Si Buknoy. Mala-alikabok na lumulutang-lutang, magaan na magaan, namamasyal sa kalawakan.Hindi niya alam kung saan siya galing at kung ano ang kanyang mararating, gaya lamang siya ng bilyung-bilyong alikabok sa kalawakan. Walang nakakaalam kung ano siya, at dahil wala siyang pagkakakilanlan, hindi alam kung paano siya titimbangin. Wala siyang bigat para ibilang. Masyado naman siyang maliit para sukatin, wala siyang halaga. Napakaordinaryo, ni hindi matawag na nilalang.
Sa kanyang paglutang-lutang, nagawi siya sa isang maliwanag, kabigha-bighaning pangitain, isang bolang may tubig at lupang napupuno ng hardin. Nanlaki ang kanyang paningin… Daigdig!
Nasambit pa lang niya ang salita ay hinigop siya nito, mabilis na mabilis. May ingay ng hangin, may pagbabago sa kanyang paligid. Nararamdaman niyang lumalaki siya, waring nakakalulon ng hangin.
Tumigil ang lahat. Namalayan niyang nasa kung ano siyang silid. Masikip. Nakilala niya ang espasyo.
Sa paghintong iyon… walang nangyayari. Nakaranas siya ng pagkainip. Nakilala niya ang oras.
Wala siyang nakikita, subalit may nararamdaman siya – ang kanyang sarili. Nakilala niya ang tunog mula sa dalawang magkasunod na dub-dub, dub-dub.
Nakakarinig siya paminsan-minsan ng himig, nakaramdam siya ng init, tila haplos, doon niya nakilala ang pakiramdam.
Hanggang sa mahabang paghihintay, sa araw na ito, ganap na ika 1:35 ng umaga, hinigop si Buknoy palabas. Waring naulit ang paghigop sa kanya ng daigdig. Hinigop siya at muli niyang natanaw ang daigdig. Napuno ng liwanag. Sumabog ang kulay sa kanyang paningin!
Nagustuhan niya ang kanyang nakita. Sumunod siya sa detalye sa paligid. Nakilala niya ang konsepto ng espasyo at oras. Hindi na siya lumulutang, tinuruan siyang gumapang at lumakad.
Lumiit man ang kanyang ginagalawan nang mapunta siya sa daigdig, nagkaroon naman siya ng pagkakakilanlan.
Ito ang kwento ni Buknoy. Ang kanyang kapanganakan. Ang pinagmulan ng kanyang buhay at kabuluhan sa ating daigdig.
Pinalitan ang pangalan ni Buknoy, tinawag siyang Bernard na nang kalaunan ay pinili niyang tawaging Blue.
Inihanay sa: Ako | Minarkahan: alamat, alamat ng tao, birthday story, kaarawan, kwento ng buhay, maikling kwento, Pagbasa


















welcome to the world’s stage called life!
ang ganda ng iyong description sa pagsilang ng isang blue, kaibigan….
dito talaga ako bilib sa iyo…sa iyong creative mind and process of thinking…saludo po!
tenks. hehehehe.
An galing historical figure ka pala
hehehe
nung una kala ko kung anong buknoyyan
kala ko yung buknoy ni machine man
alam mo yuN?
BUKNOY!!!!
at dub dub dub dub – tibok ng puso yuN? tama
hahahahha
welcome sa mundo ng mga tao blue
heheh parang ngayon lang pinanganak eh no?
hahaha ngayon nga. lol
ikaw pala yun.. hahaha.. kamusta naman ang pakiramdam ng isinilang ka daigdig na ito?
eto nagcecelebrate dito sa bohol kasama ng mga tarsiers.
pasalubong hah
ano gusto mo broas? naubos ko na pero meron pang ube piyaya
nakakatuwa. sana magkaron din ako ng ganyang makata ability…
hay.. ang buhay ay simple talaga pero pede nating lagayang ng mas madaming kulay! lagyan mo ng lagyan! at celebrate natin ang buhay!
salamat. hahaha nasa dugo na ata.
Kala ko inde ka makakapag-blog nung nasa BOhol ka. Akalain mo un, pagpasok ng LUnes meron na ulit…Ayos…Apir!!
hindi ako nagblog dun. gawa na yun last week pa. naka schedule lang ang posting.
uhmmm late na ba ito? pero piberdei na rin… masaya ka ba sa daigdig na namalas mo? haha…
yup masaya. okay lang jung sabado pa, june 27
bernard kamusta na?
hehehe
mabuti naman. hehehe busy lang ng bahagya nitong mga nakaraang araw.
[...] tagni-tagning ideya « Buknoy Cebu – Bohol Birthday Trip Hulyo 2, 2009 Kung puro trabaho ang buwan ng Mayo, [...]
belated Happy B’day Blue.. humahabol
ang huli… s’yang nagpapakain lol
waaahh.. ganon.. haha
syempre. bagong teorya yan lol
may bata samin, buknoy din name,talent naman nya magdrawing..hehe..wala lang,share ko lang po..
hahaha hindi ako yun for sure.