Hindi ko dati pinapansin ang chowking
isang pangkaraniwang kainan na hindi para sa’kin
hanggang sa tumatak sa isip ko ang patalastas
at hindi na mawala oras-oras
Inihanay sa: tula | Minarkahan: broken relationship, chowking, love, tula | 5 Puna »
Maglalabing isang taon ako noon nang mabalitaan kong namatay ang nanay ng kaibigan ko – sakit sa puso daw. Kaya pala ilang araw na siyang nawala. Pinuntahan namin siya – malayu-layo sa kanilang tinitirhan, naroon nakatanghod sa sulok. Iba ang kanyang mukha, hindi gaya ng dati na masayahin. Alam kong nagluluksa siya, masayahin at malikot [...]
Inihanay sa: Ako | Minarkahan: alaala, maikling kwento, pagkakaibigan | 2 Puna »
Gigising ako sa umaga, kakain, tatakbo at makikipag-agawan sa taxi. T’wing umaga, parang patintero, iba’t-ibang mukha, lahat sila, lahat ng nakikita at nakakasalubong ko; ano man ang ayos, suot o itsura… pare-pareho sila – mga ordinaryong tao gaya ko na ginagawa ang aming trabaho, ang mga nakasanayan na namin, ang comfort. Lululan kami sa mga [...]
Inihanay sa: pag-ibig | Minarkahan: corporate, malikot na isip, summer outing | 8 Puna »
Nakatitig ako sa monitor, hindi, ang totoo nakatitig ako sa’yo. Sa’yong alaala, hindi ko alam pero nagmarka sya dito sa isip ko, hindi siya makawala – ang totoo, nakulong siya sa puso ko, naiwan siya noong mahigpit kitang niyakap. Hindi na nakawala, naiwan ka dito.
Inihanay sa: pag-ibig | Minarkahan: honeymoon, lovemaking, malikot na isip | 3 Puna »
Napadpad ako sa mall para panoorin ang pelikulang 2 linggo ko nang inaabangan. Ewan ko ba kung bakit ako masyadong naintriga sa pelikulang ito at dahil huli na ng malaman ko na exclusive for SM malls pala ito, dali-dali akong tumakbo mula Ayala Mall patungong megamall para habulin ang last full show ng first day [...]
Inihanay sa: showbiz | Minarkahan: Cuyo, Judy Ann Santos, movie review, pelikula, Ploning | 14 Puna »