2011 Saranggola Blog Awards



“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 3

TEMA : Laruan

Kategorya

  1. Maikling kwento
  2. Kwentong pambata
  3. Tula
  4. Blog
  5. Larawan (photoblog)

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2011 – Oktubre 15, 2011

Awarding : Disyembre 17, 2011

Ang tema ng ating patimpalak sa taong ito ay Laruan. Paliparin ang kaisipan at humabi ng maikling kwento, kwentong pambata at tula na may kaugnayan sa Laruan. Maaaring bagay, simbolismo, katangian o kahit anong atribusyon sa laruan.

Kalahok

  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang Blogger
  4. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2011.
  5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito. Continue reading

Isang malaking SALAMAT!

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala… hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.

Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.

Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

Sa lahat ng sumali : Continue reading

Radio Experience

1999 nang una akong makapasok sa isang radio station. Eto ay sa Angel Radio 1026.  Ang nag interview sa amin ay si Ms. Janette Toral, kilalang kilala ngayon sa blogworld. Ang programa niya ay Usapang Youth. Tinalakay rito ang mga programa ng aming organisasyon na Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (STEP) sa Philippine Normal Univeristy. Narito ang aming kuha. Syempre mukha pa kaming yagit sa mga kuhang yan.

26300585748370l1

Continue reading

Itim na Lobo

Sa harap ng simbahan, isang batang ayta ang nakatingin sa bawat batang naglalakad kasama ng kanilang mga magulang. Nagkalat roon ang mga nagtitinda ng mga sorbetes, manyika at lobo. Upang makakuha ng atensyon ang nagtitinda ng lobo na may iba’t-ibang kulay, nagpapalipad ito ng lobo, sa gayon ay nasisiyahan ang mga bata at pinipilit ang kanilang magulang na bumili. Continue reading

REUNION 2024

Kanina ko pa sila hinihintay. Ang sabi, ngayon daw ang class reunion e’ bakit kaya ang tagal nila? Ang sabi dito sa imbitasyon ay ngayon kami dapat magkikita-kita. Ito talagang Grade 6 – St. Michael. Ang bagal kumilos at ako pa ang pinaghintay. Sabagay, nararanasan ko naman ito araw-araw habang pinaghihintay nila ako sa 4th floor at sila naman ay nagkukumahog lunukin ang kahuli-hulihang pagkaing isusubo sa recess. Matapos mabilad sa araw ay papasok sa klase kong ang dudungis at nagkakalat ng masangsang na amoy; amoy-araw ika nga. Kulob pa man din ang kwarto kaya kahit anong lakas ng electric fan  at aircon ay paikot-ikot lang ang singaw sa klase. Sasabayan pa ng kamag-aral nilang ang hilig magpasabog ng di-magandang amoy. Ito ang tipikal na araw ko sa grade 6.     Nakakaaliw talagang alalahanin ang mga batang ito. Ang pasulyap-sulyap at nakaw na tingin nila sa isa’t-isa.  Si Lawrence na di makatingin pero pag nakatalikod saka tumititig. Si Emy naman kahit matalino ay eto, kilig na kilig pag napag-uusapan si…. Roland…Ronnel   ah Rennel! Tagal na kasi kaya di ko maalala. Si Viana nga pasimple pero sa grade 5 pala nakakaramdam ng pag-ibig. Hehehe, kung alam lang ng mga kaklase nila kung sino ang napupusuan ni Viana. Pero siyempre hindi ko sinabi sa kanila baka nga naman magalit si Mannix at naku, kaibigan pa yata nya yun….Hmmmm sino nga ba yun? Di ko na rin maalala. Continue reading

Bukal

“Tulungan ko na po kayo” bati ng binata sa isang matandang may bitbit na mga panggatong.”Wag na amang, kaya ko na ito.” Tanggi ng matanda. Mga pitumpu’t-limang taon na ang matanda. Puti na halos ang lahat ng kanyang buhok.

“Tirik na tirik ang araw, anong ginagawa mo rito?” usisa ng matanda.

“Gusto ko pong makita ang bukal, masarap daw po ang tubig sa bukal.” “Naku, sigurado ka ba? Malayo ang bukal at mapanganib sa mga batang tulad mo. Mukhang hindi ka sana’y makipagbuno sa mga mababangis na hayop?” Continue reading

Sakripisyo

Bakit ka nalulungkot, bulaklak?
Naiisip kita dahon, kailangan mo ba talagang patirahin ang higad?
Oo, kailangan niyang mabuhay.
Paano ka, baka ikaw naman ang mamatay. Kakain ka lang niya!
Kailangan kong gawin iyon para mabuhay ka bulaklak
Bakit ako?
Dahil narito ako para tumulong na buhayin ka. Continue reading

Bagong Kaibigan

May napulot akong papel. Nakasulat doon na may matatagpuan daw akong isang kaibigan. Kinakailangan ko raw sumakay para matagpuan ito. Umuwi ako agad sa amin dahil baka naroon na ang kaibigang tinutukoy sa papel.

Sumakay ako sa likod ng kabayo pero wala doon ang bagong kaibigan. Binuksan ko ang binatana at nakita ko ang aming hardin. Maraming halaman at insekto doon. Masaya silang naglalaro pero hindi ko sila maintindihan. Lumabas ako sa likod-bahay at nagpunta sa dagat. Sumakay ako ng bangka upang hanapin ang aking kaibigan pero walang ibang tao sa dagat. Ah alam ko na. Sumisid ako sa ilalim ng dagat, sumakay ako sa likod ng dolphin at doon nakita ko ang iba’t-ibang hayop at halaman, pero hindi ako mabubuhay doon. Kaya bumalik na lamang ako sa amin. Continue reading

Lawin

Matayog ang lipad ng mga lawin. Doon sa himpapawid ay buong lakas nilang sinusuong ang mga ulap. Aakalain mong may kalabang sinusugod. Ganito ang kanilang pangkaraniwang buhay. Kahit mataas ang lipad ay tanaw na tanaw nila ang kalupaan. Ang munting kilos sa ibaba ay agad nilang napapansin. Madali silang nakahahanap ng pagkain. Subalit hindi sa lahat ng panahon ay naghahanap sila ng pagkain. Ang mga ibong ito ay tila mga bantay sa kalawakan. Ang mga kagubatang maninipis na o di kaya ay nakalbo na ay kanilang tinatamnan. Mula sa ibaba ay tumutuka sila ng mga prutas. Ang mga buto nito ay kagat-kagat nila at saka binibitawan sa tapat ng mga lupang bakante, o kaya naman sa gitna ng mga kagubatang unti-unting napapabayaan ng tao. Continue reading

Paruparong City

Kwento ng Paruparong Bukid na may marudbod na obsesyon sa lungsod

Sa isang malawak, mapuno at magubat na lupain sa tabi ng lungsod matatagpuan ang isang natatagong hardin. Dito sumisibol ang iba’t-ibang uri ng halamang namumulaklak, naging tahanan din ito ng mga higad na nangangarap maging isang paru-paro. Dito ipinanganak si Madam Butterfly. Continue reading

Para kay Potpot,


Pasyensya ka na kung mag-isa ka na namang naglalaro. Wala pang nakukuhang yaya ang mommy mo o ewan ko nga kung may plano pang kumuha ng yaya yun. Mahirap ang buhay ngayon, malilipat na naman sila ng project at medyo bababa ang sweldo nila. Pansamantala, kami muna ang titingin sa’yo. Ang tita mo medyo busy sa pag-aaral, mahirap naman talaga ang ECE. At saka, andito sya para mag-aral, hindi para mag-alaga sa’yo. Mahirap na at baka isipin ng mga pinsan ko sa Bulakan ay inaalipin namin siya dito. Kaya nga sa twing aalagaan ka nya, ‘wag ka ng masyadong makulit. Buti nga at inaalagaan ka pa nya kahit na ginigising mo twing madaling araw, inaapakan, kinakagat at pag hindi nagising ay kinukuha mo ang cellphone nya sa ilalim ng kanyang unan at saka mo inihahagis, maswerte kung hindi sya tamaan. Malas kung bumukol at paghinalaan kami ng mga magulang nya na minamaltrato sya. Hindi naman sila maniniwala na kahit 1 taon at kalahati ka pa lang ay masyado ng mabigat ang mga kamay mo. Hindi naman nananakit sa Barney di ba? Kanino mo natutunan ‘yan. Continue reading

Ang makulay na tulay ni ninang at ni inay!

Magkaibigang matalik ang nanay ko at ang nanay ni Rodel.
Oo! totoong magkaibigan sila mula pa ng malilit pa sila.
Madalas silang makitang magkasama.
Nagkukuwentuhan, nagtitirintasan ng buhok, magkasamang nagpapalinis ng kuko, naglalagayan ng make-up sa mukha, naghahatiran ng ulam at naririnig ko pang nagngingisngisan sa t’wing pinag-uusapan ang mga tatay namin. Continue reading