2011 Saranggola Blog Awards



“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!”

Para sa taong ito, narito ang patakaran at paraan ng pagsali sa Saranggola Blog Awards Year 3

TEMA : Laruan

Kategorya

  1. Maikling kwento
  2. Kwentong pambata
  3. Tula
  4. Blog
  5. Larawan (photoblog)

Petsa ng Patimpalak : Setyembre 1, 2011 – Oktubre 15, 2011

Awarding : Disyembre 17, 2011

Ang tema ng ating patimpalak sa taong ito ay Laruan. Paliparin ang kaisipan at humabi ng maikling kwento, kwentong pambata at tula na may kaugnayan sa Laruan. Maaaring bagay, simbolismo, katangian o kahit anong atribusyon sa laruan.

Kalahok

  1. Filipino citizen, 18 years old pataas
  2. nasa loob o labas ng Pilipinas
  3. matagal na o baguhang Blogger
  4. Para sa mga baguhang blogger, kinakailangang may naipost na 3 blog sa taong ito bago ang Setyembre 1 2011.
  5. Maaaring lumahok ang mga dati nang nagwagi sa patimpalak na ito. Continue reading

Isang malaking SALAMAT!

Sa loob ng halos mag-aapat na buwan na tinakbo ng patimpalak sa pagsulat na ito, mula paghahanda, pagpapakilala at pagbibigay ng award; marami akong nakilala, naging kaibigan at natutunan. Akala ko noong una ay madali lang magpakontes, pero nang umandar na ito at ipinakilala… hala! ang dami ko palang dapat asikasuhin. Buti na lamang at marami akong kabagang na tumulong.

Nais ko sanang ipaabot ang napakalaking pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob sa inyong lahat na naniwala at nag abot ng tulong.

Gayundin  sa lahat ng sumali; nag-isip, nagbigay ng oras upang paganahin ang naitago sa baul nilang kaalaman sa pagsulat, Maraming salamat at marami naman kayong bata at maging matatanda na mapasasaya sa inyong mga sinulat.

Sa lahat ng sumali : Continue reading

Saranggola Blog Awards (UPDATED – AUG. 17, 2009)

“Paliparin ang isip, abutin ang langit; bigkisin ang mga salita’t pakawalan sa hangin gaya ng Saranggola!” Continue reading

Buknoy

Si Buknoy. Mala-alikabok na lumulutang-lutang, magaan na magaan, namamasyal sa kalawakan.Hindi niya alam kung saan siya galing at kung ano ang kanyang mararating, gaya lamang siya ng bilyung-bilyong alikabok sa kalawakan. Walang nakakaalam kung  ano siya, at dahil wala siyang pagkakakilanlan, hindi alam kung paano siya titimbangin. Wala siyang bigat para ibilang. Masyado naman siyang maliit para sukatin, wala siyang halaga. Napakaordinaryo, ni hindi matawag na nilalang.

Sa kanyang paglutang-lutang, nagawi siya sa isang maliwanag, kabigha-bighaning pangitain, isang bolang may tubig at lupang napupuno ng hardin. Nanlaki ang kanyang paningin… Daigdig! Continue reading

Class Picture

Noong gumaradweyt ako ng college, hindi ko pinangarap magturo ng elementary. Una ay hindi ko ito forte, pang high school kasi ang tinapos ko pero dahil nga ayokong magturo ng Christian Living,  Filipino ang tinuro ko at sa elementary ako naassign.

Hindi ko rin inisip na magugustuhan ko ang experience na yun. Masarap pala sa piling ng mga bata.  Marami kang matututunan nang hindi sinasadya.

Diskarte ko noon, kahit hindi sila matuto sa subject ko. Ang mahalaga maging masaya sila. Kaya puro kulitan ang naging approach ko.  Pagtanda ng mga iyan, hindi nila maaalala kung saan nila natutunan ang gamit ng pangatnig, pangngalan, pantukoy, pandiwa o kaya pang-abay na pamanahon.  Ang mag-iiwan ng marka sa isip at puso nila ay kung sino ang gurong nakakakwentuhan nila ng madalas, nakalaro ng taguan, nagturo ng mga kantang nilagyan ng actions, nagpanalo sa kanila sa mga sayaw at nagbahagi ng sari-saring kwento. Hindi mahalaga kung hindi ka matutong magbasa, ikukuwento ko na lang sa’yo. Im sure, pag nagustuhan mo ang mga kwento sa libro, gagawa ka ng paraan para matutong magbasa. Simple lang. Huwag piliting mahinog para hindi mabugok.

Limang taon na rin ang nakalipas. Iyon ang huling taon ko sa pagtuturo. Bihira akong makapagbukas ng Friendster kaya hindi ko na nasusubaybayan kung kumusta na sila.  Highschool na ang mga iyon.

Sa t’wing iniisip ko kung ano na ang nangyari sa kanila, pinagmamasdan ko na lang ‘to, at gaya ng nasa class picture, sana manatili ang ngiti sa kanilang mga labi.

Ang mababait kong estudyante.

Grade 3 - St. Sealtiel

Winding Road

(sa mga naghihintay kung ano na ang nangyari kay Ning, narito ang kasunod na bahagi)

Uy! Hello, hello, hello, im back!

Oh My God, what a surprise, ano ba? Anong nangyari sayo?

Hindi naman halatang namiss mo ko ng sobra

Yan ang namiss ko sa’yo! Yang mga linyang yan. So anong nangyari? After ng pageant hindi ka na nagparamdam

Hahaha at talagang pageant pa rin ang nasa isip mo. Ang dami ng nangyari no,

So ano na nga?

Okay sige para matapos na to, ganito yun, nagbackout ako 2 hours before the pageant.

Bakit nga? Sinabi na lang ng host na one of the contestants was sent to the hospital

alibi na lang syempre. Pero ang totoo, masyado silang magaganda. Alam mo yung pakiramdam na para kang nasa gitna ng prusisyon ng mga santo? Lahat sila kutis porselana, ang tatangkad, ang lalaking bulas, as in inenjoy ko naman ang mga activities pero ayokong maging ordinary kapag nasa stage na. Continue reading

Pagudpud Trip

Natapos ang bakasyon nang hindi ko man lang naenjoy ang beach dahil nga sunod-sunod ang activities / openhouse namin tuwing weekend nitong buwan ng Mayo. Corregidor lang ang napuntahan ko at matapos nun ay trabaho na.

Kaya nga nitong Huwebes ng gabi ay takbo agad kasama ng mga kaopisina  sa Pagudpod, bayan sa Ilocos Norte na sa tingin ko ay mula sa salitang pagod at pudpod; pagud ka na, pudpod pa ang sapatos mo hehehe

Naunawaan ko ang depinisyon ng Malayo. Ang pagudpud ay malayo! Sa tingin ko nga ay excited ang shuttle namin, ayaw tumigil sa pag-andar. Hangga’t may nasasayarang daan ay andar ng andar na para bang walang katapusan. Continue reading

May Learning

Mga natutunan ko nitong buwan ng Mayo.

  1. Ang Corregidor pala ay parte ng Cavite at hindi ng Bataan.
  2. Mayroon palang tinawatag na Jabidah Massacre, nakakapanindig balahibo.
  3. at may plano palang bawiin ng Pilipinas ang Sabah noon!
  4. Hindi naman pala maliit ang isdang butete
  5. Ang sea horse ay ang nag-iisang lalaking  hayop na nabubuntis
  6. Ang ecstacy at absolute mineral water ay mainam na pampagana.
  7. Hindi bagay ang bandana kung nakahubad.
  8. Mahirap makipagrelasyon sa marunong mag lypo. Para ka lang nilalypo!
  9. Mas importante ang issue ng sex scandal kesa sa isyu ng mga isla sa Kalayaan! Continue reading

years after…

Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo. Continue reading

Pangkaraniwang Puno

Kasabay ng taglagas ang paglipana ng mga ibon, mula sa iba’t-ibang kakahuyan, nakikipagsapalaran sa kung anong posibleng matuka nila. Ilang dahon ang unti-unting natuyo at nalaglag sa lupa. Pangkaraniwan na ito, gaya ng mga bungang natuyo na at napipigtas sa pagbayo ng hangin. Continue reading

Paghihintay (Part 2)

Dear Lord,

Naniniwala ako na wala kang creation na panget, at dahil ako ay isa sa mga creation nyo, hindi ako panget. Magaling ka rin sa art, laging may balance; kung may araw,  may buwan, may langit at may lupa, ang  kutsara may tinidor pero bakit ako walang katinidor? Continue reading

Paghihintay

Dumating ka at nagbigay liwanag. Nakita ko ang umaga’t nakayakap ang tanghali.

sunny

Buong araw, kay sigla nitong araw! Anu’t nagpaalam ka? Dahan-dahan, kinikitil ako ng sandali, sa walang katiyakang paghihintay kung muli kang makikita. Continue reading

Coffee Talk

Matagal na kong barista. Sabi ni dad, mag-aral daw ako ng medicine, ayoko nun. Pakiramdam ko mauubos ang oras ko. Sayang ang oras na ipanggigimik ko. Short course lang. Sabi ko nga, Management na lang dad. Sabi niya, hindi daw niya ko pinalaki para maging tagatimpla ng kape. Abogado si Dad. Namaster  niya na ang panlalait at paninira ng loob. Pero ako, namaster ko na ring kontrahin ang decisions niya. Continue reading

Nawawala si Faye

Isang email ang natanggap ko, ang subject : nawawala si Faye. Ang weird dahil ang sulat ay galing mismo sa kanya.

Hi Blue,

Thank you sa musical box. Alam ko na ang sagot. Nawawala si Faye! Sabi mo wala akong karapatang mawalan ng boyfriend. Youre really good at that – magbigay ng pressure. Bothered ako at wala pa kong tulog. E sa wala nga, anung magagawa ko. Yes, I’m beautiful, ooops kulang ng adverb, very beautiful! wag kang kokontra dahil inamin mo rin yan, I have a good job, actually sa sobrang desperado ko kahit walang trabaho sige na kuya papatulan ko na dahil may trabaho naman ako – kaso nga walang match sa kin! Ano va? Continue reading

101 Ways to Kill Boredom

1.      Wag ngatngatin ang kuko, instead kulayan na lang. lagyan ng glitters o kaya ay lagyan ng tattoo!

2.      Tumawag sa radio station, makigulo, makibati at maki- can I pass the phone. Hintaying mapikon ang DJ sa haba ng babatiin mo.

3.      Kung ang wrists watch mo ay nasa kanan, ilipat mo sa kaliwa.

4.      Magpagupit ng buhok. Pwede ring pakulayan, i-rebond, pakulot, pa-istraight… bahala ka na sa style. Kung kinakailangang mag wig, why not!? O kaya magpakalbo. Continue reading

Alternate Route : Women Crossing

Balita ko magche-check in ka na bukas

Yup, 3 weeks ang preparation sa pageant. Ang daming nakaline-up na activity

Oo nga, saglit na lang at star ka na!

Loko

Serious. I’m sure mag-iiba ang buhay mo after nyan. Continue reading

Shape Tomorrow, Register and Vote

Okay bakit sa palagay mo Pilipinas ang pangalan ng bansa natin?

Dahil mas marami ang babae kesa sa lalaki

Huh?

E di ba kung mas maraming Pilipino, dapat Pilipinos ang pangalan? Kaya Pilipinas, dahil mas marami ang Pilipina

Ah ok, so plural pala ito. Why not? So kung magiging Presidente ka ng Pilipinas, anong pagbabago ang gagawin mo? Continue reading

Do Not Disturb : Self Distructing

Ano naman ang naisip mo at sasali ka sa pageant na yun

For a change

For a change?

Yup. Sabi ko naman sa’yo di ba, magmemake over ako.

Oo  nga, magmemake over ka, pero anong kinalaman nun sa pagsali mo sa pageant na yun Continue reading

Warning! Accident Prone Area

anong una mong ginagawa paggising?

tumitingin sa cellphone.

hindi sa relos?

actually, yung cellphone ko, yun na rin ang alarm.

Ang weird no, parang we can’t live without it na.

Galing kasi e, lahat nasa cellphone mo na. Continue reading

Ang Buhay sa Hardin

Nag-iisa ang hardinero, sa mahaba-habang panahon na pag-uukol niya ng oras at lakas sa mga tanim, natutunan na niyang pakisamahan at ituring itong pamilya. Sa gayon, hindi na niya nararamdaman ang pangungulila.

Sino nga ba ang mangungulila sa kaabalahan niya sa loob ng hardin.

May oras ng pagtatanim, ng pagpupunla.

Kinakailangan niya ring mangahoy upang gawing tukod sa lumalagong halaman at puno.

May panahon ng pagpapataba.

Hindi nakaiinip ang paghihintay sa pamumunga sapagkat masaya niyang pinagmamasdan at hanggang ngayo’y nagdudulot pa rin ng pagkamangha ang mga uod na nagiging paruparo, ang pamumulaklak at pagbunga. Continue reading

Loading Zone

So, you’re here

Hi, kala ko hindi mo na ko papansinin

Pwede ba yun?

You look great, see? You look great even without me

Hahahaha so talagang kailangang simulan sa past?

Of course, theres no better way to start than to where we ended

Really? And you’re assuming that everything has ended? Continue reading

Soon To Rise

Kelan ka pa dumating?

Anong kelan ka pa dumating? ikaw ang kelan pa dumating, nagkita-kita na kami, hindi ka macontact

Nasa Pilipinas ako, ikaw, anong nagtulak sa’yo at nagbakasyon ka dito sa’tin. Hows US?

Ayun, itim na ang presidente, e dito ba?

Ayun hindi na lumaki ang presidente

Sobra ka naman, love your own

Utot mo. Hindi na rin. Continue reading

No U Turn

San ka galing?
Kila Melis, she said you never visited her since our fight, kailangan ba talagang madamay ang mga friends natin?

Wala naman akong business sa kanya

Naks, business, corporate pa rin ah. Pwede mo naman siyang dalawin, for old time’s  sake.

Iba na e. I don’t have anything against her naman,

Yun naman pala

Pero hindi niya ko gusto. Continue reading

No Overspeeding

(sa mga naghahanap ng karugtong ng Don’t Drink and Drive, narito ang kasunod. Patnubay ng Magulang ay Kailangan)

Hey how are you? Hows your date?

Date?

Yep, your valentines date?

Hmmm didn’t I tell you that I am suffering from selective amnesia?

You mean?

I choose what to forget. Continue reading

Dead End, Take Detour,

Sabihin mo nga sa’kin, maysakit ka ba?

Huh?

Mamamatay ka na ba?

Okay ka lang

Kaibigan mo ko, c’mmon, you can trust me.

Anong ibig mong sabihin?

You’re dying, right?

Actually sa mga sinasabi mo, you’re killing me,

Sa’tin-sa’tin lang

Mukha ba kong mamatay? Seryoso ka ba? Continue reading

Don’t Drink and Drive

(may temang hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

Uy, aattend ka sa lovapalooza?

Hindi ah, hindi kami dun pupunta, bakit mo naman nasabi

Pulang-pula ka kasi.

Ah maganda ba?

Hmmm infairness ang baduy.

Anong baduy? Mahal ‘to

Yun nga ang masakit pala dun, mahal na baduy pa.

Walang mahal na baduy!

E anong tawag mo dyan sa suot mo? Continue reading

On-Going Construction

Hey what’s up? Its your birthday, i mean, it’s your day.

Hmmm, weird ‘to pero meron akong gustong sabihin sa’yo.

Hindi mo man ako sagutin o kausapin, i’m sure nakikinig ka. Dun ka magaling, i know that.

Kanina, may lumapit sa kin, kung gusto ko daw umorder ng kahit ano, something to give on your day,

nginitian ko lang.

Para kanino, wala akong maisip bigyan. Para saan nga ba ang chocolate, flowers, teddy bears, cards or cakes. Hindi nun kayang tumbasan ang value mo.

Niresearch ko kanina, sabi around 70 times ka daw nag papump in a minute, thats 4200 beats in an hour, 100, 800 in a day, 36,792,000 in a year. Grabe! Ganun ka mag function. Sipag mo! Continue reading

Bawal tumawid, nakamamatay!

Tahimik ka? …Hello, parang wala akong kausap

Huh? May sinasabi ka?

Ay hindi mo narinig sayang, nagdeclaim ako… uy nagpapatawa ako. Bakit ba napakaseryoso mo?

Ganun pala yun.

Huh?

Be careful what you wish for. Tama. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam.

Anong nangyari? Alam mo hindi ako sanay e, anong problema?

Hindi ko rin alam. Basta nangyari.

Ang alin? Oh my God, are you crying?

Okay ako. Okay lang ako.

Ah okay. Yeah, you’re okay. Continue reading

Slippery When Wet

(babala: patnubay ng magulang ay kailangan. Hindi angkop sa mga bata.)

Naniniwala ka ba na every 7 seconds sex ang iniisip ng lalaki?

Uy hindi ah

Oo, at out of  100, 54% ng lalaki ganun

Saan mo naman nakuha yan?

Nabasa ko, at sabi pa 98% ng lalaki nagmamasturbate sa CR

Grabe, ganun ka kainteresado sa sexual habits ng mga lalaki?

Dati kasi akong lalaki

Naniniwala ako

Sira, nabasa ko lang.

E anong ginagawa nung 1% na naliligo? Continue reading

Watch Out! Falling Debris

(Hindi angkop sa mga bata, patnubay ng magulang ay kailangan.)

O ang aga mo, mamaya pa tayo ah. 8PM daw.

Yup, i know, kaya nga inagahan ko. hindi na ko makakasama mamaya.

weird, anong bago at bakit ka biglang napadaan?

sabihin mo nga sa’kin, ikaw ba naniniwala na may one true love?

Okay ka lang?

seryoso ako, sagutin mo tanong ko.

anong problema mo? darating ka dito, uninvited, ni hindi ka man lang kumatok at saka mo ko tatanungin, wait wait wait, namumula ang mata mo, mukha kang disturbed, adik ka no? lulong ka sa shabu ano? Continue reading

Ganun Talaga

sabi, upang magkaroon ng ebolusyon, kailangang may mawala.(last line from my previous post)

hindi ko naisip na may katotohanan pala ito. Nyak!

Its my day! Weird. Pumasok ako ng tirik na tirik ang araw, hinintay lang akong makapasok at bumuhos na ang ulan :

mula sa Ulan sa Buwan ng Abril

Mayroon ding mahina subalit matagal

nakakainip na parang walang katapusan.

Tila pinong buhangin, sumasaboy sa bubungan.

Isang mahabang pagbuhos ng ulan na kahit anong oras akong lumabas-pasok ay hindi siya tumitila. Wala akong nagawa kundi suungin ang mahinang mga patak; alanganin para maligo o kahit magkasinat. Pero isa ang tiyak, sapat upang malasahan ko ang luha ng daigdig, ang lungkot, ang paghahanap sa kahulugan. Continue reading

I Resigned.

Flow. Guiding Principle ko sa taong ito. Padaluyin ang enerhiya. Makahinga ng mabuti.

Space. Kailangan ko ng maaliwalas na paligid. Alisin ang mga luma. Gawing maluwag ang silid.

Time. Huwag na huwag magmadali. Ibalik ang tamang oras. Huwag i-advance ang relo dahil lalong nalelate.

Being. Paunlarin ang sarili. Malinis na isip. Kapakinabangan. Puno ng pagmamahal. Continue reading

Pamamaalam ng Matandang Puno

Isang matandang puno ang tahimik na nabubuhay sa pusod ng hardin. Sinasabing nabuhay ng gayon katagal ang puno sapagkat dumadaloy roon ang batis. Bagamat matagal ng nabuhay, hindi ito sintikas ng ibang puno. Ang kanyang balat ay makunat at may bahaging marupok. Ang kanyang paana’y pinamahayan na ng mga antik, maging mga anay. Mataas na ang punso’t kinatatakutan. Sa loob ng katawan nito’y mistulang kwebang kinasisilungan ng mga paniki. Bihirang sibulan ng panibagong daho’t madalas ay ang unti’unting paglagas pa nga ang matutunghayan. Malakas na patak ng ula’y nalalagas maging mga bagong sibol na dahon. Continue reading

Ang Balete

Naulinigan ng hardinero ang ingay sa kanyang hardin. Napagtantuhan niya ang pinagmumulan ng ingay – sa bahaging iyon ng hardin sumibol ang balete. Mabilis na yumayabong ang punong ito, bawat araw – napapalaki nito ang kanyang katawan na di gaya ng ilang mga puno. Dahil rito, nagpasya ang mga halaman na ipetisyon siya, isa siyang panganib sa buhay ng maliliit na halaman. Continue reading

Sangandaan

(Mga nagkrus na emosyon sa pagtatapos ng 2008)

Eto na naman ako, pinagkakasya ang mga nasa sa isip sa espasyo na ito.  Magtatapos na naman ang taon kaya siguro sentimental, paunang babala : siguro sa mga naghahanap ng kasiyahan at mataas ang energy, hindi ito ang blog para sa’yo. Continue reading

Akasya

Ngayong umaga, bitbit ko ang lagaring kahoy at hagdan upang akyatin ang malaking puno  ng akasya. Sa laki nito ay kinakailangan ng putulin ang sanga upang hindi makaabala sa paglago ng katabing puno.

Ano ang gagawin mo sa akin? Tanong ng Akasya

Kailangan ko ng tagpasin ang iyong sanga, sa gayo’y hindi nito masasanggi at mahahadlangan ang nakatakdang paglago ng katabi mong puno. Continue reading

The Rainbow Connection

Malamig na ang pagkain, mukhang hindi ka na yata darating. Ang baso ng juice, hindi ko alam kung namasa dahil sa natunaw na yelo o sadyang binalot na ng hamog. Oo nga, nanunuot na ang ginaw at pumapalag na ang katawan ko kaya’t nagpasya na akong tumayo subalit naroon ka sa likod, akmang parating. Isang oras ka pa lang nahuli, kaya kong maghintay ng matagal subalit hindi ngayon. Continue reading

kasi teacher ka

kung lalagyan ng plot ang buhay mo, kulang ang isang libro para idetalye ang mga ginagawa mo. Isang kurso ang kinakailangan para pag-aaralan kung paano ka kikilalanin at kung paano ka uunawain. alam mo ng mahirap ang kursong yan at hindi mataas ang pagkilala sa ganyang propesyon, itinuloy mo pa rin. alam mo ring mahirap ang trabaho at paulit-ulit mong sinasabing huling taon mo na ‘to, sa huli… ikaw rin ang tumatawad at nanghihingi ng isa pang pagkakataon upang unawain ang kinalalagyan mo ngayon. nasasaktan ka ng paulit-ulit at halos ayaw ka ng pakinggan ng mga kaibigan mo dahil sa mga litanya mo, pero natututunan mo pa ring pakinggan ang nilalaman ng puso mo. may pagkakaton naman na mag-iba ng trabaho pero nakikipagmatigasan ka at sinasabing hindi lang trabaho ang hanap mo kundi kabuluhan. Continue reading

Mr. Clean

Maaliwalas ang mukha niya, magaling manamit, mukhang mabango, vain, napakagentleman, minsan lang magsalita pero aabangan mo… there something about this guy. Sabi nila, Metrosexual daw ang tawag dun, yun bang isang metro na lang homosexual na. Mainit ang mata ng mga tao sa kanya. Syempre sa opisina pa namin na ang lahat ng bago ay subject for discussion, para bang telenovela na unti-unting inaabangan na mag unfold, public entertainment ang buhay ng bawat isa. Bihira ang lalaki kaya malas mo pag sa department ka namin napunta. Hehehe, malas niya. Continue reading

True Love

Kung babalikan ko lahat ng nagawa ko na, mga accomplishments at shortcomings – madalas nararationalize ko ang mga iyon. Laging no regrets at learning lessons ika nga. Hindi naman sa kinukumpara ko ang sarili ko sa iba; mga kamag-aral, kababata o mga nakilala, masasabi ko na naging successful naman ako sa buhay ko. Isang young urban professional. Magimik, makulit, mahilig magbyahe, palaging kasama ng mga kaibigan, nood dito, inom doon at iba pang happenings. Continue reading

Nang magising ako kahapon

Iba-iba ang mga kwento natin noong nasa kolehiyo tayo. Daming alaala na minsan naiiwan o natatanim sa isip mo pero pag binalikan mo ang kwento kasama ng mga dati mong kamag-aral, malalaman mo na ikaw lang ang nakaalaala. Yun bang napakahalaga sa’yo pero sa iba pala ay walang dating.

May kanya-kanya tayong kwento hindi man pare-pareho pero madalas magkakarugtong. Continue reading

Ms. Conceited

Una ko siyang nakilala sa pahayagan namin. Hindi siya adviser o patnugot, usap-usapan lang na siya ang tinutukoy sa blind item na tumutuligsa sa sinasabing pagpa-powertrip niya sa klase. Siya lang ang magaling, lagi niyang binibida ang mga karangalang nakuha niya noong siya ay nasa kolehiyo pa at noong simulang hawakan niya ang aming pahayagan. Ngayong hindi na siya ang adviser, pana’y pukol ng masasakit na salita at paninira, wala raw kaming alam, pinasok na raw kami ng makakaliwang grupo, sinasayang raw namin ang aming oras at talino kung meron man daw kami noon. Nagpapagamit lang daw kami. Lahat ng iyan lagi niyang nilelecture sa klase niya. Kaya nga ngayon lang ako kinabahan ng ganito nang makita kong siya ang magiging guro ko. Continue reading

Itim na Lobo

Sa harap ng simbahan, isang batang ayta ang nakatingin sa bawat batang naglalakad kasama ng kanilang mga magulang. Nagkalat roon ang mga nagtitinda ng mga sorbetes, manyika at lobo. Upang makakuha ng atensyon ang nagtitinda ng lobo na may iba’t-ibang kulay, nagpapalipad ito ng lobo, sa gayon ay nasisiyahan ang mga bata at pinipilit ang kanilang magulang na bumili. Continue reading

Ano ang kahulugan ng Pag-ulan?

Maglalabing isang taon ako noon nang mabalitaan kong namatay ang nanay ng kaibigan ko – sakit sa puso daw. Kaya pala ilang araw na siyang nawala. Pinuntahan namin siya – malayu-layo sa kanilang tinitirhan, naroon nakatanghod sa sulok. Iba ang kanyang mukha, hindi gaya ng dati na masayahin. Alam kong nagluluksa siya, masayahin at malikot siyang kaibigan. Panay lundag, takbo at kwento, pero hindi sa mga sandaling ito. Naroon ang tito niya, nagkukwento, binibida ang kababalaghan kung pa’no siya nakarating sa sulok na iyon. Kung paanong natunton niya ang pinaghihimlayan ng kanyang kapatid, sinundan niya lang daw ang amoy ng sampagita. Pinagmamasdan ko ang kaibigan ko, waring isang matandang nag-iisip. Continue reading

Second Anniversary

Magdadalawang taon na rin ako sa trabaho, breakthrough yun. Maraming nagsabi na hindi ako magtatagal sa corporate world dahil nga NGO worker ako dati pero ang totoo, nag-eenjoy ako sa trabaho. Sa dalawang taon na yun, ang laki ng pinagbago ko, bukod sa maturity sa work, dito ako tumanda. Nagbago ng anyo ng katawan, tumaba, in short. Hayaan nyo namang i-share ko ang compilation ng mga pictures ko mula 2006. Continue reading