Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin.

Gabi na ng makauwi ako, sa aking silid ay natanaw ko na maliwanag sa langit. Mayroong isang bitwin na ubod ng laki. Ahah! Pupuntahan ko ang bitwin. Kumapit ako sa lobo at pinuntahan ko ito. Pero walang tao roon. Mula sa itaas ay tanaw na tanaw ko ang daigdig na bilog at nagliliwanag. Ang ganda ng kulay. Para itong bolang umiilaw. May kulay bughaw, luntian at kulay lupa. Naisip kong bumalik na, mula sa itaas ay nagpalundag-lundag ako sa mga ulap, ang sarap! Parang mga bulak! Nagpadulas ako sa bahaghari! Subalit wala pa rin akong kalaro kaya gumamit ako ng isang malaking payong at ginawa kong parachute. Napunta ako sa kagubatan. Doon ay nagpupulong ang mga hayop. Hindi ko sila maintindihan kaya bumalik na ako sa amin sakay-sakay ng isang elepante. Maya-maya ay kinalabit na ako ni inay.

“Gising na anak, may pasok ka ngayon”

“Nay, nanaginip ako na may makikilala akong bagong kaibigan!”

“Oo, meron nga, doon sa inyong paaralan kaya gumising ka na at darating na ang school bus.

Marso, 2004

Ikalawang Baitang, Filipino

Para sa Ikatlong Markahang Pagsusulit

About these ads

11 comments on “Bagong Kaibigan

  1. KAIBIGAN?????????????????????????????????????????
    Nakakalat lang yan!!!!!pPero ilan lang ang mapapagkatiwalaan at di ka iiwanan…..di ba????

  2. marami akong kaibigan pero mas masarap maka,hanap ng kaibigan sa langit..
    i copy your story ha.. i will use it in.. malikhaing pag,iisip.. i will make it drama to my filipino.. . but i change the tittle my prince ..pero dxame story .. likelike your kwnto…
    thank you….

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s