malamlam ang ‘yong mata
sa sulok, sa pasilyo
walang buhay ang nakalugay mong buhok
pinapatamlay ng maputla mong damit.
madalas ang tagpong ito
hindi kita babatiin
marahil isa ka lang sa maraming malikmata
pero dama ko ang init ng ‘yong hininga
totoo nga, may buhay
bagamat waring pagal na kaluluwa
sa pasilyo,
sa sulok.
nakita kita
pilit mong kinukubli sa ‘yong
mapagbalatkayong ngiti
ang kasabikan sa piling niya
hindi nakapagsisinungaling ang mga mata
hindi ang ‘yong mata,
lalu’t hindi ang iyong sigla.
isa kang alaala,
hindi na sana kita aalayan ng pansin
subalit isa kang alaala
ng nakaraang pagsinta.
binati kita noon,
ganyang-ganyan ang ayos mo
may lungkot,
nakinig ako, nakiramdam
nakidalamhati sa ‘yong kalungkutan.
naging maligaya ka noon,
pati hanggang ngayon.
napalitan ang ‘yong lungkot.
ang kaluluwa mong tagos sa aking mga mata’y nabuhay
samantalang mula noon
ang kaluluwa kong nag-alay
ang nangulila.
ang naghanap ng kalinga.
hindi na ako makikinig
paumanhin kung di na makikiramay,
wala na akong maiaalay.
Inihanay sa: tula | Minarkahan: diwata, gayuma, hibang, kalungkutan, malikot na isip, pag-ibig, paghahanap sa sarili, pagkatulala, tula


















sana may kwento kayong ugnay talaga sa engkantada!…….
blue : hehehe sige gawa ako. hmmm next year.
ok na siguro pag may alam mo na ahhhhhmmmmmm!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!>>>>>>>>>>>>>>>>!!!!!!!!!!>>>>>>>>>>>!?????????????????!!!!!!!!<<<<<<<<<<<!”"”"”"””””””;
blue : ano yung alam mo na. hehehe
Bakit wala ka nang maiaalay? Sana hindi mo na lang nilapitan noong una pa man.
blue: hindi naman natin maiiwasan kung tadhana ang pilit nagtatagpo.