Mang Jose

Maligayang kaarawan. Kumusta ka na? Dalaw ka naman sa amin. Akong bahala sa accommodation. Hindi ka kasi pwedeng tumira sa dati mong bahay kung ayaw mong maistorbo sa yapak ng ‘sandaang taong panhik panaog dun araw-araw. Museo na kasi ‘yun. ‘di ka na mareach. Kahit saang lugar may kalyeng nakapangalan sa’yo. Lahat ng tao ni batang gusgusin ‘e kilala ka. Aba, kahit saan, matatagpuan ang ulo mo! Alam mo ba, dati nasa piso ka rin?

Siya nga pala, iba na ang trip ng tao ngayon. Sabihin mo agad kung kelan ka pupunta para maipaisked kita kila Vicky Belo o sa Propaganda. Kailangan mo siguro ng make over. Hindi na uso ang hairstyle mo, hindi na rin uso ang mala-aguinaldo, keempee nga laos na laos na. Karaniwan ngayon nakalayered, yung iba anime pa rin. Pwede ring semical, di lang ako sure kung bagay sa’yo.

Maraming bebots, pangkaraniwan na lang ang mukha ni josephine. Bihira ang pinay na magsasabing pure pinay. Lahat halos ng pinoy may trace ng foreign blood. Half american, half spanish, half japanese, half chinese, half italian, eurasian, amerasian, half baked, halfcooked at kung anu-ano pang sahog! Hindi na sila pure na Pinoy, ang tawag sa kanila ay Penoy.

Di ba linguist ka? Pasok ka sa generation namin. Yayaman ka bro! Malaki kikitain mo sa call center. Sa outbound ka. Malaki commission!

Kung April ka pupunta, I-set natin ng mahal na araw, pwede tayong magvisita iglesia. Magreminisce. Huwag kang mag-alala, hindi lahat dominicans. Marami ng congregations. Wala na ang mga Frayle puro Pilipino ang pari ngayon. Hindi na rin masyadong puntahan ang Antipolo na madalas mong pinupuntahan kasama ng iyong ina sa t’wing magbabyahe. Hindi ako sure kung may misa sa airport kasi sa mall may misa na rin. Ang simbahan na ang lumalapit sa tao, abala na kasi ang mga tao kaya kahit sa tv may misa na rin.

Kung mag i-stay ka sa panahon namin, mag eenjoy ka sa pagsusulat. Blog lang ng blog. Makakamura ka. Pwede mo ng dugtungan ang El Fili. Ipapabasa ko sa’yo ang Ang mga Ibong Mandaragit, baka magustuhan mo. Ingat lang sa pagbablog at baka mabasa ng administrasyon, akalain na kabilang ka sa opposition. ‘Pag napag-initan ka, yari ka! May 2 year deadline ang mga kawal para I-crash ang Red, mag-ingat ka. Ngayon kasi, pagmakabayaan ka, ile-label kang makakaliwa at ang makakaliwa ay binansagang terosista. In short, ang pagiging makabayan ngayon ay isang uri ng terorismo. Economic growth ang focus ng pamahalaan. Bawal ang masyadong matalino at maraming sinasabi. Kumikita kami sa Service work. Kung dati ay hinihikayat ang magulang na mangibang bayan para magtrabaho sa mga dayuhan, ngayon pati mga kabataan dayuhan ang pinaglilingkuran. Pinagkaiba lang ay nasa Pilipinas sila. Mula sa pag-aasikaso sa mga foreigners na bumisita at maging turista sa ating bayan hanggang sa mga investors sa Pilipinas na kadalasan ay mga Call Center Industry. Pati Curriculum nakadesign para sa paglilingkod. Ang pagpapalakas sa Ingles at pagdagsa ng mga courses na nursing, care giving at transcribing / indexing. Malaki naman ang kita rito at talagang nakatutulong sa kabataan, ngalang hindi pangmatagalan.

Enjoy ngayon ang pulitika. Pagnakilala mo si PGMA, Erap, Raul Gonzales at Mike Defensor, baka mainspire kang magsulat. Bigyan mo kaya ng sequel ang ang Pagong at ang Matsing?

Pwedeng-pwede rin nating gawing soap opera ang Noli at E Fili mo. ‘Pag nabalitaan ng 2 giant stations na dadalaw ka, pihado magiging busy ka sa guestings at pagpopromote ng gagawing soap opera. Ang problema lang, kung sino ang gaganap na Ibarra para sa nobela mong Noli Me Tangere. Hindi naman bagay kay Joel Torre dahil masyado na siyang matanda at mas bagay ang Kapitan Tyago sa kanya, kung si Jericho naman, associated na siya kay Fernando Poe, ginampanan na kasi niya ang Panday, kung si Piolo, hindi rin pwede, uso kasi ang love team at hindi ata bagay kay Judy Ann ang role ni Maria Clara, siguro sa GMA na lang natin I-offer ang pagsasatelenovela ng nobela mo. Siyempre masyadong mestiso si Richard Gutierrez kaya mas bagay ang Linares sa kanya. Kung si Marky Cielo kaya, tama siya na lang ang gaganap at ang Maria Clara ay gagampanan ni Jacki Rice, Problema na lang ang soundtrack. Bagay ata ang kanta ng Parokya ni Edgar na Mang Jose? Ano sa palagay mo?

Saan ba tayo magcecelebrate? Masarap ang cake sa Becky’s kitchen sa Victo cruz. Hindi lang ako sigurado kung may number candle sila. Syempre hindi naman pwedeng magtirik ng 145 candles baka maubusan ka ng hininga kakaihip. Ipatitikim ko sa’yo ang cake dun. Hindi na masyadong uso ang bibingka at sapin-sapin. Pasta kaya gusto mo? Dadalhin kita sa Amici di don bosco, aVeneto pizzeria, pastry passion, chef d’ angelo o kaya sa Chocolate Kiss sa UP – the best ang mga pasta dun sa mga nabanggit ko, mura pa! Pero kung inuman ang hanap mo, dun tayo sa Saras, magdamagan kahit ako taya! Isasama ko si Mags, interesado sa’yo yun. hehehe

Hay, kakagutom. o siya, kakain muna ako. Hintayin ko ang blog mo. Dalaw ka ha!

Advertisements

One comment on “Mang Jose

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s