teachers pet

Maraming astig na teachers ang hinangaan ko, marami rin naman ang hindi ko alam kung bakit naging teacher. Ang mga sumusunod ay ang mga gurong hinding hindi ko malilimutan! Mga gurong masasabi kong may malaking impluwensiya sa pagkatao ko.

Sa UP

Dr. Guerrero – ‘langya, nangatog ang tuhod ko! Pero magaling talaga, no doubt!

Ka Lito Manalili – Para akong nakikinig sa dramang pangradyo, nanamnamin mo talaga ang mga isyu ng lipunan.

Ka Oskie Ferrer – Kakaiba ‘to! Hinabi niya ang supernatural at ang science, konti na lang gusto ko ng maniwala.

Sa PNU

Prof. Nonette Marte – ASTIG! Magaling na teacher at org adviser. Sobra, to the highest level!

Prof. Myra Nicolas – Masungit pero hindi ka maiinis. Parang gugustuhin mo pang taray-tarayan nya. Very charming kasi.

Prof. Elvie Asuan – Walang ere! Nadurog ang utak ko kakaisip sa mga tanong niya sa Philo at Foundations ng VE; mga tanong na can conscience create truth? At mga moral dilemmas na kailangang gamitan ng determinants of morality o norms of morality!

Prof. Wilma Reyes – Kahit napuyat kami at naubos ang pera sa wendy’s para tapusin ang thesis, worth it talaga.

Prof. Sylvia Caberio – Nakibisado ko ata ang lahat ng kanta ng the carpenters! Ito ang VE music at stand up comedy class!

Prof. Baribal – Cooperating teacher ko ‘to. Isa lang ang masasabi ko, malas ng mga klasmeyt ko na hindi dumaan sa kanya!

Dr. Mercado – Naappreciate ko ang education at naintindihan ko ang ibig sabihin ng classroom management at teaching strategies.

Prof. Sidney Gonzales – Hindi ko s’ya naging teacher, isinama ko lang siya dahil adviser namin sa org, malupet!

Prof. Villafuerte – ito ang guru! Palanca awardee ng kung ilang beses.

Dr. Villena – gugulong ka sa kakatawa!

Dr. Camila Gonzales – Kahit naisa-isa ko ang lahat ng santo, narealize ko na tama siya, kung ang mismong pagpasa ng papel e hindi magagawa ng tama, paano pa magkakaroon ng order sa bansa.

Prof. Orencia – Very inspiring ang mga stories.

Prof. Bumanglag – Galing! Natuto akong mag analyze objectively sa mga social issues.

Prof. Favila – Health prof. ko. Very suportive specially nung ginawa ko ang PTB cases ng PNU 1997-2001.

Prof. Santiago – Galing sa music, kabag ang aabutin mo sa pagvovocalize at pagtawa! At ‘di ko malilimutan nang malaman nyang mag stop ang classmate ko, willing daw syang magbigay ng financial support para makapag-aral yung classmate ko. 1st year lang kami nun at 2 months pa lang sa PNU, very sincere talaga.

Sa Arcadio

Mr. Casco – kahit kinahig ng manok ang handwriting ko, naapreciate ko ang drafting. Kahit papano lumabas ang artistic side ko sa visual arts.

Mr. Maguigad – S’yempre, dito ako natuto sa basic photography.

Mrs. Pomasin – buhay na buhay ang biology. Sana lang bio yun e’.

Ms. Jema Candoleta – Astig, very sincere, passionate at honest na teacher! Hindi niya forte ang VE pero effective sya dun. Love ‘to ng III – Molave!

Ms. Abugan-Macabeo – kaibigan at mentor!

Mr. Noriel Balanquit – personal favorite ko ‘to! Astig ‘to lalo na sa economics! Galing, galing talaga!

Ms. Jacinto – Napadali niya ang chemistry. Very inspiring na teacher.

Sa Bicutan Parochial (nag 1 year din ako dun)

 

 

Ms. Angeline Pranada – Mahusay ‘to sa processing at art of questioning.

Sa Daanghari Elem

Ms. Nelly Germano – Galing sa Filipino, dito ako natutong tumula at sumulat ng tula noong grade 4.

Mrs. Gallor –Magaling sa science! Ang dami ko ngang napatay na higad nang ikulong ko sa garapon at hintaying maging paruparo!

Ms. Laruscain –Buti na lang Christian na sya nang maging teacher ko. Hehehe, Hindi ko talent ang pagbuburda at pagluluto pero nag enjoy ako.

Advertisements

4 comments on “teachers pet

  1. Kinalimutan mo si Prof. Callo, hehe… Naging prof. ko rin xa sa MA. Remember him? ‘Yong nagturo sa atin gumawa ng picture frame through glass plate.Wala lang me magawa kaya pinaalala ko. Wala lang! Hirap gumawa ng blog e.

  2. bakit kailangan u sariwain lahat, namamaalam na ba u?hehehe! Pero namiss ko rin cla noh!But not all kz di naman me values ed at di rin me ngUP.hehehe!buti kapa ala magawa ako di ko nga maupdate eh kasi panay update nyo at di ko pa tapos basahin lahat heto may bago na naman. Sarap buhay sa pinas!

  3. natuwa naman ako asama ako doon sa paborito mo hahahaha… sa taas ng standard mo napasama ang karaniwang guro ng katulad mo… pero di tayo close eh, mali ang spelling ng first name ko hehehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s