Ito ang kabuuan ng entry na ito. Isang MALAKING SALAMAT sa lahat ng nakibasa, naging kaibigan at nakiisa.
Inaanyayahan ko kayo ulit na maging bahagi sa munting patimpalak para sa aking ika Limang Taon sa Blog World.
Paano?
Maging HIBANG gaya ko!
Kung HIBANG ka? Ipakita ito.
Maaaring sumulat ng maikling artikulo kung paano ka naging Hibang o kung ano ang pangyayari sa buhay mo na kahibang-hibang. Maaari ring magpakita ng video, pwede rin na picture mo na nagpapakita ng kahibangan mo.
Dapat makita dito kung ano o saan ka nahihibang? Maging malikhain.
Ipakita ang emosyon. Pakawalan ang imahinasyon!
Pipili kami ng limang (5) magwawagi. Dahil HIBANG ka, kailangan mong ipamper ang sarili, magwagi ng mga sumusunod:
Bawat mananalo ay may
P300 worth of Gift Certificate, Tontons, whole body massage
P300 worth of Gift Certificate, Coffee Bean and Tea Leaf
P300 worth of Gift Certificate, Ayala Movie Pass
1 Panpilpipol pocketbook
P500 membership card (with P2,000 worth of Dental Services), Dito Po Ang Dentista Clinic, Makati Branch
at HIBANG Accessory!
Stay tune lang baka sakaling may madagdag pa!
by the way, hindi convertible sa cash ang mga prizes ha. Pero pwede nyong ibigay o ipasa sakaling wala kayo sa Pilipinas o hindi nyo magagamit.
1. Ipost ang inyong gawa sa inyong blog. Ibig sabihin, kailangan ay may blog ka rin na atleast 2-month-old.
2. Sa dulo ng post mo ay may phrase na Para sa 5 anniversary ng blog ni bernard umali. Dapat ay nakalink sa blog ko.
3. Matapos ipost ang inyong entry ay magcomment dito para malaman ko na ikaw ay sumali.
4. Ang deadline of submission o posting ay sa April 25, 2010
5. Magkakaroon din ng botohan mula April 26-April 30. Ang 3 na may pinakamataas na boto ay may special award. I-aanounce natin ang prizes ng special award sa April 25, 2010.
6. Maaaring magpadala ng hanggang 2 entry. Maaari ring manalo ang lahat ng entry mo pati na sa special award.
7. I-aannounce ang lahat ng nanalo sa May 1, 2010.
8. (PAHABOL) Dahil hindi naman ito Saranggola Blog Awards, sige na nga, pwede po ang English na entry! Promise, wala akong bias, kahit english yan, hindi naman ako ang judge e.)
Sali na!
syangapala,
kung natutuwa kayo sa blog ko, baka pwedeng gawan nyo rin ako ng fan photo / sign na pwede kong isama sa aking special slideshows. Yun e kung hindi ka napipilitan at marami ka pang oras
i email mo na lang sa bernardumali@yahoo.com o i-tag mo na lang sa facebook ko.
at baka pwedeng i exchange link nyo rin ang 2 ko pang blog :
salamat din sa mga sumusunod
1. Dr. Melody Umali-Aniceta
Dito po ang Dentista, Rm 200 citiland 3, V.A. Rufino St. Legaspi Village Makati City
2. Beverly Siy at and Panpilpipol
——-
5 years of blogging experience
Bakit nga ba ako nagsusulat? – Gusto kong maging writer pero dahil bihira lang ang nabibigyan ng pagkakataon na makapagpublish ng sarili nilang gawa, nakita ko ang blog na magandang venue para makapagsulat ako.
Nagsimula ako sa Friendster Blog noong April 25, 2005. Paglalakbay ang title ng blog ko at ang una kong entry ay Unang Istasyon.
Tapos nasundan ng panibagong blog sa Blog Spirit, isang anonymous blog na hindi nagtagal at tinigil ko na rin.
Matapos ang isang taon at kalahati, October 23, 2006 nang magsulat ako at maging kapamilya ng wordpress.
Hindi ko na matandaan kung kelan ko pinagsama ang friendster at wordpress.
Dahil sa blogging, ilang studyante at teachers ang nag email sa kin at nagpapaalam na magamit ang mga sinulat ko.
Nainterview din ako sa isang radio station.
May naisulat ako na ginamit sa isang local news paper.
Hindi ko alam kung ilan ang isinubmit ng mga estudyante para sa project nila.
May mga sinulat ako na inangkin na ng iba. Minsan ay ginogoogle ko ang sinulat ko at laking gulat ko na kalat na kalat na pala ito, wala man lang credit pero okay na rin.
Minsan ay nireport din ako sa wordpress dahil nagsusulat daw ako ng Parental Guidance sa kabila ng kaalaman ko na maraming bata ang nagbabasa ng gawa ko.
May nagcomment din sa kin na hindi daw maganda ang sulat ko at napagalitan daw siya ng teacher niya dahil wala daw katuturan ang gawa ko.
Nakakatanggap din naman ako ng mga comment na nakakataba ng puso.
Sa stat report ng wordpress, nakatutuwangisipin na marami ang naggogoogle ng pangalan ko. Hindi siguro sila marunong gumamit ng bookmark!
Sa blogging, marami akong naging kaibigan. Nakagawa ako ng isang blog contest na sa tingin ko naman ay nakatulong sa pagkakaroon ng mga bagong kwento sa Filipino. Ito ay ang Saranggola Blog Awards.
Limang taon na pala.
Hindi ko alam kung ilang taon pa ang aabutin nito.
Sa ngayon, magsusulat pa rin ako.




awww sasali ako dyan!! haha! tsaka sige sige papadala ako ng FAN PHOTO hihi!
CONGRATS Bern!
salamat bons, asahan ko yan ha!!!
Uy, simula na ng mga contest/s ah. Magiging active na ulit ako! Yey.
Happy blogversary kuya Bernard!
salamat ax. tara paingayin na natin ulit ang blogworld!!!
Speaking of being “active” haha here I am, sasali ako haha pero lapit na ang deadline, kelangan magmadali na! lol
Fan Photo like fan sign?
yep yep y ep. fan sign.. intayin ko entry mo tsi.
First time ko ata dito? Ehehehe… Anibersaya Kuya!
salamat sa pagdaan kurog heheheh
WOW ! tagal mo din pala sa pag ba blog nuh? hehe! Congrats po..=)
salamat. yayaman ba ko dyan sa site mo?lols
Madami akong hibang na picture… at malayo pa ang deadline!
magpapicture ka lang okay na. weh weh weh
congrats sa five years kuya bernard…
hirap kaya magmaintain…
yhen, long time no hear! musta
Pingback: H-i-b-a-n-g-? « Unwritten Thoughts
happy 5th anniv!
http://foobarph.wordpress.com/2010/04/12/h-i-b-a-n-g/
thanks! hindi ko pa rin makita!!!!
HAPPY BLOGSARY… wooohooo.. 5 years… kampai…
thanks. sali ka ulit ha.
huwaw ang galing nakafive years ka… at may contest ang saya naman… hihi ilalabas ko ba kahibangan ko.. sge sge natutuwa ko.
sali ka na joyo! award award award
yep sasali ko
i’ll join kuya bernard!
go go go. asahan ko yan
Here’s my entry kuya bern:
http://www.tsiremo.com/in-random/contest-entry/when-good-habits-turn-bad/
coolness!!!! 1 more to go. up to 2 entries tayo!
haha, bilis mo naman tsi!
parang di mo naman ako kilala..haha ax suporta lang kay kuya bern yeah
pinag iisipan pa ba yan? di na kailangang magdalawang isip, sali agad! hehehehe..
teka ano ba ibig sabihin ng hibanG?
kuya bernard! hapi blogsary ha!
nga pla, may tatanong ako. nu email mo? bka sakaling makasali ako eh. bka lng..
HAHA!
Pingback: ang aking hardin… « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ ɐןɐʍ ɐs ɥǝ
di ko alam kung pasado ito… bahala n po kayo kung isasali nyo haha…
http://dhyoy.wordpress.com/2010/04/14/ang-aking-hardin/
Pingback: Hibang | salbehe dot com
Eto na: http://salbehe.com/2010/04/hibang/
wow.5 years kana pala! tagal mo na! congratz.
My second entry:
http://www.tsiremo.com/in-random/contest-entry/illusionary-love/
hehe
Pingback: Tweets that mention 5 Years na Tayo! – Blog Anniversary « HIBANG {tagni-tagning ideya} -- Topsy.com
ang tagal ko kasing hindi nagnet kaya late ang bati…
hepi anibersary po…
sasali ulit ako kahit hindi me mananalo.
kuya meron na ko entry yahooo
http://jasonhamster.wordpress.com/2010/04/17/si-ponkan-at-strawberry/
Pingback: Si Ponkan at Strawberry « Si Jasonhamster ang bagong RIZAL
Magandang umaga kuya bern! magandang umaga!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
yahoooooooooooooooooooooooooo
wiieeee..tapos na rin ako kuya!!..teka, bat hindi na link dito??
nyek, hindi mo naman pinost yung link. anyway eto yung link :
http://spagetisows.wordpress.com/2010/04/20/hibangiritera/
ay oo nga! haha! tnx po!! try try lng!!
Congrats po!
Kahit hindi sasali, pwede bang linisan mo ako ng ngipin?
Babati na lang ako.
pabati.
pabati.
Ang tagal mo na palang nagbablog. Katuwa naman.
Pwede ba akong makiboto kahit hindi ako kasali?
Ilan ang pwedeng iboto?
Dapat ba ang iboboto ko, may sayad, may tama, may kulang sa utak?
Tenks
KUYA BERNARD!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
kuya bernssssssss ok nakagawa na ko pahabol lang hehehehe
Pingback: Mga Nagwagi sa Hibang 5th Blog Anniversary! « HIBANG {tagni-tagning ideya}
well hindi na ako nakasali rito pero magkagayon man.importante ay
Mabati ko kayo ng more power at limang taon ka na. more years to come.
mabuhay!
Pingback: ang aking munting hardin… « …ɐʍɐƃɐɯ ƃuoʞɐ uıɹ ɐd ɐןɐʍ ɐs ɥǝ