Blue Jeans

Nandidito kami ngayon Nagsusumikap sa araw-araw
Kayod nang kayod hanggang sa mapagod Maagapan ang natatanaw

motivation. sa ngayon, wala ako nito. sa dami ng theories on motivation, ni isa ay di ko madigest. unlike before.

Paminsan-minsan ay naglalaro Pag-ibig lang ang ‘di ginagawang biro
Kung sa tuksuhan lang, hindi pahuhuli Kinabukasan ang tinatabi

Volunteer Hotline Counselor sa Remedios AIDS Foundation ang una kong work. Volunteer work to. Kahit walang compensation at allowance (allowance ba ang P50/day?), masaya ako sa konting panahon na yun. Kahit iba’t-ibang calls ang natatanggap ko. May tungkol sa pag-ibig, sakit na nakahahawa, pambubugbog, sekswalidad at iba pa. Interesting pero dahil sa confidentiality, hindi ko pwedeng idetalye rito. Kinailangan ko ng work kaya nagturo ako, unfortunately, dahil conservative ang community ng workplace na napasukan ko, hindi ako pinayagang ituloy ang volunteer work ko sa RAF. sayang dahil sumunod ako.

Paminsan-minsan ay nabibigo Sakit sa puso ay hindi maitago
Ngunit tuloy pa rin, hindi pinapansin Ang kabuhayan ang intindihin

2 years akong naging teacher sa St. Mary of the Woods School. Dito ko nakilala ang napakaraming mabubuting tao at dito rin ako labis na nasaktan. Karamihan sa kanila, totoo sa trabaho at may puso sa mga bata. Ito rin ang naging dahilan kaya ako lumipat ng trabaho. Kung paanong nagkakaiba-iba ang paraan ng pagpapakita ng dedikasyon, nagkakaroon din ng iba’t-ibang interpretasyon kung ano ang mas mabuti sa nakararami.

(Blue jeans) Alam mo ba ano ang ibig sabihin ng ating pagsisikap sa ‘skwela
(Blue jeans) Ba’t ‘di na lang iwanan ang pag-aaral at sama-sama tayong magsaya
Ngunit ang kabataan daw ay kayaman ‘Wag daw basta’t itapon at papabayaan
Kaya’t magsikap tayo habang may panahon at Mag-aral at mag-ipon tayo ng karunungan

Ang pinakachallenging na trabahong pinasok ko ay ang maging Training and Monitoring Assistant ng Asian Council for Peoples Culture. Kung saan-saan ako nakarating at kung sinu-sino ang kinausap; may governor, league of mayors, mga division superintendents, mga katutubo, mga magulang at mga NGO workers. Makabuluhan ang hangarin pero hindi sapat ito. Natutunan kong ang pinakamabuting maitutulong ko ay ang hindi pagtulong. Bago pa masira at madisilllusion sa buhay NGO, bago ako maniwalang marami ang gumagamit at kumikita gamit ang karanasan at sitwasyon ng iba, minabuti kong hindi na tuluyang sumawsaw sa krimeng ito. Mabigat pero paninindigan kong ang paggamit at patuloy na pagpapaasa sa mga katutubo o kahit sino pang sektor na marginilized ay isang krimen!

(Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa ‘skwela at balang araw makikita n’yo
(Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap, ‘di ka rin makakahanap ng trabaho
Sino ba silang nagmamarunong sa buhay Huwag sana silang makialam sa ‘king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa ‘skwela Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa

Sa pamamagitan ng panghihikayat ng isang kaibigan, lumikha ako ng modyul ng STI Academy para sa Filipino 3rd year at 4th year High School. Medyo malapit naman ito sa totoong tinapos ko, kahit Vales Ed ang course ko, atleast this time, High School ang area. Masarap magdesign ng mga paksang pag-aaralan ng isang High School Student. Kabataan din ako. Alam ko ang hilig nilang paksa. Consultant – magandang pakinggan pero mabigat na trabaho. Courseware Developer siguro ang mas tamang titulo. Medyo nahirapan ako rito dahil sinalo ko na lang ang trabaho ng iba. Mahirap umpisahan ang trabahong hindi ikaw ang nagsimula. Gayunman, marami akong natutunan sa gawaing ito. Isa pa, nakapagpahinga ako ng matagal.

Kay tagal-tagal ko nang nag-aaral Tignan mo, kupas na’ng aking maong, yeah
Kung akala mo ako ay natuto na Hindi pa rin

Kay tagal-tagal ko nang nag-aaral Tignan mo, kupas na’ng aking maong, yeah
Kung akala mo ako ay natuto na Hindi pa rin

Ngayon Training Assistant ako sa DMCI Homes. Ito na ata ang pinakamalayo kong narating. Of course hindi ko tinutukoy ang lugar kundi ang relasyon nito sa tinapos ko. Wala naman akong nararating kundi 4th floor. Aminado ako, dito hindi ako magaling. Ilang ulit nang nakukwestiyon ang kakayahan ko at pati ang pagiging Cumlaude ko ay ginagawang biro. Hindi ko sila masisisi. Hindi ko alam kung bakit parang ang hirap kumuha ng mga impormasyon. Kung bakit hindi madaling tukuyin kung sino ang dapat lapitan. Kung bakit ang isang bagay ay ginagawang materyales para sa isang cheap soap opera samantalang madali namang ituwid ang lahat. Mas naiintindihan ko pa na magdrama ang mga taong may AIDS, o ang mga magulang ng mga batang special child o mga teachers na nahihirapan sa trabaho o di kaya ang mga katutubo na halos nalimot na ng Imperial Manila. Pero ang buhay corporate at buhay Sales, parang walang lugar sa takilya.

(Blue jeans) Sige, sige, sige kayod sa ‘skwela at balang araw makikita n’yo
(Blue jeans) Pagkatapos ng iyong paghihirap, ‘di ka rin makakahanap ng trabaho
Sino ba silang nagmamarunong sa buhay Huwag sana silang makialam sa ‘king buhay
Anong kinabukasan pagkatapos sa ‘skwela Huwag nang isipin at baka mangamba ka pa

Interesante rin naman ang buhay rito. Totoong ang halaga ng lupa, ang lawak ng nasasakupan, ang mga kliyente, ang mga karanasan ng ahente at kanilang pagsusumikap ay makabuluhan pero parang may nalilimutan ako – ang mga dati kong pinaniniwalaan. Sa isang brokers’ review, di sinasadyang nahagip ng paksa ang karanasan ng mga Pilipino sa usaping lupa. Kung paanong pinagkakaitan ang mga mamamayan ng sarili nilang lupa. May bahagyang nagising sa kalooban ko, hindi ko alam kung damdamin, kunsyensya o sadyang pagkakaidlip sa dating paniniwala. Takot din akong talakayin kung ano ba talaga ang nararamdaman ko, o harapin ang mga mistulang mga pagbabago sa paniniwalang ito… takot akong baka mapuna kong tumalikod na pala ako at tuluyang pumalaot na sa sistema. Nahihiya akong dahil lamang sa komportable ako sa kasalukuyan ay takot na akong makilahok o makibahagi o ni makidama sa iba. Hindi ito ang motivation ko.

Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans
Blue jeans

Ang paglilingkod para sa may mga karamdaman, para sa mga espesyal na bata, para sa mga katutubo at para sa mga kabataan ay hindi lang trabaho kundi isang obligasyong masaya kong ginampanan.

Advertisements

One comment on “Blue Jeans

  1. Pingback: My African Dream « hibang

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s