Sulat sa Mahal ko na nasa Ibang Bansa

Huwag mong pigilan ang pagluha. Hayaan mo siyang tumulo, tingnan mong tumutulo ang luha ko nang maiwan sa alaala mo ang sakit ng desisyon natin. Gusto kong maisip mo palagi na may iniwan ka rito, nasaktan sa desisyon natin at umaasa sa matiwasay mong pagbabalik.

Kung nahohomesick ka, ibuntunghininga mo lang, pasasaan ba’t matatapos rin ang araw, iikot ang panahon at makahahanap tayo ng pagkakataon na magkitang muli. Uuwi ka di ba? Sa akin – sa piling ko?

Kaya mong tiisin ang hirap, ang lungkot at ang lamig di ba? Hindi ka titingin sa iba at maghahanap ng papawi sa nararamdaman mo. Pangako mo yan?

Itataguyod ko ang pamilya natin, ang naipon natin – hindi ko sasayangin ang iniipon natin – katumbas ito ng lahat ng sakripisyo – Nang masakit na desisyon pero sabi mo nga magiging matatag tayo.

Pinagdadasal kita – palagi. Nakakatawa pero naging relihiyoso ako, sana ganun ka rin. Sa walang katiyakang buhay sa magkabilang panig ng daigdig, pag-asa lang at malalim na pagtitiwala sa Maykapal na hindi ka niya pababayaan. Basta usapan natin, sabay tayong hihiling sa bitwing sumbungan natin at dalanginan – lalo na sa gabing nababalot ng pagkabagabag. Tatanaw ako roon palagi dahil alam kong nakatanaw ka rin sa kabilang sulok ng daigdig.

Dito sa atin? Siguro naman nababalitaan mo na rin – malamang nanaunahan na ako ng iba sa mga balita – makinig ka sa kanila, pero makinig ka rin sa akin. Nang sa gayon makilala mo ang totoo at hindi.

May katumbas ang hirap mo, bayani ka di ba? Kahit walang katumbas iyon o pagpapahalaga, aksidenteng naging bayani ka pa. Gustuhin mo man o hindi, masakit man sa loob mo na magbanat ng buto sa ibang bayan, para sa atin naman ito – at sabi nga, sa bayan natin. Pagpasensyahan mo na kung laman na naman tayo ng balita – o gawing katatawanan ang lahi natin. Kung hindi mo masikmura, ipikit mo ang mata mo at kami ang alalahanin mo. Sa huli, magsasawa rin sila sa pagsukat sa iyong kulay at kikilalanin ka dyan sa pagsisikap mo.

Hindi ako magpapaalam. Alam ko magkikita tayo – malapit na iyon kumpara kahapon. Pag nagkita tayo sa airport, isusuot ko ulit ang damit na suot ko nung hinatid kita. Tanda iyon na ako parin ito – ang iniwan mo – para sa mga pangarap natin. Walang nagbago maliban sa mas pagiging mas matatag ng puso at malalim na pagmamahal para sa isang kabiyak na nawalay ng matagal.

Ingat ka palagi. Mas lalong kitang minamahal.

About these ads

4 comments on “Sulat sa Mahal ko na nasa Ibang Bansa

  1. nakakatouch naman po itong sulat nyo. sana mabasa nya ang liham nyo ng mabatid nya kung gaano nyo sya minamahal at pinahahalagahan. at magkaroon sya ng ibayong lakas para harapin ang mga araw na darating habang naghihintay ng muli ninyong pagkikita.

    blue : salamat. :)

  2. Pingback: Tagalog « my weblog

  3. Hmm..naiyak naman ako,totoo mahirap maging malayo. Lalo na kung ang inaakala m0ng maayos nadadatnan mo ay di ganun. Lalo na kung lahat ng binaon m0ng lakas ay guguho na parang pangarap na binuo sa buhangin. Pero pasasaan ba’t mapapawi din ang lahat lalo na sa tul0ng ng pag ibig na tunay at tapat. God bless

    blue : asus, parang dulang panradyo hehehehe.

  4. lahat ng aking nabasa ay di nalalayo sa nararanasan kong lungkot ngayon ang hirap ng malayo ang mahal mo dito ko naranasan masakatan halos sumuko ako ng iwan nya ko pero sa tulong ng anak namin natutu akong lumaban sa sarili kong pamamaraan naging daan din ang pag alis nya para maging matapang sa lahat ng pagsubok ero sa kabila non pagmamahal at tiwala pa rin ang pumapagitan sa aming pagsasamagod bless..

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s