Nang magising ako kahapon

Iba-iba ang mga kwento natin noong nasa kolehiyo tayo. Daming alaala na minsan naiiwan o natatanim sa isip mo pero pag binalikan mo ang kwento kasama ng mga dati mong kamag-aral, malalaman mo na ikaw lang ang nakaalaala. Yun bang napakahalaga sa’yo pero sa iba pala ay walang dating.

May kanya-kanya tayong kwento hindi man pare-pareho pero madalas magkakarugtong.

Natatandaan mo ang araw na iyon hindi dahil sa kwento nyo kundi dahil may nangyari rin sa’yo sa lugar na iyon o may karanasan ka rin sa taong yun.

Ang common siguro sa atin ay yung mga paaralang pinasukan natin.

Aminin natin, kung titimbangin ang dahilan ng pag-aaral natin – mababatid natin na hindi tayo nag-aral lang para matuto, marami kasi ay nag-aaral dahil kailangan – requirement kasi; na para bang matapos lang ito, hindi man ako makakuha ng mataas na marka ay ayos lang dahil alam nating may ibang mundo – totoong buhay na naghihintay sa labas at para na rin nating sinasabi na hindi totoo ang buhay sa kolehiyo.

Kung iisipin, oo nga. Marami ang hindi totoo sa kolehiyo. Maraming subject at kwento na hindi napapakinabangan.

Ang totoo sa kolehiyo ay yung mga pagsubok. Kung paano ka sumagot, humarap at nanindigan. Kung nakibagay ka ba, nakinig, nanahimik o nagsuri.

Ang totoo ay kung paano ka pumasok, kung paano mo sinuong ang bagyo, lumusong sa tubig, nakiramay sa kamag-aral na nagkasakit, namatayan, nasunugan, nabuntis, napraning and worst – nagpakamatay.

May mga pangyayari noong nasa kolehiyo ka pa na nagbukas sa isip mo kung ano ang buhay. Yun bang para kang hinila sa pagkabata, bigla kang natauhan at napaisip – Ano ‘to? Bakit ganun?

Hanggang sa makaramdam ka ng kaunting kabuluhan sa sarili mo – na parang may iba kang calling. Parang may gusto kang gawin. Bigla kang nagkasaysay. Naging tao ka – tinatawag na.

Nagsisimula ka ng mag-isip at mag-analisa. Nakikipagdebate ka na. Madalas tahimik at nag-iisip o sumasama sa mga munting usap-usapan, nagbabahagi ng opinyon. Congratulations! Nagmamature ka na. Lumalawak na marahil ang iyong karanasan.

Sa paaralan – madalas mamarkahan ang ginagawa mo. Nagiging batayan tuloy kung tama ka o mali – yun nga lang, sa labas, walang magmamarka at magsasabi sa’yo kung tama yan o mali. Walang isang tao na magiging boss natin para sabihin na ang opinyon ko ang tama at hindi ang sa’yo.

Hindi naman ilusyon ang kolehiyo bagamat madalas nagkakasundo ang sinumang nakapagtapos na pag nagtatrabaho ka na, its a completely different world.

Kung masarap ba sa mundong ito o nakakatakot bang tumampisaw dito – depende ang sagot ko. Depende kung paano mo natutunan ang buhay noong bata-bata ka pa lang.

Ngayon, totoong malaya ka. Hawak mo ang buhay mo. Ibig sabihin noon, walang oras, wala dapat routine, pwede mong baguhin ang nakasanayan mo kahit kailan mo gusto. Walang gigising sa’yo, magsasabi na pumasok ka na. Pero wala ring magbibigay ng pagkain at baon sa’yo.

Ngayon kasi, walang mundong nakahanda sa’yo. Walang schedule na papasukan dahil ngayon ikaw ang magpapatakbo ng buhay mo. Hindi mo kinakailangang pakisamahan ang taong hindi mo gusto dahil malaya ka.

Kung gaano ka magsusumikap ay depende sa requirement mo sa buhay mo – kung hanggang saan mo lalagyan ng hangganan ang kasiyahan.

Pwede kang magpahinga – pwedeng mas maaga.

Pwede ring maging masaya kapiling ng pamilya at pwede rin ng nag-iisa.

Basta lang, sa bawat desisyon mo – alam mong wala ng ibang sisisihin. Dahil ang lahat ngayon ay bunga ng mga pinili mong desisyon.

Kaya nga wala akong dapat sisihin.

Noong nakaraang araw lang, katext ko ang kaibigan kong si Mags.

Mahabang exchange of text messages.

Sabi ko, sobrang abala ako at pati pag-iyak, hindi ko magawa, kailangan ko pang iiskedyul.

Nagreply naman siya, nagyayaya na magkita kami para mag-iyakan. Simple nga ang message, sabi niya, tara iyak tayo.

Parang tara inom tayo. o tara nood tayo ng movie.

Ganun na ang buhay na natali at nakalimot na may buhay pa pala – ang paglabas ng nararamdaman ay isinasaisantabi para sa mas mahalagang bagay – ang pag-unlad ng kumpanya.

salamat sa naging guro ko sa Ethics at Values sa pagtuturo ng pagmamahal sa trabaho – tsk. tsk. tsk.

Araw-araw, hindi ka mauubusan ng gagawin

magigising ka na hinahabol ang bawat araw

sana lang ay magtatapik sa’yo at magsasabi na maghinay-hinay ka para hindi dumami ang trabaho.

Yun bang magpapaalala sa yo na ikaw ang lumilikha ng trabaho mo. Na pwede mo namang kontrolin at hindi kinakailangang makipag-unahan dahil wala ka namang hinahabol.

Nang sa gayon ay hindi ka gumigising para habulin ang panibagong araw.

-

Salamat sa mga salamin ng pintuan at dingding,

naaalala ko na mayroong isang tao na kailangan ko ring harapin.

About these ads

2 comments on “Nang magising ako kahapon

  1. Hay… parang lalo akog nastress sa bago mong likha… parang feeling ko nakakulong na ako sa rehas ng mga “to do list ko”.. napakadami kong notebook at kulang ang isang kwaderno para sa isang buwan… marami akong gusto gawin pa bukod sa naibigay na responsibilidad ko. at tama ka ngayon kailangan pa ata bigyan ng sked ang pag iyak… minsan tinatanung ko lang ang sarili ko, mahal ko lang ba ang trabaho ko kaya ganito na lang ako maghanda at magisip para sa ikaka ayos ng group or department o ginagawa ko lang to dahil eto lang talaga ang silbi ko ngayon… pero kahit ang pagtimbang ng nararamdaman ko sa trabaho ko at sa buhay ko ngayon ay hindi ko na naggawa… LOST ako mundo na bumubuhay sa akin. kahit marami na akong work attitude na inatendan at hinawakan… parang kailangan ko na din magreflect at tanungin bakit ako nandito….

    blue : hmmm, hindi ko alam ang sagot.

  2. hay buhay, naalala ko tuloy ang buhay nung nasa kolehiyo pa, tama ka nga ang matutunan mo don eh mga bagay bagay na gagamitin mo sa pang araw araw na buhay at di ang algebra, bio 101 etc.- ako nga eh lumisan sa bayan namin at pumunta pa sa siyudad pra makatapos lang, sabay working student at iskolar pa kuno. hirap ng buhay parang walang katapusan. pero parang kailan lang yon, eto malayo na nga ba narating ko? hmmm di rin ata.

    blue : galing naman. iskolar and working student. minsan nagising ako at gusto kong mag working student,17 years old ako nun, nag apply ako sa mc do kaso hindi ako natanggap. saka ko narealize na sige na nga, wag na lang ako magwork. pwede namang umasa sa iskolarship (ng parents ko). hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s