50th blog

GOODNEWS. sabi ni mabel (roco), madali raw malaman kung ang isang bagay ay para sa’yo. Mararamdaman mo daw ‘yun. Yung bang kahit mahirap ay parang nagiging magaan, yun bang parang may magic! Tama siya. Magic!

BADNEWS. Kalahati na ng taon, 3 pa lang ang naaaccomplish ko sa aking new years resolution : 1. Magtanim ng puno 2. Magpalaya ng ibon o kaya isda 3. Dumalaw sa mga matatanda 4. Mag-alaga sa bahay ampunan 5. Sumulat ng kuwento o tula 6. Mag-hiking 7. Magvisit sa museum 8. Dumalaw sa dati kong school 9. Mag-offer sa church 10. Mag-initiate ng peace sa dating kasamaan ng loob 11. Mag-abang ng falling star 12. Maligo sa ulan. actually hindi naman sya resolution, para syang plans.

GOODNEWS. Fulltime employee ulit ako (goodnews ba ‘to?)at mabubuting tao ang mga katrabaho ko.

BADNEWS. Ako lang ang hindi mabuti at may effort silang pabaitin ako. (hindi kaya ako mabore?)

GOODNEWS. Sobra akong nag-eenjoy sa bagong work.

BADNEWS. Minsan tinatamaan ng guilt feelings, ‘pag naaalala ko na iba pala ang propesyon ko sa trabahong ginagawa ko, ‘pag naiisip ko ang mga naging kaibigan at nakilala at sinumpaang tungkulin (‘sus, OA)

GOODNEWS. Dahil sa guilt feelings, may konsensya pa pala ako-kahit distorted hehehe.(VE majors: ‘wag ng kontrahin. alam kong debatable pa rin kung ano ang source ng guilt feelings)

BADNEWS. Marami sa kaibigan ko ang nangibang bansa na.

GOODNEWS. Maraming pasalubong ‘pag-uwi nila.

BADNEWS. Separation axiety. (nakanangpuch)

GOODNEWS. May Friendster account na si Darrel.

BADNEWS. Hindi pa niya nakikita. Ako kasi ang gumawa nun.

GOODNEWS. Magbibirthday na naman ako.(abangan ang b-day wish ko)

BADNEWS. Nawala kanina ang wallet ko. tsk.tsk.tsk.

GOODNEWS. 50th entry ko na ‘to

BADNEWS. more to come. hehehe

Advertisements

4 comments on “50th blog

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s