Paghihintay

Dumating ka at nagbigay liwanag. Nakita ko ang umaga’t nakayakap ang tanghali.

Buong araw, kay sigla nitong araw! Anu’t nagpaalam ka? Dahan-dahan, kinikitil ako ng sandali, sa walang katiyakang paghihintay kung muli kang makikita.

Radio Experience

1999 nang una akong makapasok sa isang radio station. Eto ay sa Angel Radio 1026.  Ang nag interview sa amin ay si Ms. Janette Toral, kilalang kilala ngayon sa blogworld. Ang programa niya ay Usapang Youth. Tinalakay rito ang mga programa ng aming organisasyon na Samahan ng mga Tagapagpalaganap ng Edukasyon sa Pagpapahalaga (STEP) sa [...]

Slippery When Wet

(babala: patnubay ng magulang ay kailangan. Hindi angkop sa mga bata.)
Naniniwala ka ba na every 7 seconds sex ang iniisip ng lalaki?
Uy hindi ah
Oo, at out of  100, 54% ng lalaki ganun
Saan mo naman nakuha yan?
Nabasa ko, at sabi pa 98% ng lalaki nagmamasturbate sa CR
Grabe, ganun ka kainteresado sa sexual habits ng mga lalaki?
Dati [...]

Ganun Talaga

sabi, upang magkaroon ng ebolusyon, kailangang may mawala.(last line from my previous post)

hindi ko naisip na may katotohanan pala ito. Nyak!
Its my day! Weird. Pumasok ako ng tirik na tirik ang araw, hinintay lang akong makapasok at bumuhos na ang ulan :
mula sa Ulan sa Buwan ng Abril

Mayroon ding mahina subalit matagal
nakakainip na [...]

I Resigned.

Flow. Guiding Principle ko sa taong ito. Padaluyin ang enerhiya. Makahinga ng mabuti.
Space. Kailangan ko ng maaliwalas na paligid. Alisin ang mga luma. Gawing maluwag ang silid.
Time. Huwag na huwag magmadali. Ibalik ang tamang oras. Huwag i-advance ang relo dahil lalong nalelate.
Being. Paunlarin ang sarili. Malinis na isip. Kapakinabangan. Puno ng pagmamahal.

Hanggang Kailan?

Gaya ng dati, habang tumatambay ako sa computer rental at nagpapalipas ng traffic, iniisa-isa ko ang you tube upang mapanood ang ilang bahagi ng pelikula, ilang video na gusto at makitawa sa palitan ng mga puna sa pagitan ng iba’t-ibang dayuhan.
Sa tabi ko, isang babae kasama ang kanyang anak.
Kausap ang kanyang asawa. Ipinapakilala ang ama [...]

gintonic

Bilib ka sa mga marunong maggitara kaya naman pinakialaman ko ang gitara ng kuya ko, pero hindi pala ganun kadali, bukod sa kalyo, sigurado akong may mahal ka ng iba sakaling magkatono ang bawat paghimay ko sa kwerdas. Hindi sapat ang hangarin kong alayan ka ng kanta, syempre, hahanapin mo pa rin ang boses niya.
Mahilig [...]

good friday in black jacket

magaan naman
talaga ang pakiramdam ko nang araw na’to. nakatanggap pa ako ng text
galing kay melis na merong liveaids monologue sa UP.  wala naman akong
lakad nang gabing yun kaya nagconfirm ako. akala ko, concert, wala
akong ideya kung ano ito. mahirap kumuha ng taxi mula qc ave papuntang
UP kaya tinext ko si melis na malelate ako. 7 [...]

Laing

BAYONG NG 2007

Walang bago sa bagong taon. Naisip kong ituloy ang nasimulan ko na sa halip na magbago na naman ng plataporma sa buhay. Hindi ako gobyerno o trapo na walang inatupag kundi magpalit ngplano
. Hindi ko man natapos o nagawa, pwede ko namang ituloy. Ang mahalaga, may nasimulan na at may tatapusin.

blue jeans

Nandidito kami ngayon Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod nang kayod hanggang sa mapagod Maagapan ang natatanaw
motivation. sa ngayon, wala ako nito. sa dami ng theories on motivation, ni isa ay di ko madigest. unlike before.

Merry Christmas!

Medyo mabigat ang buwan ng Agosto, buti na lang at tapos na Sa simula pa lang nararamdaman ko na na maraming maaaring maganap na hindi inaasahan at nagkatotoo nga. Hindi ko alam kung sadyang nasanay ako sa sinasabing nakatakdang kaginhawan pagkatapos ng unos kung kaya’t nasasabi kong maaliwalas at maraming kapana-panabik na nagaganap sa buhay [...]

50th blog

GOODNEWS. sabi ni mabel (roco), madali raw malaman kung ang isang bagay ay para sa’yo. Mararamdaman mo daw ‘yun. Yung bang kahit mahirap ay parang nagiging magaan, yun bang parang may magic! Tama siya. Magic!
BADNEWS. Kalahati na ng taon, 3 pa lang ang naaaccomplish ko sa aking new years resolution : 1. Magtanim ng puno [...]

‘Tekel’ ( Tinimbang ka Ngunit Kulang)

Sulat mula sa bangko ang nagpaikot sa pwet ko, ‘bayad na ako ah, ano na naman ‘to?’ Tawag sa customer service, press 1 for blah blah subscriber press 2 for blah blah. Okay, press 1 ako at marami pang press para umabot sa kanila, sa dulo kailangang i-enter ang account number then pin number saka [...]

Last Will and Testament / Death Wish

Sa paghahalungkat ng mga gamit, di sinasadyang nakita ko ang isang activity paper noong nasa college ako. Isa itong epitaph. Nakasaad doon na mamamatay ako sa mismong kaarawan ko, taong 2015. Halos sampung taon mula ngayon. In short.. may taning na pala ang buhay ko… at dahil may sampung taon na lang ang itatagal ko, [...]

Chinese New Year sa piling ng mga Ayta

hindi ako kumportableng kausap ang mga government officials kaya nga nung huling fieldwork ko re language curriculum workshop ay siniguro naming walang contact sa municipal hall. anyways, hindi naman para sa kanila ito. unfortunately dahil bisita pa rin ang turing sa amin (na hindi naman dapat) ay mega text ang elder namin sa mayor informing [...]

Sunog! Sunog!

January 10, 8:40 PM, habang pinapatulog ang pamangkin, umalingawngaw ang balitang hindi gustong marinig ninuman… May Sunog sa kapitbahay!

Walang apoy na makikita sa bintana pero ang yabag nang nagkakagulong tao at hiyawan sa labas ang nagpakabog sa dibdib ko.

Report agad sa 117, buti na lang at may nakapagreport na raw agad.

Bakit ako sasali sa mga kilos protesta? F**k them!

Masasabi kong maaliwalas ang Pilipinas nang ako ay isilang. Tatlong taon lang ako nang mamatay si Ninoy at anim nang magkaedsa revolution. Sa gunita ko, mas naaalala ko pa ang pagdating ng Menudo at pagkamatay ni Julie Vega.
Noong kudeta sa panahon ni tita cory? Yipeee walang pasok! Pakiaalam ko sa RAM! Mas nayanig ako [...]

Temporarily Unavailable

ATM, telepono, Internet site, cable channel etc.

Broken, may damage o minsan kailangan lang i upgrade

Underconstruction

2 things:

nakakalungkot, nakakainis kasi inaccessible lalu na pag urgently needed

salamat shamuy!

mula kay shamuy
(18052005)
kung umuulan man ngayon at bumabagyo sa
buhay mo… ngumiti ka na… susunod na ang tag-
araw.

Para kay Mags at Lisa… sa piling ng mga bayani ng KKK at mga kabayanihan natin.

Bumubuhos ang ulan. Wala akong payong. Walang bubungan ang mga overpass ni bayani. Maari ng pigain ang suot kong damit pero ayos lang, namiss ko kayo.

matagal na nga nang huli tayong magkita. Ang bilugang ulo mo mags ay balot na naman ng buhok at ang tiyan ni lisa ay bilugan na naman.

Kainan na!

Kung pagkain ang pag-uusapan, marami rito ay hindi ko malilimutan.
Masarap ang bagnet sa Laoag pero sa sobrang mahal nung naorder namin, naisip ko, sana umorder na lang ako ng chicharon kay Rhowie.
Kakaiba nga ang pinikpikan, malasa, sabaw pa lang ulam na. Pero nung hinain sa amin ang ulo ng manok na nangingitim na dahil sa [...]

Byaheng Panghimpapawid – Isang Simpleng Hiling

Nuong bata ako, ang pagsakay sa eroplano ay isang pangarap lang. Sa katunayan, isa itong hiling na matagal kong pinangarap. Lagi kong iniisip kung ano ang pakiramdam pag nasa itaas. Pilit kong iniisip kung ano ang hitsura ng lupa mula sa ibabaw, kung anong mayroon sa ulap, kung umuulan rin sa itaas, kung may kasabayan [...]

4X4

Sa mga liblib na bayan ng Benguet tulad ng Atok, Mankayan o kahit sa lalawigan ng Kalinga, hindi nawawala ang sasakyang 4X4. Sumisirko ang gulong nito sa mga malalaki at nakausling bato na aming dinaraanan. Halos halukayin ang mga putik at makipagpatintero sa mga bangin. Bagamat may daan, tanging ang gulong lamang nito ang makakayang [...]