Ipinaskil noong Oktubre 29, 2009 ni bernardumali
Wala naman talagang paliwanag kung ano ang pag-ibig.
Hindi siya kemikal na hahalo sa isip para guluhin ito at hindi rin siya isang simpleng emosyon.
Minsan gusto kong isipin na isa siyang espiritu, yun bang parang basta ka na lang sinaniban.
Mawawala ka sa sarili mo. Para kang nakadroga. Lutang at high na high. Nakangiti, biglang magiging inspired [...]
Inihanay sa: pag-ibig | Minarkahan: julia fordham, love moves in mysterous ways, pag-ibig | 28 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 26, 2009 ni bernardumali
Nakausap kita, nangangamusta. Binalita mo na okay ka na. Nakamove on na.Kinalimutan mo na siya. Natatawa ka pa nga. Sinasabi mong mabuti at wala na kayo. Nalulungkot ka sa nangyayari sa kanya pero wala ka ng magagawa. Nagkanya-kanya na kayo at nagpapasalamat ka sa Diyos dahil ginising ka niya. Iyon ang sinabi mo.
Inihanay sa: maikling kwento | Minarkahan: kwento ng pag-ibig, love, love story, mahal kita, maikling kwento, moving on, pag-ibig, Pagbasa | 19 Puna »
Ipinaskil noong Enero 13, 2009 ni bernardumali
Maliit lang ang mundo
sapat na ang isang buwan sa gabi
at araw sa umaga upang tanglawan ka
sa gayo’y maingat na makarating
patungo sa akin.
Maliit lang ang mundo
lakarin man ang lupa
o sisirin ang tubig
lakbayin ang himpapawid
siguradong makauuwi ka sa akin.
Inihanay sa: tula | Minarkahan: mundo, pag-ibig, tula, tula ng pag-ibig | 5 Puna »
Ipinaskil noong Disyembre 31, 2008 ni bernardumali
Hindi ko masilip ang langit
sanhi ng makapal na ulap na nakatabing,
nakapinid ang mga pinto’t di halos marinig ang nanalangin
sa nagngangalit na kidlat at kulog na bumabayo sa lupa;
nakikipatimpalak sa nagpupuyos kong damdamin.
Inihanay sa: tula | Minarkahan: agam-agam, pag-asa, pag-ibig, pagkakatagpo, pangungulila, tula, tula ng pag-ibig | 2 Puna »
Ipinaskil noong Abril 21, 2008 ni bernardumali
Matamang inaaninag ng buwan ang malalim na karagatan
sinusuyod ng malamlam na liwanag ang kanyang sinapupunan
tahimik, walang galaw, waring may ikinukubling sakit
at sa kanyang pagtangis, haharap sa kalawakang nagsusumamo ng pag-ibig.
Walang bulong na hindi makararating sa buwan,
Inihanay sa: tula | Minarkahan: buwan, dagat, liwanag, luha ng dagat, malikot na isip, pag-ibig, paghihintay, pagkabagot, perlas, tula | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Agosto 8, 2007 ni bernardumali
sa relationship, parang kwento yan ng mga artista. halos lahat na ata ng klase ng relasyon ay maihahalintulad sa mga buhay-artista.
guy and pip
isang relasyong gawa-gawa lang at bunga ng malikot na imahinasyon. akalain mo bang bigyan pa kayo ng anak-anakan na manika? may mga kaopisinang parang mga fans na walang haribas sa pagpapartner at paggawa [...]
Inihanay sa: showbiz | Minarkahan: buhay artista, buhay pag-ibig, hiwalayan, malikot na isip, pag-ibig, pag-ibig ng artista, Pagbasa, relationship, showbiz, tambalan ng mga artista, tsismis | 2 Puna »
Ipinaskil noong Mayo 8, 2007 ni bernardumali
Bilib ka sa mga marunong maggitara kaya naman pinakialaman ko ang gitara ng kuya ko, pero hindi pala ganun kadali, bukod sa kalyo, sigurado akong may mahal ka ng iba sakaling magkatono ang bawat paghimay ko sa kwerdas. Hindi sapat ang hangarin kong alayan ka ng kanta, syempre, hahanapin mo pa rin ang boses niya.
Mahilig [...]
Inihanay sa: pag-ibig | Minarkahan: gitara, kwento, maikling kwento, notsoordinaryday, pag-ibig | Mag-iwan ng Puna »
Ipinaskil noong Disyembre 27, 2006 ni bernardumali
malamlam ang ‘yong mata
sa sulok, sa pasilyo
walang buhay ang nakalugay mong buhok
pinapatamlay ng maputla mong damit.
Inihanay sa: tula | Minarkahan: diwata, gayuma, hibang, kalungkutan, malikot na isip, pag-ibig, paghahanap sa sarili, pagkatulala, tula | 3 Puna »