Merry Christmas!

Medyo mabigat ang buwan ng Agosto, buti na lang at tapos na Sa simula pa lang nararamdaman ko na na maraming maaaring maganap na hindi inaasahan at nagkatotoo nga. Hindi ko alam kung sadyang nasanay ako sa sinasabing nakatakdang kaginhawan pagkatapos ng unos kung kaya’t nasasabi kong maaliwalas at maraming kapana-panabik na nagaganap sa buhay ko ngayong Setyembre. O siguro nga bahagi na rin ng kagustuhan kong maging maayos naman ang buwang ito. 2 bagay ang nararamdaman kong magpapabago sa kasalukuyang takbo ng buhay ko; kung ano yun, hindi ko matiyak. Nag-iisip-isip ako nitong mga huling araw sa isang desisyong maaari kong gawin para sa darating na araw. Naghanap ako ng sign. Hindi ko ito madalas ginagawa, napipilitan akong gawin ito kung hindi ako makapagdesisyon at hindi malinaw ang nararamdaman ko; baka kasi hindi ko mailayo ang personal na saloobin. Ngayon ang huling araw na itinakda ko para makita ang sign pero kanina sa opisina naisip kong mukhang walang sign na darating. Nagdesisyon akong dumaan na sa Glorietta (araw-araw kong daan pauwi), sobrang traffic! Nakatulog ako at pagmulat ng mata ay sumambulat ang isang lalaki sa bintana na nagbebenta ng sign na hinihingi ko at para talagang iniaabot pa sa akin. Ayoko sanang tingnan dahil hindi rin naman ako handa sa desisyong ito subalit nang ibaling ko ang tingin sa kabilang bintana ay isa na namang lalaki ang may hawak nito at tila gustong ibenta sa akin.

Kung susundin ko ang desisyong pinag-iisipan ko, hindi ko alam kung para saan ito. Naisip ko lang at hiningi ko. Kanina naisip ko, noong Marso, humingi rin ako ng sign at nakita ko pero hindi ko rin sinunod.

Isang counselor ang nagsabi sa akin na ang mga signs ay itinatago sa sub conscious at lumalabas sapagkat hinahanap. Siguro nga. Baka nga hinanap ko siya. Ang problema ngayon, aanhin  ko ito? tsk.

——

Nakita ko kanina sa mall ang isang classmate noong high school. Naging magkaibigan din naman kami pero pinili kong hindi na muna siya kawayan o kausapin. Sabi ng katrabaho ko, may-asawa’t anak na raw siya batay sa mga pinipili niyang gamit na bibilhin. Okay, ibig sabihin pala, batayan sa pagkilala sa katayuan ng isang tao ang mga bagay na binibili niya. Hinalungkat ko ang laman ng wallet ko at sinubukan kong isa-isahin ang mga resibo, halos lahat ng binibili ko ay pagkain Hindi ko gets kung ano ang katayuan ko sa buhay! tsk. tsk.

—–

Maaliwalas daw ang mukha ko ngayon. Sabi ito nila Prefect Mimi at Prefect Ruby Nakita ko sila sa SM. Maaliwalas din ang mukha nila pero sa tingin ko sa kanila, alam kong malaki ang pinagkaiba namin. Para silang mga bata Ang ngiti tawa kilos ng kamay likot ng katawan, naggagalawang mga tuhod na hindi mapakali habang hindi nila napapansing magkahawak o magkakapit sila braso.  Parang mga batang namamasyal sa SM. Nakakamiss tuloy ang piling ng mga bata! Hindi na mga bata ang kasama ko, madalas ay matatanda o kung may mga kabataan man ay nakatutok sa pagpapalago ng pera Madalas ay makikita silang nakatungo at nagcocompute ng halaga ng mga condominium at mga bahay na ibinibenta o kaya naman ay nagmamadali para maghabol ng mga posibleng kliyente Ano naman kaya ang magiging itsura ko pag tumagal ako sa ganitong trabaho? tsk tsk tsk.

—–

Nasa Glorietta rin daw si Teacher Olive. Gusto ko sana siyang makita at makipagkwentuhan kaso ka-DATE nya si James. (hehehe ibuko ba?) Minsan na lang sila magkita kaya sa susunod na ako makikipagkulitan. Ako kaya, kelan makikipagdate? tsk. tsk. tsk tsk.

—–

Kasama ko kagabi sa gimik si Magi, Pwi at Nerissa sa Conspiracy. Tsk.tsk.tsk.tsk.tsk hehehe kwentuhan update at mas malalim na getting to know you. 4AM na ako nakauwi at nakapasok sa opisina ng hindi late at hindi rin susuray-suray. hehehe. Nag-enjoy ako sa gimik. Malalim ang gabi.

Advertisements

4 comments on “Merry Christmas!

  1. hey blue…nakakatuwa ang mga laman ng blogs mo i’ve been reading them whenever i have time and this one is by far the most “palanca-quality blog” hehehe, it’s just like a time travel back to the “woods”… miss ko na kayo mga peeps (puwera lang si marcial)…

  2. maggie,
    ayoko ng idetalye ang gabi. baka kailanganin pa nating magbotohan ulit. Hindi ako handa para malito. May mga bagay na ayoko ng iproseso. hahaha!

    mac,
    anong plano kong gawin? hihingi ng sign kung totoo ang sign na nakita ko. hehehe!

    michael,
    kumusta na? isa ka pala sa mga naaabala ng blog ko. salamat sa pagtangkilik at papuri. nakakamiss nga ang woods. si marcial? hmmm, nakakamiss din naman siya. kailangan ng spice sa buhay! hihihi! hanggang sa muli!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s