istranghero

Gigising ako sa umaga, kakain, tatakbo at makikipag-agawan sa taxi. T’wing umaga, parang patintero, iba’t-ibang mukha, lahat sila, lahat ng nakikita at nakakasalubong ko; ano man ang ayos, suot o itsura… pare-pareho sila – mga ordinaryong tao gaya ko na ginagawa ang aming trabaho, ang mga nakasanayan na namin, ang comfort. Lululan kami sa mga [...]