Mabuting Binhi

Magandang Umaga! Bati ng bubot na mangga mula sa pagkakagising sa matagal na pagkakaidlip sa lupa

Magandang umaga rin. Tugon ng hardinero

Sino ka? Tanong ng mangga

Ako ang hardinero

Kinusot ng bagong sibol na mangga ang kanyang mata, inaninag ang daigdig, ang makulay na langit, makapal na alapaap, ang matatayog na puno

Sino ako? Pagtatanong niya sa hardinero

Isa kang mabuting binhi.

Mabuting binhi?

Oo, isa kang mabuting binhi gaya nila – matamis at uusbong na sintayog nila

Talaga, lalaki akong sintayog nila? Ano nga pala ang kahulugan ng mabuti?

Mabuti – ikaw ay kalulugdan ng marami, magdudulot ka ng kasiyahan sa iba, magiging kapaki-pakinabang ka.

Paano mo nasabing ako ay mabuti?

Dahil bata ka palang. Bago dito sa hardin. Tandaan mo, likas kang mabuti. Kaya pag may nagtanong sa’yo kung sino ka, ano ang isasagot mo?

Ako ay si mabuti.

Mag-iwan ng Tugon