PNU

Bannerback Sa internet shop, sa pnu. Naghihintay. 11am usapan. 9:30 pa lang. Tambay muna sa i-shop. Graduation na naman pala bukas. 5 taon mula nang aming graduation. Medyo luntian ang lupa. Parang alpombra. Nagbibigay karangalan sa sinumang daraan.

Malaki na nga ang pinagbago ng pamantasan. May mabuti namang naidulot ang pagtaas ng tuition fee na noon pa namin isinusulong (hahahaha).

Iniisa-isa ko sa alaala ko ang mga lenggwaheng binuo namin. Nang batch namin. Ang Vigan, Palawan, Borneo, Tawi-Tawi at iba pang tambayan tulad ng mushroom na tambayan ng mga nagyoyosi. Inangkin din namin ang Labskul stage para sa mga gig ng organization. Dito walang permit.

Bago na rin pala ang ilang pangalan ng gusali. Dagot hall para sa library, Sibayan Hall sa LSC at Pecson (di ako tiyak) para sa Main building. May bagong tambayan – ang Students Study Area. Ito ang dating CTL Stage.

Marami na ring computers sa library at sandamakmak ang halaman na namumulaklak sa catwalk.

May malaki at agaw pansin na pangalan ng PNU sa labas ng pamantasan at malinis na rin ang istatwa ng babaeng may kaakbit na bata na animo’y inaalalayang tumawid sa Taft dahil nakaharap ito sa Taft. Marahil paalala na mag-ingat sa pagtawid sa dami nang naaaksidenteng PNU’ans. Biro lang.

Marami pa rin daw ang naghahanap sa OC (open court) at UTMT (under the mango tree) sa t’wing simula ng pasukan. Ako rin ay nabiktima rito. Ito na ata ang binyag sa lahat ng mga bagong mag-aaral (na aanga-anga).

Isa lang ang napuna kong hindi nagbago. Ang pakiramdam na hindi ka iba sa t’wing narito ka. Sa t’wing kasama ko ang mga kaibigan ko sa pagbabalik dito, hindi maaaring hindi sayaran ng aming paa ang damuhan. Hindi maaaring hindi maggulaman o bumili ng banana-que o kaya ngumuya ng kwek-kwek at century egg. Sila-sila pa rin ang naghahain ng pagkain, walang pinagbago sa alumni canteen.

Marami pa sana akong isusulat kaso 11AM na. Kailangan ko ng mag log-out. Wala pa lang signal dito sa i-shop kaya wala akong natatanggap na messages. Malamang naghihintay na yun sa SVO office. O siya, next time ulit.

——

Sa mga magsisipagtapos sa buwang ito, aagawan n’yo pa ako ng trabaho! Hehehe. Mabuhay at huwag kalimutang bumalik paminsan-minsan sa ating pamantasan. (no solicitation… promise!)

Advertisements

2 comments on “PNU

  1. Blue! kuhanan mo ng pics ang PNU, tiyak na mas maganda ito kesa sa larawan sa aking isipan…i miss PNU! paguwi ko bibisitahin ko ito, at ikaw ang tour guide ko! hehehe!

  2. Marami na pala nabago. Sayang di man lang me naligaw bago lumayo uli. Bern, can u do a favor for me?pati ba tuition fee nagbago nrin? pati ba graduation fee ibibigay na kasabay ng pagenroll? Bakit may graduation fee na ba? Atsaka u’r not sure yet na kasama ka sa maglalakad para kumuha ng diploma di ba. Concerned lang me someone from there na mukhang gusto isahan tita nya. Pero try to ask please baka kasi niluma na me ng panahon. di po porke’t nasa abroad madami datung! madami walng makain dito maipadala lang dyan.thanks a lot!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s