Nang minsan kaming maging kalabaw

1997, unang taon sa kolehiyo at magpapasko. Agad akong nag impake ng mga damit papuntang
Cabanatuan. Ito na ata ang unang pinakamatagal na byahe ng buhay ko. Kung anu-anong kumalat na balita tungkol sa kaibigan ko. Magpapakasal na daw sa iba, nabuntis na daw, iniisip daw na magpalaglag at marami pang hindi tiyak ang kasagutan. Boyfriend din niya ang kaibigan ko at siya lang ang nawalay sa amin dahil doon na siya nanirahan. Siguro nasa 7 kaming pumunta. Magkakatropa.

Pagdating sa
Cabanatuan ay bumulaga sa amin ang isang masayang mukha ng kaibigan- dating kamag-aral.

Nadenggoy ata kami. Totoo nga. Hindi man aminin, isang likhang kwento para muli kaming magkita-kita.

Bata pa kami. 17 taong gulang kami noon. Hindi na pala kami bata. Sa katunayan ay kaya na naming gumawa ng bata.

Isang hapong walang magawa. (hindi bata ang naisip naming gawin
gaya ng iniisip mo ngayon). Napagdiskitahan ng isa na bitbitin ako at ihagis sa sakahan. Basa ang lupa at katitibag pa lang kaya maputik. Tamang-tama para pagtaniman. Isang dakot na putik ang ibinato ko sa mukha ng kaibigan hanggang sa lahat ay nagsimula ng lumusong sa putik, batuhan dito, batuhan doon. Ito na ata ang pinakamasayang sandali ng buhay ko. Natapos kami ng awatin ng may-ari ng lupa at sinabing muling ibalik sa ayos ang nasirang pilapil.

Walang patid ang tawanan. Syempre di natapos nang hindi naghihilahan o naghuhubaran ng mga salawal na napuno ng putik. Biruang bawal ang pikon.
Para kaming mga artistang pinapanood ng mga taga baryo.

Masaya naman. Hanggang ngayon, sa twing maaalala ko ang mga kapusukang iyon, mga pabigla-biglang desisyon, natatawa na lang kami. Sakto lang ang perang papunta doon. Kailangan pang magutom upang mapagkasya ang perang pinambili namin ng ulam para sa tatlong araw. Buti na lang at pinipitas lang ang mga gulay sa tabi.

Pauwi kami ng nasira ang bus at dahil sakto ang pamasahe, kailangang hintayin namin ang kasunod na bus upang makasakay ng libre.

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga araw na iyon. Sa katunayan, lagi ko itong naaalala sapagkat mula nang magpukulan kami ng putik, nagka-allergy ang likod ko at hindi na nawala hanggang sa kasalukuyan.

Advertisements

4 comments on “Nang minsan kaming maging kalabaw

  1. ahahaha kaya pla dmo malimutan ang eksenang yan kasi isang alaala ang naiwan syo at mukhang habambuhay mong dadalhin. Napakasarap gunitain ang mga ganyang kalokohan natin nung tayo’y nag-aaral pa.

    Sana maulit muli. 😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s