Sunog! Sunog!

January 10, 8:40 PM, habang pinapatulog ang pamangkin, umalingawngaw ang balitang hindi gustong marinig ninuman… May Sunog sa kapitbahay!

Walang apoy na makikita sa bintana pero ang yabag nang nagkakagulong tao at hiyawan sa labas ang nagpakabog sa dibdib ko.

Report agad sa 117, buti na lang at may nakapagreport na raw agad.

Dalhin ko daw sa ate ko ang pamangkin ko utos ni nanay… malayu-layo at safe roon, Harddrive ang unang naisip kong iligtas kaya ibinilin ko ito sa pinsan at kapatid ko. Syempre naman, madaling marecover ang gamit pero hindi ang mga ideas na sa computer ko lang ginagawa.

Sa labas, kita sa bawat pinto ng kapitbahay ang nakaempake ng gamit. Nakapagtataka lang na habang patakbo kong dinadala ang pamangkin ko sa bahay ng ate ko ay pasalubong naman ang mga tao at ako pa ang tinatanong kung saan ang sunog, “dyan sa road 2, malapit lang” ‘ika ko. “Relax lang” sabi ng nagtatanong sabay hagod sa likod “Di lalaki ang apoy na yan”.

Halos wala pang 7 minuto ng madala ko ang bata at makabalik sa amin, marami pa ring tao, madilim ng kaunti dahil pinatay na ang ilang kuryente ng kapitbahay, ang mga tambay ay naggigitara at nagkakasiyahan na samantalang tuloy ang videoke ng kapitbahay na ang kanta ay “Pinoy ako”. Halos mapraning ako!

Wala na nga raw ang apoy.

Marahil ang isang bahay na hindi naman lubusang nasunog ay namomroblema ngayon sa paglilimas ng tubig. Instant swimming pool ang bahay nila. Pagpupuyatan nilang ikabit muli ang bubong na binaklas ng kapitbahay nila para makasilong at makaiwas sa hamog ng gabi… naitala pa namang sobra ang ginaw ngayong Enero. Pagdasal na lang nilang hindi umuulan.

Learning:

kahit naman pala ganito ang setup ng pamayanan dito, may kultura pa rin pala ng malasakit at bayanihan… syempre isama na ang joy and humor ng kapitbahay. Masarap nga namang maghakot ng tubig habang inaawit ng Pinoy Ako! Parang task ito ni Big Bro.

Huwag umasa sa bumbero, dahil tapos ko na ang blog na ito, wala pa ring bumberong dumadating.

******

Pestilence was on its way to Damascus and sped by a chief’s caravan in the desert.

“Where are you speeding to?” asked the chief.

“To Damascus. I mean to take thousand lives.”

On its way back from Damascus, Pestilence passed by the caravan again. The Chief said, “It was fifty thousand lives that you took, not a thousand.”

“No, ” said the Pestilence. “I took a thousand. It was Fear that took the rest.”

-Anthony de Mello S.J.

The Heart of the Enlightened, Human Nature, 1991

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s