sa pagtuklas ng kapayapaan
sa mabilis na paglamon ng dilim
sa bayan ng pangamba
aandap-andap ang gaserang
matapos mapatid ng hangin ang huli nitong ningas
ay s’yang nagpaliyab sa karagatan ng takot.
Walang anu-ano’t dumaisdis ang mga punglo;
putok dito, putok doon; walang tigil ang ratratan
mas nakabibinging sigaw ng naghihingalo ang umalingawngaw.
anupa’t nagliyab ang mga pawid na tahanan;
walang maisaboy maliban sa nangagbahang dugo.
Pumula ang lupa at nangamula ang apoy
habang ang ilang may natitirang tapang na lumalabang mabuhay
ay lalong pinapupula, nagpupuyos sa paghihiganti.
Ito ang lihim na bayang nagkukubli sa anino ng gabi
masukal mabuhay, subalit mas masukal ang mamatay
nang walang kalaban-laban.
Nakilala ko ang kapayapaan.
Inihanay sa: tula | Minarkahan: karahasan, makakaliwa, makakanan, mindanao conflict, pag-ibig sa bayan, pagtuklas ng kapayapaan, pakikibaka, prinsipyo, tula, tula ukol sa kapayapaan


















ang panget po…..
ang ganda po….