Bulalakaw

Sa Davao del Norte ko nakaulayaw ang mga bulalakaw. Kinailangan kong makipamuhay sa mga Dibabawon sa maikling sandali upang mapakinggan ang kanilang mga karanasan at gayundin ay makapagbahagi. Edukasyong Pangkatutubo ang paksa namin at layon namin. Nakapagsimula na sila at sa totoo lang, mahusay ang kanilang pagkakabalangkas ng kurikulum.

Wala akong bitbit at malinaw sa akin na ako ang matututo sa ugnayang ito. Wala akong maibahagi.

Nahihiya akong magsalita dahil baka makasakit ako ng damdamin. Natatakot akong baka may
mali akong masabi.

Mabuti naman talagang nakapagsimula na sila sa kanilang hinahangad na sariling edukasyon subalit sa loob-loob ko, waring mahirap maabot ang mga ito sapagkat ni kuryente ay wala sila.

Nilukob na ng makapal ng hamog ang gabi. Makapal ang ulap kaya’t walang tumatanglaw. Kabado akong baka may mga tulisan, NPA o abu sayaff. Nasa Mindanao ako at balitang mapanganib ang lugar na ito. Tulalang walang matanaw, kinalabit ang diwa ko ng isang munting liwanag sa labas. Ang liwanag ay unti-unting nagliyab at waring naging tanglaw. Dumungaw ako sa bintana at namangha ako sa kumpol-kumpol na mga alitaptap na nagsama-sama sa isang maliit na burol. Sa labas ay maaaninag na ang mga batang masayang naglalaro. Muling umagos ang ingay mula sa mga batang sabik na nagpulasan at muling nanariwa ang buhay ng mga dibabawon sa mga sandaling iyon.

Nang gabing iyon, nagliwanag ang isip ko. Nagningas ang katutubong pananampalataya mula sa loob ko.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s