Sa Muling Pagkikita

Siguro nung pinanganak ka, umuulan. Kasi nung ako naman ang iniluwal, tirik na tirik ang araw. Mahilig ako sa gulay at puro karne ang paborito mong ulam. Simple lang ako, maporma ka. Imposibleng magkasundo tayo.
Sa simula pa lang, ramdam ko ng ayaw mo sa’kin. May isang bakanteng upuan sa tabi ko pero mas pinili mong [...]

Sumpa ng Pag-ibig

Namumukhaan mo ba ako?
hawakan mo itong pisngi,
sukatin mo yaring labi.
ako ito.
‘Wag mong lagpasan ng tingin,

Wala, Tulog!

The Stress of Being Connected.
Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero habang tumatagal, ang mga bagay na pinili natin para sa ating convenience ay nagdudulot ng kapaguran at discomfort.
Gigising ka sa umaga, ang una mong titingnan ay ang cellphone mo. tama o mali? Para bang may utang na loob ka agad kung [...]

REUNION 2024

Kanina ko pa sila hinihintay. Ang sabi, ngayon daw ang class reunion e’ bakit kaya ang tagal nila? Ang sabi dito sa imbitasyon ay ngayon kami dapat magkikita-kita. Ito talagang Grade 6 – St. Michael. Ang bagal kumilos at ako pa ang pinaghintay. Sabagay, nararanasan ko naman ito araw-araw habang pinaghihintay nila ako sa 4th [...]

Bukal

“Tulungan ko na po kayo” bati ng binata sa isang matandang may bitbit na mga panggatong.”Wag na amang, kaya ko na ito.” Tanggi ng matanda. Mga pitumpu’t-limang taon na ang matanda. Puti na halos ang lahat ng kanyang buhok.
“Tirik na tirik ang araw, anong ginagawa mo rito?” usisa ng matanda.
“Gusto ko pong makita ang bukal, [...]

Sakripisyo

Bakit ka nalulungkot, bulaklak?
Naiisip kita dahon, kailangan mo ba talagang patirahin ang higad?
Oo, kailangan niyang mabuhay.
Paano ka, baka ikaw naman ang mamatay. Kakain ka lang niya!
Kailangan kong gawin iyon para mabuhay ka bulaklak
Bakit ako?
Dahil narito ako para tumulong na buhayin ka.

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.
Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang [...]

Lawin

Matayog ang lipad ng mga lawin. Doon sa himpapawid ay buong lakas nilang sinusuong ang mga ulap. Aakalain mong may kalabang sinusugod. Ganito ang kanilang pangkaraniwang buhay. Kahit mataas ang lipad ay tanaw na tanaw nila ang kalupaan. Ang munting kilos sa ibaba ay agad nilang napapansin. Madali silang nakahahanap ng pagkain. Subalit hindi sa [...]

My Vital Statistics

Sabi sa hula, ang 2008 daw ay magiging masagana lalo na sa akin. Yahoo! Hindi ko na kailangan ng maraming lucky charm dahil charming naman daw ako este lucky naman daw talaga ang year na’to – isa pang yahoo! Dahil year of the rat, magiging malikot ang pag-iisip at laging abala, gagalaw ang taon na [...]