Bakit ako sasali sa mga kilos protesta? F**k them!

Masasabi kong maaliwalas ang Pilipinas nang ako ay isilang. Tatlong taon lang ako nang mamatay si Ninoy at anim nang magkaedsa revolution. Sa gunita ko, mas naaalala ko pa ang pagdating ng Menudo at pagkamatay ni Julie Vega.

Noong kudeta sa panahon ni tita cory? Yipeee walang pasok! Pakiaalam ko sa RAM! Mas nayanig ako sa lindol noong 1990 at pagputok ng Pinatubo pero syempre naaliw ako sa Ash Sunday! First time na umulan ng abo!

Noong umalis ang base militar? Aba syempre isa ako sa nagnais na manatili ang amerikano, ‘pano na pag nagkakudeta ulit? Pero syempre ok lang sure na ililigtas naman tayo ni Shaider o di kaya ni Enteng Kabisote, sasamahan pa ni Pibo at Bioman!

Sinong nawawala… anong desiparacidos? Mas nalungkot ako nang nawala na si Pong Pagong! Pero ok lang, dumating naman ang tagalize na flying house at superbook.

Minsan akong napasama sa anti chacha rally noong sept 1997, syempre additional points sa aming Agham Panlipunan subject. Ganun pala, parang field day nung elementary, pinagkaiba lang sa Luneta ang tuloy. Kaso dito ang mga tao… medyo iba ang amoy.

Dumalas ang kilos protesta sa pamantasan at dumalas rin ang symposium pero syempre sign lang sa attendance at tuloy sa SM. Mas may matututunan naman ako di hamak sa Titanic! Akalain mong napanood ko sa sinehan noong January at naulit ko pa sa sinehan noong March, iba talaga pag gawang hollywood!

Centennial Celebration? Astig ang fireworks! 5 million ata yun!!! Ang expo? Sa Picture ko lang nakita at nasundan na lang nung Pinoy BigBrother Big Night!

EDSA 2 at 3? Syempre sa dos ako sumama, ( yung coverage sa ch dos). Parang soap opera ang coverage, may background music pa. Award winning movie ang dating; close up ang pandidilat ni guingona, mag aacuse kasama ni chavit, magdadasal si villar tutuloy sa impeachment, tatayo at mag-aakapan ang mga  kongresman, lalakas ang tugtog ng Ang Bayan ko, deretso ang trial sa senate; grandstanding, magwawala si miriam, magtetxt si coseteng, magmamabida ng timbangan si revilla, may twist.. magreresign si Pimentel, iiyak si Vandolph este Drilon at makikisabay si loren pero syempre dapat may magsasayaw.. si oreta! Picture perfect! Ang pelikula nagka award… best in soundtrack ang Lord heal our Land ni Jaime Rivera at may award pa tayo sa Nobel Peace Foundation. Talunan sa pulitika ang mga buwitre at  ilang buwan lang hayun at fiesta na naman sa kalsada.

Hello Garci?! Sus, alam na ng lahat na dinaya ang election.. si Bunye at Defensor na lang ang hindi nakakaalam… pero pakialam ko ba? Ang business community at ilan sa civil society if I know may silent approval sa pandaraya sa 2004 election, between panday at pandak, saan sila? Syempre takot ng maulit  ang edsa 2 kaya choose the lesser evil.. hayun natusta at ngayon hugas kamay balik kalsada.

Kakasawa na… ok na si ate, tumataas naman ang piso at bumababa ang presyo ng gasolina… e ano kung pansamantala lang… e ano kung dahil magpapasko at nagdadatingan ang remittances… e ano kung pikit-matang niloloko tayo dahil pinagbabayad tayo sa dagdag EVAT… e ano kung moro-moro ang lahat ng ito? Sanay na ko… sus, kanino ako sasama? Sa GSM? Sa nagmamartsa sa kalsada at nakikipagplastikan sa mga marcoses at estrada?

Si GMA lang ba ang Pilipinas… ba, pansinin naman natin si pacman, si ms. International, ang athlete, ang housemates at ngayon… ang invasion ng STARSTRUCK…. Dream, Believe Survive…

Sabi nga ni Asunta sa Jologs… ang eepal ninyong lahat!

Ay, kanino bang friendster ito?  Sinong blue…Sinong schizophrenic? ako? hindi ah… kilala mo ba ako? Ako si Garci!… Machine Garci!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s