Sanib

Dito ka lang sa tabi ko. Gusto kitang makasama, minsan pa, kahit ngayon lang. Maramdaman ang init ng ‘yong katawan. Hinahanap ko ang kalingang iyan. Sumandig ka, kahit bahagya, wala lang, gusto ko lang ng may kasama. Gusto kong maramdamang panatag ka sa akin, at ako sa’yo.

Iba ka, kaya ikaw ang gusto kong kasama. Alam mo yun. Continue reading

Ang Sarap ng Buhay!

Hindi aapaw ang batis sa buhos ng rumaragasang talon sapagkat nakaabang ang sinapupunan ng dagat na magsisilang ng mga butil ng hamog; paakyat pababa, hahalik sa pisngi ng langit at kakawalang mga ulan.

Anupat ang dampi ng ulan ang paalala ng isang magandang buhay.

Pinagdurugtong nito ang lupa at kalawakan. Inaabot nito ang hangganan ng imahinasyon. Waring hinuhugasan nito ang maruming isip at nililinis ang kaluluwa ng sinumang madampian at makadama. Continue reading