The Music of the Night

Sa araw na ito, agosto 8, 2009, pinadadaloy ko ang aking isip kasabay ang awiting A Certain Sadness ni Astrud Gilberto.  Nagkataon sigurong singlungkot nito ang pakiramdam ko.
I.
Kanina sa Figaro, habang nagkukwentuhan tayo, napapako ang tingin ko sa kawalan. Hindi ako inaantok, naiisip ko lang, sa dami ng mukhang nagdaraan, masasaya at nagsasayaw, sinasaliwan ang [...]

Parisukat

Wala namang pinagbago,
lumingon ka sa paligid
parehong lugar, parehong silid,
sila-sila pa rin, mga kaopisina
may bago, may luma.

Tahan na

Doon siya lumaki, natuto at nagdalaga. Bagamat nakaranas mangibang bansa, umuwi siya sa tahanang kanyang kinalakihan. Malawak, maaliwalas, mababakas ang kasaganaan. Payak na bahay ngunit nakaririwasa sa pamumuhay. Sa tokador makikita ang mga larawan, kuha ng paglaki at ng mga magagandang alaala – tanda ng mahusay na pagpanday sa buhay. Hindi nagkulang ang kanyang magulang [...]

Ano sa palagay mo?

desaparacidos. kung totoong sundalo ang gumagawa ng gayong uri ng krimen, anong edukasyon ang nakukuha nila upang manguna sa dahas, tanggaping matatamo ang kapayapaan at katiwasayan sa pamamagitan ng paglikha ng karahasan sa itinuturing pa lang nilang banta sa bayan – samakatuwid, ano ang pinagkaiba nila sa kanilang kalaban?