im back. (oh my god!)

after 5 months na walang blog at pagpapakadalubhasa sa pagsusulat ng modyul… balik job hunting (na naman).  Syempre ang walang kamatayang tanong na So values education major ka pala? ay umaalingawngaw na naman sa tenga ko… na para bang big deal sa mga interviewer… naiisip ko tuloy… alin ba ang mali… ang VE o ako (at naririnig ko kayong lahat na sumisigaw na IKAW!). So narito po ang sandamakmak na questions, expectations, misconception at kung anu-ano pang tion.

_____

:So values ed major ka pala, 4 year course din ba yun?

:of course!

:So values ed major ka pala, magpapari ka ba?

:ok ka lang?!

:So values ed major ka pala, bait mo siguro?

:gago!

:So values ed major ka pala, Bkit?

:I like u!

:So values ed major ka pala, can u handle christian living?

:Huh!?

:So values ed major ka pala, tamang-tama may mass kami, pwede ka bang magsakristan?

:amazing!

:So values ed major ka pala, bagsak ka sa ibang course?

:e kung ibagsak kya kita sa kinauupuan mo?!

:So values ed major ka pala, ano yun?

:course?

:So values ed major ka pala, walang opening dito para sa inyo!

:now I know!

:So values ed major ka pala, hindi halata

:lalo na ngayon (blagh!)

:So values ed major ka pala, nahanap mo naman ang hinahanap mo?

:hmmmp!

:So values ed major ka pala, di ka nagsisisi?

:na pumunta ako dito?

:So values ed major ka pala, tamang-tama hawakan mo ang high school department, walang VE dito e,

:sige po, ano pong ginagamit nyong reference?

:ay wala pa, ikaw na rin ang magdesign ng curriculum

:akala ko po teaching position, curriculum developer pala hanap nyo.

:So values ed major ka pala, kailangang-kailangan yan ngayon, ang mga estudyante dito, naku ang babastos, ewan ko ba sa mga kabataan ngayon

:(biglang may pumasok na 2nd year student) ma’am may chalk po kayo?

:Puñeta, hindi ka ba marunong kumatok? Sabi ko naman sa’yo bastos ang mga bata

dito

:mukha nga po

:So values ed major ka pala, alam mo ba na values ed major din ako sa PNU?

:ay talaga po? Buti naman po at nakilala ko kayo, bihira ang VE major e.

:Oo nga, kaso twice a week lang tinuturo ang VE dito kaya ako na ang nagtuturo, walang opening ngayon e

:Ma’am, Gusto nyong mag abroad?

:so values ed major ka pala, marunong kang magintegrate ng Values sa ibang subject?

: duh!?

:So values ed major ka pala, I’m sure ang mga naging Prof mo sa VE, hindi rin VE majors?

:so what?

:na pwede namang ituro ng non-VE majors ang VE, parang ako.

:it doesn’t follow, dude. May issue ka?

:So values ed majorka pala, hindi ba mahirap maghanap ng trabaho?

:sa 4 na taon at 4 na employer na nakilala ko, hindi naman.

:So values ed major ka pala, may katekista na kami e,

:goodluck!

:So values ed majorka pala, im sure may kalokohan ka rin.. ano yun ha ano yun…sa’tin-sa’tin lang.

: (walkout)

: bastos na to, values ed ka pa man din!

:So values ed major ka pala, r u in a relationship? U know… like… meron ka bang girlfriend?

:huh? U mean partner?

:really!? interesting… (parang natuklaw ng ahas)

:So values ed major ka pala, galing ng mga prof nyo, nameet ko na sila during LET review sa’min,

:talaga po? Opo magagaling nga sila

: pakibili mo naman ako ng Buhay na book tapos baka pwedeng ihingi mo na rin ako ng lecture nila, umalis kasi ako nun agad.

:ngek, Teaching position ba’to o student assistant ang hanap nyo?

:So values ed major ka pala, trend yan ngayon, mga values-values subject.

:ngayon lang ba sinilang si Buddha o si Kristo? Tara, Dalaw tayo!

:So values ed major ka pala, kilala mo si Fr. Robert Reyes

:ganun?

:So values ed major ka pala, alam mo may pamangkin ako, kasing edad mo rin, pakikilala ko sa’yo ha.

:bakit wala syang values subject dati?

:So values ed major ka pala, tamang-tama, lahat ng values subjects namin adviserang nagtuturo at iba ang major nila, ikaw na ang maghandle.

:ilang section at anong year po?

:tig isang section lang naman pero grades 1 – 4th year

:may opening po sa Filipino?!

Advertisements

6 comments on “im back. (oh my god!)

  1. Di ka nag-iisa dahil dalawa tayo o marahil marami pang iba…
    Hala, hayaan mo sila. Ayaw mo nun masyado tayong misteryoso o estranghero para sa kanila…
    Yung nga lang matapos kang purihin, lalaitin ka rin sa bandang dulo at ang malubha, no vacancy ang tugon sa yo…
    Ganunpaman, masuwerte na rin na ako’y isang V.E. major…
    Kasi nakikita ko na lalong need tayo ng lipunan mula sa mga nakakasalamuha natin na ewan…he… he????

  2. nakakatawa naman ang blogs nyo. i’m red, currently a senior values education major here in pnu. i was searching the net for possible references for my research and your site popped out.

    wala lang. nakakatuwa lang na makakita ng ganitong blogs… although it’s kinda old and i don’t know if you still blog pero i hope you can read this. hehe.

    sige!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s