Bulalakaw

Sa Davao del Norte ko nakaulayaw ang mga bulalakaw. Kinailangan kong makipamuhay sa mga Dibabawon sa maikling sandali upang mapakinggan ang kanilang mga karanasan at gayundin ay makapagbahagi. Edukasyong Pangkatutubo ang paksa namin at layon namin. Nakapagsimula na sila at sa totoo lang, mahusay ang kanilang pagkakabalangkas ng kurikulum. Continue reading

Doon Po Sa Amin

para sa kaarawan ng isang Australyanong kaibigan na si Jarrah – kasamang nakipamuhay sa piling ng mga katutubo.

Nagkaroon ng pagtitipon ang mga katutubong guro na naninirahan sa Luzon. Ang mga nagsidalo ay ang mga Ayta ng Botolan Zambales, Ibaloi at Kankana-ey ng Benguet at mga Guilayon ng Kalinga. Ang pagtitipon ay naganap sa Quezon City noong Mayo taong 2005. Layunin ng pagtitipon na makabuo ng sariling kurikulum ang mga katutubo; mga aralin na angkop sa kanilang pamumuhay at tumutugon sa kanilang pangangailangan. Continue reading

Chinese New Year sa piling ng mga Ayta

hindi ako kumportableng kausap ang mga government officials kaya nga nung huling fieldwork ko re language curriculum workshop ay siniguro naming walang contact sa municipal hall. anyways, hindi naman para sa kanila ito. unfortunately dahil bisita pa rin ang turing sa amin (na hindi naman dapat) ay mega text ang elder namin sa mayor informing him na andun kami… kaya agad na nagparamdam ang mayor at nag imbitang magdinner sa kanila. no choice kundi mag smile at sabihing, sure, salamat… we’ll be there, blah blah blah..(shake hands dito, tapik sa likod, konting kwento grrrr ako na ata ang pinakaplastik na tao sa mga oras na ‘yon!) sayang at plano pa naman naming manood ng battle of the band sa kalapit na brgy. Continue reading