‘Tekel’ ( Tinimbang ka Ngunit Kulang)

Sulat mula sa bangko ang nagpaikot sa pwet ko, ‘bayad na ako ah, ano na naman ‘to?’ Tawag sa customer service, press 1 for blah blah subscriber press 2 for blah blah. Okay, press 1 ako at marami pang press para umabot sa kanila, sa dulo kailangang i-enter ang account number then pin number saka ko pa lang nakausap ang customer service representative. Nagpakilala na ako at di pala sapat ang pangalan ko, kailangan ng account number for verification, birthday, address, at kung anu-ano pa. Ang katapusan, sumobra daw ako ng bayad kaya hiningi naman ang account number ko isa pang bank account para daw maibalik ang sobrang singil (at hindi naman naibalik dahil kinonvert nila sa reward points e pinacancel ko na naman yung card na yun so wala rin).

Sa isang bahagi sa Little Prince, pinaliwanag ng may akda na hindi tinatangkilik ng matatanda ang isang bagay kung hindi ito ilalarawan sa pamamagitan ng bilang. Kaya nga may ilang planeta siyang binanggit na pinangalanan niya katumbas ang bilang.

Totoo nga ito, nakakainis na kahit sabihin kong ako ang tinutukoy o hinahanap ay kailangan ko pang patunayan ito sa pamamagitan ng sandamakmak na numero. Halimbawa sa isang aplikasyon o anumang transaksyon, narito ang ilan sa mga numerong kailangang tandaan ko:

TIN number                      SSS number

bank account number        Pag-ibig

mobile number                 landline number

student number                age

number of dependents      birthday

number in the family        year graduated

License number               GWA in licensure exam

CTC number                    number of years in previous work

height                            weight

at sandamakmak pang number depende sa trip nila.

Hindi ako magtataka kung  balang araw ay hanapan na rin ako ng bilang ng puting buhok, bilang ng nunal, bilang ng nilayasang opisina, bilang ng friendster account, bilang ng sigarilyong hinihithit sa isang araw, bilang ng bote ng beer na kayang laklakin, bilang ng unan sa pagtulog, bilang ng teacher na kinalaban, bilang ng sikretong ipinagkalat, bilang ng kaibigang inaaway at bilang ng kaaway na pinatay (oopps bad na yun, hindi na ako yun!)

e’ ang lucky number ko kaya at mga details sa numerology ko, hihingin din nila?

Advertisements

2 comments on “‘Tekel’ ( Tinimbang ka Ngunit Kulang)

  1. Iba na nga talaga ang mundo ngayon. Di na pangalan ang importante kundi ang passport number mo, social security,etc.etc..marami pa silang naimbentong paraan para makilala ka hindi ayon sa pangalan mo, kundi ayon sa ang iyong ‘finger prints’, ang ‘iris scan’, ‘facial scan’, atmpngiba. Malapit na nga talagang magunaw ang mundo, ayon sa mga hula..eto na ata ang tatak ng diyablo na 666..pero mali sila dahil di lang tatlong numero ang nakatatak sa mga noo natin….sandamukal na numero.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s