Para kay Mags at Lisa… sa piling ng mga bayani ng KKK at mga kabayanihan natin.

Bumubuhos ang ulan. Wala akong payong. Walang bubungan ang mga overpass ni bayani. Maari ng pigain ang suot kong damit pero ayos lang, namiss ko kayo.

matagal na nga nang huli tayong magkita. Ang bilugang ulo mo mags ay balot na naman ng buhok at ang tiyan ni lisa ay bilugan na naman.

Hapunan na mags, pasyensya na at hindi ko na kayang magkunwari, hindi kaya ng kape ng Figaro na pakalmahin ang tiyan ko kaya nagyaya na akong kumain. Napagastos ka tuloy. Salamat sa treat, tama ka masarap sa KKK pero nakauwi na tayo ay hindi ko man lang natikman si rizal.

Masarap nga ang kape, ang ensaladang mangga, sinangag na kanin sa bawang, grilled porkchop bacon cut, baked tahong with butter and cheese at pitsel pitsel na ice tea. Syempre hindi rin mawawala ang san mig light at pinaghatiang halos dalawang kaha ng yosi, salamat nga pala at pinabaon mo ang natirang kaha. Hindi ko na matanggihan dahil malapit-lapit na ring mawalan ako ng hanapbuhay.

Pero ang nagpasarap ng rekado ay ang hindi mapreno nating bibig. Ang katotohanang totoo tayo sa isa’t-isa at kahit sa iba. Hindi tayo plastic mga lola! Akalain mo bang sawayin mo si Michael buble sa pag-awit ng fever at hindi pa nakuntento ay naghanap ka pa lisa ng cd sa bag para lang masigurong mapapalitan na ang cd. Di kinaya ng powers ko mags ng sitsitan mo si kalbo, iba ka! Sa totoo lang, hindi rin ako focus dahil sa nakapink na nasa likod ni lisa… nakita nyo ba yun? Lumipat nga ng upuan eh. Nakahalata ata.

Btw, nakikinig naman ako. Kaso hindi maiwasang liparin ng isip ko ang mga sinasabi nyo. Masarap kasing nguyain ang mga ulam ng buhay natin.

§Urban poor? Oo nga mags, mas madali silang unawain, ang mahirap intindihinay ang pulitika ng opisina. Madalas nga tayo ang nagdidisempower, minsan tayo ang nagpapagulo sa buhay nila.

§Si charles?….. hmmmmm parang ikaw ang may problema, hehehehhehe

§Si ex…..? kwentuhan lang talaga? Walang kantahan? Hahahahahha

§Actually buti na lang at ndi kita nakilala noon

, submissive ka pala?

§Tungkol sa kopi business, ayaw mo talaga ng suggestion ko? Bka pumayag si charles, first time yun di b? marami kaming kilalang nagsasayaw.

§Ang nanay mong chemistry teacher, pwede rin namang iintegrate yun sa gardening khit mas malapit sa biology. Hayaan mo na yun.

§Ang ukay-ukay business mo, oo nga, siguro mas maluwag sa loob mo kung napakinabangan na lang ng urban poor.

§Ang pagmamabait ng mga katrabaho mo, bwahahahahhha mag-ingat ka sa pag-uwi.

§Deaththreat sa opisina? I doubt kung galing kay Fernando. Para

sayo talaga yun galing sa kaopisina… bwahahahaha

§Aminin mo, nag enjoy ka sa tulay nya, naisip mo bang pwede kayong magparty ng mga batang riles dun (mukha naman syang riles diba) o mag live telecast? Dami nyong audience sa baba pag nagkataon! Bakit ka nagkakasya sa shoebox mong studio?

§Ang tsekot ni kalbo? Ok na yun… aabot rin sa garage room. J

§Si oskie? Ganda mo, kaya mo?

§Btw, abot ko na lang ang P500 sa mga taga riles ha sa susunod.

§Lisa, wag mong masamain ang palanggana sa hagdan. Baka nagmamagandang loob lang sila kaya hinainan ka ng arinola. Hindi ka na nga naman bababa na di ba?

§Trabaho? Sige maghahanap tayo, wala na rin ako e hehehehhe

§Principal mo? Old school! hayaan mo na. magigising din yun sa katauhan ng mga anak nya.

§Patok na naman ngayon ang children show like goin bulilit at bubble gang for kids, yayaman ka lola!

§Si eric (same with mags) ?….. hmmmmm parang ikaw ang may problema, hehehehhehe

§Si muslim? Totoo ang luv nya, maniwala ka.

§Papel lang naman… baka pumayag. Pwede naman di ba?

§Ako…..???!!! next topic please

§Si rona? Ok yun. Mas makakarelate yun dahil may luvlife na sya! Oo tama ang nababasa nyo may luvlife na si rona!

§Come to think of it… tapang mo,, waging-wagi ka!

§Hindi makukuha ng pagwiwisik ng pabango para hindi ka maamoy ng nanay mo na naninigarilyo ka pa rin. Anyway, salamat sa lighter.

§Huh? Wait… talaga bang may luvlife na si rona! Whaaaahhh!

O sya, marami na to. Hanggang sa susunod na pagreregroup. Ikaw naman mags ang mag minutes. Masarap nga kaya si rizal? Ano sa palagay mo mags?

Advertisements

One comment on “Para kay Mags at Lisa… sa piling ng mga bayani ng KKK at mga kabayanihan natin.

  1. Para kay BLUE at LISA… sa piling ng mga NAGPAPAKABAYANI sa K.K.K. at sa BUHAY natin…

    Last week, nagtext si Lisa. Di ko maiwasan ang magulat at mainis. Magulat, kasi ba naman sa tagal nang panahon na nagtetext ako sa kanya, naniwala ako na iyon pa rin ang number niya. Pero nagpalita na pala siya, at kung hindi pa siya mawalan ng trabaho, at magtext sa akin na naghahanap, hindi ko pa malalaman ang bago niyang number. Mainis dahil noong nakaraang buwan halos di magkamayaw ang posting ng ating mga kaibigan sa mundo ng NGO. Ang daming opening. Kaso ngayon ‘closing’ na kasi may nahanap na sila. Bad timing!

    Buntis si Lisa. 6 months. Bandang April, nagawi ako sa SM, at sa Figaro ulit. Kasama ko ang Nanay kong na-mamangha sa kapeng hindi Nescafe. (Ibang storya ito.)

    Nakita ko si Lisa. Dahil ‘tactless’ nga ako, ang unang lumabas sa bibig ko “Buntis ka?” Pero ang pagkakamali ko, hindi pala handa ang reaksiyon ko sa sagot niya. Hindi naman siya nangyeme na umoo. Hindi ko alam kung magso-sorry ako sa ‘kawalan ng sensitivity’ sa parte ko. Aba, malay ko bang totoo pala! Bwiset talagang bibig ito!

    Noong nabuntis sa lisa kay Luis (anak niya na kapangalan ng bunso kong anak), nalungkot ako. Hindi dahil nagseselos ako sa “friendship” (sounds family?) kundi dahil alam kung marami pa siyang gustong gawin at ang ‘hinayupak’ na HUDAS sa buhay niya ay mas lost pa sa kanya kahit (trenta y kuwatro) na sa mundong ibabaw.

    Sa pangalawang pagbubuntis, alam kung mas mahirap para sa kanya. Hindi dahil kagagawan niya ang sitwasyon na magiging mahirap, kundi dahil ang lipunang ito ay mapanghusga at mapangmata. (LAHAT NAMAN TAYO, MAPANGHUSGA. Ika nga ng aking kaibigan: “IT IS A GREAT JOB TO BE NOT JUDGEMENTAL AT ALL”.

    So, iyon nga. Nagkita kami ni Lisa sa Figaro kahapon para iabot niya sa akin ang kanyang resume. (In fairness, ang ganda ng iyong credentials. Kung ako lang ang magiging boss mo tatanggapin kita.)

    Ang tagal nga niyang dumating. Mag-iisang oras akong nandoon bago pa siya nagpakita. Uorder na ako ng kape, kahit nanginginig na ang katawan ko sa kakakape. (Noong araw na iyon, naka-sampung kape ako lahat, sa dami ng aking tinagpo.)

    Maya-maya may tumabing tatlong babaeng balingkinitan ang katawan sa table ko. Ke gaganda ng mga ‘lola’. Napatingin nga ako sa langit kung madilim na, kasi para napaaga ang kanilang pasok sa club.

    Dumating na si Lisa, hahangos-hangos kasi ang layo daw ng kanyang nilakad. Pagka-upo sabay sindi ng yosi.

    Noong umulan, nagkagulo ang mga kababaihan sa aming tabi. Aba, mga Bisa-ya pala sila! (Comment deleted…)

    Pinag-usapan namin ni Lisa ang kanya daw ‘katangahan’.

    KATANGAHAN BA ANG MAGBUNTIS NG DALAWANG BESES SA IISANG AMA NA HINDI MAN LANG MAKAISIP NA SIYA AY HINDI NA BINATA AT MAYROON SIYANG RESPONSIBILIDAD SA KANYANG MGA ANAK? Hindi.

    Lumipat tayo sa K.K.K. sa West Avenue. Madalas kaming kumain doon ng aking mga kasamahan sa radyo. Pero sa pagpunta lang natin ako nagpunta doon na nagbeer at nagyosi. Masarap palang gawin iyon habang ang mga mata ng nasa kuwadradong litrato ng kung sinyu-sinong mga Herodes ay nakatingin at malamang nagmumura sa kanilang mga libingan at nagsasabi: “Lintek na mga bata ere, ke babae payosi-yosi pa! Aruuu…”

    Kung anuman ang sinabi nila, salamat na lamang at hindi natin maririnig.

    – As of this writing, iniwanan ko na ang mga trabaho iniatas sa akin ng opisina. Radyo na lang ang itinira ko… Mahirap ang trabahong ganito – iisa ang goal ng mga tao sa iisang opisina – pero ang trabaho at paraan sa patutunguhan ay magkaiba. Marami ang SIPSIP. Kung hindi mo kayang mamangka, dedo ka. Ngayon ko lang naramdaman na wala na yata akong kaluluwa, natangay na ng galit sa mundo at sa trabaho.

    – si Charles? Tama ka may problema nga iyon. Hehehehe….

    – Si ex? Bruja, di ko na kayang kantahan ulit iyon… At hindi ako mahilig sa cocktail. BWAHAHAHAHAHA…

    – Oo, submisive ako dati. Pati ngayon naman pero may kasama nang LOGIC. (Ito ang TUNAY na katangahan…)

    – Maganda ang naisip mo, kaya lang baka hindi ko mapigilan na ‘man-chuver’ ng papa sa umaga… Hahahaha… Breakfast in Bed….

    – Pag-uwi ko, nagrereklamo ang Nanay na masakit ang leeg niya. Sabi ko huwag siyang mag-alala dahil ang ‘masamang damo, matagal bawian ng hininga’.

    – Ayoko nang mag-ukay business.

    – Mababait talaga ang mga katrabaho ko. Promise. Sandali lang… Susuka lang ako… Hahahaha

    – Sa Death Threat –> Sabi mo nga: ‘Kahit nasaan ka, kung mamamatay, pinatay ka.” Hehehe

    – Sa next Christmas, hindi na kami sa Riles. Parang feel namin na sa Correctional na lang. Mas masaya doon…

    – As in pangit ang kotse ni Kalbo, pero puwede naman kami magtaxi na lang… Ayyyyy!

    – Si Oskie? Magkikita pa kami kapag bumalik na akong pumasok ulit sa pagkagara-gara natig building…

    – Huwag mo nang isipin ang P500, mas mahal pa doon ang ibinigay na pagkakataon sa amin na makasama ka sa buhay na ito. (At sana magkita pa tayo sa kabilang buhay…)

    – Hindi ba alam ni Mamah ang difference ng planggana sa arinola?

    – Huwag na kayong magtrabaho. Mag-artista na lang tayo.

    – Si Principal ng school malapit sa SM North ay walang alam sa lipunan. Patawarin mo na. Kung ayaw mo, e di wag! 🙂

    – Correct! Uso na naman ang mga program na nag-eexploit sa mga bata.

    – Si ERIC, sana madapa siya at masaksak ng barbeque stick ang kanyang mamula-mulang pisngi…

    – Si Muslim, love ka noon.
    P(h)romise?

    – Ang papel na kailangan mo ay nasa National Bookstore. Kung pipirma lang ang problema, marami tayong makukuha diyan. Gusto mo may seal pa… (Ano pa ba ang silbi ng Recto?)

    – Yes, ikaw nga! Nakakainggit ka. Ang haba ng ‘hair’ mo (up and down). Kailan ka ba puwede i-share? Pa-Extra Challenge tayo –> Ako si Ikaw, Ikaw si Ako!

    – Si Rona, iyan ang liwanag sa gitna ng dilim.

    – Matapang ka talaga girl! Lab yu.

    – Wagi talaga si Rona…

    – Si ANA boss na daw ng ABS-CBN. Kaya ba hindi na siya nagpapakita dahil ‘hectic’ ang schedule? Puwede pa-appointment sa secretary mo?

    – Si Kiko, kakaopera pa lang. Sana makasama ka namin…

    – Si Tin, andito si Susan. Buntis din.

    MASARAP NGA KAYA SI RIZAL? Alam mo hindi ko naisip iyan. Pero sa lahat ng bayani, nagugulumihanan ako kay DIEGO SILANG. Parang nakaka-excite siya. Kung magiging kami magiging masaya ang buhay namin, mapupuno ng adventure dahil magtatago kami sa kanyang mas matapang na asawang si Gabriela Silang… Hahaha…

    Hay. Ang buhay ngayon. May Bayani na hindi naman bayani. May bayani hindi makita ang kabayanihan. May nagpapakabayani na hindi makita ang kahalagahan. At mayroon ding nagbabaya-bayanihan na wala naman….

    Mga MCD kosa, kita-kita naman tayong muli…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s