Plate Number

Sa Makati kami naghiwalay, pauwi na siya ng Cainta, at ako naman sa Las Pinas. Nilabas ko ang phone ko noon, ito yung phone na binigay nya rin sa akin. Ugali ko na kasing isave sa draft ang plate number ng taxi. Second hand phone yun. Binili daw niya sa messenger nila. Nangangailangan daw kaya nang ialok ay kinuha niya na. Gamitin ko na lang daw, nilagyan niya rin ng sun sim para mas madalas at mahaba ang aming kwentuhan. Continue reading

I Resigned.

Flow. Guiding Principle ko sa taong ito. Padaluyin ang enerhiya. Makahinga ng mabuti.

Space. Kailangan ko ng maaliwalas na paligid. Alisin ang mga luma. Gawing maluwag ang silid.

Time. Huwag na huwag magmadali. Ibalik ang tamang oras. Huwag i-advance ang relo dahil lalong nalelate.

Being. Paunlarin ang sarili. Malinis na isip. Kapakinabangan. Puno ng pagmamahal. Continue reading

Wala, Tulog!

The Stress of Being Connected.

Hindi ko alam kung ako lang ang nakakapansin pero habang tumatagal, ang mga bagay na pinili natin para sa ating convenience ay nagdudulot ng kapaguran at discomfort.

Gigising ka sa umaga, ang una mong titingnan ay ang cellphone mo. tama o mali? Para bang may utang na loob ka agad kung may message ka sa inbox o na miss(ed) na call at hindi ka agad nakapagreply. Sa pagkakaalam ko, ginawa ang mobile phone para madali kang macontact pero hindi ito lisyensya na pag may mobilephone ka na ay wala ka ng karapatang hindi magreply.Hindi ba’t para tayong langgam na nabuhusan ng tubig at hindi mapakali kung wala tayong load at may nagtext kahit forwarded. Weird di ba? unti-unti ay nawawalan tayo ng control at nagkakaroon ng bagong kultura – ang textback culture. Yun bang pinag-aaksayahan natin ng piso (kung hindi nakaunlimited) ang magreply ng mga katagang he he. As in piso para ipaalam na napatawa ka. Lintsak, kahit ako nabiktima dito. Kinakailangan nating itext ang lahat ng ating nararamdaman. Kaya nga nagkaroon ng smiley sa text di ba. At maging buntunghininga, tinitext na natin ngayon. nakatanggap ka na rin siguro ng text na nag nakasulat lang ay sigh. OMG! hindi siya word, hindi siya text, isa itong reaksyon o kilos na nirereply na rin natin. tsk tsk tsk. Continue reading