Ako (hindi ikaw)

Bulag ako

hindi ko nakikita ang mga kapintasan mo,

Naaaninag ko ang kabutihan mo.

Dahan-dahan sa pagbibiro,

balat-sibuyas din ako.

Sa akin, sinsero ang lahat ng iyong tono

kaya nga’t may tampo sa puso

sa t’wing daraan ka’t di papansin

pagkat ang iyong galaw

ay natutunan ko ng i-tyempo sa akin.

Mapagtimpi rin naman, hindi mo sinasadya,

alam kong hindi mo sinasadya.

Umiiwas ka minsan, nararamdaman ko

ngunit sadyang manhid ako

o tanga, para itaboy sa isip

na may hinanakit ka sa akin.

Marahil nga, mayabang ako

para di isiping nagsasawa ka na sa akin,

wala sa akin ang galit, kahit minsa’y nagdaramdam.

Wala nang sasaklap sa binatang hirap

natutunan ko ng magpatawad.

Hindi lang para sa’yong kalayaan

Higit.. ito’y aking pag-usad.

Ang totoo, minahal kita

dahil minahal ko ang sarili ko.

Kung paanong ika’y kwerdas

na kasuyo ng aking himig,

ramdam ko ang iyong sakit.

Kailangan kong alagaan ang sarili

katumbas n’un ang pag-iingat sa iyo.

Alam ko ang magiging wakas

sa maniwala ka’t hindi;

mabibingi ako, lalong mabibingi.

Wala akong maririnig

na nakakasakit mula sa iyo.

Mapipipi ako, walang masasabi

walang dilang pipilat

ni hihiwa sa puso mo.

Lalayo ka, tatakbo, malayung-malayo

paroon sa walang katiyakan.

Titigil ako. Di hahabol.

Mapupulikat, malulumpo

walang mamamaalam

mahiwaga

landas ng mga bugtong

doo’y walang lilingon

sa kabila ng lahat

hindi ako perpeko.

ngunit natitiyak ko

matapos ang lahat

buo ako.

Advertisements

4 comments on “Ako (hindi ikaw)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s