Lawin

Matayog ang lipad ng mga lawin. Doon sa himpapawid ay buong lakas nilang sinusuong ang mga ulap. Aakalain mong may kalabang sinusugod. Ganito ang kanilang pangkaraniwang buhay. Kahit mataas ang lipad ay tanaw na tanaw nila ang kalupaan. Ang munting kilos sa ibaba ay agad nilang napapansin. Madali silang nakahahanap ng pagkain. Subalit hindi sa lahat ng panahon ay naghahanap sila ng pagkain. Ang mga ibong ito ay tila mga bantay sa kalawakan. Ang mga kagubatang maninipis na o di kaya ay nakalbo na ay kanilang tinatamnan. Mula sa ibaba ay tumutuka sila ng mga prutas. Ang mga buto nito ay kagat-kagat nila at saka binibitawan sa tapat ng mga lupang bakante, o kaya naman sa gitna ng mga kagubatang unti-unting napapabayaan ng tao. Continue reading