Nang minsan kaming maging kalabaw

1997, unang taon sa kolehiyo at magpapasko. Agad akong nag impake ng mga damit papuntang
Cabanatuan. Ito na ata ang unang pinakamatagal na byahe ng buhay ko. Kung anu-anong kumalat na balita tungkol sa kaibigan ko. Magpapakasal na daw sa iba, nabuntis na daw, iniisip daw na magpalaglag at marami pang hindi tiyak ang kasagutan. Boyfriend din niya ang kaibigan ko at siya lang ang nawalay sa amin dahil doon na siya nanirahan. Siguro nasa 7 kaming pumunta. Magkakatropa. Magpatuloy sa pagbasa

Kung bakit 7 PM ang fireworks sa Intramuros

Akala ko sa pelikula lang pwedeng mangyari yun. Halos sumabog ang dibdib ko at nautal-utal pa nga. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa’yo na mahal na kita. Pero nung mga oras na yun, kinalimutan ko ang hiya, sinubukan kong sabihin sa’yo hindi lang para hingin ang sagot mo kundi pati saklolohan mo ko. Magkaibigan tayo di ba? Nasa krisis ako ngayon. Isang malaking krisis ng buhay ko ang ibigin ka. Magpatuloy sa pagbasa

Bulalakaw

Sa Davao del Norte ko nakaulayaw ang mga bulalakaw. Kinailangan kong makipamuhay sa mga Dibabawon sa maikling sandali upang mapakinggan ang kanilang mga karanasan at gayundin ay makapagbahagi. Edukasyong Pangkatutubo ang paksa namin at layon namin. Nakapagsimula na sila at sa totoo lang, mahusay ang kanilang pagkakabalangkas ng kurikulum. Magpatuloy sa pagbasa

kasi teacher ka…

kung lalagyan ng plot ang buhay mo, kulang ang isang libro para idetalye ang mga ginagawa mo. Isang kurso ang kinakailangan para pag-aaralan kung paano ka kikilalanin at kung paano ka uunawain. alam mo ng mahirap ang kursong yan at hindi mataas ang pagkilala sa ganyang propesyon, itinuloy mo pa rin. alam mo ring mahirap ang trabaho at paulit-ulit mong sinasabing huling taon mo na ‘to, sa huli… ikaw rin ang tumatawad at nanghihingi ng isa pang pagkakataon upang unawain ang kinalalagyan mo ngayon. nasasaktan ka ng paulit-ulit at halos ayaw ka ng pakinggan ng mga kaibigan mo dahil sa mga litanya mo, pero natututunan mo pa ring pakinggan ang nilalaman ng puso mo. may pagkakaton naman na mag-iba ng trabaho pero nakikipagmatigasan ka at sinasabing hindi lang trabaho ang hanap mo kundi kabuluhan. Magpatuloy sa pagbasa

school bus

namamaos na ang aircon sa kabubuga, halata na sa maingay at gasgas nitong tunog. Gayundin, ‘wag idalanging malubak at papatak ang tubig mula bunganga nito. Maswerteng nakakuha ng upuan sa tabi ng bintana ‘ngalang hindi pwedeng sumandal. Naglilimayon ang maliliit na ipis na padaan-daan at tumutulay sa bintana. Gabi na, madilim at makapal ang usok sa labas mula sa mga tambutso ng sasakyan. Walang matanaw at kung mayroon man, nahaharangan ng mga sulat Hapon o Intsik na nasa kulay pula. Matagal na ‘tong nakapaskil at nakikita sa mga bintana ng bus ngunit hanggang ngayo’y walang makapagsabi ng kahulugan. Minsang naiisip na lang na baka ang nakasulat dito ay Hudas not pay or God Bless our trip. Pwede rin sigurong basta driver sweet lover. Sa bawat gilid ng bintana ay may pindutang hindi naman gumagana. Kahit hindi nauunawaan ang nakasulat, natitiyak na ang tinutukoy rito ay pindutin kung bababa. Magpatuloy sa pagbasa