Naiiwang Bango

Nakatatawag pansin ang halimuyak ng rosal.

Ako ang pinakamabango at pinakamagandang bulaklak sa harding ito.

Pagbibida niya.

Ang lahat dito ay nakatingin sa akin, humihinto, inaamoy ang aking talulot. Hangang hanga sila sa aking bango. Sa t’wing sisikat ang araw sa umaga, hihikab ako’t magsasabog ng halina, lalong pinakikinang ng liwanag ang aking talulot, kumikinang akong simputi ng umaga.

Kinalulugdan kita. Wika ng hardinero.

Sa aking hardin, namumukod tangi ka, ang iyong bango ay sadyang nakatatawag pansin. Nagdadala ka ng sanlaksang paruparo, ang mga bubuyog ay nananahan dito, nagiging masigla ang araw at masugid na nagmamatyag ang mga alitaptap upang tanglawan ka sa gabi.

Kung gayo’y malaki ang naitutulong ko sa harding ito?

Totoo iyon. Espesyal ka sa akin.

Isang umaga, isang talulot ang napigtas

Isa pang talulot sa pangalawang araw

Unti-unti, napipigtas sa pagbati ng hangin at nagising siyang parating ang hardinero

Para saan ang gunting

Kinakailangan na kitang pitasin

Ngunit sabi mo’y kapaki-pakinabang ako? Anu’t pinagtatakangkaan mong tagpasin ang aking mga bulaklak

Sadyang naging mabuti ka at hindi ko hahayaang mabalewala ang bangong iyong dinulot.

Ang bangong hinatid mo ngayon ay mababalewala bukas. Hayaan mong tulungan kitang madugtungan ang iyong halaga. Ang iyong bango ay mananatili kung hahayaan mong pitasin ko ang iyong mga bulaklak at gawing pabango.

Subalit masasaktan ako. Hindi ba’t dudurugin mo ako’t kakatasin

Naroon ang tunay na bango. Mas humahalimuyak ang bulaklak na nagdaan sa hirap. Mas nanunuot ang bango ng mga katas na pinino’t dinurog, sa gayon mananatili ang bango nang mas matagal. Mas maaalala ka’t mapapakinabangan.

Tahimik.

Tumulo ang luha ng rosal pagkaraa’y yumuko, tanda ng taos-pusong pagtanggap sa mas malalim nyang kabuluhan.

About these ads

5 comments on “Naiiwang Bango

  1. anlalim naman po ng mensahe ng kwento. sadyang minsan kailangan nating yumuko at magpakumbaba para lalong maintindihan ang ilang mga bagay..

    blue : yup. safer yun. magpakumbaba.

  2. suggest ko sana na e post nyo po ang author at ang kanilang talambuhay para sa mga istudyanteng nag-aaral ng filsubject…kailangan lang po…:)

    blue: Hi good day!
    lahat ng nakasulat dito (except for 2 pala: sacada and itim na lobo), ay ako ang gumawa

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s