Kainan na!

Kung pagkain ang pag-uusapan, marami rito ay hindi ko malilimutan.

Masarap ang bagnet sa Laoag pero sa sobrang mahal nung naorder namin, naisip ko, sana umorder na lang ako ng chicharon kay Rhowie.

Kakaiba nga ang pinikpikan, malasa, sabaw pa lang ulam na. Pero nung hinain sa amin ang ulo ng manok na nangingitim na dahil sa makailang ulit na sinampal para sa dagdag na lasa, nawalan ata ako ng gana ng sumambulat ang namuong dugo.

Panalo ang suha na isinasawsaw sa sukang may sili… subukan nyo.

Hindi ko pinatawad ang piniritong palaka sa zambales, walang atrasan, nakakahiya nga dahil naubusan ko ata ang pamilyang tinuluyan ko.

nahilo ako sa nganga (nalimutan ko na tawag sa kanila) ng malunok ko ito.Kala ko hihimatayin ako!

Matamis din ang kamoteng niluto sa loob ng buho, pero kung madalas na ganito, naiintindihan ko na kung bakit kamote ang simbolo ng pagkain ng mahihirap sa mga probinsya.

bulad? (daing) halos umalat ang pawis ko sa kakakain ko nito  nung nasa mindanao ako.

Sardinas? pangkaraniwan lang dito di ba? Doon sa mga pinuntahan ko, hinahanap-hanap ko ito, maiba lang ang kinakain ko, maitago ang lasa ng bulad at tamis ng kamote.

minsang nagbyahe ako kasama ng kaibigan kong australiano, hinainan kami ng kanin, hotdog, maling, french fries, corned beef at mayonnaise na sawsawan. Sa totoo lang… hindi ako nabusog… nalito ako sa kakainin ko!

sobra naman ang kunsensyang inabot ko ng kainin ko ang kalderetang asong inihain sa amin… totoo nga atang tatahulin ka ng aso matapos mo itong kainin. In fact, hinabol pa kami ng aso.

Panalo sa lahat ang tanghaliang may pantulak na tapoy, white castle sa hapon at gin sa gabi. Ito ang buhay benguet! hik!

nakakalungkot lang, nang gutom na gutom na kami at umay na umay na sa bulad, sardinas at kamote, minsan naming binuksan ang tv noong nasa bahay kami ng datu. Bumabaha noon sa Maynila samantalang doon sa mindanao ay tirik na tirik ang araw. Balita mula sa Maynila ang tumambad sa amin… Starnews … “Samantala, muntik ng lumubog sa baha ang vintage car ni Jorross Gamboa…”, napamura na lang ako sabay buntung hininga! Sa gutom na inaabot ko at sa nakararaming kumakalam ang tiyan sa mga bundok, ano ngayon ang pakialam ko sa sasakyan ni Jorross!

Advertisements

One comment on “Kainan na!

  1. aliw! naalala ko tuloy ang marang, ang kapeng gawa sa pinaghalong mais at bigas at ang ang aking peborit na kamote sa buho na nilantakan natin sa unang biyahe natin sa mindanao. kaugnay nito ang panahon na nagutom tayo sa paghihintay kung kelan tayo pakakainin sa mis or… hay!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s