Sa Muling Pagkikita

Siguro nung pinanganak ka, umuulan. Kasi nung ako naman ang iniluwal, tirik na tirik ang araw. Mahilig ako sa gulay at puro karne ang paborito mong ulam. Simple lang ako, maporma ka. Imposibleng magkasundo tayo.

Sa simula pa lang, ramdam ko ng ayaw mo sa’kin. May isang bakanteng upuan sa tabi ko pero mas pinili mong sa likod maupo, nilagpasan mo ako. E’ ano, hindi ka kagwapuhan. Nagkataon lang na magaling kang manamit. Continue reading

Ang makulay na tulay ni ninang at ni inay!

Magkaibigang matalik ang nanay ko at ang nanay ni Rodel.
Oo! totoong magkaibigan sila mula pa ng malilit pa sila.
Madalas silang makitang magkasama.
Nagkukuwentuhan, nagtitirintasan ng buhok, magkasamang nagpapalinis ng kuko, naglalagayan ng make-up sa mukha, naghahatiran ng ulam at naririnig ko pang nagngingisngisan sa t’wing pinag-uusapan ang mga tatay namin. Continue reading

kasi teacher ka…

kung lalagyan ng plot ang buhay mo, kulang ang isang libro para idetalye ang mga ginagawa mo. Isang kurso ang kinakailangan para pag-aaralan kung paano ka kikilalanin at kung paano ka uunawain. alam mo ng mahirap ang kursong yan at hindi mataas ang pagkilala sa ganyang propesyon, itinuloy mo pa rin. alam mo ring mahirap ang trabaho at paulit-ulit mong sinasabing huling taon mo na ‘to, sa huli… ikaw rin ang tumatawad at nanghihingi ng isa pang pagkakataon upang unawain ang kinalalagyan mo ngayon. nasasaktan ka ng paulit-ulit at halos ayaw ka ng pakinggan ng mga kaibigan mo dahil sa mga litanya mo, pero natututunan mo pa ring pakinggan ang nilalaman ng puso mo. may pagkakaton naman na mag-iba ng trabaho pero nakikipagmatigasan ka at sinasabing hindi lang trabaho ang hanap mo kundi kabuluhan. Continue reading