Awit ng Pag-ibig

Natuto na ako,
hindi dapat iasa ang pag-ibig sa kanta.
Sa simula’y dama ang himig
sabay na sinasambit ang titik
damdami’y iisa ang himig

Ngiti’y umaabot langit
mata’y nagniningning, pumipihit
tumitigil ang sandali
pag-ibig, nilulunggati.

Ang himig ay nagiging galaw
Dalawang katawang sumasayaw
dama ng kaluluwang sa mortal tumatagos
wari’y kumakawala sa sumpang agnos.

Ngunit ang nadarama’y napalitan ng lumbay
nang magpasyang maghiwalay
wala na ang indayog, hindi na lumalapat
sa saliw ng musika’y nagkanya-kanya ng buhat.

Ano’t ang musika’y walang kamatayan
di gaya ng pag-ibig na naparam
muling maririnig at magpapaalala
paano kung ang puso’y hindi pa nakakikilala?

Iisa ang himig ngunit ngayo’y anong pait.
Luma ang titik, anu’t tila may pumalit?
ang dating pagsinta ngayo’y alaala ng kasawian
ang dating awit, isang himig na mapait.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s