Interesting at talaga namang natawa at naexcite ako sa wish na ito mula kay Zyra Bambico ng blessed Zyra :
Happy Anniv Kuya Blue ![]()
Eto po ang aking hiling hehe:
Sana may pitong (o kahit isa lang) bata (ung tipong hindi naman gaano ka-blessed financially) ang iyong mapagupitan (shampoo + blow dry), mapalinis ang kuko at paa.
Hindi po kasi nila yun afford, kahit P50 lang ang gupit sa ibang salon, hindi pa rin nila yon kayang bayaran. Naalala ko kasi ung tatay ko, sabi nya, si lola lang daw ang naggugupit ng buhok nila dati para makatipid kc 8 silang magkakapatid. Sana po ay matupad mo ang wish na ito.
Hindi po kasi nila yun afford, kahit P50 lang ang gupit sa ibang salon, hindi pa rin nila yon kayang bayaran. Naalala ko kasi ung tatay ko, sabi nya, si lola lang daw ang naggugupit ng buhok nila dati para makatipid kc 8 silang magkakapatid. Sana po ay matupad mo ang wish na ito.
God bless sayo kuya!
—
Kaya naman niyakag ko ang kaibigan ko na si Ate Angie Sumaway para isagawa ang pagpapagupit, paglilinis ng kuko at pagpapakain sa mga bata sa Payatas. Sa pamamagitan ng PICO – MPC Payatas at mga Out of School Youth volunteer na nakatapos ng cosmetology sa pamamagitan ng I Can Foundation ay ipinagkaloob nila ang kanilang talento at natutunan sa isang taong pag-aaral. Kaya nga nung June 9, 2012, naisagawa ang wish na ito ni Zyra
To view this photo slideshow you need to have Flash Player 9 or newer installed and JavaScript enabled. PhotoSnack.com is a photo sharing website that allows you to upload your photos and share them with your friends.
Wish Granted!
Maraming – maraming salamat sa mga nagwish, sa mga tumulong maisakatuparan ang mga hiling na ito at higit sa lahat, sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa aking blog. Maligayang Pitong Taon at hanggang sa mahabang taon pang darating!
—




















Happy 7th!!! 😊
Yehey!
Salamat kuya, ang saya naman sa pakiramdam, ang dami mong natulungang bata.
Ayan, nag-anniversary na ikaw, nakapagpasaya ka pa ng marami.
Congrats sau.
Congrats ng sobra-sobra ♥
yup yan ha, marami-rami yan hindi lang pito, 50+ na bata yan in preparation sa pagpasok nila sa paaralan noong nakaraang buwan
wow ganda na ng themeee hahahaha congrats ulettt!
CONGRATZ! Galing galing naman.
wow. masyado naman akong natuwa sa wish ni blessed Zyra…napakalaking bagay nun para sa napagkalooban.
sana sa susunod, masmadami pang wish.pwedeng X2 para masmasaya.at sana nxt time palarin ding mapagbigyan ang wish ko.hehe
hindi lang pito kundi maraming bata ang nabiyayaan. sana tuloy tuloy na ito kuya bernard! we will support you sa lahat ng mga bagay na mabuti na maaari pang mangyari in the future! aja!
Blue, natutuwa ako na naipagpapatuloy mo ang pagiging “SVO” mo.