Ang pakikipagsapalaran ni Hipon

PAALALA: Hindi ito kwentong pambata

Isang umaga, kasabay ng pagbago ng ihip ng hangin ay ang biglang pagkabulabog ng mga lamang dagat.

“Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo ang mga lamang-dagat?” tanong ni hipon

“Nagbabago ang agos ng dagat, patungo na ito sa gawing kanluran?”

“Ha? Bakit ganun? Baka maligaw ang mga isda, paano na ang mga isda”

“Wag kang mag-alala, minsan sa isang taon ay umiiba ng direksyon ang agos ng dagat, nakasanayan na ito ng mga isda.Panahon na para tumawid patungo sa malaking dagat”

“Kung ganun, paano ang mga maliliit na isda, paano sila sasabay sa agos ng tubig, mabubuhay ba sila?” pagkabahala ni hipon

“Tungaw! May mga magulang silang aalalay sa kanila. Yun ang ginagawa nila ngayon. Kaya nga sabay-sabay silang lumalangoy patungo sa direksyong iyon”

“Sandali, kung nagbabago ang agos ng dagat, ibig sabihin ba ay magbabago rin ang mga kilos nila?”
“Ha?”

“Kasi, napag-aralan ko na ang kalikasan ay may direktang relasyon sa lamang-dagat, kung magbabago ang kalikasan ay maaapektuhan ang mga isda?”

“Hmmm, Oo, may pagbabago, pero hindi laging masama dahil sa panahong ito rin magdadagsaan ang mga plankton, maraming makakain ang mga isda.”

“Pero hindi lang pagkain ang dapat na iniisip natin. Ang pagbabago sa kalikasan ay maaaring makapagdulot ng pagbabago sa ugali, kailangan nating bantayan ito dahil may dagling pagbabago na makapagdudulot ng stress, halimbawa, ang pamayanan ng mga isda na biglang narelocate ay kinakailangang sundan at siguraduhing manatili sa dating ayos. Ang paglipat na ito ay magdudulot ng kaguluhan.”

“Ganun ba yun?”

“Oo, napag-aralan ko yan, gusto mo tulungan ko kayo sa pagsasaayos ng pamayanan ng lamang-dagat”

“Talaga, may alam ka ba sa pamayanang lamang-dagat?”

“Oo naman, lumaki rin ako sa dagat, hindi nga lang sa dagat na sinlalim nito, nagising kasi ako, narito na ako”

“Ah, baka tinangay ka rin ng dagat?”

“Siguro nga”
<!–[if !supportLineBreakNewLine]–>
<!–[endif]–>

Ipinakilala si Hipon sa pinuno ng mga lamang-dagat at dagli nitong nakuha ang loob ni Lapu-lapu. Ang haring isda. Pinagkatiwalaan ng mga isda si Hipon upang tulungang mapanatili ang kaayusan sa paglalakbay na ito kasabay ng alon.

“Siguro ay kailangan nating magkaroon ng programa para ipaliwanag sa mga isda ang direksyon ng ating paglalakbay.” Sabi ni tilapia

“Ay sige, pero kuhain natin si dalag, siya na lang ang magpapaliwanag.” sabi ni hipon

Huh? Bakit si dalag,

E kasi mas sanay syang magsalita?

Napakamot sa ulo si tilapia

“e anong gagawin mo?” tanong niya kay hipon

Tagabasa na lang ako ng program, hindi kasi ako sanay sa ganyan

At naghost nga si dalag. Dahil nga dalag siya, marami sa mga isda ang nainggit. Nagalit ang balyena at sumugod kay hipon.

Bakit si dalag ang host, ang gulo tuloy ng paliwanag. Hindi ko maintindihan.

Natakot si hipon

Ah, e kasi, nagprisinta siya. Ayoko nga kay dalag kaso sabi niya alam daw niya ang kiliti ng mga isda.

“Sa susunod, ako ang kausapin mo,” utos ni balyena kay hipon

“marami akong kakilala na mas magaling sa kanya. Alam mo naman, puro na lang laro at kasiyahan ang alam ni dalag. Aba, baka tamarin ang mga isdang nasasakupan ko at maging komplasant sila.” dugtong pa nya.

“Naku, hayaan mo, di na mauulit yan. Ayoko ko talaga sa kanya.” wika ni hipon para mahimasmasan si balyena.

Naisip ni hipon na pasayahin ulit ang mga isda.Sa ganitong paraan ay nakukuha niya ang pansin ng mga lamang-dagat. Kaya nagpatawag siya ng party. Sinabi niyang hindi naman sa lahat ng panahon ay kailangang nakatuon sa gawain. Kailangang ipahinga rin ang katawan at magrelax paminsan-minsan. Sanay na sanay sa ganitong gawain ang mga hipon. Ang totoo pa nga, maraming magkaibigan ang nauwi sa pag-iibigan kahit hindi dapat (cue music intro : against all odds). Anuman ang ibinunga nito, hindi na masyadong pinag-uusapan dahil nga abala naman sila sa paglangoy at pagtawid patungo sa bago nilang pamayanan.

Madalas siyang Makita sa kanyang mga kaibigan. Patambay-tambay sa iba’t-ibang grupo ng mga lamang-dagat. Palukso-lukso at palangoy-langoy. Ang kanyang antenna ay tila pansagap ng lahat ng balita. Sa dami ng balitang nasagap niya, tila transmitter ng smart ang kanyang antenna. Kayang-kayang lumikha ng tsumani sa lakas ng wave!

Along the way, napag-alaman ni hipon na hindi lang pagkakaibigan ang ibinunga ng kanyang palatuntunan… may mga alitang namuo, kinabahan si hipon subalit sa halip na ayusin ang problema ay nakisawsaw pa sya. Tsk. Tsk. Tsk. Naghugas-kamay este basa na nga pala siya, nagmalinis ang hipon (hmmm may malinis bang malansa?) kunwa’y wala siyang alam sa nangyayari at sinubukang ayusin ang namuuong alitan. Yun nga lang, dahil nadadala siya ng emosyon ay hindi niya napapansing lalo niyang napapalaki ang problema.

Magandang araw sa’yo! Pwede ka bang maging kaibigan? Bati ni bangus

Oo naman, tuwang-tuwang wika ni hipon

Ang totoo ay ngayon lang ako nagkaroon ng kaibigang seahorse. Dugtong ni bangus

Seahorse? Hindi ako seahorse. Isa akong hipon!

Huh! E sabi ni starfish seahorse ka daw

Si starfish? E kaibigan ko yun ah, bakit niya sinabi yun, mukha ba akong seahorse?

Dahil dito ay naging magkaaway na mortal ang starfish at ang hipon.

Habang tumatagal ay marami na ang naiinis kay hipon. Nakalimutan na nitong gampanan ang ipinagkatiwalang trabaho – ang bumuo ng mahuhusay na programa para sa lamang-dagat. Matagal bago siya nakaisip ng proteksyon para sa mga lamang-dagat. Kailangan kasi nila ng proteksyon dahil mapanganib ang pagtawid patungo sa malaking dagat. Wala ring malinaw na patakaran kung paano itutuwid nag mga pagkakamali. Walang malinaw na rules and regulations. Lahat pwedeng makipag-usap sa lahat. Walang protocol kaya nga may mga nawawalang maliliit na isda dahil sakaling makipag-usap sa gahiganteng isda ay kinakain sila nito! Nyay katakot! Hindi rin magkaintindihan kung sakaling may kautusang ilalabas, kung hindi kasi late ang paglabas ng mensahe ay mali ang mga salitang ginagamit.

Nawalan ng saysay ang tiwalang ipinagkaloob kay hipon.

Minsan, naisip ni hipon na gumawa ulit ng masayang programa, naisip nilang ipagdiwang ang kahalagahan ng kanilang pagiging lamang-dagat! May mga tumugon subalit mayroon ding hindi na nakibahagi.

Naisip din niyang imbitahan ang mga lamang-dagat na mamasyal.

Ganito na ata mag-isip ang hipon. Ang lumikha ng gawaing pansamantala.

Sa kaabalahan niya sa pakikipagkwentuhan, hindi niya napansin ang malubak na daan kung kaya’t natapilok ang hipon at napahagis sa isang rumaragasang tubig. Sumabit ang kanyang katawan sa mga koral samantalang hindi niya nakayanan ang lakas ng tubig kaya tinangay ang kanyang ulo.

Habang tinatangay ng malakas na tubig ang kanyang ulo, agad nagbalik-alaala ang masasaya at malulungkot na pangyayari sa kanyang buhay sa piling ng mga lamang-dagat. Natulala ang lahat ng nakakita, napanganga at lumabo ang dagat (kasi nga ay puro bula dahil lahat ay napanganga… imaginin mo)

Natagpuan na lamang ng kanyang mga kasamahan ang ulo niyang sumalpok sa burak. Hinila nila agad ang ulo at tinangkang ibalik kay hipon subalit nagdalawang-isip sila. Ano nga naman ang pinagkaiba nun, may ulo man siya o wala!

———

“hindi masamang umatras sa gitna ng digmaan, panoorin mo silang magsalpukan, pagkatapos ay lihim kang pumusta sa lyamado, hindi ka na nadamay.. kumita ka pa!” – janitor fish

Related topic :

Kung bakit naging magkaaway ang starfish at ang hipon

May-december love affair

National language for lamang-dagat

Si dalag laban kay balyena ang sequel ng Sina Linggit laban kay Barakuda

About these ads

11 comments on “Ang pakikipagsapalaran ni Hipon

  1. para tuloy nakonsensiya akong kumain ng rebosado saka prawn fritter. imagine ko tuloy na nagsasalita ung mga kinakain ko. try ko na lang talangka sa Red Crab. He! He!

    – badoodles.wordpress.com

  2. sana po gumawa kayo ng story na gamit ang plot diagram pangit po kasi ang storya niyo dahil walang plot diagram na ginamit …

    blue : salamat sa mungkahi. ang mga kwento rito ay mga personal na akda, hindi ito sinangguni sa mga editor o mga dalubhasa. Kung kinakailangan mo ng mga kwentong pambata na gagamitin para sa takdang aralin, marapat na kumuha ka ng mga akda na nailimbag na sapagkat iyon ay sinangguni at isinaayos ayon sa kasanayang (competencies) hinihingi ng kurikulum ng ating edukasyon.
    Hindi ko maipapayong kumuha ka sa internet lalo na sa blog sapagkat ang blog ay mga personal na gawa, mas malaya at kadalasang hindi sumusunod sa mga panuntunan na itinatakda ng ating kurikulum.
    Gaya ng mga blog na naisulat ko, iba ang konteksto nito, bagamat nakasulat sa category at tag na kwentong pambata, ito ay mga kwentong may kontekstong kadalasan ay nakakubli. Gaya ng mga sattire at iba pa, marami sa mga ito ay tungkol sa mga katrabaho, kaibigan o opinyon sa ibang tao na isinulat sa paraang malikhain upang hindi makasakit ng damdamin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s