala. Sa gabi naman, ang matatandang nag-aral ang nagkukwento at nagiging gabay sa pamayanan.
Isang gabi, sa kabila ng kahinaan ay nagpasya si Tala na samahan ang mga nag-aral sa kanya. Nalaman ito ng lahat ng miyembro ng pamayanan kaya naghanda sila ng masarap na salu-salo, batid nilang bihira ng mangyari na makakasama nila si Tala sa gabi ng pagtitipon.
Matapos ang masarap na hapunan at mapakinggan ni Tala ang mga matatandang nag-aral sa kanya ay nagsalita siya.
“Balewala ang lamig ng gabi sa mainit nating pagsasalo. Sa mga ganitong okasyon, nawawala ang takot, ang alinlangan, napapanatag ang agam-agam at nabibigyang sagot ang ating mga katanungan.” napatigil si Tala at tumingin sa bawat isa, humugot ng malalim na hininga at muling nagsalita
“Ipagpatuloy ninyo ang ganitong mga pagtitipon, hindi na ako makadadalo sa mga susunod na araw, gagabayan kayo nila” at saka itinuro ang matatandang nag-aral sa kanya
“Saan po kayo pupunta” gulat na tanong ng isa
“Mahina na ang aking katawan at alam kong hindi na ako magtatagal” sagot ni Tala
“Subalit nariyan po ang magagaling na manggagamot, pagagalingan po nila kayo?” wika naman ng isa
“Hindi kayang gamutin ang hangganan ng ating katawan subalit ang mga aral na iniwan ay maaaring magtagal. Isabuhay ninyo ito at tungkulin nyong ibahagi sa iba. Ang mga aral na iyon ay siyang magiging gamot upang pawiin ang kalungkutan sa mahabang gabi, sa oras ng pag-aalinlangan at sa takot na bumabalot sa inyong isipan.”
“Naging gabay po namin kayo sa pagpapalaki sa aming mga anak at nagpapasalamat po kami” naluluhang wika ng isang ina
“Saan po ba napupunta ang isang taong namamatay?” mapangahas na tanong ng isang binata na agad namang ikinagalit ng isang matanda “Hindi pa mamatay si Tala”
“Ang kamatayan ay dapat harapin ng may kasiyahan at hindi dapat katakutan.Katawan lamang ang namamatay subalit ang ispiritu nitong pinagningas noong siya ay nabubuhay ay magiging kabahagi ng inyong ispiritu. Mananatili siya rito hanggang sa mapagpasyahan ninyong isabuhay ang kanyang aral. Ang salita ay ang ispiritu at ipasa nyo ito sa inyong mga anak at kaapu-apuhan.Doo’y makikita ninyong nagniningas ang ating pamayanan” pagpapaalala ni Tala.
Ilang sandali pa’y lumakas ang hangin at nabalot ng maitim na ulap ang buwan. Ipinasya nilang ipasok si Tala sa kanyang tahanan. Bumuhos ang malakas na ulang tila nagngangalit, walang maririnig kundi ang patak ng ulan at hambalos ng hangin. Sa tahanan ni Tala na sila nagpatila. Muling binalot ng ingay ang tahanang iyon ng makita nilang wala ng buhay si Tala. Waring tinangay ang kanyang buhay nang nag-aalimpuyong hangin. Isang mahabang gabi ng pagtangis, ang katahimikan ng gabi ay manaka-nakang binubulabog ng bawat paghikbi. Bago pa pumutok ang araw, inilibing na nila si Tala kung saan sila nagsisiga ng apoy tanda ng liwanag na binigay ni Tala.
Nang sumunod na gabi, gaya ng ipinangako ng matatanda na nag-aral kay Tala, sila naman ang nagsalita. Nagbigay-aral at sumagot sa mga tanong ng mga miyembro ng pamayanan. May mga bitbit din silang kwento. Naputol ang pag-aaral na iyon ng magsalita ang isang batang may napansin sa langit.
“May liwanag! May munting liwanag sa langit!”
Tumingala sila at naroon nga ang isang bagong liwanag sa langit
“Si Tala! Naroon si Tala! Ginagabayan tayo ni Tala” natutuwang nilang pahayag.
At sa bawat pagdaan ng panahon, bawat matatandang nag-iiwan ng aral, bawat magulang na gumagabay sa kanilang mga anak at mga gurong nagbabahagi ng salita, isa-isa silang nagiging Tala.
Pinaniniwalaan nilang mas maningas ang butil ng tala depende sa dami ng aral na kanyang nabahagi, mga batang natuto at buhay na ginabayan. Ang kalawakan ng langit ang syang naging tahanan sa kabilang buhay. Kung kaya nga’t naging misyon nila ang maging gabay dito sa daigdig upang maging maningas na tala sa kabilang buhay.
Sabi ko ay dadalasan ko na ang pagbablog. Para sa unang entry ngayong taon, narito ang una kong post. Ang labindalawang gabay sa buhay. Siguro, naging maganda ang taong 2011 dahil sa mga sumusunod na patakan ko sa aking buhay
1. “Ang buhay ay parang isang malaking Quiapo…”
kung iniisip mo na ang kasunod ay “maraming snatchers” – nope mali ka dun. 1. “Ang buhay ay parang isang malaking quiapo, puno ng panaginip, mecca ng mga pangarap.
Bawat mag-aaral na nagsisimba o napapadaan, bawat magulang, mga pumapasok sa simbahan, mga driver na nag aantanda ng krus, kahit mga bata isama mo na ang mga mandurukot, lahat sila tumitingala, bumubulong, nangangarap at nagdadasal.
Syempre hindi mo kailangang pumunta ng Quiapo. Ang kailangan ay UNA may pangarap ka at PANGALAWA may lugar kung saan mo ito isasabit o titingalain. Maglagay kahit sa kwarto o sa computer ng larawan ng iyong pangarap. Araw-araw mong dasalan, tingnan at mangyayari yan. Gaya ng Quiapo. IKATLO, mag-ingat sa magnanakaw. Huwag mong hayaang nakawin ng iba ang iyong pangarap. Ilagay sa lugar na hindi mawawala, safe itong ilagay sa puso mo.
2. “I Should have been informed”
Meron tayong mga Christopher Lao moment sa buhay natin. Yun bang magulo isip mo tapos kailangan mong magdecide at magtake ng risk. Ang masakit, hindi pala yung risk na ginawa mo ang magbibigay sayo ng lesson kundi ang comments at hindi mo makontrol na opinyon ng mga tao. Yun tipo bang ipapanalangin mo na sana nalunod ka na lang sa baha!
Gaya ng baha, huhupa din yan. Let it Flow. Let is passes by. Today’s News is Tomorrow History ikaw nga. Dadaan ang intriga sa buhay mo. Rule number ONE. Do NOT entertain. Rule number TWO. MOVE on. Kaya nagiging madrama ang buhay at lumalaki ang isyu e dahil pinapatulan. Habang naaapektuhan ka, natutuwa ang mga umiintriga sayo. Rule number THREE, ang taong maisyu, nilalapitan ng isyu. Kaya wag ka ring mang intriga ng kapwa.
Kapag nagdasal ka sa gitna ng problema, be careful with what you wish for. Baka mataranta ang langit at maibuhos ang hinihiling mo. Tulad ng “I should have been informed” O di ba? lahat tuloy ng tao; may kinalaman man sa buhay mo o wala, nilecturan ka.
3. Oh Wow, Oh Wow Oh Wow!
Wonder! Discover beautiful things. Discover Life. Live your life. No words can explain Life. Speechless!
4. “hindi ko mabigay sa kanya yung kailangan niya.”
Iwasan, wag patulan at wag hayaang madumihan ang kamay. May Karma. Maniwala. Again, that’s Karma, Bitch!
Salamat sa bagong feature ng Facebook – ang Timeline. Madali kong nabalikan at nareview ang taong 2011.
Medyo maraming pahabol na hindi magandang nangyayari ngayon na ibinabalita, kaya nga nagpapasalamat ako at naging mabait sa’kin ang 2011.
Itong taon na ata ang pinakamaraming byahe na nangyari sa buhay ko.
1. Tatlong beses akong nag Boracay ngayong taon. At kung may panahon pa sana, babalik ako at mag bi beer party sa lahat ng bar ng boracay.
2. Tatlong beses din na nag Cebu. Mas naappreciate ko sya nung 3rd visit ko nitong October. Mas naikot ko ang mga gimikan. Continue reading
Gaya ng marami, nakikisabay lang ako. Nakikibasa, nag a update, nakikipagkulitan and in fact mas madalas pang mag comment kesa sa magpost. Hindi naman ako hardcore blogger. Online shopper pwede pa, isama mo na ata ang forum shopper pero ang blog, hindi ako to. Hindi gaya nya na dekalibreng blogger.
Sya yung pag nag post, wow wala pang isang oras tadtad na ng comment at like. Si anonymous talaga. Hindi ko alam kung saan nya kinukuha ang ganun karaming ideya. Ang creative! Hindi nakakasawa at ang blog nya lang ang shinishare ko once nagpost sya. Nakasubscribe ako kaya updated ako sa kanya at syempre nakikibase sa pagcomment.
Nakikipagkulitan din sya sa readers kaya nga nagiging thread ang comment section. Iba rin ang pakiramdam pag nakiki interact sayo ang idol mo kahit sa comment man lang. Continue reading
Wala na.
Bihira akong sumuporta sa mga bloggers kapag kinakailangan nila ng boto sa mga patimpalak dahil marami sa kanila ay kaibigan ko at madalas ay pare-pareho silang nominado. Umiiwas lang ako sa tampuhan. Pero sa pagkakataong hindi, kinakailangan kong manindigan at magbigay boto (na kailanman ay hindi ko ginagawa dahil hindi rin ako bumoboto sa local o national election, lakas mo sa’kin Otep) para sa isang blog / blogger na may malaking impluwensiya sa buhay ko dito sa blogworld.
Nakilala ko si Otep at ang kanyang Libre Lang ang Mangarap halos apat na taon na ang nakakaraan. Hindi pa masyadong sikat ang mga patimpalak sa mga bloggers. Nabasa ko ang kanyang blog at pausong exchange link requirement para tumaas ang hits at dumami ang mambabasa. Umakyat ang hits nya lalo na sa kanyang entry na Ako Mismo. Continue reading
Walo kaming magkakapatid at ni isa, walang nagpre-school. Hindi ko na naabutan yung panahon na pwede ka ng mag grade 1 kung kaya mo ng abutin ng kanang kamay ang kaliwang tenga mo. Kasi naaalala ko, para makapasok ng grade 1, dapat ay kaya mo ng isulat ang alphabet at ang pangalan mo.
Totoo nga, napaka importante ang pangalan, unang araw ko kasi sa grade 1, iyak ako ng iyak, hindi ko naiintindihan ang mga pinaggagagawa namin. Gusto ko ng umuwi at for the first time, gusto ko ng matulog sa tanghali. Uuwi ako at matutulog na lang kahit dati ay ayaw ko. Sabi ng teacher namin, ang unang pauuwiin ay yung makakasulat ng buong pangalan at apelyido sa papel – back to back. Agad akong nagpasa pero sabi ni teacher, back to back daw, hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng back to back kaya pinaliwanag ni ma’am, namilog ang mata ko at halos lumubo ang sipon ko sa pagpipigil sa nagbabadyang pag agos ng luha. Pagbalik sa upuan upang muling isulat ang pangalan ko, nanginginig ang kamay ko, nakita ng kaklase ko na hindi ko kaya, kaya sya na ang gumawa nun para sa akin. Kung hindi ako nagkakamali Melchor ata ang pangalan nun, matangkad at magtetake ng acceleration exam para maging grade 4. Sya ang unang anghel sa buhay- paaralan ko. Mula noon, naintindihan ko ang kahalagahan ng pangalan! Ang ikalawang anghel ay si Aling Maria, ang naghahatid sa akin sa paaralan. Sa huling subject at mag uuwian na, mula sa bintana ay iaabot nya sa akin ang papel na may pangalan ko – back to back, sulat iyon ng nanay ko!
Smart Kid daw ako. Kaya nga laking pagtataka ng lahat nung maging iyakin ako sa school. Hindi pala ako ready. Gayunman, looking back, hindi man ako naging handa sa elementary days ko, naging handa naman ako sa totoong buhay. Dahil iyon sa A B C D na tinuro ng magulang ko.
matatanda na tayo. edukado, may pinag-aralan at kayang ipaliwanag ang nangyayari sa mundo. kaya nating magpayo, kaya rin nating sabihin kung bakit ito ay tama o bakit ito ay mali at kung bakit kahit ito ay tama ay hindi maaring gawin, gayundin kung bakit minsan ang mali ay may tama.
nasa hustong edad na tayo para unawin ang bawat isa at para palagpasin ang mga masasakit na sandali sa piling mo.
Madali lang sa’tin ang pumikit, magkibit-balikat at magbuntung-hininga. sabihin na, sige na, matapos lang ‘to.
Walang Anuman. ang tagal ko atang hindi nasabi ito. nanibago ako.mahirap pala syang gamitin kapag nasaktan ka ng todo. paano mo sasabihin na wala yun, okay lang yun, tapos na – kalimutan na natin yun?
pero dahil gusto natin parehas makawala at makamove forward, (nang mas madali) ipipikit natin ang mata natin at ibubulong sa puso natin na, sige na, okay lang yun.at dahil mabuti ka, ibubulong mo pa na “pagpalain ka nawa.”
ang mga bagaheng ito ay iniiwan ko para magaan kong tatahakin ang pagtanda. Continue reading
“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”
Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 3
TEMA : Laruan
Kategorya
Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2011 – Oktubre 15, 2011
Awarding : Disyembre 17, 2011
Ang tema ng ating patimpalak sa taong ito ay Laruan. Paliparin ang kaisipan at humabi ng maikling kwento, kwentong pambata at tula na may kaugnayan sa Laruan. Maaaring bagay, simbolismo, katangian o kahit anong atribusyon sa laruan.
Kalahok
Siguro, hindi mo na inaasahan ang sulat na ito.
Kung naaalala mo pa, 10 years ago, sa klase natin sa Makati High School, meron kayong Student Teacher sa Values Education na hindi masyadong siniseryoso. Syempre, student teacher lang naman ‘to, bakit kayo magsasubmit ng assignment at projects. Kaya nga sa dami ninyo, hindi lahat ay nagpasa ng requirements.
Bago magtapos ang taon, bago kayo maging abala sa graduation at pag aaply ng mapapasukan sa college, dalawang project ang kailangan nyong tapusin. Madali lang naman di ba, ang sumulat ng 10-year plan at 101 wishes na ilalagay nyo sa isang envelop na may address ninyo. Continue reading
Wala ng maraming palabok, beerday ko na naman at 31 na ko ngayong June. Dahil dito, inaanyayahan ko kayong lahat na magtanong, (akala nyo birthday celebration? assuming, hindi naman tayo lahat close) as i was saying, 31 interesting questions syempre about me na gusto nyong sagutin ko. Oy, wag umasa na sasagutin ko lahat ng tanong, yung 31 na interesting lang at hindi ikasisira ng buhay ko.
Pano?
Pwede kayong magtanong sa comment section sa baba at sasagutin ko sa takdang panahon.
Surprise!
Umaga na naman, medyo malinis na ang kwarto ko.
Malinis na rin ang isip, pati na ang loob.
May nakatakda nang gagawin para sa susunod na anim na buwan.
Hindi ako nag iskedyul ng trabaho, pahinga lang nitong Sabado at Linggo.
Nagkataon naman na ang mundo ay nagdiriwang. Continue reading
Madalas kong makita si Mitzel, nakangiting mag-isa. Parang laging may kausap sa isip, tatangu-tango, nakatingin sa malayo, minsan nanlalaki ang mata at nakatingala sa alapaap na para bang namamangha. Bata pa siya noon, patpatin, maikli at manipis ang buhok, kayumanggi at laging suot ang pudpod nyang tsinelas.
Mabilis syang tumakbo, mailap na parang ibon subalit di gaya ng mga langay-langayan sa himpapawid, madalas ay sya lang mag-isa. Kahit nga kasama ang kanyang mga kamag-aral, kalaro at kahit sa gitna ng umpukan nilang magpipinsan, wari siyang nag-iisa, abala sa kanyang iniisip, sa sarili niyang munting isip. Continue reading
Ang mundo ay hindi pisikal.
Hindi ito tungkol sa mga gusali,
hindi rin sa mga pasyalan,
lalong hindi ito tungkol sa pulitika
at hindi sa mga artista.
Ang mundo ay hindi rin tungkol sa mga samahan
at hindi rin lang tungkol sa pagkakapatiran,
ang mundo ay hindi ako
o ikaw,sila o tayo.
ang mundo ay hindi rin pala bilog
hindi lang kasiyahan at lumbay,
ang mundo ay hindi tungkol sa pagkabigo
at hindi katumbas ng pagtatagumpay.
Hindi ito ang mundo.
may kabilang daigdig na matatagpuan dito
ngayon at hindi sa kabilang buhay.
May daigdig na hindi nasa isip
kundi nasa ugnayan ng mga isip.
Itong daigdig ay para sa mga bulag
para sa mga hindi bukas ang pangitain
dahil may mas malawak na daigdig
na may ibang ginagalawan.
Walang sakit ng damdamin
walang panghihinayang
walang sana at sayang
sa aking daigdig.
Malaya ang mundo
walang patakaran
hindi natatakot
laging may natututunan.
Ang mundo ay walang sukat
o hangganan,
hindi ito tungkol sa iisa
ito ay tungkol sa diwa.
Pagkat ang mundo ay bahagi at kaugnay ng mas malawak na mundo
na tanging iilan ang nakakakita at nakakaunawa.
Ang mundo ay may mga salita
sa totoong mundo ay nag uusap.
Una sa lahat, hindi ako nalalasing sa beer at salamat dahil hindi kayo nandiri sa balut na pulutan o sadyang abala kayo sa pagvivideoke. Bago pa man ako dumating, nagtext na ko na lalamon ako dahil breakfast pa lang ang kinain ko, mag-uumaga na naman at hindi pa ko kumakain – buhay apartment! Isa pa, hindi naman talaga ako nagvivideoke.
Mukhang pagod kayo sa mga pinaggagawa ninyo nang araw na yun kaya hindi rin kayo masyadong nag uusap nila Ning at Bing – busy kayo sa pagpili ng kanta o talagang yun lang ang gusto nyong gawin, ang kumanta.
Hindi nyo rin masyadong pinansin ang boylet ni Bing kaya naman mayamaya ay nagpakabusy na rin siya sa pagvideoke – akalain mong may talent.
Pagod ka siguro Mags kaya may mga sinasabi kang seryoso, nasa boundary ng usapang lasing at usapang praning. Lasing ka na ng sinabi mong isa na kong brand! Ampotah! Sana man lang ay nakilala ko ang manager ko at kumita ako! At praning ka ng sinabi mong nahihirapan ka o nadedepress sa mga nangyayari. Remember the art of deadmatology? Carry lang Mags. Walang pinagbago 6 years ago ng sinabi kong kaya kong matulala ng mahabang oras at takasan ang mga toxic sa buhay ko. Effective sya hanggang ngayon – alam kong kaya mo rin yun.
Nabasa mo na ba ang book na may dedication ni Margie? (feeling close) ako hindi pa. Baka makatulong yun pero isa lang ang sigurado ako, mas okay na rin na maging paborito ni Luis si Taylor Swift kesa kay Lady Gaga. Masyadong creative si Lady G. Naisip ko lang, kung ipakausap mo kaya lagi si Luis kay Louie? Ang hirap kasi ng pinapa assignment mo.
Yung tungkol sa hardware, depende kasi kung ano o saan ka poposisyon. Kung Managing Director ka, kahit hindi mo alam ang detalye nun, think business lang. Pero kung laging scrap ang ideas mo, ayos lang, kumikita ka pa rin naman – so anong difference lols.
Yung tungkol naman sa Friday, subukan kong humabol, luau party ba or Hawaiian? Habol ako – pamorningan na naman ba?
O siya, pinagbigyan lang kita thats why i blog u. Peace! hehehehe
Please pass on to people you know might be interested
Thanks!
(forwarded by Phillip Kimpo Jr)
LIRA Poetry Clinic 2011, Bukas Na ang Aplikasyon
Binubuksang muli ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA), ang kilala at pinakamatandang aktibong kapisanan ng mga makata sa wikang Filipino ang Taunang Klinikang Pampanulaan para sa mga nais lumahok. Ang lingguhang klase tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 n.u. hanggang 5:00 n.h ay tatagal mula Hunyo hanggang Agosto, subalit magkakaroon pa rin ng iilang klase hanggang Nobyembre.
Upang makapagpatala, magpadala ng isang Word Document file na naglalaman ng mga sumusunod: isang pahinang bio-data, ID picture, numero ng telepono, at limang tula sa Filipino sa palihan@liraonline.org. (Hindi tatanggapin ang mga tulang nakasulat sa Ingles at ibang wika.) Maaari rin mag-iwan ng isang sobreng naglalaman ng mga kailangan sa pigeon hole ng LIRA sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman, 1101 Quezon City.
Ang huling araw ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2011.
Sa ibang balita, pormal na manunumpa sa ika-5 ng Marso ang bagong halal na pamunuan ng LIRA. Si Phillip Kimpo Jr. ay nahalal sa kaniyang ikalawang termino bilang Pangulo, at sasamahan siya nina Mariane A.R.T. Abuan (Pangalawang Pangulo), Giancarlo Lauro C. Abrahan V (Kalihim), Deborah Rosalind D. Nieto (Ingat-Yaman), at Louie Jon A. Sanchez (Ugnayang Pangmadla).
Kasabay na manunumpa ang labin-isang bagong kasapi at “poet-volunteer” ng LIRA. Batay sa kanilang husay sa sining ng pagtula at sa kanilang kahandaang maglingkod para sa kalinangan ng bayan, sina Mark Arisgado, RR Cagalingan, Joseph Franco, Elmer Grampon, Vins Miranda, Conrad Nuyles, Imee Rabang, Rae Rival, Crecee Roldan, James Tana, at Shiela Virtusio ang napiling maging mga kasapi mula sa mga nagsipagtapos sa Klinikang Pampanulaan 2010.
Ipinagdiwang ng LIRA ang ika-25 taon nito sa nakaraang taon. Bilang bahagi ng anibersaryo nito, idinaos ng organisasyon ang ilang pangunahing proyekto, kabilang ang isang pambansang kumperensiya, dalawang pambansang timpalak sa tula, isang aklat, apat na chapbook, at ang Sining ng Tugma at Sukat 2010, ang libreng pagtuturo ng panitikan ng LIRA at NCCA sa siyam na bayan sa Luzon.
Itinatag ang LIRA ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma) noong 1985. Sa mga palihan ng LIRA nagmula ang mga premyadong makata tulad nina Roberto at Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, at Edgar Samar. Para sa dagdag na kaalaman tungkol sa LIRA, magtungo lamang sa http://www.liraonline.org.
* * *
Call for Submissions: LIRA Filipino Poetry Clinic 2011
LIRA, the celebrated and oldest active organization of poets in Filipino is now accepting sign-ups for its yearly poetry clinic. The regular clinic period is from June to August and will be held every Saturday and Sunday from 9:00 AM until 5:00 PM, although several more sessions will be held until November.
All those interested must submit one Word Document file containing the following: one-page bio data, ID picture, contact numbers, and five poems in Filipino, to palihan@liraonline.org. (Poems in English and other languages will not be accepted.) An envelope containing the requirements may also be dropped off at the LIRA pigeon hole at the UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, UP Diliman, 1101 Quezon City.
All submissions should be in on or before April 30, 2011.
In related news, the new officers of LIRA will be formally sworn in on March 5.
Phillip Kimpo Jr. was elected to his second term as President, and he will be joined by Mariane A.R.T. Abuan (Vice President), Giancarlo Lauro C. Abrahan V (Secretary), Deborah Rosalind D. Nieto (Treasurer), and Louie Jon A. Sanchez (Public Relations Officer).
Also to be sworn in are eleven new members and “poet-volunteers” of LIRA. Based on their skill in the art of poetry and on their willingness to serve for the nation’s culture, Mark Arisgado, RR Cagalingan, Joseph Franco, Elmer Grampon, Vins Miranda, Conrad Nuyles, Imee Rabang, Rae Rival, Crecee Roldan, James Tana, and Shiela Virtusio were chosen to become members from the graduates of the Poetry Clinic 2010.
LIRA celebrated its 25th anniversary last year. As part of its silver jubilee, the group held several key projects: a national conference, two national poetry contests, a book, four chapbooks, and the “Sining ng Tugma at Sukat 2010,” a literary education outreach program of LIRA and the NCCA in nine towns across Luzon.
LIRA was founded by National Artist for Literature Virgilio S. Almario (a.k.a. Rio Alma) in 1985. Its workshops have produced award-winning poets such as Roberto and Rebecca Añonuevo, Romulo Baquiran Jr., Michael Coroza, Jerry Gracio, Vim Nadera, and Edgar Samar. For more information on LIRA, please visit http://www.liraonline.org.
Mamaya, titingnan ko ang paglubog ng araw at magpapaalam – para sa taong 2010.
Nakailang-tanaw din ako sa paglubog ng araw. Perfect!
Alam mo kung ano ang perfect dun?
Yung sandali na inaabangan mo siya – bilog na bilog, mapula at dahan-dahang lumulubog hanggang sa tuluyang maglaho. Iyon ang perpektong sandali.
Hindi ka makakurap, naririnig mo ang tibok ng dibdib at halos walang nagsasalita maliban sa musikang iyong naririnig dyan sa isip mo.
At paglubog ng araw, ang tila nakahintong mga tao, sasakyan o maging oras ay muling gagalaw.
Panibagong araw na naman, panibagong taon.
Siguro isang guhit sa noo ang madadagdag, o kaya dagdag timbang.
Dati pag magbabagong taon, ang hiling ko, sana magkaroon ng perfect job, perfect love, perfect friends at perfect life.
Kaso ni isa walang nangyari. Hindi perpekto ang buhay.
Pero kahit ganun, masaya pa rin. Gumigising pa rin ng nakangiti. May halakhak na naririnig. May kinang ang mata, may dahilan para mabuhay at mamangha.
Kasi sa bawat imperfection, may mga taong andyan palagi. May surprises, handang makinig, nakikikulit, nakikitawa at nakikiyak kahit sa sinehan.
Hindi rin perfect ang buhay nila.
Hindi na rin nila hinahanap ang perfection, masaya sila at naniniwala na hindi kailangang maging perpekto ang mundo para mabuhay at maging masaya.
Dahil kapag kasama mo sila, parang perpekto na rin ang bawat sandali.
Yun ang dahilan kung bakit sila andyan.
Bukas tuloy pa rin ang buhay,
para sa mga hindi perpektong gaya ko.
Gawin nating makabuluhan ang panibagong taon!
Ilang ulit na kong nagtatangkang sumulat o sabihin kahit dito man lang pero sadyang hindi nagkakasundo ang dila maging ang isip. May mga sinasaalang-alang rin ang damdamin.
Ayos lang na mapuyat ako ngayong gabi, hindi na pwedeng ipagpaliban, kailangan kong buuin ang mga salita. May naghihintay.
Eksaktong salita… May Naghihintay.
at ang dahilan ng pagkaantala… May Maiiwan.
Nakailang ulit nang pinagpaliban, iniwasan at sinabing sandali lang, pero sabi nga, haharap ka sa nakatakda. Ito ang dapat piliin, ito ang sa ngayon ay tama.
Pangako ito hindi lang sa pagkakataon kundi sa sarili, nagkataong nakalimot at nasiyahan o may sinasabing pinakikisamahan.
Yung mga araw o taon na binilang, hindi naman nasayang yun. Nasuklian naman, naging mabuti at nakapagtanin ng kabutihan.
Siguro nga medyo mahirap unawain, kilala ko na ang ganyang sitwasyon, ang tawag ko dyan, wala naman talagang kasiguruhan. Lahat ay tumatawid lang. Lahat ay naglalakbay.
Gaya ng una kong post sa blog noong 2005 – ang buhay ay isang paglalakbay.
- natapos sa oras ng kapanganakan.Puti ang napili kong kulay.
Sabi ko, para madaling linisin. Kita mo agad kung madumi.
Para tipid sa ilaw, sadyang maliwanag ang buong paligid.
Para kahit anong kulay ang gamit, pwede kong bilhin, wala namang hindi babagay sa puti.
Puting-puti rin ang ilaw. Gusto ko yun, yung nakakasilaw.
Maaliwalas.
Sabi ng iba, mukha daw ospital.
Oo nga, napansin ko rin.
Ilan na nga ba ang naconfine dito.
May nagkasakit at nakituloy,
May inabutan ng ulan.
May nakipaghiwalay sa asawa at nagpaampon pansamantala.
May mag-a outing at aalis ng maaga.
May mga kaibigan na dumalaw.
May nananghalian
Nag-inuman
At naging tambayan.
Hanggang sa unti-unting nagsara ang pintuan.
Nakakapagod din palang mag-abala.
Masarap yung umuwi ng walang inintindi.
Kundi matulog at gumising at magblog at matulog at gumising,
Daraan ang weekend na walang labasan.
Dito lang, kapiling ang TV, ang computer, makikinig ng music
Kung bored na, magbabasa,
Mag eeksperimento ng luto.
Magsusulat.
Mag-iisip ng bagong gagawin.
Isang taon na pala!
Hindi pa man nagsisimula e puno na ng mga bagong gagawin.
bagong grupo
bagong libro,
bagong trabaho
mga bagong pagkakaabalahan para sa bagong taon
at syempre
panahon na
na lagyan ng kulay
ang kwarto.
Maligayang Pasko!
Puti ang napili kong kulay.
Sabi ko, para madaling linisin. Kita mo agad kung madumi.
Para tipid sa ilaw, sadyang maliwanag ang buong paligid.
Para kahit anong kulay ng gamit, pwede kong bilhin, wala namang hindi babagay sa puti.
Puting-puti rin ang ilaw. Gusto ko yun, yung nakakasilaw.
Maaliwalas.
Sabi ng iba, mukha daw ospital.
Oo nga, napansin ko rin.
Ilan na nga ba ang naconfine dito.
May nagkasakit at nakituloy,
May inabutan ng ulan.
May nakipaghiwalay sa asawa at nagpaampon pansamantala.
May mag-a outing at aalis ng maaga.
May mga dating kaibigan na dumalaw.
May nananghalian
Nag-inuman
At naging tambayan.
Hanggang sa unti-unting nagsara ang pintuan.
Nakakapagod din palang mag-abala.
Masarap yung umuwi ng walang inintindi.
Kundi matulog at gumising at magblog at matulog at gumising,
Daraan ang weekend na walang labasan.
Dito lang, kapiling at TV, ang computer, makikinig mg music
Kung bored na, magbabasa,
Mag eeksperimento ng luto.
Magsusulat.
Mag-iisip ng bagong gagawain.
Isang taon na pala!
Hindi pa man nagsisimula e puno na ng mga bagong gagawin.
bagong grupo
bagong libro,
bagong trabaho
mga bagong pagkakaabalahan para sa bagong taon
at syempre
panahon na
na lagyan ng kulay
ang kwarto.
Maligayang Pasko!
Mga ka-wordpress, ka-blogger at ka facebook. Sikat na si Jason hehehe. Panoorin ang video ng ating makulit at paboritong blogger na si Jason De Guzman aka jason Hamster. Ang kanyang blog ay matatagpuan sa http://www.jasonhamster.wordpress.com
Habang kasalukuyang ginigisa ng mga hurado ang mga Maikling Kwento, Tula at Kwentong Pambata ng mga kalahok sa Saranggola Blog Awards 2, may oras na akong magsulat.
Klap! Klap! Klap!
Kanina sa meeting, tumayo ako saglit at iniwan ang aking notebook, pagbalik ko, tinanong ako ng kameeting ko kung nais kong maging doktor. Sinuklian ko siya ng tawa.
Sadyang hindi maganda ang sulat ko maliban sa pirma ko.
Ngayon, sa pagitan ng pagsusulat at pagkukwento, mas gusto ko ng magkwento na lamang. Lahat ng dahilan ay naiisip ng kamay ko pag magsusulat na siya; naroong nangangawit ito o kaya naman ay nanginginig.
Naaalala ko pa noong Grade 1 ako at pinasulat kami sa papel ng aming pangalan. Dapat punuin namin iyon – harap at likod, bago kami payagang makauwi. Hindi ako nag kinder kaya hirap na hirap ako. Hindi ko rin makuha ang logic ng pagsusulat ng pangalan sa isang buong papel. Siguro para bata pa lang ay makilala ko na ang sarili ko. Paiyak na ko noon nang mag-abot ng tulong ang kaklase ko na siya na ang magsusulat para sa akin, napansin niya atang naluluha na ako sa activity na yun.
Grade 2 naman kami nag cursive writing, nagustuhan ko ito. Mas mabilis pala pag kabit-kabit at hindi na ako tumigil noon sa pagsusulat.
Naging aktibo ako sa klase. Ako ang unang sumisigaw ng “Finish” sa t’wing matatapos akong magsulat. 4th year High School na ata akong tumigil sa pagsigaw ng “Finish”.
Ang ballpen ko noon, laging finish din. Tuwang-tuwa ako pag nauubos ko ang tinta. Pag nauubos kasi, kinukuha iyon ng pinsan ko, pwede daw palitan iyon ng bago basta isauli lang ang basyo – Panda at Kilometriko ang ballpen ko noon.
Ilang kilometro na kaya ang narating ko sa haba ng mga letrang naisulat at pinagkabit-kabit, malayo na nga – hindi lang sa layo ng lugar kundi sa haba ng panahon na nabuhay ako. Tama nga naman sila sa sinabi nilang malayo ang mararating mo kung marunong kang magbasa at magsulat.
Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kaya’t minarapat ng Diyos na magturo ako sa elementary at pahawakin ng mga makukulit na istudyante. Nagturo rin ako ng cursive writing. Dalawang taon lang iyon, umayaw na ako at sign na siguro na magresign nang masabihan ako ng Grade 2 student ko na ginagaya niya lang ang sulat ko nang minsang pagsabihan ko ito na ayusin ang pagsusulat. Minsan rin nila akong sinita kung bakit daw kami nagsusulat sa hangin. Hilig ko kasi noon na pasulatin sila ng cursive sa hangin, gaya ng natutunan ko noong elementary ako. Ewan ko ba, ang sarap ng pakiramdam kapag sabay-sabay kayong nagsusulat sa hangin.Parang mas natututo, sama-sama at nagkakaisa kayo sa pagsusulat.
Hanggang sa namalayan ko na lang na ang gawaing iyon ay nangyayari ngayon.
Ang pagsusulat sa hangin – sa virtual world, sa lumulutang at malawak na espasyo ng internet.
Dito, sama-sama tayong nagsusulat, nagkukwento at nagbabahagi ng ating mga karanasan at natututunan.
Nagkakaisa tayo – gaya ng 52 bloggers na nakiisa sa pagsulat ng maikling kwento, tula at kwentong pambata. Sa lahat ng sumali at patuloy na sumusuporta sa Saranggola Blog Awards Year 2, ngayon palang ay nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat. Ngayon, mayroon na tayong walumpong (80) bagong mga akda, lumilipad gaya ng saranggola sa kalawakan ng internet.
—-
Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga bagong manunulat! Klap! Klap! Klap!
lipadlaya. siyetehan. r. mysterio. eloiski . 2rivers. bevs. spagetisows. katrinadanieles.The_empr3ss. batang istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. metaporista. andee. dahnjacob. tuyongtintangbolpen. cuteberl. toyangxcore. batangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. stilssdd. bonistation. ryanjay. mariaespie. purpledribbledlife. topexpress.
kaya i link na- Saranggola Blog Awards
Ayoko kong maging emo sa entry na to dahil hindi ako na eemo instead naiinis ako.
kailangan ko ng harapin ang nakatiwangwang na isyu na sa sobrang kaabalahan ay hindi ko makumpronta.
Hindi ako natutuwa. Hindi ako masaya.
Discontented and Dissatisfied.
No to conspiracy,
Plasticity is no longer a virtue.
At sa pagkakataong ito, hindi ako tatahimik na lang.
I’m back.
I am directing all my energies to correct things.
let the energy flows.