Unang Istasyon

Iba’t-ibang sasakyan sa iba’t-ibang panahon, patungo sa iba’t-ibang landas na tumahak ng iba’t-ibang daan; may paliko, may baku-bako, may malubak at minsan rin ay may patag, may tuloy-tuloy,  may maluwang pero meron ding makipot, may matirik at mapanganib gayunman, pinakamahirap tahakin ang daang nagkrus. Madalas sa mga byaheng ito, walang balikan, subalit maaaring huminto kapalit  ang bawat pagpihit ng oras. Pwedeng pumili ng sasakyan o minsan maaaring maglakad. Mainam na nakasapatos o kahit anong panyapak subalit may landas na mabuting tahakin nang nakapaa habang hinihimod ng talampakan ang bawat batong nakahambalang sa nilalarakaran. Mas matimyas sa damdamin ang makarating sa patutunguhang dinanas ang hirap. Sa pakikipag-isa ng balat sa lupang tinukuran, walang mas mananaig na kaligayahan. Sa buhay kong ito, lumulan ako sa iba’t-ibang sasakyan sa magkakaibang pagkakataon, tinungo ang iba’t-ibang landas at sinuong ang magkakaibang daan tungo sa iba’t-ibang panahon. Nanalagi sa payapa at tuloy-tuloy na daan subalit hindi sa lahat ng okasyon. May panahong sinuong ang makipot at baku-bako, may mga liko at maraming nagsanga-sangang daan. Mapanganib subalit lalung nagpapaalab sa mga manlalakbay na tulad ko. Sa byahe kong ito, maraming kaibigan, kapamilya, kamag-aral at di kakilalang nakilakbay, subalit hindi lahat ay nagtagal. Sa bawat landas, may lumayo, huminto at may nagkanya-kanya. Tinahak ang kani-kanilang landas. May ilang nanatili at may ilang nagpaalam.  Gayunman, sa bawat paglalakbay, may bagong nakakatagpo, nagiging kaibigan at minsan nagbabalatkayong kaaway. Ilang beses rin akong natalisod, may mga panyapak na napigtas at may tinahak na nakapaa lamang. Sa bawat istasyon ng buhay, bagong yugto ang dala. Iba’t-ibang kwento at aral ang hatid ng bawat tiket ng sasakyan. Kung saan patungo ang byaheng ito, hindi ko pa masabi. Batid ko lang ang buhay ay isang byahe, ang hantungan ay di ko tiyak maliban sa pangako ng kabilang buhay. Subalit sa akin, hindi ang kabilang buhay ang dahilan ng paglalakbay na ito bagkus ay ang buhay na dulot ng bawat byahe. Kumusta ang byahe ng buhay mo?

Advertisements

4 comments on “Unang Istasyon

  1. … ngunit sa bawat pusong naglalakbay, dumarating ang sangangdaan… ngayong narito ka, kailangang magpasya, aling landas ang susundin ng puso? saan ka liligaya… saan mabibigo… saan ka tutungo…

  2. Hindi ko alam kung anong meron ang blog mo at nakakatuwang basahin. Siguro dahil nakaka-relate din ako sa mga naiisip mo at takot mo. Anupaman nakakatuwang makita at mabasa kung papa’no mo nailalabas ang nilalaman ng puso at isip mo. Sana nga kasing-tapang at laya mo ako mag-isip. Keep it up kasi nagbibigay siya ng inspirasyom lalo na sa mga taong tulad ko na natututo palang palayain ang sariling isipan at damdamin.

  3. oo nga may halintulad ito sa nasulat ko sa kasalakuyan….salamat blue for connecting with me.
    …sabi nga birds of the same color (blue), flock together…hehehehhehhe…naiba tuloy ang saying!

    blue:why do birds, suddenly appear… ay napakanta ako!

  4. Pingback: kung bakit hanggang sa muli « HIBANG {tagni-tagning ideya}

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s