Chinese New Year sa piling ng mga Ayta

hindi ako kumportableng kausap ang mga government officials kaya nga nung huling fieldwork ko re language curriculum workshop ay siniguro naming walang contact sa municipal hall. anyways, hindi naman para sa kanila ito. unfortunately dahil bisita pa rin ang turing sa amin (na hindi naman dapat) ay mega text ang elder namin sa mayor informing him na andun kami… kaya agad na nagparamdam ang mayor at nag imbitang magdinner sa kanila. no choice kundi mag smile at sabihing, sure, salamat… we’ll be there, blah blah blah..(shake hands dito, tapik sa likod, konting kwento grrrr ako na ata ang pinakaplastik na tao sa mga oras na ‘yon!) sayang at plano pa naman naming manood ng battle of the band sa kalapit na brgy.

bisperas ng chinese new year. masarap ang handa. adobong manok at pritong maya-maya. may soup pero until now sa lapot ng soup ay pinag-iisipan ko pa rin kung soup ba tlga iyon o spread sa prito. nauna kasi akong tumikim sa soup at nagsipaggaya sila. sa madaling salita… wala atang nakaubos sa soup. anyway sa tyan din naman ang suot nuon kaya kanya-kanyang style na lang ng pagkain.

ang usapan… ang mga hindi magagandang nangyayari sa bansa… sakto lang para di ako matunawaan. para sa isang opisyal na inaasahang tatalakay sa magagandang nangyayari sa bansa… ay humimay at detalyadong inilahad ang nangyayari sa pilipinas isama na ang mga scientific comparison niya sa kanyang mga byahe sa ibang bansa at pagtatrabaho ng kanyang asawa sa papua new guinea na dating parte ng australya (uso ito sa mga pilipino… may mairelate lang sa kasama kong australyano na kanina pa inis na inis at masama ang loob sa pagpunta sa bahay na iyon).sa bagay, di ko siya masisi… totoo naman na nangyayari ito pero unexpected lang talaga or siguro maling venue.

nang wala ng masabi sa pilipinas ay pagpuri naman sa mga proyektong panlalawigin. ayos talaga. sa mga oras na iyon naman ay aliw na aliw ako sa ibong nagsasalita sa garahe… nang mapansin ito ng alkalde ay syang bida na ito ay endangered specie mula sa palawan. mabuhay ka!

—-

hindi ko alam kung paano natapos ang usapan nang gabing iyon, nang sumunod na gabi sa piling nga mga guro at core group, sama-sama kaming naghapunan sa bayan… masaya, nakangiti ang lahat.tuksuhan dito at doon.may mga kaunting intriga kung bakit ako nagresign at kung anu-ano pa. kwentuhan ng buhay, pag-ibig, ng mga alaala namin sa workshop. kaunti lang ang handa at wala naman kaming malaking budget subalit sa huli, may mga naibalot pa sila.

pauwi sa resettlement. mag iikasiyam pa lang ng gabi. habang nakasabit sa tricycle at nakatingala. sumusubok na humuli ng bulalakaw para sa aking resolution. wala akong maaninag. bagamat nakasaboy ang mga pinong bitwin sa langit. kulang ang dala nitong liwanag. wala kasing buwan na tumatanglaw. nangangamba ako ng gabing iyon. ewan ko basta takot ako. siguro dahil sobrang dilim at ilaw lang ng tricycle ang tumatanglaw. kaya nga sinubukan kong humanap ng kapanatagan sa kalangitan. maya-maya pa, isang naligaw na kwitis ang pumailanlang. linggo nga pala. pista pa rin ng mga intsik.sa bayan ng mga ayta.

Advertisements

3 comments on “Chinese New Year sa piling ng mga Ayta

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s