Byaheng Langit

Pangalan mo?

Ano to?

ID po?

ID?

ID, andyan po pangalan ko, tsaka organization.

Sabihin mo lang pangalan mo ok na.

Blue po

Blue ano?

Blue umali

wala na man dito pangalan mo e.

Huh? Try nyo Bernard umali

wala rin

Bernardo umali po

Dami mo namang pangalan?

Ok lang ang mahalaga isa alang ako hehehehehe.

Wala rin dito

E bakit ba kailangan pa ng pangalan? Papasukin nyo na lang ako

Hindi pwede

Bakit exclusive po ba to

Syempre kailangan may invitation ka

Ganun? Di ba pwede maggatecrash

Gatecrash? Hindi pwede… bumalik ka na lang

Ganun? Sisilip lang ako…

Ano bang sadya mo dito?

Curious lang, lagikasi itong pinag-uusapan at pinagtatalunan, this time gusto ko makita ng personal, heto may dala nga kong camera… ilalagay ko to sa blog with pic.

Bernardo…

Blue na lang po

O sya, blue, hindi to museum o national park na pwede mong puntahan basta-basta.

Hanggang dito ba naman may discrimination? Bakit ayaw nyo kong papasukin

Dahil hindi mo pa oras at kailangan mo pang magstay sa lugar mo. Doon ka maglakbay wag dito.

Ganun? E andito na ko, e di papasukin nyo na ko… mamaya na lang ako babalik dun.

Huwag kang pasaway, umuwi ka na. Hindi ka pwede dito.

O sya, sya kung ayaw nyo wag. Pag inimbitahan nyo ko sa susunod hindi ako pupunta.

Aba, ako pa tinakot mo?

San ba papunta sa purgatoryo? Meron ba talaga nun?

Ano ba pinaniniwalaan mo?

Purgatoryo…. Hmmm, hindi ko alam, siguro meron sa mga naniniwala

E ikaw naniniwala ka ba?

Ewan ko, siguro meron, siguro wala.

E di wag mong hanapin kung hindi ka naman naniniwala

Hindi ko naman pupuntahan ang purgatoryo ko e, ang gusto kong puntahan ay purgatoryo ng mga naniniwala.

Alam mo, puntahan mo na lang ang purgatoryo mo kung meron man kasi kung ang pupuntahan mo ay purgatoryo ng iba ay malamang di ka papapasukin.

Ganun? Exclusive na naman? Ang langit, purgatoryo at impyernoay exclusive lamang sa mga naniniwala?

Hindi ko masasagot ang tanong mo…

Langit to diba? So sa likod ng gate na yan ay may nag eexist na langit di ba? Kung maniwala ba ako na may langit dyan ay papapasukin mo ko?

Hindi dahil hindi mo pa oras

Oras? Anditona ko e, ndi ba mas aksaya ng oras kung hindi nyo pa ko papapasukin at sa susunod na busy ako ay saka nyo ko iimbitahan? Naisip mo ba yun?

Hay buhay, bakit ka ba napadpad dito. Iho, masasabi ko sayo ay umuwi ka na.

Sir san ang daan papuntang impyerno?

Impyerno!!!Anong gagawin mo dun?

Papasyal?!

Nasisiraan ka na ba? Delikado dun baka hindi ka makabalik.

Delikado sa mga naniniwala, sa inyo kasi magkalaban kayo… pero sa kin hindi.

Nahihibang ka na ba? Ang impyerno ay mapanganib na lugar. Mapagpanggap at baka hindi ka na makalabas dun.

Sa tingin mo ba papapasukin nila ako kahit wala akong imbitasyon?

Siguro?

Bakit sila accommodating, bakit kayo hindi?

Huh! Ang gulo mo

Ikaw ang magulo! Kung hindi ako naniniwala dun, e di wala rin akong exclusive invitation dun, baka mapakiusapan ko lang na masilip ang lugar nila, sayang naman tong camera ko.

Paano kung papasukin ka nila at hindi ka na makalabas.

Pwede ba yun?

Oo

Naisip mo ba kung paano ako nakarating dito ng walang imbitasyon? E di iisipin ko lang na lumabas sa anumang oras ko gusto at magagawa ko.

E di isipin mo na lang na naroon ka at kuhaan mo ng picture ang naisip mo para kunwari ay nakarating ka dun?

Sinong niloko ko… sarili ko? E di iisipin ko na lang na nakarating na ko sa loob ng langit at kukuhaan ko ng picture tapos pwede na kong bumalik dala ang picture.

Huwag mong ipapakita ang picture dahil baka maniwala sila na langit yung inisip mo

E ano ang ilalagay ko sa blog?

Wala na lang picture,

pano sila maniniwala?
problema ko pa ba yan?

E kasi kung pinapasok mo na lang ako kanina pa e di sana nakalabas na ko ngayon at nakauwi, e di hindi na kita naistorbo.

Bernard

Blue na lang po

E bakit ba kasi binabago mo pa pangalan mo, blue naman pala gusto mo e di paregister mo na lang ulit yan para blue na lang ang gamitin mo at hindi kung anu-anong pangalan pa ginagamit mo.

May magagawa ba ko kung pinangalanan ako ng pangalang di ko gusto?

O sya, sya, pag dating mo sa lupa papalitan mo ng pangalang gusto mo

E boss, baka pwedeng ilagay mo na pangalan ko dyan, kahit for temporary pass lang. o kaya palitan mo ng pangalan yung nakalista dyan, substitute na lang muna ako.

Hindi nga pwede. Hindi pwede yun. Ang bawat tao ay may oras na nililisan ang kanilang lugar at umuuwi dito o sa kabila, depende kung paano nya ginamit ang kanyang buhay.

Ang daya

Anong madaya dun?

Na kailangan kong magstay sa lupa, mangapa, gawin ang mga bagay ng may pag-iingat dahil may tumitingin sa akin at huhusgahan ako. Bakit may ganung palabas? Bakit may ganung lugar? Bakit nyo kailangang isubok kami sa ganun? Kung gayon hindi pala kami malaya?

Malaya kayo, pwede nyong gawin ang gusto nyo dun..

At pagkatapos? Pag nakita nyong mali para sa inyo ang ginawa namin ay hindi nyo kami patutuluyin at ilalagay nyo kami sa kabila…??!!

Iyun ang patakaran ng buhay. Simple lang naman ang gagawin nyo, gumawa ng kabutihan at pag nagawa nyo yun, makakarating kayo dito?

Kabutihan? Sinong magsasabi na mabuti ang ginagawa namin at hindi?

Alam nyo yan, dinidikta yan ng puso nyo, alam nyo kung komportable ang pakiramdam

Alam mo ba na may kanya-kanyang pakiramdam at kakomportablehan ang tao? Alam nyo ba ang kahirapan na dinaranas ng bansa ko, alam nyo ba na ang mabuti sa ilan ay maaaring hindi sa nakararami?
so anong gusto mong gawin ko?

Linawin nyo ang rules!

Malinaw ang rules, ikaw ang nagpapagulo.

Hindi ah, magulo talaga ang rules, ayoko ng ganyang rules.

Kung ayaw mo ng rules, e di wag kang sumali

Talaga? Pwede? Susumbong kita sa Dyos mo! Hala ka! Nagdedesisyun ka ng ganyan.

Sshhh. Wag kang maingay, o sya sya, ikaw kasi e… sige na nga sumilip ka na. Wag kang pahahalata ah, bilisan mo baka mabuko tayo.

Yes!!!!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s