Guest Blogger 3 – Carlo Vidamo

Tapos na ang eleksyon at siguradong pababa na ang atensyon sa Vice Ganda – Jessica Soho issue kaya balik blogging na.
Ang ikatlong Guest blogger para sa ika 8 anibersayo ng aking blog ay nagwagi ng unang karangalan para sa kategoryang Photoblog noong 2011 Saranggola Blog Awards. Pinamalas nya sa blog na ito ang kanyang angking galing hindi lang sa pagkuha ng larawan kundi maging sa paghabi ng mga salita (wikang Ingles) at pagkalkal sa ating imahinasyon.
Ang Guest Blogger na ito ay walang iba kundi si Carlo Vidamo na may blog na Where The Almighty Dwells
Si Carlo Vidamo ay ipinanganak noong 1989. Siya ay kumuha ng kursong B Fine Arts in Painting sa UP Diliman. Siya ay nagpipinta, kumukuha ng larawan, nagsusulat, at umaawit(tuwing naliligo sa banyo). Siya ay isang alagad ng sining kahit na ito ay self-proclaimed lamang. Kasalukuyang manunulat sa ilang lathalain sa iba’t-ibang panig ng mundo bilang isang anonymous writer (pwede na ring struggling writer). Nagpaplano rin siyang lumahok sa LIRA sa takdang panahon, at nais na magtanghal ng isang eksibisyon ng kanyang mga naipinta sa susunod na taon. Mahilig siyang magluto at labis kung uminom ng alak at madali rin siyang yayain(alam na!). At bukod sa pagiging gwapo at lubhang talentado, siya ay mataba at may bali-balikong daliri at dalawang kalawing paa at barubal ang kanyang pananalita. Siya ay isang dalubhasa sa pagiging isang batugan AKA pagpapalaki ng betlog.
Nais ko lang ipaalala na ang blog na ito ay nasa wikang Ingles at Rated PG.
Medyo mahirap ang pagsubok na dinaanan ng guest blogger natin dahil isang kilalang artista ang ipinagamit kong inspirasyon sa kanya – si Piolo Pascual :)
 
Challenging di ba? hehehe
Mula sa larawang iyan nabuo ang blog na ito na sadyang walang pamagat.
In that instantaneous, blissful moment, we were one. Our bodies grooved to the music of the night that was subtle, euphoric, and ethereal. As our bare vessels swayed ebbed to and fro, our lips parried like ice-hot daggers in duel: fueled and riposting with such enormous power graced with lush and lust. So I slithered downhill and gently pushed my rod into your hilt. Warmth embraced my manhood — making it more erect than ever.
I thrusted my hips swiftly while you let out those suppressed yet audible moans — making me more famished for human flesh. I swayed and gyrated as your body twitched with both delight and pain, every single flesh throbbing in each fastidious movement I executed. You buried your nails in my arched back as my tongue wandered inside your lips.
The sound of our skins clasping grew louder, the echoes of pleasure melted completely in that eerie air, and we were breathing hard: muttering prayers and cursing all the angels and saints with the ecstatic pronouncement of the staccato of vowels.
                     Ooze.
                 Squirt.
                           Drip.
                  We fade
                        into
                    nothingness.
And we just lay there, curled naked on the seashore, enjoying the soft kisses of the fine sand in the spaces between our toes as I track the reflection of the night sky and its constellations in your pupils. The sand is cold and so is your sweaty skin which is, by the way, my favorite piece of fabric ever woven. It just flows gently onto mine like a premature but excellently crafted velvet that is neither too smooth nor too textured.
And I just lay there, listening to the beautiful music that is the howling of the wind and the splattering of the waves and the quite muffled voice you exhibit when you speak. I do not understand everything you say, for I was too busy deciphering the beauty of the moment of that spectacular fornication, of the night, and of your lashes that fan semantically every time you close your eyes to pause.
You just lay there, talking. Your eyes glued to the freckled abyss. Ignoring the sycophantical guffaws I execute every time you look at me for a retort. You said that the sky is beautiful, and I said in my head that you are the most beautiful. No, look at those stars that sit together in a line as though triplets, you say. Ah, that’s the Orion’s Belt, I tell you. And you harked about how those stars seem like puny troublesome dots that meant nothing.
I felt sorry for the stars because I understand them deep down — their sorrows, their secrets, and the stories they all keep. I looked at the Orion’s Belt and realized how disconcerting they really are — and the stars next to it, and suddenly, I was overwhelmed by their laments that scatter and glitter quietly in the long streak of darkness. It reminds me of everything; of all the tittles of those “I…”s that you weren’t brave enough to bark clearly, let alone finish.
We just lay there, silently: you were mute, carefully choosing the words in your head; I was instantly deaf, because it is that long, unbreakable silence that gave birth to the pile of unfinished sentences that pierces me through and through. And just like every night of broken china, the sky was starting to emit blue that becomes paler and paler, vanishing the army of stars. The sun started to shine, and the words never — not even in a million light years away — left you.

Super Arte

Guest Blogger #2 : Alexis Gutierrez
Saranggola Blog Awards Winner, Maikling Kwento, 2010

Ang hamon na ibinigay kay Goyo (palayaw) ay lumikha ng blog mula sa musikang ibinigay sa kanya. Ang pamagat ng musikang ito ay The Feather – soundtrack ng Forrest Gump.

Madalas din ay gamitin ko ang musikang ito para sa pagsusulat. Tinutulungan ako nito na pakalmahin ang isip at magpokus sa nilalaman ng aking puso – kung ano ba ang nais kong sabihin.

Salamat at pumayag si Goyo – isa sa mga kilala kong sikat sa Tumblr upang sumulat ng blog para sa aking ika – 8 taong pagbablog. Sa blog na ito tumatambay si Goyo (Theiskulbukol)

Biosketch: Si Goyo na mas okay tawaging Alexis kung isa kang tunay na chicks ay tubong Rizal. Inabot s’ya ng anim na taon para matapos ang kursong Bachelor of Science in Electronics and Communications Engineering sa FEU-East Asia College. Natsambahan naman n’ya ang board exam noong October 2012 at ngayon ay isa ng ganap na tambay. Bukod sa paghahanap ng mapapasukang trabaho, wala s’yang pinagkakaabalahan ngayon kung hindi ang kumain at humilata sa bahay. Naniniwala s’ya na late bloomer s’ya sa lahat ng bagay maging sa pagsusulat. Kahit anong matripan n’yang isulat ay isinusulat n’ya. Single nga pala si Goyo, pero may crush na disi-otso anyos na dalagita.

Tunghayan natin ang kanyang blog :

“Super Arte”


I. Paulit-ulit kong pinakinggan ang piyesang ibinigay sa akin para paghugutan ng damdamin upang makabuo ng isang akda. Nakakainip. Nakakaantok. Nakakatamad pala. Wala akong mapiga sa ulo ko. At mukhang wala rin akong tenga sa ganitong klase ng musika – ang totoo’y sa lahat naman ng klase ng musika. Bukas na lang ulit. Teka, hindi pa pala ako sigurado. Bahala na.
II. Basa ng pawis ang batok ko noong bumangon ako sa kama pasado alas-siyete ng umaga. Dumiresto sa kubeta para umihi, maghilamos at magmumog. Pagkatapos ay humarap agad sa computer – ni hindi man lang ako nagpasalamat sa Diyos para sa panibagong araw. Muli kong pinakinggan ‘yung piyesa ng kung sinong musikero na noong isang araw ko pa ginigiling sa kokote ko habang naghahanap sa internet ng trabahong p’wedeng pasukan ng mga tsambalerong bagitong engineer tulad ko. Hindi pa nangangalahati ang tugtog ay napahikab agad ako at napaisip na bitin ‘ata ang tulog ko. Nagtimpla ako ng kape bilang parte ng ritwal tuwing umaga, pampagising na rin. Hindi naman talaga ako nagtimpla. Binuksan ko lang ‘yung isang sachet ng 3 in 1 coffee at itinaktak ang laman sa loob ng baso, nilagyan ng mainit na tubig tsaka hinalo gamit ang kutsarita.
Paubos na ang kape. Patapos na rin ang pangalawang ulit ng kulang siyam na minutong piyesa. Hindi ko pa rin maramdaman ang kurba ng mga nota. Wala rin akong makitang trabahong maaari kong aplayan. Panget ang araw na ‘to.
III. Higit isang oras din siguro akong nakanganga sa kahabaan ng byahe dahil sa sarap ng tulog. Naalimpungatan lang ako noong magsimula nang tumaas ang araw at malasahan ko na ang sarili kong hininga. Kinopya ko nga pala sa cellphone ko ‘yung piyesa. Tutal gising na rin naman ako at hindi na ulit dadalawin ng antok, dala na rin ng pagkabagot ay muli kong sinandtrip ‘yung piyesa na hindi ko makuha-kuha. Kahit anong gawin kong pagpapanggap na may mahihita ako sa paulit-ulit na pakikinig ay wala pa rin talaga. Naba-blangko ako. Hindi ako makapag-focus. Akala ko madali lang. Akala ko petiks lang. Nakakahiya, pero inakala ko rin kasi na magaling na ako. Nakaka-frustrate pala ang putang inang tugtog na ‘to.
Kasabay ng pagbabago ng bilis ng sinasakyang van ay ang pagbabago rin ng ritmo at tyempo ng tugtog. Sobrang biglaan. Walang sabi-sabi. Para akong nahipnotismo at unti-unting lumulubog sa matigas na kutson na kinalalagakan ng puwet ko. ‘Yung damdamin na pilit kong hinuhugot at hindi ko makapa sa musika, biglang tinubuan ng ulo at katawan, at nabuhay bilang isang tunay na problemang personal. Mabilis ang pangyayari. Ako mismo na nakakaranas ay hindi makasunod. Humiwalay sa kasalukuyan ang isip ko. Sunud-sunod na rin ang pagbato ng tanong ng sarili kong konsensya. Palalim nang palalim ang diskusyon. Palawak nang palawak ang tinatalakay na paksa. Tuluyan nang kinain ng lungkot na matagal nang naninirahan sa loob ko ang baluti ng pagpapanggap bilang isang matibay at matigas na tao.
Trabaho, pera, ambisyon sa buhay, palayo nang palayung mga pangarap, materyal na pag-aari, atensyon, estado ng yabang, at marami pang pansariling kaligayahan na nagbibigay sa akin ng kalungkutan. Lahat ‘yun ay naging isang halimaw na pilit tumitibag sa pagkatao ko. Ang mga tanong ay nagpanggap na liriko at tuluyang lumapat sa mabagal na duyan ng musika. Nabuhay panandalian ang tugtog pero naroon pa rin at tuluyan nang nagmantsa ang nabuong lungkot. Naging easy target ako at nagmistulang punching bag. Bawat nota ay may katumbas na bigat at sakit. Korner ako. Walang takas. Hindi ako makaiwas.
Isang malakas na suntok pa-uppercut. Sinundan ng isang right hook na binalanse pa sa kaliwa. Paulit-ulit na body blow at mabibigat na jab. At isang solidong straight sa mukha ‘rekta sa ilong bilang panapos. Ang huling suntok ay para sa katotohanang ang huling bagay na nagpapalungkot sa akin pero maaaring unang makapagpasaya ay may kinalaman sa buhay pag-ibig. Tumigil ang van, nasa Starmall na ako. ‘Tang ina pala talaga ‘yang pag-ibig na ‘yan. Kahit saan sumisingit. Kahit saan may ganap.

IV. Naging swabe ang lakad ko para sa araw na ‘yun. Nakuha ko na ang membership ID ko na ilang buwan ding nabulok sa opisinang ‘yun. Wala pa pala akong TIN. At dalawampu’t limang araw pa bago ilabas ang NBI clearance ko. Swabe naman talaga, ‘di ba? Naka-tatlong palit nga ako ng damit at isang libong mura dahil sa init ng panahon eh. Pero maniwala ka, wala pa ring amoy ang kili-kili ko.
Mag-a-alas tres na ng hapon noong makabalik ako sa terminal. Pumasok muna ako sa loob ng katabing mall para makapag-palamig at makapagbawas na rin ng tubig sa pantog. Tinitigan kong mabuti ang sarili ko sa harap ng salamin sa loob ng kubeta. Gwapo pa rin naman ako kahit walang pera, ‘di ba? Hindi sumagot ang mamang mataba sa harap ko. Lumabas na lang ako.
Mabilis akong nainip. Hindi ako napasaya ng mga bagay na maaaring makita sa loob ng mall. Lumabas din ako agad at dumiretso sa parking lot. Inilabas ang baon na tubig. Nagsindi ng sigarilyo. Nilibang ang sarili sa usok. Biglang may kumatok.
Bumalik ang ilang bagay na pinagninilayan ko kaninang umaga. Bakit nga ba wala pa ring nangyayari sa buhay ko hanggang ngayon? Akala ko magiging madali na ang lahat kapag nakatapos na ako ng pag-aaral. Hindi pa rin pala. Akala ko okay na kapag naipasa ko na ‘yung board exam. Hindi pa rin pala. Akala ko matatapos na ang pagiging istambay ko at palamunin kapag nagsikap ako nang husto sa paghahanap ng trabaho. Mas lalong hindi pa rin pala.
Sinimot ko na ang natirang ilang lagok sa binili kong inumin pagkatapos kong ibato ang puwitan ng pangalawang yosi sa pwestong ‘yun. Tumayo, nagpagpag ng sarili at dumiretso na sa pila.

V. Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Pero biglang may nauna na roon sa p’westong pinapangarap ko kahit todo abangers ako – doon sa likod ng driver kung saan maluwag, masosolo ko ang buga ng erkon, katabi pa ng bintana, at higit sa lahat ay hindi maiipit ang itlog ko sa pagkakaupo. Dahil bigo, umatras ako ng bahagya palayo sa gilid na pintuan ng van at inaninag na lang ang upuan sa tabi ng drayber. Inilapat ko ang malaki kong mukha sa tinted na salamin at inispatang maigi kung may bakante pa nga roon. Swerte. Bata ang nakaupo. Maluwag pa rin kahit magtabi kami, isip-isip ko.
Iginala ko ang mga mata ko pagkaupong-pagkaupo ko sa tabi ng bata. Mukhang naka-tyempo nga ako dito sa puwesto ko. Pero mukhang minalas naman ‘yung bata dahil asiwa s’ya at hindi mapakali ang isang braso na nasa gawi ko. May nakasuot na sleeve na madalas gamiting pamorma ng mga traysikol drayber ang braso n’yang iyon. Parang may gustong takpan. At parang kailangan talagang ingatan.
Minasdan ko pang mabuti ang bata at napansin kong nangingitim at payat ang mga kamay nito; na sa sobrang pagkatuyo ay nagkaroon na rin ng bitak-bitak ang balat parang na-El Niño pero namumuti. Parang nanghihina rin s’ya na mababakas naman sa mukha niya. Pero kapansin-pansin na buhay na buhay ang mga mata. “Kagagaling ko lang po kasi sa dialysis.” Biglang usap n’ya. Marahil ay napansin n’yang matagal ang pagkakatuon ng tingin ko sa kanya kaya s’ya na mismo ang sumagot ng mga tanong na unti-unti nang nabubuo sa isip ko.
Bigla akong natameme at napahiya. Ako na walang ginawa kung hindi ang magsunog ng baga kayoyosi at bugbugin ang atay katotoma, ako na walang pinipiling pagkain na lalantakan para dagdagan ang taba sa katawan ko, bakit nga ba panay ang reklamo ko? Bakit nga ba ang kapal ng mukha ko?

VI. Inalis ko na ang tingin sa batang katabi ko at nag-focus na lang sa pagmamasid sa mga taong pawisan at puro nakasimangot habang nasa pila at nag-aabang ng susunod na van.
Pang-walo sa pila ay kapansin-pansin ang isang mama na masinsinang nakikipag-usap sa isa sa mga drayber sa terminal na ‘yun. Nasa edad trenta’y singko hanggang kwarenta’y tres ang mama kung ang pagbabasehan ay ang hitsura ng kanyang bruskong mukha, nag-aagaw sa pagiging abo at itim ang buhok nito dala siguro ng laging pagkabilad sa araw , walang bigote at balbas, sunog ang balat, nakamaong na shorts at kupas na sando, namumuti ang mga binti at paa, gayun din ang suot na sandals, at mukhang sanay sa mabibigat na trabaho. Hinala ko’y batikan sa construction site ang mamang ito.
Ang higit na kapuna-puna sa mamang iyon ay hindi talaga ang kanyang hitsura, kun’di ang mga bakal na animo’y scaffolding na nakatarak sa kanang braso n’ya dahilan para mabura ang ilang bahagi ng isang babae na naka-tattoo sa balat n’ya. Pero wala ni isang bakas ng sakit o pakiramdam ng pagiging hindi komportable ang makikita sa mukha ng mama sa kabila ng hassle na dala-dala n’ya.
Ano nga pala ulit ‘yung nirereklamo mo tungkol sa mailap na trabahong hinahanap-hanap mo? Mabilis na pagsingit ng tanong sa ulo ko.
Hindi ako makasagot sa magkahiwalay na tanong sa magkasunod na senaryo, kinuha ko na lang ang earphones sa loob ng bag ko at isinaksak sa telepono, hinanap ang mahiwagang p’yesa sa listahan ng mga kanta, pumikit at mabilis na tumungo. Umaasang makakatulog at makakatakas sa kahihiyang inabot sa harap ng sarili kong mga multo.

Sayaw sa Tag-Ulan

Guest Blogger 1. Fr. Rhett Sarabia

 

Para sa ikawalong taon ng blog na ito, ang Hibang ay nag anyaya ng mga piling bloggers na magsusulat at tatanggap ng hamon ng pagbablog.

Partikular na pinili natin ang mga nagsipagwagi ng Unang karangalang BlogGaling ng Saranggola Blog Awards mula 2009 – 2012.

Ang mga Guest Bloggers natin ay tumanggap ng mga hamon sa pagsusulat kung saan may larawan o musika na gagamitin at paghuhugutan ng damdamin at imahinasyon.

Malaya silang magbablog ng kung anumang pumasok sa kanilang isipan matapos makita ang mga ipinadala sa kanila.

Ang unang  guest blogger natin ay si Fr.  Rhet Sarabia. Nagwagi sya noong 2009 sa kategoryang Tula.

ang ibinigay natin sa kanya ay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.

narito ang awitin:

Ang awiting ito ay madalas kong kuhaan ng inspirasyon. Sa mga hindi nakakaalam, madalas ay nakikinig ako sa musika, tumitingin sa larawan o nanonood ng paborito kong clippings ng pelikula para humugot ng damdamin.

Ang awiting ito ay ginamit ko rin sa blog post ko na The Music of the Night na sinulat ko noong 2009.

Kung paanong humagod ang kantang ito sa damdamin at imahinasyon ni Fr. Rhett ay tunghayan natin sa kanyang blog na ito:

—-

 

SAYAW SA TAG-ULAN

 

Mabelyn S. De Dios. Ito ang nakasulat sa application form na hawak-hawak ko. Imposible ito.  Pero habang isa-isa kong binabasa ang mga information, tugmang –tugma ito sa isang kakilala ko matagal nang panahon ang nakakalipas. Hmmm…ang lalim ng aking buntong-hininga habang pinagmamasdan ko ang info sheet na hawak ko. Imposible talaga. Thirty years….thirty long years.

 

Ferdie! Hoy! Ferdie, halika ka silong ka sa payong ko. Madilim na kalangitan. Unti-unting pumapatak ang ulan. Eh, di nakisilong, kaw ba naman ang tawagin ng crush mo.Magiging choosy pa ba ako? Kilig much talaga. Kabog, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hiyang-hiya nga ako, pakiwari ko dinig na dinig nya ang kalabog ng puso ko. Hmm, ganun pala sya kabango sa malapitan. Winner to! Para akong nanalo sa sweepstakes. Lakad, minsan bumibilis, minsan mahina. Ewan ko ba, wish ko sana mahaba pa ang daan pauwi.

 

Ano ba yan, pre…takna ka ng tokneneng! Ito ang bulalas ni Angelo. Bestfriend ko since elementary. Wala ka man lang nasabi..e yun na yun oh!..kayo…kayong dalawa lang sa iisang payong, wala ka man lang nasabi? Eh, sa naunahan ako ng kaba eh. Bestfriend naman, opportunity na yun oh, pinalagpas mo pa. Next time, hayaan mo maghahanda na ako.

 

Next time ba kamo? Wala. Kasi simula na ng summer. Ewan ko ba, buong summer naman na nagningning ang haring araw. Walang ulan, walang sukob-sukob sa payong. Uso ang tuli pag summer, kaya hayun nagkayayaan kaming magpipinsan. Dalawang linggo rin akong natigil sa bahay. Isang araw napadaan si crush ko, Hoy Ferdie, maliligo kami sa ilog, sama ka? Eh, kasi..Anong kasi, halika ka na! Di pwede! Sayang ….hays, sayang talaga! Gabi-gabi di makatulog ng maigi, noong una akala ko dahil sa maalinsangan na panahon, pero ang totoo sa kakaisip kay Maybelyn. Insan,…ano yan? Tanong ni Bert. Yaaks! Tagyawat sa ilong! Ows…umiibig na sya. Sabay halakhak na nang-aalaska! Na conscious tuloy ako. Dumaan pa ang isang araw, waah…pulang-pula na sya at ang laki. Ferdie! Ferdie! Boses ni Maybelyn. Pupunta kami sa ilog, sama ka? Sumagot akong patago. Hindi pwede! Ano , hindi na naman pwede? At bakit nagtatago ka, ha? Basta hindi pwede ngayon.

 

Mabilis na lumipas ang summer. Umpisa na naman ng tag-ulan. Sa iskul namin kanina pa ako nagmamasid, pawang may hinihintay. Ah, baka absent lang nawari ko. Second, third day…natapos ang linggo walang Maybelyn. Pre,….pre…sambit ni Angelo. Kasi sina Maybelyn lumipat na pala sa Maynila. Parang sasabog ang puso ko sa aking narinig. Di ko alam kung sasabog nga talaga. Pero sa sa pakiwari ko hindi ako makahinga. Patakbo kung tinungo ang kanilang bahay. Kasabay naman noon ang pagbuhos ng malakas na ulan. Lakad, takbo, lakad ulit…sa gitna ng ulan. Di ko antala ang lakas ng ulan. Ni hindi ko napansin ang pag-agos ng aking luha.Wala na akong susukubang payong. Wala na si Maybelyn. Unang ranas ng hapdi dahil sa ngalan ng walang kamuwang-muwang na pag-ibig. Natanong ko lang noon kung bakit may mga bagay na kailangang magtapos na hindi man lamang lubusang nakaniig at samsamin ang tamis nito. Para bagang sayaw na kung saan unti-unti mo nang nasasabayan at  siya naman natatapos ang saliw ng tugtog nito. Ulan! Bakit kung kalian ka pumapatak, sabay namang pumapatak ang luha ng dalamhati.Minsan nasabi ko sa aking sarili sana di ka na lang papatak muli.

 

Twenty five years old na ako ngayon. Binata pa rin  Correction Single for life. Congratulations, Pare! Ito nga pala misis ko si Anabel, at ang anak naming si Mardel. Say hello to your tito. Ikaw kailan ka naman mag-aasawa? Sabay tawa! Itong besfriend kong si Angelo alaskador pa rin. Ngayon pa! Hindi na noh, sagot ko naman sa kanya. Di ba si Sir Marco, yun…para naman hindi tumanda. Engr.  Mariliza de Guzman, oo ako nga si Isay Santos, De Guzman na ngayon. Salamat po Mang Andres at nakarating kayo. Si Mang Andres dating dyanitor namin sa highschool. Napagod ako sa maghapong iyon. Ang daming bisitang dumating. Mag-aalas otso na ng gabi ng huling umalis ang mga bisitang kamag-anak. Pagkasara ko ng pintuan ay siya namang buhos ng malakas na ulan. Isang kabanata na naman ang muling nabuksan sa landasin ng aking buhay. Kasabay ng pagpatak ng ulan, nasambit ko sa aking sarili, this time around di na luha ng pighati, datapwat merong sense of fulfillment at contentment. Hindi naman pala na sa bawat pagpatak ng ulan kalungkutan ang dala. Kailangan lang sigurong marunong kang makisayaw sa bawat saliw ng  musika nitong dala sa iyong buhay.

 

Good morning, Sir! I’m Maybelyn S. De Dios. Ferdie? Ferdie delos Santos? Yes, I am Father Ferdie delos Santos. Matagal kaming nag-usap. Pero minsan wala akong nauunawaan sa kanyang sinasabi. . Pilit kung ninanamnam ang halimuyak na hatid ng muling pagtatagpo. Lumilipad ang aking diwa at kaisipan. Ang unang pagsukob sa ulan. Ang bilis ng kabog na aking nararamdaman ng mga panahong iyon. Ang tagyawat sa ilong. Ang alaala ng kahapon, yun ang muling nabuksan at nilakbay ng aking diwa. Ang tagal kitang hinintay at hinanap. Sa mahabang panahon na ginugol ko sa Maynila, nagbakasakali akong isang araw ay makita kitang muli. Bawat tag-ulan. Bawat may magkasintahang magkasukob sa iisang payong, dasal ko parati sa Diyos na sana tayo ang magkasukob.

 

Father Ferdie?…Ok lang kayo? Hmmm, yes. Pagod lang siguro ako. Miss De Dios, pakiproceed na lang sa HR Department. And by the way, congratulations, magsisimula ka na this school year at our Cebu branch as per your request. Pakikamusta na lang ako sa family mo, at saka …ano nga pala name ng son mo? Ferdie…yun ang name nya…pinangalan  ko yun sa isang taong minsan kung minahal. Hindi ko na naramdaman ang pagpinid ng pintuan ng aking opisina. Malayo ang aking tingin, para bang may hinahanap ako sa nakaraan ng aking buhay.Pilit may binabalikan Saan ba ako nagkulang? Hinanap kita. Parang eksena lang sa pelikula. Pag andon ako sa eksena wala ka, pag nandon ka naman ako naman ang wala. O  sadyang ang tadhana ang syang nagbadya ng ating kapalaran. Bumuhos na naman ang ulan. Malakas na malakas ito. Kasabay nito ang pag-agos ng aking luha. Bakit tuwing umuulan, pinupukaw nito ang mga alaala ng nakaraan? Di ba sya pwedeng umulan na lang na walang sinasagasaang dahilan.

 

2013. Malayo na ako sa Pilipinas. Bagong assignment, bagong buhay, bagong panimula. Kahit dito sa malayong lugar umuulan pa rin, kasabay ang pagpukaw nito sa mga  alaala ng aking nakaraan. Ngayon ko lang napagtanto: My first love was meant to be my only and last love. Hays! Kilig much?  Nope, this time around, thankful, kasi minsan dumating ang pag-ibig , este ang sinaunang pag-ibig ng buhay ko.. Habang sinusulat ko ito humihigop ako ng mainit na kape sa saliw ng awitin ni Aiza Seguera..entaytol, Anong nangyari sa ating dalawa? Umuulan na naman. Sana naman walang basagan ng trip. Sige na,  bumalik ka na lang bukas Mister Ulan. Please!

 

 

 

Bluguy.

 

April 8, 2013

 

Rome, Italy

 

 

Sino si Fr. Rhett?

 

Si Bluguy o Rhett Ruiz Sarabia ay ipinanganak noong Marso 23, 1964 sa bayan ng Kalibo, Aklan Nagtapos sa samu’t-saring kurso: BSC major in Accounting sa Adamson University, Manila; Philosophy units sa San Carlos Seminary, Makati; BS in Sacred Theology sa Don Bosco Center of Studies ( Bene Probatus),Manila; BS Education (Magna cum Laude) sa Salesian Pontifical University, Rome, Italy; at Licentiate in Education major in Methodological Pedagogy .II (Magna cum Laude) sa Salesian Pontifical University, Rome, Italy.
Nakapagtrabaho sa Metro Bank sa Makati ng mahigit isang taon bago naisipang tahakin ang bokasyon sa buhay relihiyoso. Pumasok sa seminaryo pagkatapos ng EDSA rebolusyon. Inordenahan sa pagkapari noong 1996. Naging formator sa seminaryo, educator (St. Alexis Center of Studies at Laguna Northwestern College) at Vicar Provincial ng St. Peregrine Philippine Vicariate ng Order of Servants of Mary. Kasalukuyang naglilingkod dito sa General curia OSM, Rome, Italy bilang isang General Councilor ng aming Orden. Mahilig magsulat at makisalamuha sa mga OFW dito sa Italya.

 

Puntahan ang kanyang blog na bluguy

http://blurosebluguy.wordpress.com/

 

Maraming Salamat Fr. Rhett Sarabia – katukayo, dahil parehong blue ang nickname natin – sa  pagpapaunlak sa aking imbitasyon.

Hotel Lobby

Hindi katulad ng ibang hotel, iba ang lobby nito.

Mabango, maaliwalas, malaki at mamahalin ang ilaw.

Ngayon lang ako nakapasok sa ganito kalaking hotel.

Mas lalong nagmumukhang maluwang ito dahil kakaunti lang ang tao.

International Standards. Iba-ibang lahi rin ang nagchecheck-in.

May pamilya, pero madalas solo – nag-iisa.

Iba rin ang itsura ng mga tao, maaliwalas ang mukha, lahat nakangiti

at alam mong natutuwa sa ganda ng hotel.

Matapos akong kumuha ng picture sa mga ilaw

paintings, at accessories ng lobby

nagpasya na akong lumapit sa frontdesk.

Hiningi ang aking ID, “Pinoy ka?” tanong ko.

“Opo Mr. Umali. Im Lourdes, taga Manila ako.”

Tiningnan niya ang papers ko

ngumiti siya at sinabing “we upgraded your room from deluxe to suite.”

Wow! tuwang-tuwa ako.

Mababaw lang kasi ako.

Pakiramdam ko, ang pinakamasayang araw ko ay nung mula economy ay nilipat ako sa business class ng isang airline for free.

Sumunod dito ay nung nilipat din ako sa isang suite sa isang hotel sa Cebu.

Swerte ata talaga ako sa mga upgrades.

Excited na ko.

Kung makikita mo ko, para akong batang inabutan ng candy. Literal na hanggang tenga ang ngiti ko.

Wala nang sasaya pa sa libre.

at syempre walang katapusang pasasalamat sa front desk officer.

Dahil class ang hotel, card din ang gamit sa elevator.

carpeted ang lalakaran mula mula lobby, elevator at hall way.

Hinatid ako ng butler sa aking kwarto at pinaliwanag nya ang oras ng breakfast, kung saan matatagpuan ang mga amenities

ganun din ang oras ng meeting ko. Pati ang isusuot ko sa ka appointment ko binilin niya rin.

Kung may kailangan daw ako ay tawagin ko lang siya.

Personalize daw ang service ng bawat room.

1 butler is equal to 1 guest. Sosyal di ba?!

Napangiti ako. Di ko kinaya ang buhay na ito.

Mula sa teacher na naging NGO worker na napunta sa real estate.

Napaisip ako, sabi ko napakaluho naman

pero parang nabasa niya ang sinabi ko at sinabi nyang

“the best things in life are free”

nawala naman ang konsyensya ko.

“Enjoy your stay Mr. Umali”

at umalis siya.

Pagpasok ko, nanlaki ang mata ko.

meron pa bang mas wa wow sa wow?

Hindi ‘to hotel room. Para syang isang napakalaking 2 Bedroom Condo unit.

May living area, may CR, may isa pang akala ko ay guest room yun pala ay business room.

May kitchen area rin. Syempre dahil bata ang puso ko, sinilip ko ang laman ng ref.

Punong-puno ng dark chocolates at coke hihihihi

Pinasok ko ang bedroom ko -ang laki ng kama!

Tapos may walk-in closet papunta sa CR na nasa loob ng room.

Bongga, dalawa ang CR; meron sa living room at meron dito sa bedroom at may Jacuzzi pa!!

Sa vanity counter ng CR may iba’t-ibang klase ng pabango syempre ayaw kong buksan baka may bayad.

Binuksan ko rin ang closet at tanaaannnnn!!! May mga damit! may mga suit at infairness sukat sa kin!

Ako na ang prinsepe ng Pilipinas!

Narinig kong nag riring ang telepono.

“Hello?”

“Hi Sir, chinicheck ko lang po kung okay na po ba kayo?”

“Hi Lourdes, yes okay na okay ako. Ganda ng room! Question, nasan ang price nung mga food na nasa bar?”

“Everything is free sir.”

Alleluia!

Parang ang laki ng kabutihang ginawa ko at pinagpapala ako ng ganito!

“Wow! Thank you thank you!”

Pagkatapos ng conversation ay pumunta ako sa Ref at kumuha ng Coke at chocolate.

binuksan ko ang TV at napatigil ako sa pinapalabas

parang slideshow.

pictures ko nung bata ako, video…

ako.

mga larawan na wala sa photoalbum ko.

Mga kuha ko, video ko. umiiyak, gumagapang, inaalalayan ng nanay ko

tumatakbo, nakikipaglaro sa mga kapatid

unang simba kasama ng tatay ko

unang pagpasok sa school, nung unang beses na napaaway ako, graduation…

mga byahe naming magkakabarkada

mga pasyal at byahe ko

teaching days

pag iyak ng mga bata, pakikipaghabulan

storytelling, fieldtrips,

parents day

teachers day

NGO work,

pakikipag usap sa community

sa mga katutubo

unang pag-ibig

unang pagkabigo

tawanan sa opisina

conventions

flashback…

flashback…

ang buhay ko, napapanood ko.

tawa, iyak, hagulgol, halakhak

masarap pa lang panoorin ang pelikula ng buhay mo.

Mamaya isusuot ko ang pinakamagarang suit at gagmitin ang pinakamahal na pabango.

Haharap ako sa pinakaespesyal na ka Appointment ko.

+

Ang Sabi ng Puso

Hindi ako naniniwalang may isang itinadhana para sa atin.

Bullshit  yun. Sa t’wing makakakita ako ng foreigner

naiisip ko, ano yun, majority ng itinadhana magkakalahi?

‘Pag Pinoy ka malamang ang katadhana mo ay Pinoy din?

Sinadya ni tadhana para hindi ka mahirapang maghanap?

Hindi ba nya naisip noon na magkakaroon ng Facebook,

ng chat o kaya ng promo fare? Nakakalokah!

Nagugustuhan mo ang isang tao dahil sa comfort.

Kaya ko ‘tong paamuin, gusto ko ‘to, swak kami,

nagkakaintindihan kami. Good vibes kami. Okay kami.

Hindi kumplikado, hindi magastos, masaya ang puso ko,

panatag ako sa kanya – komportable ako sa kanya.

Noong medyo bata pa ako, hindi ko iniisip ang pag-ibig.

Wala akong pakiaalam.

Abala ako sa paaralan, sa organisasyon,

sa mga gawaing panlipunan.

Continue reading

Lucky Seventh

Interesting at talaga namang natawa at naexcite ako sa wish na ito mula kay Zyra Bambico ng blessed Zyra :

Happy Anniv Kuya Blue :)
Eto po ang aking hiling hehe:

Sana may pitong (o kahit isa lang) bata (ung tipong hindi naman gaano ka-blessed financially) ang iyong mapagupitan (shampoo + blow dry), mapalinis ang kuko at paa.
Hindi po kasi nila yun afford, kahit P50 lang ang gupit sa ibang salon, hindi pa rin nila yon kayang bayaran. Naalala ko kasi ung tatay ko, sabi nya, si lola lang daw ang naggugupit ng buhok nila dati para makatipid kc 8 silang magkakapatid. Sana po ay matupad mo ang wish na ito.
God bless sayo kuya!
Kaya naman niyakag ko ang kaibigan ko na si Ate Angie Sumaway para isagawa ang pagpapagupit, paglilinis ng kuko at pagpapakain sa mga bata sa Payatas. Sa pamamagitan ng PICO – MPC Payatas at mga Out of School Youth volunteer na nakatapos ng cosmetology sa pamamagitan ng I Can Foundation ay ipinagkaloob nila ang kanilang talento at natutunan sa isang taong pag-aaral. Kaya nga nung June 9, 2012, naisagawa ang wish na ito ni Zyra :)

To view this photo slideshow you need to have Flash Player 9 or newer installed and JavaScript enabled. PhotoSnack.com is a photo sharing website that allows you to upload your photos and share them with your friends.

Wish Granted!

Maraming – maraming salamat sa mga nagwish, sa mga tumulong maisakatuparan ang mga hiling na ito at higit sa lahat, sa patuloy na nagbabasa at sumusuporta sa aking blog. Maligayang Pitong Taon at hanggang sa mahabang taon pang darating!

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Lucky Fourth

Isang blogger na taga Mindanao ang nagpadala ng kanyang wish. Mula ito kay Marvin Ric Mendoza, blogger sa likod ng Mga Tula at Kwento: Bahaghari ng Kaisipan

Sa dinami-rami ng maaaring mahiling sa mahalagang taong ito,taong tunay na sa Diyos, ang tanging mahihiling ko lamang po ay magkaroon ng aklat na kalipunan ng mga tula ni Jose Corazon de Jesus. Siya ang makatang aking iniidolo. Bagaman ang hiling na ito ay may hatumbas na halaga, hindi ko maaaring maitatwang ito na nga ang isa sa mga inaasam kong bagay. Kung hindi pa ito, mahihiling ko rin namang magkaroon ng kahit isang album ng Air Supply pagkat nagiging lubos ang aking kasiyahan kapag naririnig ko ang kaygandang tinig at kayrikit na liriko ng kanilang mga kanta.
Ang hiling na ito ay mula sa aking puso at kung maibibigay ma’y pasasalamat at kagalakang buong-buo ang aking magiging sukli na akin namang kukunin sa kaibuturan ng aking pagkatao.
Maraming salamat.
Dahil wala akong mahanap na aklat ni Jose Corazon de Jesus, hinanap ko na lang ang album na gusto nya. Lumaki rin ata ako sa air supply at sa mga hindi nakakaalam, mahilig ako sa music. Hindi ko rin ugaling bumili ng pirated kaya dahil sa effort nya na humingi ng album ng Air Supply kahit maraming pirated nito sa Mindanao, binilhan ko sya ng double cd collection.

Lucky Second

Hindi matanggal ang ngiti sa akin nang mabasa ko ang wish ng isang blogger na gustong magpaka anonymous. Narito ang kanyang hiling:

Dear Kuya Bernard,
Una sa lahat, happy blogsary po sa inyong blog. Isa kayo sa hinahangaan ko sa U-blog. Ang saya ko at napabilang ako ditey, I mean dito. hehe :)
Sana ako ay nakahabol pa. May gusto sana ako hilingin, hindi naman siya ganun kahirap kaya sana makahirit ako. At kung hindi po ako mapipili, ay parang awa niyo na, wag niyo po akong ilaglag. hehehe
May crush po kasi ako sa U-blog, at iyon ay walang iba kundi si kuya Bon. hehe *kilig* Crush lang naman. Sana po ay makahingi ako ng isang picture lang nya na may autograph niya at may maikling mensahe lang para kay “Anonymous” Sige na pu?? please? hehe. Magiging masaya po ako dun.

Alamat ng Bituin

Sa simula, may tatlong dambuhalang lumulutang sa kalawakan; ito ang araw, ang buwan at ang daigdig. Sa umaga, ang araw ang tumatanglaw sa daigdig at buwan naman sa gabi. Maliban sa buwan, madilim na ang kalawakan kung kaya’t may pagkakataong binabalot ang daigdig ng dilim sakalaing malamlam ang buwan o di kaya ay nagkukubli ito sa makapal ulap.

Sa umaga, ang lahat ay nagtatrabaho, abala sa paghahanap ng pagkain, pagtatayo ng kubo na masisilungan at kahoy na ipanggagatong sakaling dumating ang malamig na gabi.

Gayundin ang mga bata, sa umaga ay masayang naglalambitin sa mga sanga ng puno, lumulukso sa mga halaman, nagtatampisaw sa ilog at agad ding nagsisiuwian pagkagat ng dilim.

Madalas ang umpukan sa gabi, sa gitna ng apoy; magkakasama ang mga bata at matatanda. Sa ganitong okasyon maririnig ang tinig ni Tala. Siya ang pinakamatanda sa nayon, pinakikinggan ang kanyang mga payo sakaling may hindi pagkakasundo sa mga miyembro ng pamayanan. Paborito rin siya ng mga bata dahil lahat ng tanong nila ay nasasagot nito; kung saan nagmula ang isda, bakit asul ang kulay ng langit, saan nagtatago ang bahaghari at marami pang kasagutan tungkol sa pagkamangha nila sa daigdig. Hindi rin siya nauubusan ng mga kwento na kapupulutan ng aral. Siya ang nagsisilbing gabay sa kanilang pamayanan.

Isang gabi, nagbalik sa umpukan ang mga bata at matatanda upang makinig kay Tala, subalit hindi siya dumating. Gayundin ang nangyari sa mga sumunod na gabi.

Nagpasya silang puntahan si Tala at nakita nila ito sa kanyang tahanan na mahinang-mahina. Agad nila itong pinainom ng tubig at pinakain. Nagpatawag din sila ng manggagamot. Bahagyang naginhawan si Tala subalit di gaya ng dati, hindi na siya madalas makadalo sa gabi ng mga pagtitipon.

Sa bawat gabi, iba-iba ang nagkukwento sa mga bata, iba-iba rin ang tumatayong tagapagbati at tagapayo kaya lang hindi nagkakasundo ang mga miyembro ng pamayanan. Hindi rin nasisiyahan ang mga bata sa mga sagot sa kanilang tanong.

Lumala ang mga away at di pagkakasundo, nabalitaan ito ni Tala na kanyang labis na ikinalungkot.

Pinatawag ni Tala ang matatanda at magulang  sa kanyang tahanan. Sapagkat labis na syang mahina at hindi na kaya ng kanyang katawan ang lamig ng gabi, t’wing hapon siya nagkukwento at sumasagot sa mga tanong na hindi nila masagot. Nag-aral sila kay Tala. Sa gabi naman, ang matatandang nag-aral ang nagkukwento at nagiging gabay sa pamayanan.

Isang gabi, sa kabila ng kahinaan ay nagpasya si Tala na samahan ang mga nag-aral sa kanya. Nalaman ito ng lahat ng miyembro ng pamayanan kaya naghanda sila ng masarap na salu-salo, batid nilang bihira ng mangyari na makakasama nila si Tala sa gabi ng pagtitipon.

Matapos ang masarap na hapunan at mapakinggan ni Tala ang mga matatandang nag-aral sa kanya ay nagsalita siya.

“Balewala ang lamig ng gabi sa mainit nating pagsasalo. Sa mga ganitong okasyon, nawawala ang takot, ang alinlangan, napapanatag ang agam-agam at nabibigyang sagot ang ating mga katanungan.” napatigil si Tala at tumingin sa bawat isa, humugot ng malalim na hininga at muling nagsalita

“Ipagpatuloy ninyo ang ganitong mga pagtitipon, hindi na ako makadadalo sa mga susunod na araw, gagabayan kayo nila” at saka itinuro ang matatandang nag-aral sa kanya

“Saan po kayo pupunta” gulat na tanong ng isa

“Mahina na ang aking katawan at alam kong hindi na ako magtatagal” sagot ni Tala

“Subalit nariyan po ang magagaling na manggagamot, pagagalingan po nila kayo?” wika naman ng isa

“Hindi kayang gamutin ang hangganan ng ating katawan subalit ang mga aral na iniwan ay maaaring magtagal. Isabuhay ninyo ito at tungkulin nyong ibahagi sa iba. Ang mga aral na iyon ay siyang magiging gamot upang pawiin ang kalungkutan sa mahabang gabi, sa oras ng pag-aalinlangan at sa takot na bumabalot sa inyong isipan.”

“Naging gabay po namin kayo sa pagpapalaki sa aming mga anak at nagpapasalamat po kami” naluluhang wika ng isang ina

“Saan po ba napupunta ang isang taong namamatay?” mapangahas na tanong ng isang binata na agad namang ikinagalit ng isang matanda “Hindi pa mamatay si Tala”

“Ang kamatayan ay dapat harapin ng may kasiyahan at hindi dapat katakutan.Katawan lamang ang namamatay subalit ang ispiritu nitong pinagningas noong siya ay nabubuhay ay magiging kabahagi ng inyong ispiritu. Mananatili siya rito hanggang sa mapagpasyahan ninyong isabuhay ang kanyang aral. Ang salita ay ang ispiritu at ipasa nyo ito sa inyong mga anak at kaapu-apuhan.Doo’y makikita ninyong nagniningas ang ating pamayanan” pagpapaalala ni Tala.

Ilang sandali pa’y lumakas ang hangin at nabalot ng maitim na ulap ang buwan. Ipinasya nilang ipasok si Tala sa kanyang tahanan. Bumuhos ang malakas na ulang tila nagngangalit, walang maririnig kundi ang patak ng ulan at hambalos ng hangin. Sa tahanan ni Tala na sila nagpatila. Muling binalot ng ingay ang tahanang iyon ng makita nilang wala ng buhay si Tala. Waring tinangay ang kanyang buhay nang nag-aalimpuyong hangin. Isang mahabang gabi ng pagtangis, ang katahimikan ng gabi ay manaka-nakang binubulabog ng bawat paghikbi. Bago pa pumutok ang araw, inilibing na nila si Tala kung saan sila nagsisiga ng apoy tanda ng liwanag na binigay ni Tala.

Nang sumunod na gabi, gaya ng ipinangako ng matatanda na nag-aral kay Tala, sila naman ang nagsalita. Nagbigay-aral at sumagot sa mga tanong ng mga miyembro ng pamayanan. May mga bitbit din silang kwento. Naputol ang pag-aaral na iyon ng magsalita ang isang batang may napansin sa langit.

“May liwanag! May munting liwanag sa langit!”

Tumingala sila at naroon nga ang isang bagong liwanag sa langit

“Si Tala! Naroon si Tala! Ginagabayan tayo ni Tala” natutuwang nilang pahayag.

At sa bawat pagdaan ng panahon, bawat matatandang nag-iiwan ng aral, bawat magulang na gumagabay sa kanilang mga anak at mga gurong nagbabahagi ng salita, isa-isa silang nagiging Tala.

Pinaniniwalaan nilang mas maningas ang butil ng tala depende sa dami ng aral na kanyang nabahagi, mga  batang natuto at buhay na ginabayan. Ang kalawakan ng langit ang syang naging tahanan sa kabilang buhay. Kung kaya nga’t naging misyon nila ang maging gabay dito sa daigdig upang maging maningas na tala sa kabilang buhay.

Add to DeliciousAdd to DiggAdd to FaceBookAdd to Google BookmarkAdd to RedditAdd to StumbleUponAdd to TechnoratiAdd to Twitter

Para sa Blog na Libre Lang ang Mangarap

Bihira akong sumuporta sa mga bloggers kapag kinakailangan nila ng boto sa mga patimpalak dahil marami sa kanila ay kaibigan ko at madalas ay pare-pareho silang nominado. Umiiwas lang ako sa tampuhan. Pero sa pagkakataong hindi, kinakailangan kong manindigan at magbigay boto (na kailanman ay hindi ko ginagawa dahil hindi rin ako bumoboto sa local o national election, lakas mo sa’kin Otep) para sa isang blog / blogger na may malaking impluwensiya sa buhay ko dito sa blogworld.

Nakilala ko si Otep at ang kanyang Libre Lang ang Mangarap halos apat na taon na ang nakakaraan. Hindi pa masyadong sikat ang mga patimpalak sa mga bloggers. Nabasa ko ang kanyang blog at pausong exchange link requirement para tumaas ang hits at dumami ang mambabasa. Umakyat ang hits nya lalo na sa kanyang entry na Ako Mismo. Continue reading

Ang A B C D ni Nanay at Tatay

Walo kaming magkakapatid at ni isa, walang nagpre-school.  Hindi ko na naabutan yung panahon na pwede ka ng mag grade 1 kung kaya mo ng abutin ng kanang kamay ang kaliwang tenga mo. Kasi naaalala ko, para makapasok ng grade 1, dapat ay kaya mo ng isulat ang alphabet at ang  pangalan mo.

Totoo nga, napaka importante ang pangalan, unang araw ko kasi sa grade 1, iyak ako ng iyak, hindi ko naiintindihan ang mga pinaggagagawa namin. Gusto ko ng umuwi at for the first time, gusto ko ng matulog sa tanghali. Uuwi ako at matutulog na lang kahit dati ay ayaw ko.  Sabi ng teacher namin, ang unang pauuwiin ay yung makakasulat ng buong pangalan at apelyido sa papel – back to back. Agad akong nagpasa pero sabi ni teacher, back to back daw, hindi ko naiintindihan ang ibig sabihin ng back to back kaya pinaliwanag ni ma’am, namilog ang mata ko at halos lumubo ang sipon ko sa pagpipigil sa nagbabadyang pag agos ng luha.  Pagbalik sa upuan upang muling isulat ang pangalan ko, nanginginig ang kamay ko, nakita ng kaklase ko na hindi ko kaya, kaya sya na ang gumawa nun para sa akin. Kung hindi ako nagkakamali Melchor ata ang pangalan nun, matangkad at magtetake ng acceleration exam para maging grade 4. Sya ang unang anghel sa buhay- paaralan ko. Mula noon, naintindihan ko ang kahalagahan ng pangalan! Ang ikalawang anghel ay si Aling Maria, ang naghahatid sa akin sa paaralan. Sa huling subject at mag uuwian na, mula sa bintana ay iaabot nya sa akin ang papel na may pangalan ko – back to back, sulat iyon ng nanay ko!

Smart Kid daw ako. Kaya nga laking pagtataka ng lahat nung maging iyakin ako sa school. Hindi pala ako ready. Gayunman, looking back, hindi man ako naging handa sa elementary days ko, naging handa naman ako sa totoong buhay. Dahil iyon sa A B C D na tinuro ng magulang ko.

Continue reading

Dear Former Student,

Siguro, hindi mo na inaasahan ang sulat na ito.

Kung naaalala mo pa, 10 years ago, sa klase natin sa Makati High School, meron kayong Student Teacher sa Values Education na hindi masyadong siniseryoso. Syempre, student teacher lang naman ‘to,  bakit kayo magsasubmit ng assignment at projects. Kaya nga sa dami ninyo, hindi lahat ay  nagpasa ng requirements.

Bago magtapos ang taon, bago kayo maging abala sa graduation at pag aaply ng mapapasukan sa college, dalawang project ang kailangan nyong tapusin. Madali lang naman di ba, ang sumulat ng 10-year plan at 101 wishes na ilalagay nyo sa isang envelop na may address ninyo. Continue reading

Mitzel

Madalas kong makita si Mitzel, nakangiting mag-isa. Parang laging may kausap sa isip, tatangu-tango, nakatingin sa malayo, minsan nanlalaki ang mata at nakatingala sa alapaap na para bang namamangha. Bata pa siya noon, patpatin, maikli at manipis ang buhok, kayumanggi at laging suot ang pudpod nyang tsinelas.

Mabilis syang tumakbo, mailap na parang ibon subalit di gaya ng mga langay-langayan sa himpapawid, madalas ay sya lang mag-isa. Kahit nga kasama ang kanyang mga kamag-aral, kalaro at kahit sa gitna ng umpukan nilang magpipinsan, wari siyang nag-iisa, abala sa kanyang iniisip, sa sarili niyang munting isip. Continue reading

Ang Mundo

Ang mundo ay hindi pisikal.

Hindi ito tungkol sa mga gusali,

hindi rin sa mga pasyalan,

lalong hindi ito tungkol sa pulitika

at hindi sa mga artista.

Ang mundo ay hindi rin tungkol sa mga samahan

at hindi rin lang tungkol sa pagkakapatiran,

ang mundo ay hindi ako

o ikaw,sila o  tayo.

ang mundo ay hindi rin pala bilog

hindi lang kasiyahan at lumbay,

ang mundo ay hindi tungkol sa pagkabigo

at hindi katumbas ng pagtatagumpay.

Hindi ito ang mundo.

may kabilang daigdig na matatagpuan dito

ngayon at hindi sa kabilang buhay.

May daigdig na hindi nasa isip

kundi nasa ugnayan ng mga isip.

Itong daigdig ay para sa mga bulag

para sa mga hindi bukas ang pangitain

dahil may mas malawak na daigdig

na may ibang ginagalawan.

Walang sakit ng damdamin

walang panghihinayang

walang sana at sayang

sa  aking daigdig.

Malaya ang mundo

walang patakaran

hindi natatakot

laging may natututunan.

Ang mundo ay walang sukat

o hangganan,

hindi ito tungkol sa iisa

ito ay tungkol sa diwa.

 

Pagkat ang mundo ay bahagi at kaugnay ng mas malawak na mundo

na tanging iilan ang nakakakita at nakakaunawa.

Ang mundo ay may mga salita

sa totoong mundo ay nag uusap.

By bernard umali Posted in Ako

kung bakit hanggang sa muli

Ilang ulit na kong nagtatangkang sumulat o sabihin kahit dito man lang pero sadyang hindi nagkakasundo ang dila maging ang isip. May mga sinasaalang-alang rin  ang damdamin.

Ayos lang na mapuyat ako ngayong gabi, hindi na pwedeng ipagpaliban, kailangan kong buuin ang mga salita. May naghihintay.

Eksaktong salita… May Naghihintay.

at ang dahilan ng pagkaantala… May Maiiwan.

Nakailang ulit nang pinagpaliban, iniwasan at sinabing sandali lang, pero sabi nga, haharap ka sa nakatakda. Ito ang dapat piliin, ito ang sa ngayon ay tama.

Pangako ito hindi lang sa pagkakataon kundi sa sarili, nagkataong nakalimot at nasiyahan o may sinasabing pinakikisamahan.

Yung mga araw o taon na binilang, hindi naman nasayang yun. Nasuklian naman, naging mabuti at nakapagtanin ng kabutihan.

Siguro nga medyo mahirap unawain, kilala ko na ang ganyang sitwasyon, ang tawag ko dyan, wala naman talagang kasiguruhan. Lahat ay tumatawid lang. Lahat ay naglalakbay.

Gaya ng una kong post sa blog noong 2005 – ang buhay  ay isang paglalakbay.

- natapos sa oras ng kapanganakan.

Ako naman ang magsusulat…

Habang kasalukuyang ginigisa ng mga hurado ang mga Maikling Kwento, Tula at Kwentong Pambata ng mga kalahok sa Saranggola Blog Awards 2, may oras na akong magsulat.

Klap! Klap! Klap!

Kanina sa meeting, tumayo ako saglit at iniwan ang aking notebook, pagbalik ko, tinanong ako ng kameeting ko kung nais kong maging doktor. Sinuklian ko siya ng tawa.

Sadyang hindi maganda ang sulat ko maliban sa pirma ko.

Ngayon, sa pagitan ng pagsusulat at pagkukwento, mas gusto ko ng magkwento na lamang. Lahat ng dahilan ay naiisip ng kamay ko pag magsusulat na siya; naroong nangangawit ito o kaya naman ay nanginginig.

Naaalala ko pa noong Grade 1 ako at pinasulat kami sa papel ng aming pangalan. Dapat punuin namin iyon – harap at likod, bago kami payagang makauwi. Hindi ako nag kinder kaya hirap na hirap ako. Hindi ko rin makuha ang logic ng pagsusulat ng pangalan sa isang buong papel. Siguro para bata pa lang ay makilala ko na ang sarili ko. Paiyak na ko noon nang mag-abot ng tulong ang kaklase ko na siya na ang magsusulat para sa akin, napansin niya atang naluluha na ako sa activity na yun.

Grade 2 naman kami nag cursive writing, nagustuhan ko ito. Mas mabilis pala pag kabit-kabit at hindi na ako tumigil noon sa pagsusulat.

Naging aktibo ako sa klase. Ako ang unang sumisigaw ng “Finish” sa t’wing matatapos akong magsulat. 4th year High School na ata akong tumigil sa pagsigaw ng “Finish”.

Ang ballpen ko noon, laging finish din. Tuwang-tuwa ako pag nauubos ko ang tinta. Pag nauubos kasi, kinukuha iyon ng pinsan ko, pwede daw palitan iyon ng bago basta isauli lang ang basyo – Panda at Kilometriko ang ballpen ko noon.

Ilang kilometro na kaya ang narating ko sa haba ng mga letrang naisulat at pinagkabit-kabit, malayo na nga – hindi lang sa layo ng lugar kundi sa haba ng panahon na nabuhay ako. Tama nga naman sila sa sinabi nilang malayo ang mararating mo kung marunong kang magbasa at magsulat.

Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko kaya’t minarapat ng Diyos na magturo ako sa elementary at pahawakin ng mga makukulit na istudyante. Nagturo rin ako ng cursive writing.  Dalawang taon lang iyon, umayaw na ako at sign na siguro na magresign nang masabihan ako ng Grade 2 student ko na ginagaya niya lang ang sulat ko nang minsang pagsabihan ko ito na ayusin ang pagsusulat. Minsan rin nila akong sinita kung bakit daw kami nagsusulat sa hangin. Hilig ko kasi noon na pasulatin sila ng cursive sa hangin, gaya ng natutunan ko noong elementary ako. Ewan ko ba, ang sarap ng pakiramdam kapag sabay-sabay kayong nagsusulat sa hangin.Parang mas natututo, sama-sama at nagkakaisa kayo sa pagsusulat.

Hanggang sa namalayan ko na lang na ang gawaing iyon ay nangyayari ngayon.

Ang pagsusulat sa hangin – sa virtual world, sa lumulutang at malawak na espasyo ng internet.

Dito, sama-sama tayong nagsusulat, nagkukwento at nagbabahagi ng ating mga karanasan at natututunan.

Nagkakaisa tayo – gaya ng 52 bloggers na nakiisa sa pagsulat ng maikling kwento, tula at kwentong pambata. Sa lahat ng sumali at patuloy na sumusuporta sa Saranggola Blog Awards Year 2, ngayon palang ay nais kong iparating ang aking taos-pusong pasasalamat. Ngayon, mayroon na tayong walumpong (80) bagong mga akda, lumilipad gaya ng saranggola sa kalawakan ng internet.

—-

Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga bagong manunulat! Klap! Klap! Klap!

lipadlaya. siyetehan. r. mysterio. eloiski . 2rivers. bevs. spagetisows. katrinadanieles.The_empr3ss. batang istik. livingstain. maskara. forbiddenlei. aboynamedxander. jasonhamster. punlaangpanulat. iheartf. fielsvd. princessnins. kwentotpaniniwalanihitokirihoshi. goyo. metaporista. andee. dahnjacob. tuyongtintangbolpen. cuteberl. toyangxcorebatangmangyan. batanglate. thysecretgarden. salbehe. machongbutiki. zyramae. tuwatula. paulpruel. anakngpiso. mispah. foobarph. pengengbente. tsiremo. row3na. lostpiratekeko. blurosebluguy. duking. arsean. taribong. stilssdd. bonistation. ryanjay. mariaespie. purpledribbledlife. topexpress.

Saranggola Blog Awards 2010

Paano umabot ng Trenta?

Isa na ata ito sa pinaka challenging na blog na gagawin ko, ang isa-isahin at ikwento ang aking lifeline. Syempre selective historian ako, pipiliin ko lang ang mga bagay na pwedeng ipost dito.
Challenging ang pagsusulat na ito dahil challenging din ang kabataan ko.
Narito ang 30 mahalagang natutunan ko sa buhay
1. Totoong the child is the father of the man.
Halos lahat ng ginagawa ko ngayon, natutunan ko noong bata ako. Natutunan kong maging maligalig, makulit at kengkoy sa maraming tao, pero natutunan ko ring dapat ay icing on cake lang yun, malalim ako at maraming alam, huwag ko lang ipapahalata. Ilabas lang kung kinakailangan para hindi mataas ang expectations.

2. Nature and Nurture
Na between nature or nurture, mas nature ang katigasan ng ulo ko. Pinaglihi ako sa yelo at balot. Imaginin mo kung gano katigas ang yelo na nginangata ng nanay ko at alam naman nating makunat ang bato ng balot, syempre eto rin daw ang dahilan kung bakit ako balbon. Isa pang proof na nature ang katigasan ng ulo ko – ayon sa birth certificate ko na ngayon ay kinocontest ng magulang ko, pinanganak ako na 10lbs!

3. Totoong ang buhay ay parang gulong, mamimili ka lang kung sa kariton ka, benz o gulong ng eroplano!
Buti nga at nakisama ang panahon, mabilis itong lumakad gaya ng hiling ko dati na sana ay makawala ako sa pagkabata, sa hirap ng buhay at sa mga bagay na hindi ko maintindihan dahil nga daw bata pa ako. Sa tingin ko, gulong ng eroplano ang pinili ko, ang dalas ko kasing magdaydream para takasan ang malubak at maputik na buhay.

4. Hindi totoong spare the rod and spoil the child
Kung nauso na ang bantay bata noong panahon ko, naipakulong ko na ang magulang ko.E pano naman kasi, ilang beses akong nagising sa hampas ng hose at palo dahil tanghali na ay nasa bahay pa ko. Galing kasi ako sa malaking pamilya at hindi kami lumaking senyorito at senyorita, walo kaming magkakapatid na sabay-sabay nag-aaral. Ang babaunin namin sa araw na iyon ay kailangang kitain namin. Kung merong pamilya na nakakaintindi sa isang kahig isang tuka – kami yun. Sa madaling salita, katulong kami sa trabaho ng magulang namin. Nabuhay kami sa pagpapaigib ng tubig. May poso kami, at dahil panahon noon na wala pang nawasa (MWSS o Maynilad), sa amin umiigib ang mga tao. Hindi madaling trabaho ito, kailangan kong maglakad sa riles papunta sa igiban. Nagagalit ang tatay ko noon dahil ang bagal ko daw bumangon at maglakad. Ngayon ko naiisip na kasi nga, bata ako at maliit ang mga hakbang ko, pero kung ngayon ko lalakarin iyon, siguro ay kaya ng bente minutos. Pero hindi rin ang paglalakad ang isyu ko noon kundi ang init ng araw at mga pang bubully ng mga bata sa daan.

5. The difference between signature and statement
Wala kaming signature clothing. In fact, ang damit ng kuya ko, aabot sa akin! Ang uniform ng kuya ko, papalitan ko lang ng patch. At ang underwear ng kuya ko, susulsihan lang ang garter ng nanay ko, pero dahil maarte ako, – hindi ko isusuot yun. Hindi nabaleng walang underwear – ang tawag ko dun STATEMENT!

6. the most special occasion is sometimes your worst

Naaalala ko rin na tatlong magkakasunod na taon na binati ako ng palo noong birthday ko. Malay nga naman ng tatay ko na birthday ko, ang naaalala niya lang na petsa ay petsa de peligro ng enrolment at bayarin sa meralco. June 27 kasi ako, bukod sa katapusan e napupunta ang panghanda sa enrolment! Salamat Lord, ang galing mong pumili ng araw! Itinakda mo ako sa araw na hindi magiging dahilan ng gastos sa paghanda ng magulang ko, madalas, maghanda man kami ay walang pupunta, tag-ulan na kasi!

7. God’s creation is tried and tested. Dumaan sa matinding quality control.
Matigas ang ulo ko – sobra at aminado ako doon. Pag naiinis ang mga kapatid ko at magulang ko – wagi ako. Sabi ng nanay ko, hindi bababa sa sampung beses na nahulog ako sa kama noong baby pa ko, isang beses sa bintana at 3 beses sa hagdan. Yung pang apat ay napuruhan at naospital dahil tumama ako sa batya at nahiwa ang pisngi ko – kaya nga hindi lang halata, pansinin nyo sa mga picture ko na isa lang ang anggulo ko – scarface kasi ako! May hiwa ang ibaba ng kanang mata ko! Proof lang na sadyang matigas ang ulo ko.

8. Its not always about IQ, sometimes its about EQ (ek ek quotient)
Isa pa sa challenge noon ay ang magkaroon ng mga kapatid na sobrang talino. Hala, wala silang pinag-uusapan kundi mga science terms kaya nga halos lahat sila na linya sa science. May nurse, dentist, pharmacist, tatlong veterinarian, yung isa computer engineer at ako TEACHER! Halos lahat din sila ay laging nasa honor list – ako pang horror! Sila magtatapos ng first honor o kaya second honor, ako naman pang non-academic awards! Binawi ko na lang sa kunwa’y kabaitan ko. Syempre, kung hindi ka na nga masyadong matalino tapos magulo ka pa sa klase sobrang redundant ko na –kaya binawi ko sa most behave, most industrious at best in religion!

9. M. I.S. is not about Multiple Intelligence System, its May Ibig Sabihin (kung bakit nga aanga-anga)
Tinigilan ko na ang pag-aasam ng award-award na yan, buti na lang umattend ako sa seminar ni Henry Tenederos nung highschool pa ako tungkol sa Multiple Intelligence at nalaman ko na matalino rin ako kasi mahilig ako sa pagkanta (music), mahilig akong maglakwatsa (spatial) at mahilig akong tumulala at magdaydream (intra)!

10. In theory, you need to present proof to make it a sound principle. Ang proof ko sa 7 and 8 ay ito :
4th year high school lumagapak ang grade ko. Doon ko naranasan na magkaroon ng 76! Wala kasi akong ginawa kundi magsulat ng magsulat. Hilig ko na kasi ang pagsusulat noon at wala na rin ako ng paki dahil alam ko na gagraduate ako kahit pasang awa and take note – nakalinya pa rin ako sa awardees, Best in Values Education!

11. Time is Gold, Manila City Hall time is old
Psychology dapat ang course ko na kukunin kaso wala palang clinical psychology sa Phil Normal University, magtetake sana ako ng AB Psychology kaso late ako ng 5 mins sa exam day dahil sinunod ko ang orasan ng City Hall. Kaya ayun, hindi ako pinayagan mag take ng exam – in short good bye Psychology at welcome Values Education!

12.Time is not about the number of minutes nor seconds, its about the existence given to spend life.
Ironic ang buhay. Kumuha ako ng Values Ed kasabay ng paniniwala ko na walang Diyos. Bigla akong naging Atheist at makalipas ang tatlong taon – bago gumaradweyrt ng VE ay Agnostic na ako. In fairness, nahila nila ako bahagya. Naging malaya akong mag-isip, pag-aralan ang buhay, unawain ang sarili at lasapin ang kalayaan.

13. If you reach your goal, set a higher one.
Nag excel naman ako sa course na iyon, nung nararamdaman ko na na gagraduate ako – Cum Laude, sinabi ko agad sa tatay ko at ang sabi niya, dapat lang education na nga lang ang course mo – Values Ed pa! Kabog! Pero good bye sa mga drama sa buhay dahil wala namang magagawa iyon kaya okay na rin – martsa, chin up and proud dahil PNU Grad ako.

14. Use your charm then your harm
Pagkagraduate – walang trabaho dahil bago na ang curriculum – Makabayan curriculum. Hindi na separate subject ang Values Ed noon, kaya walang opening for VE` teachers, meron Religion teacher or christian living na ayoko naman. Kaya naman walang nagawa ng diploma ko, pero ang charm ko – marami! Kaya ayos na rin dahil marami naman palang work na pwedeng pasukan.

15. May pera sa basura, pero mas malaki ang pera ng mga kontratista
Mula sa Academe at NGO work ay nagshift din ako at napunta sa corporate work. Apat na taon na ako sa real estate. Kumuha ng lisensya kaya ngayon ay licensed broker.

16. Share your blessings. Be generous to others.
Sa buhay ko ring ito, apat na beses na nadukutan at nahold up at tumigil lang sa Blue rhino na nabili ko sa Binodo.

17. The unexamined life is not worth living.
Mababaw rin lang ako, madali lang mapasaya. May kasama o wala, masaya ako. Kung maingay, makulit at bumabangka sa harap ng maraming tao, mas maingay ang loob ko pag nag-iisa. Masaya akong nag-iisa. Masaya ako sa mga naiisip, narerealize, nadidiskubre at nakikita ko.

18. we are all special and gifted, its up to us if we will unfold the package
Hindi ito sikreto sa mga nakakakilala sa akin, pero sabi nga, may kaweirduhan din ako. Ilang taon ko ring sinubukang mag interpret ng mga nakikita ko sa ibang tao. Hindi ko alam kung pagkakataon pero may kaunti akong nalalaman at kakayahan na makita ang maaaring mangyari. Weird di ba? Kahit ako nawiweirduhan kung paanong tumatama ang mga nakikita ko at naiinterpret, ayon sa ibang tao. Pero hindi ko na rin ito madalas ginagawa dahil unti-unti parang napapansin ko na habang nakikita ko at naiinterpret ang future, nawawala naman ang memory ko. Nitong nakaraang taon – nagkaroon ako ng memory loss. Kasama na ng pagkasira ng mga bagay na importante sa akin gaya ng mga memoribilia, scrap book at mga kwento, tula at nobelang naisulat ko noong araw na inanay na at tuluyang nasira nang hindi ko man lang nadocument ng maayos. Kaya ngayon paalam muna sa panghuhula. Wala rin naman akong pangarap na magkaroon ng kubol sa isang karnibal.

19. Trust your instinct
Paminsan-minsan nakakaramdam at nakakakita pero dedma na rin, sa kin na lang. Pero most of the time din, may mensahe ang mga ito na nakakatulong sa akin.

20. Learn from Madonna
Marami akong naging… naging teacher, community organizer, courseware developer, trainer, officer, broker, blogger at kulang na lang ay faith healer! Hindi ka malalaos kung marunong kang mag reinvent. Kailangang imarket ang sarili, kailangang mag evolve at kailangang hindi takot – magmahal. (ipilit ba?).

21. Parents will always be the best motivator. Mama says, Papa says (Read between the lines!)
Pag sinabi ng magulang mo na kayang kaya mo yan, kabahan ka! Dahil kung alam nilang kaya mo talaga, ang sasabihin nila ay “Ang dali-dali niyan hindi mo magawa, sayang lang ang pinapag-aral namin sayo!” Iritable ang magulang sa mga anak tatamad-tamad pero kabado sa mga anak na tatanga-tanga!
Pansin mo bang walang magaling sa pamilya kundi ang magulang? Kung hindi man nila binida ang sarili nila, asahan mong ibibida nila ang kapatid mo!

22. Your wallet tells your age
Nagkaroon ako ng id ng Super Kids Club, ng Sustagen Club, Mc Donalds, school id, at library id. Ngayon, may company ID, SSS, TIN , SM advantage, National Bookstore, Powerbooks, HMO, Swirl Card, pero I swear wala naman akong suki card, senior citizen at quiet card. Don’t tell me hindi mo alam ang quiet card? Sssshhhhhhh PLASTIK!

23. We are like trees
Minsan dinorowing ako ni Mandy, ang 5-year old niece ko. Nang ipakita nya ang drawing, nagulat ako na may tatlong linya ito sa noo!

Relax Blue, mindeset lang yan, naisip ko, ang age ng puno malalaman mo pag pinutol mo siya. May ring sa loob! Since 30 na ako, may 3 lines din sa noo!
Infairness, I’m in oneness with nature!

24. Potion of Good Relationship
Ito ang proseso sa pagpapaamo sa katrabaho
1. bumili ng kandilang pula, iukit sa katawan ng kandila ang pangalan niya, kumuha ng larawan niya, kung wala ay kahit buhok o kukong ginupit, tapos ay patakan ng kandila, dasalan ng orakulo, gawin ng 7 araw na magkakasunod, itabi sa altar, bago matulog ay dasalan, ibulong ang hiling ng mabuting pagkakaibigan; o kaya naman
2. pumasok ng maaga at tanungin kung anong balita sa SNN o kaya naman ay sa PEP.PH, simulan ang tsismisan para sa pagsasamahang kay ganda!

25. No Label Affair
Maraming klase ng relasyon. May relasyon na para sa paggimik (gimik buddy), relasyong walang katiyakan (its complicated), relasyon ng mga kaluluwa (soulmate), relasyon sa kama (f*ck buddy), relasyon na madalian (quickie?), relasyong pinapatatag ng pag-aaway ( masochist meets sadist), relasyong hindi pinag-uusapan (MU – Mutual Understanding, o May Umiiwas), relasyong parang walang relasyon (no commitment relationship, in short non-exclusive, no contract, ) at relasyong hindi niya alam (ilusyon!).
Para sa mga babae, tandaan palagi! Ang sakit ng mga single at 30 ay too much pressure. Habang nagkakaedad ay dapat nagbabago ka na ng criteria, lower your standards ika nga and of course be practical! Kung maghahanap ka pa ng gwapo, malamang nasa dance floor pa yan, o kaya naman tumatambay sa facebook, o kaya naman below sea level ang IQ. Endangered specie na ang kalalakihan lalo pa’t ang dami ng lalaking nahihilig na rin sa kapwa lalaki.
Pag single ang babaeng nasa edad trenta, career woman! Ang lalaking nasa edad trenta, nagbubuhay-binata Pag single pa rin ang babaeng umabot ng kwarenta, malalim na ang pananampalataya, kung single ang lalaki’t umabot ng kwarenta – bakla!

26. Live now. Not Tomorrow
Nakailang balik ako sa ospital nitong nakalipas na dalawang taon para sa kung anu-anong check up; check up sa tyan, check up sa utak , check up sa pagkirot ng puso, check up sa pagsakit ng mga buto, check up sa dugo, check up sa liver at sa huli ay iisa ang dahilan – STRESS. Ito nap ala ang pinakamalalang sakit ngayon – ang stress. Releated daw ito sa lifestyle disease
Konting kibot – Kapa. Ito ang panahong wala tayong katiwa-tiwala sa kakayahan ng katawan nating magsurvive! Ironic di ba, kung paanong napaka advance ng technology at napakaraming paraan para masugpo ang sakit ay siya namang pag aaalala natin at pagtangkilik sa mga supplements, organic and health products!
Ang pera ay napupunta sa supplement sa HMO at sa insurance!
Panahong gusto nating mabuhay ng matagal at nagbabakasakaling mabili ang bukas, madagdagan ng isang araw o dagdag panahon.
Ang totoo, walang assurance ang buhay. Ang hawak mo lang ay yung ngayon. Kung isusugal at gagamitin mo pa sa pag aalala para bukas, nawalan ka na ng ngayon! Nawalan ka ng isang araw ng buhay mo.

27. Remember your friends, reunite with your foes
Maikli lang ang buhay at lalong iikli ito kung marami kang kaaway! At kelan ka makikipagbati, pag mamamatay ka na? Hayop lang ang may kaaway, kung hayop ka, ako hindi. Totoong parehong may isip at puso ang tao at hayop, pero ang tao kayang bigyang kahulugan ang sinasabi ng isip at nararamdaman ng puso – hindi lang judgement kundi justice. Hindi ito tungkol sa laws kundi tungkol ito sa greater love. Ma-etchos na, tama na!

28. Ikaw ang moviestar, star ng buhay ko….
Fan ako ng TGIS! Admittedly, sinubaybayan ko sila twing sabado, bumili ako ng cassette tape ng soundtrack at napanood ko ang movies nila!
May taong tiyak na inistorbo mo, hinangaan at inistalk. Nakakahiya mang sabihin, pero nagcause ka ng abala sa iba, yun bang hindi na sila kumportable sa yo dahil ang kulit mo – ikaw naman, humahanga lang.
Gaya ng soap opera na pinapanood mo, kung paanong humahanga ang isang fan sa kanyang idol at sa h uli ay makikilala niya na ang idol niya ay naiirita at naiinis sa kanya, isusumpa mo sa sarili mo, na minsan, maoovercome mo ang araw na iyon, mareredeem mo ang sarili mo at malalagpasan mo pa siya. Kung naiintindihan mo ang sinasabi ko – stop the crap! Anong kaartehan yan! Tigilan ang panonood ng telenovela.
Identity Crisis. Kailangan mo ng matibay na self-concept. Ano ka, ano ang pagkilala mo sa sarili. Mahirap din ang high school life di ba, – ang adolescent period. building of image at pag stabilize ng social roles.
Pero matatapos din ang lahat ng iyon at pagnangyari yun, mapapakanta ka ng spread your wings and prepare to fly, for you have become a butterfly!

29. Back to Basic
Nang magpasya akong mag mobile phone, polyphonic ang binili ko, tapos pinalitan ko ng colored, naging with mp3, nagkaroon ng camera, naging tatlo ang phone, at nagpalinya sa tatlong service provider – hanggang sa bumalik sa basic phone at naging 1 na lang ang linya ko.
Ang dami kong mga naipon na memorabilia; may stamp, receipt, letters, stampita pictures at kung anu-ano pa. Tapos magsasawa ako at hindi ko rin masusustain ang maintenance ng hobby na to.
Madali kasi akong magsawa. Madali sa kin ang mahilig sa isang bagay, sagad-sagad parang walang bukas tapos magigising na lang na ayoko na.
Makailang ulit ako nahihilig at nagiging biktima sa pag a upgrade, tapos babalik ako sa basic – sa true substance and function.
Sa dami ng gusto kong itreasure, sa dami ng gusto kong ikwento, minsan dumadami ang bagahe ko. Pati email at phone inbox napupuno. Pero nagigising din ako na madalas, delete all o account deactivate.
Masarap ding maglakad ng walang bitbit.

and lastly

30. Make your brand
Changed name. Nagtaka ang college prof ko kung bakit after ng semester ay hindi niya makita ang pangalan ko sa class registration para sa grade ko. Hindi nya alam na hindi talaga Blue ang pangalan ko.
Ako lang ang nagpalit nun, first year college na ako nang nagpalit ng pangalan, nang ginamit ang palayaw na ito. Masarap ang pakiramdam na tinatawag ka sa pangalan na pinili mo.
Katulad ng sinabi ko, kailangan ng reinvention. Hindi naman change identity pero change personality. Kailangang marunong kang magmarket ng sarili.

Tatlong Dekada.
Isang dekada ng pag-aaral at pagbuo ng pagkatao, isang dekada ng pagsubok at paghahanap ng sarili at isang dekada ng paglinang ng kakayahan.

Eto yung panahon na alam ko na kung ano ang gusto ko, na may trabaho para sa akin, na hindi ako takot kung ano ang maaaring mangyari – panatag ang isip at in control.

Panahon na nakahanap ng mga kaibigan na alam mong totoo at laging andyan, pamilya na nagtitiwala at nagtyatyaga sayo, mas lalong bihira ang magkaroon ng trabaho na pinapahalagahan ka at inaalagaan, kaya laking pasasalamat ko na inabot ko ang panahong ito na andyan sila lahat.
Sa nalalabing oras o panahon na natitra sa akin, i am committing to make it more colorful, fun, full of life and worthy of living.

Moving forward. Kung ako ang tatanungin, priority ko ang pagtravel, kung kinakailangan kong magtrabaho sa airline industry (naks parang papasa) o sa cruise ship why not! Gusto kong makita ang ganda ng mundo. Gusto ko ring mag-aral ng photography, magshowbiz (charing! Sasali ako sa PBB at dahil dun, ipapaban na ng MTRCB ang programang ito) at magsulat pa ng magsulat.

Hindi ko kayang pasalamatan isa-isa ang lahat ng taong andyan palagi, kaya wish ko na lang sa maging masaya at biyayaan din ang lahat ng taong tumulong, nagmahal at nariyan sa loob ng 30 taon ng buhay ko.
Sa mga kaibigan, katrabaho, kapamilya, kaklase at kablog, maraming-maraming salamat sa inyong lahat.

Promote ko ulit :

Para sa nais sumali at nais magsponsor, malapit na ang saranggola blog awards : www.saranggolablogawards.com

Sa mga gustong tumambay at magbasa lang, puntahan ang aking bagong blog: online nobela sa www.onlinenobela.com

At sa mga may gustong malaman pa at magtanong sa akin, dito nyo ibato ang inyong mga katanungan www.formspring.me/bernardumali

Single ka teh?!

Sa mga nagtatanong kung ano ang bago at pinagkakaabalahan ko sa nakaraang isang buwang walang post, BAKASYON po, hehehehe

Sa ngayon, nais ko po munang ipakilala sa inyo ang isa pang pwede nyong tambayan.

Ito ay ang ONLINENOBELA

Ang mga nobelang mababasa dito ay hinati ayon sa kabanata / chapter. Sundan ang kwento dalawang beses sa isang Linggo. Ito ay personal kong ginawa at kung sakaling may pagkakatulad sa pangalan, buhay at kasaysayan ng iba, ito ay hindi sinasadya.

Unang Nobela

Single Ka Teh?!

Mula sa social service work sa government ay tinungo ni Yam ang corporate work. Taliwas sa kanyang nakasanayan at ugali – aabangan ang isang free spirited woman na mula sa pagkakakulong sa structured world ng corporate ay unti-unting lalabas upang hanapin ang sarili at inaasam ng puso hanggang sa makita ang sariling aliw na aliw sa facebook. Habang binubuo niya ang kanyang malathesis na ideyang Ang facebook ay hindi Social Networking kundi isang “reality show” na gustong salihan ng lahat, mauuwi siya sa conclusion na may kinalaman sa ” Love Formula.”

Ang nobelang ito ay para sa lahat ng umibig at hindi naiintindihan ang kahulugan ng pag-ibig, kung wala ka sa dalawa at may facebook ka, makakarelate ka rin.

Kaya daan na sa www.onlinenobela.com !

Last Summer

Gumising tayo ng maaga, sinimulan natin sa isang mainit na kape matapos ay binaybay ang tabi ng dagat nang makalanghap ng sariwang hangin.

Sabi mo, gusto mong bumati dahil maganda ang araw

At para ngang naririnig kong binabati mo ang lahat, nakangiti, maliwanag ang mukha lalo na ang iyong mata. Alam kong masaya ka.

At sila rin ay bumabati sa’yo, para bang  nakikipagkulitan ka. May sarili kang mundo sa mga oras na iyon, ngumingiti, kumakagat sa labi sakaling napapansin mong may tumitingin sayo at nagtataka kung bakit ka ngumingiting mag-isa.

Medyo nakakabisado ko na ang galaw mo, mga mannerism.

Siguro nakikiliti ka sa malambot na buhangin o di kaya sa dampi ng malamig na tubig na parang nakikipaglaro sayo ng habulan. Ganun din, dinuduyan ang  buhok mo ng malambing na hangin at ang araw, waring nakikipag-usap sayo, nagsasabi kung gaano kaganda ang umagang naghihintay.

Madalas, ito lang ang oras kung saan tayo nagkakasarilinan. Sa mga susunod na oras, magigising na ang barkada natin, simula na ng tawanan, lakaran, beach and other water activities at inuman in between.

Tuwing bakasyon, tuwing summer, sa Boracay tayo tumatambay.

Hindi rin natin pinalalagpas ang summer ng hindi tayo gumagawa ng castle. Every year may picture tayo ng nito. Except 2 years ago, kung kelan namatay ang mother mo sa breast cancer. Architect ang mom ko kaya naisip kong malulungkot ka lang kung gagawa tayo ng  castle kaya sinabi ko sa barkada na wag na tayong gumawa nito.

Tahimik ka buong araw. Actualy sa buong bakasyon ata natin dito, hindi ka nagsasalita. At ako rin, nakikiramdam. Hindi ko alam kung anong iniisip mo o nararamdaman mo. Parang mas gusto mong magreflect, mag-isip at i-enjoy ang sarili.

Parang may pinaghahandaan ka o may hindi sinasabi.

Tinapos mo ang araw sa paraw sailing. Sabi mo gusto mong makita ang sunset. Sabi mo pa, gusto mong magpaalam ng personal sa araw.

Gusto mong magpaalam, siguro nga dahil huling araw natin dito, magkakanya-kanya na naman tayo. Si Siam, babalik na sa America, si Mon sa Cebu, at si Racquel sa Hongkong. Yung iba, sa Manila nga pero bihira naman natin makita dahil nga may kanya-kanya ng pamilya.

Huling gabi sa Boracay. Huling Summer, dahil nang gabing iyon, tinanggap mo ang singsing na binigay ko at sinabi mong pinag-isipan mong mabuti ang matagal ko nang inaalok sayo.

Ito ang huling araw na magkaibigan tayo at last summer na single tayo.

magkaibigan

Kahit ang dagat na iyong dinaanan, nahati’t

tila nasaktan, sa iyong paglisan.

Inihatid ka ng aking kaway, huli na marahil

bagamat hindi mo nilingon,

balewala pagkat nakatanaw ka sa malayo

tila gusto mo ngang lumaya o lumimot agad.

Gayunman,  hiling ko ang iyong kaligayahan

at kaligtasan, kasabay ng hanging aking binulungan

at ginabayan ng mga ibong nauna ng kumampay upang

iyong sundan.

Paalam.

Huwag mo sanang isipin na ikaw lang ang nasaktan,

o sinadya kitang saktan

dahil pareho tayo, nabigo.

Hindi ko hinihiling na maging tayo pa,

sana lang ay magkapatawaran, kahit magkalimutan

matanggap lang natin sa isa’t-isa,

maamin

na hindi naman talaga natin sinasadya

mabuti tayo.

Magtiwala ka

na hindi laging ganito,

na maaring sa iba

totoong mas maging maligaya ka.

Kung sa malayong lugar piliin mong tumigil

at hindi na magparamdam

hindi kita hahanapin upang mabawasan man lang ang iyong sakit

kahit sinasabi ng puso ko na wala akong pagkukulang.

Yun ang mas mabuti

hangad kong mapabuti ka

ngunit sana maintindihan mo

na maaaring laro ito ng buhay.

at hindi ito titigil hanggat ipinapakita mong mahina ka

hangga’t hindi ka nagwawagi sa sakit

dahil mauulit at mauulit ito

pagkat hindi ka lang ngayon luluha.

Masakit ang umibig,

kasama yan, dahil sinusukat ang puso

hindi sa dami ng galos

kundi sa makailang ulit kang umibig

muling naniwala

sa pagmamahal

at mangyayari yun

kung pakakawalan mo ako

sa pag-aakalang ako ang may sala

at ako lang ang dahilan.

Kung masasalubong mo ako

at hindi mo pansinin

na tila hanging nagdaan

malulungkot ako, nang sobra

sapagkat hindi ka pa nakakawala,

ngayon kung nais mong makalimot

makaahon sa sakit na iyong dinaranas

titigil ako, maghihintay

isa pa, sa huling pagkakataon

magyakap tayo, yakapin mo ko

hayaan nating ang ating puso ang mag-usap

nang sa gayon ay makalaya ka

at makapagsimulang muli

dahil yun lang ang paraan.

Mas mabuting magwakas

kung paano tayo nagsimula.

Magkaibigan.

scratch ideas

Pabalik-balik ka na naman sa ospital, check up dito check up doon. May nararamdaman ka pero alam mo ang magiging resulta, wala naman. Bata ka pa papansin na yang puso mo, kumikirot, hindi pwedeng mabigla, hindi pwedeng laging puyat dahil mahihirapan kang huminga, bibilis ang tibok, ibabudget mo ang labas pasok na hangin dahil pag napasobra, parang mapipigtal ang ugat. Pati paghikab o paghatsing. Pero hindi nila maipaliwanag kung ano yun.  Basta may sakit ka, kung anuman yun, walang eksaktong sagot.

Ang sweet nila. Buti pa sila.

Kung hindi ka nagseryoso sa buhay mo, ano ka ngayon? Nakita mo naman yung mga kaklase mo sa facebook, mga dating kalaro. Akalain mong may mga anak na. Nag-aaral na nga yung iba. Iniisip ko tuloy, noong panahong hirap na hirap ako sa statistics, paggawa na ng bata ang pinaghihirapan nila? Nasan ka nun? Siguro nga naenjoy ko naman ang buhay, pero come to think of it, may life investment na sila.

Iniisa-isa mo ang ang class picture na tina tag nila sa yo at inaalam mo kung saan sila nag wowork, Pagtanda mo, iisa-isahin mo ang facebook friends mo, pero di gaya ngayon, siguro iisa-isahin mo rin at sasabihin mong eto patay na, ito patay na rin, ito kamamatay lang, ito naman, nasa ospital. Elimination round na.

Sasalpok ka na naman sa pader na tila walang lalagusan. Hanggang dito na lang ba ako? The usual, kapag wala akong maisagot, kukuha ako ng coin at ihahagis, hinahayaan ko ang hangin, ang langit o sinumang ispiritu na magdecide kung saan ako, kapag tihaya, dito ako, kapag taob eto naman. Kinabahan ako paghagis ng barya, ano kaya, tihaya o taob, hanggang sa bumuhos ang napakaraming barya mula sa langit. Marami pa palang option. Akala ko dalawa lang.

syet, ang sweet talaga nila.

Payo ng buhay na natutunan sa tabi-tabi…

Life is not about sex.  (sige na nga, it is about lovemaking)

Huwag kang makikipag-away kung hindi ka legal.

Huwag ka ring mag-assume kung hindi ka assumptionista (specialy kung USTe ka)

Piliin mo yung madiskarte kahit hindi mayaman, kasi siguradong mabubuhay ka. Wag ka nga lang maselan, at wag mong itatanong kung paano at saan sya dumiskarte!

mean machine…

Bakit ayaw mo siya?   mahirap kasi siya.

Bakit ka niya inaaway? dahil hindi niya ko nakuha

Bakit ba may issue sya syo?  dahil nagagawa ko ang gusto ko at wala siyang means gawin ang gusto niya. kasi nga isa siyang mahirap na promdi!

O, bakit tahimik ka? Ano ang nasa sa isip mo ngayon?

Maghiwalay ang dalawang yan, OA sa ka-sweetan.

Ano ng key idea ng lahat ng ito?

Iniisip ko lang kung bakit may isang bagay na hindi ko kayang gawin. Bakit hindi ko kayang  magcommit?

tumatanda na ang puso, puti na ang buhok niya, kulubot at hingal na sa pagtibok. Sana lang kaya ka pa niyang maaninag sakaling dumating ka.

just got a message. back to square one. f*ck!

Mga Nagwagi sa Hibang 5th Blog Anniversary!

Sa mga nag-aabang kung bakit wala pang botohan, ito ay dahil 7 (+1) lang ang lumahok at mayroon lang tayong walong entry. Dahil dyan, malugod kong ipinapaalam na lahat ng lumahok ay magwawagi ng mga premyo. Kaya Congratulations sa lahat!!!

Abangan sa Mayo kung paano makukuha ang prizes natin.

Narito ang mga lumahok at ang kanilang akda:
foobar
http://foobarph.wordpress.com/2010/04/12/h-i-b-a-n-g/

tsi (2 counts for his guest blogger)
http://www.tsiremo.com/in-random/contest-entry/when-good-habits-turn-bad/
http://www.tsiremo.com/in-random/contest-entry/illusionary-love/

joyo
http://dhyoy.wordpress.com/2010/04/14/ang-aking-hardin/

salbehe
http://salbehe.com/2010/04/hibang/

jason
http://jasonhamster.wordpress.com/2010/04/17/si-ponkan-at-strawberry/

spageti sows
http://spagetisows.wordpress.com/2010/04/20/hibangiritera/

Forbidden lei

http://forbiddenlei.wordpress.com/2010/04/24/hibang-na-si-lei/

Hanggang sa Muli!!!!

Stolen Shots

Una kong natanggap ang picture na yun pagbaba sa taxi. Inabot sa’kin ng taxi driver nung nagbayad ako, merry christmas daw, regalo niya sa mga pasahero niya. Nakababa na ko ng binigay niya iyon, nung binubuksan ko na ang envelop, pinaharurot niya ang taxi at laking gulat ko nang makita ko ang nasa larawan – Picture ko habang naghihintay ng taxi.

Iniisip ko kung pano niya ako nakuhaan ng picture, kung sino siya.

Isang unregistred number ang nagtext, “bakit ka nag-iisa?” tumingin ako sa paligid, walang tao, madilim, dali-dali akong pumasok ng bahay. Continue reading

Isisi mo sa El Nino o kay Mia at August

Ngayong hatinggabi, magdadahilan ako’t iinumin ang nag-iisang lata ng malamig na san mig sa ref.

Matapos ay magbababad sa tubig, bubuksan ang shower at hahayaang gumapang ang tubig

sa balat kong sabik na makayapos at magtatyaga sa loofah na pinahiran ng peppermint shower gel.

Itataas ang thermostat at kakalimutan ang bill. Continue reading

Si Karla, Ang Babaeng Walang Ego

Nung una ko siyang nakita, nasabi ko sa sarili ko ‘ah, madali ‘tong pakisamahan.’

Totoo nga.

Mabait siya.

Nanatili ang mystery niya ng mga ilang araw, at ang ilang araw ay inabot ng ilang buwan hanggang sa dulo ay bumulaga nga ang misteryo ng babae sa likod ng pinto. (Hindi ko na idedetalye kung saan at anong pinto) Continue reading

Subok lang

Nakita kita sa facebook mo.

Nalimutan mo atang i-private kaya eto ako, na ransack ko na naman ang mga photos mo. Sa bagay, kahit naman nakaset sa private yun, magpapanggap na naman akong ibang tao, at i-aadd kita, stalker na kung stalker pero hindi ko lang talaga mapigilan alamin kung kumusta ka na. Continue reading

Scrapbook

Last few pages. Konti na lang at matatapos na ring ang scrapbook na ‘to. Iniisip ko nga kung anong pwedeng ilagay.

Binalikan ko mula sa simula. Syempre napapangiti ako. Growing up photos, obsession materials, mga memorabilia mula candy wrapper, bus ticket, theater play manuscript, awards, fave album covers at marami pang iba.

Tiningnan ko ang sarili ko at natawa. Eto na ko ngayon. Eto yung hinintay ko noong bata pa ako. Kung ano ako paglaki ko. Tingin ko kasi noon, growing old is like a box of gift, laging may supresa kung ano ang nasa loob. Continue reading

New Year’s Tweets

Malapit na ang Chinese New Year ay wala pa rin akong new years resolution or new years wish. Atleast hindi pa ko late.  Last year sabi ko:

Sa susunod na taon ay kailangang may sasakyan na rin ako, balewala ang driving lesson kung wala akong sasakyan. Wala rin pala ako mapaparkingan sa bahay kaya kailangan ko ng lumipat next year, maghahanap ako ng bahay na may parking o siguro condo unit with parking. Medyo magastos pala yun dahil may association dues at mahal ang gasolina, kailangan pala mas malaki ang kita ko sa susunod na taon. Kailangan ko ng pagkakakitaan na magbibigay sa akin ng kahit apat na ulit ng sweldo ko. Continue reading

Its never too late

Good Morning!

Im sure ito na lang ang kulang. Baka nga eto na lang ang hinihintay mo, or ako. Hindi ko alam kung naghihintayan na lang ba tayo kung sino ang mauuna or you just want to show a little courtesy na ako na lang ang umalis kesa ako ang iwan mo.

To formalize everything, Honey,  I just left. Continue reading

Kung ang Mahal mo ay May Mahal ng Iba

Kahit anong galing mo, makakahanap ka ng katapat.Hindi ka invisible sa mata ni kupido at hindi ka indispensable. Tatamaan ka sa isang tao na hindi ka mamahalin. Hindi yan sumpa pero siguro isa siyang learning activity bago ka sumalang sa totoong relationship. Continue reading

Kung Ikaw ang Iniwan

Noong bata pa tayo, kasabay ng pagpapahele sa atin ay ang pagkukwento ng mga fairy tales.  Salamat kay Cinderella!

Masarap makinig sa mga love stories, lumaki tayong pinakilala na makapangyarihan ang pagmamahal. Binabago nito ang buhay, tinuturuan tayong mangarap at umasang pwedeng maging ganun din ang kwento natin.

Actually masarap din magsulat ng love story.  Pero gusto kong mag-ingat, kadalasan kasi, akala natin ang kwento ay tungkol sa pagkakatagpo ng prinsipe sa prinsesa, magsasayaw sila suot ang magagarang damit na bigay ng kanilang fairy God Mother tapos magpapalakpakan ang tao, maghahalikan sila, may magic at natatapos ang lahat sa and they live happily ever after.

Nabentahan tayo ng ganitong kwento. Infact nabenta natin ang ating kabataan sa pangarap, pag-asa at pangako ng wagas na pag-ibig. Continue reading

Kung Makikipaghiwalay Ka…

Hindi ko sinasabing normal pero maaring dumating ang pagkakataon na ikaw ang hihiwalay sa isang relasyon. Ang totoo, kung pagbabatayan ang tingin ng mga tao, mas mabuting ikaw ang iwanan kesa sa ikaw ang mang-iwan. Minsan sa lipunan kasi natin, mas madaling maawa at makisimpatya sa mga taong hinihiwalayan. Pero sabi nga, bakit ka patatali sa isang relasyon kung hindi ka naman talaga masaya. Continue reading

Kahawak-kamay

Wala naman talagang paliwanag kung ano ang pag-ibig.

Hindi siya kemikal na hahalo sa isip para guluhin ito at hindi rin siya isang simpleng emosyon.

Minsan gusto kong isipin na isa siyang espiritu, yun bang parang basta ka na lang sinaniban.

Mawawala ka sa sarili mo. Para kang nakadroga. Lutang at high na high. Nakangiti, biglang magiging inspired sa trabaho, walang pakialam sa iba na para bang ang mahalaga ay yung ngayon. Yung nararamdaman mo ngayon at bahala na bukas, bahala na kung ano ang iniisip ng iba dahil nga ang mahalaga ay yung nararamdaman. Alam mo kasing pambihirang mangyari iyon, na maiintindihan ka nila dahil inlove ka, na pwede mong gawin ang gusto mo kasi nasa espiritu ka ng pag-ibig. At pag nagising ka at wala na siya, natauhan ka at natuklasan mong tapos na ang lahat – back to reality ka. Syempre hindi ganun kabilis dahil iiyak ka muna, nasaktan ka kasi. Ang dulo naman nun, no regrets, kasi nagmahal ka. Again, idadahilan mo sa pag-ibig – kasi nga nagmahal ka. Continue reading

Isang malaking SALAMAT!

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala… hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.

Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.

Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

Sa lahat ng sumali : Continue reading

The Music of the Night

Sa araw na ito, agosto 8, 2009, pinadadaloy ko ang aking isip kasabay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.  Nagkataon sigurong singlungkot nito ang pakiramdam ko.

I.

Kanina sa Figaro, habang nagkukwentuhan tayo, napapako ang tingin ko sa kawalan. Hindi ako inaantok, naiisip ko lang, sa dami ng mukhang nagdaraan, masasaya at nagsasayaw, sinasaliwan ang musika  ni Flo-rida, bakit dito nga ba tayo pumwesto, bakit hindi sa Ice Vodka Bar o kaya ay sa Bed Space.  Mas pinili nating magkwentuhan, wala na ba talagang appeal sa tin ang sayawan, ang laserlights? Continue reading

Plate Number

Sa Makati kami naghiwalay, pauwi na siya ng Cainta, at ako naman sa Las Pinas. Nilabas ko ang phone ko noon, ito yung phone na binigay nya rin sa akin. Ugali ko na kasing isave sa draft ang plate number ng taxi. Second hand phone yun. Binili daw niya sa messenger nila. Nangangailangan daw kaya nang ialok ay kinuha niya na. Gamitin ko na lang daw, nilagyan niya rin ng sun sim para mas madalas at mahaba ang aming kwentuhan. Continue reading

Pelikula

Pareho kaming nagtrabaho sa iisang istasyon. Production Assistant siya at ako naman ay isang assistant cameraman. Bagay kami. Parehong assistant. Akala ko magiging kami.  Minsan, kinailangan ng extra sa pelikula, hinugot siya at laking gulat ko kung paano siya umarte, literal na umarte. Doon ko natuklasan na nais niyang maging artista. Continue reading

Calling all Singers!

May paaudition po ang DZAR Sonshine Radio 1026 sa lahat ng mga elementary, highschool at college students na mang-aawit. Magdala po lamang ng inyong sipi ng awit, minus 1 or CD para sa audition. Ang audition po ay gaganapin sa PLM (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila) sa ika 9 ng Agosto, (Biyernes) sa ganap na ika 8:00 ng umaga hanggang  ika 5 ng hapon. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag sa kanilang istasyon sa telepono bilang 6382239

Buknoy

Si Buknoy. Mala-alikabok na lumulutang-lutang, magaan na magaan, namamasyal sa kalawakan.Hindi niya alam kung saan siya galing at kung ano ang kanyang mararating, gaya lamang siya ng bilyung-bilyong alikabok sa kalawakan. Walang nakakaalam kung  ano siya, at dahil wala siyang pagkakakilanlan, hindi alam kung paano siya titimbangin. Wala siyang bigat para ibilang. Masyado naman siyang maliit para sukatin, wala siyang halaga. Napakaordinaryo, ni hindi matawag na nilalang.

Sa kanyang paglutang-lutang, nagawi siya sa isang maliwanag, kabigha-bighaning pangitain, isang bolang may tubig at lupang napupuno ng hardin. Nanlaki ang kanyang paningin… Daigdig! Continue reading

Class Picture

Noong gumaradweyt ako ng college, hindi ko pinangarap magturo ng elementary. Una ay hindi ko ito forte, pang high school kasi ang tinapos ko pero dahil nga ayokong magturo ng Christian Living,  Filipino ang tinuro ko at sa elementary ako naassign.

Hindi ko rin inisip na magugustuhan ko ang experience na yun. Masarap pala sa piling ng mga bata.  Marami kang matututunan nang hindi sinasadya.

Diskarte ko noon, kahit hindi sila matuto sa subject ko. Ang mahalaga maging masaya sila. Kaya puro kulitan ang naging approach ko.  Pagtanda ng mga iyan, hindi nila maaalala kung saan nila natutunan ang gamit ng pangatnig, pangngalan, pantukoy, pandiwa o kaya pang-abay na pamanahon.  Ang mag-iiwan ng marka sa isip at puso nila ay kung sino ang gurong nakakakwentuhan nila ng madalas, nakalaro ng taguan, nagturo ng mga kantang nilagyan ng actions, nagpanalo sa kanila sa mga sayaw at nagbahagi ng sari-saring kwento. Hindi mahalaga kung hindi ka matutong magbasa, ikukuwento ko na lang sa’yo. Im sure, pag nagustuhan mo ang mga kwento sa libro, gagawa ka ng paraan para matutong magbasa. Simple lang. Huwag piliting mahinog para hindi mabugok.

Limang taon na rin ang nakalipas. Iyon ang huling taon ko sa pagtuturo. Bihira akong makapagbukas ng Friendster kaya hindi ko na nasusubaybayan kung kumusta na sila.  Highschool na ang mga iyon.

Sa t’wing iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila, pinagmamasdan ko na lang ‘to, at gaya ng nasa class picture, sana manatili ang ngiti sa kanilang mga labi.

Ang mababait kong estudyante.

Grade 3 - St. Sealtiel

Winding Road

(sa mga naghihintay kung ano na ang nangyari kay Ning, narito ang kasunod na bahagi)

Uy! Hello, hello, hello, im back!

Oh My God, what a surprise, ano ba? Anong nangyari sayo?

Hindi naman halatang namiss mo ko ng sobra

Yan ang namiss ko sa’yo! Yang mga linyang yan. So anong nangyari? After ng pageant hindi ka na nagparamdam

Hahaha at talagang pageant pa rin ang nasa isip mo. Ang dami ng nangyari no,

So ano na nga?

Okay sige para matapos na to, ganito yun, nagbackout ako 2 hours before the pageant.

Bakit nga? Sinabi na lang ng host na one of the contestants was sent to the hospital

alibi na lang syempre. Pero ang totoo, masyado silang magaganda. Alam mo yung pakiramdam na para kang nasa gitna ng prusisyon ng mga santo? Lahat sila kutis porselana, ang tatangkad, ang lalaking bulas, as in inenjoy ko naman ang mga activities pero ayokong maging ordinary kapag nasa stage na. Continue reading

years after…

Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo. Continue reading

Pangkaraniwang Puno

Kasabay ng taglagas ang paglipana ng mga ibon, mula sa iba’t-ibang kakahuyan, nakikipagsapalaran sa kung anong posibleng matuka nila. Ilang dahon ang unti-unting natuyo at nalaglag sa lupa. Pangkaraniwan na ito, gaya ng mga bungang natuyo na at napipigtas sa pagbayo ng hangin. Continue reading

Paghihintay (Part 2)

Dear Lord,

Naniniwala ako na wala kang creation na panget, at dahil ako ay isa sa mga creation nyo, hindi ako panget. Magaling ka rin sa art, laging may balance; kung may araw,  may buwan, may langit at may lupa, ang  kutsara may tinidor pero bakit ako walang katinidor? Continue reading

Paghihintay

Dumating ka at nagbigay liwanag. Nakita ko ang umaga’t nakayakap ang tanghali.

sunny

Buong araw, kay sigla nitong araw! Anu’t nagpaalam ka? Dahan-dahan, kinikitil ako ng sandali, sa walang katiyakang paghihintay kung muli kang makikita. Continue reading

Coffee Talk

Matagal na kong barista. Sabi ni dad, mag-aral daw ako ng medicine, ayoko nun. Pakiramdam ko mauubos ang oras ko. Sayang ang oras na ipanggigimik ko. Short course lang. Sabi ko nga, Management na lang dad. Sabi niya, hindi daw niya ko pinalaki para maging tagatimpla ng kape. Abogado si Dad. Namaster  niya na ang panlalait at paninira ng loob. Pero ako, namaster ko na ring kontrahin ang decisions niya. Continue reading