Ang makulay na tulay ni ninang at ni inay!

Magkaibigang matalik ang nanay ko at ang nanay ni Rodel.
Oo! totoong magkaibigan sila mula pa ng malilit pa sila.
Madalas silang makitang magkasama.
Nagkukuwentuhan, nagtitirintasan ng buhok, magkasamang nagpapalinis ng kuko, naglalagayan ng make-up sa mukha, naghahatiran ng ulam at naririnig ko pang nagngingisngisan sa t’wing pinag-uusapan ang mga tatay namin.

Sabay silang lumaki sa probinsya namin sa Atok. Madalas ay naghahabulan sila sa gulayan sa gilid ng bundok. Tinatawid nila ang taniman ng patatas ni Mang Guding, niluluksuhan ang mga karots ni Aling Ida, tinatagos rin nila ang hangganan ng mga petsay ni Narla at nagtataguan sa sanga-sangang baging ng kalabasa.

Madalas rin silang sabay na nangangarap.
“gusto ko maging prinsesa,” sabi ng nanay ko saka tatayo sa malaking bato sa gilid ng taniman habang tinatanaw ang malawak at hagdan-hagdang gulayan.
“Kung prinsesa kay si Anton ang prinsipe, heto nga’t ipinapaabot niya ang bulaklak” biro naman ng ninang ko
“wag na lang, hindi nalang ako mag-aasawa, gusto ko maging prinsesa, hindi magsasaka”
“aba, para kang naging prinsesa sa lawak ng taniman ng gulay ni Anton” hirit pa ni NinangSabi ni ninang, malaki na daw sila ay hinabol pa sila ng palo sa pwet. Nasa taniman sila ng pumihit ang gripong pandilig. Pareho nilang naisip na maglulundag sa halaman at maligo sa pandilig. Nanlaki ang mata nilang parehas ng makita ang kanilang mga inang na may bitbit na tambo at akmang ipanghahampas sa kanilang mga puwet. Sa kanilang pagtakbo ay napadpad sila sa pinagmumulan ng tubig sa gulayan. Laking mangha nila ng lumabas ang isang bahagharing tila tulay patungo kung saan.
“Ang ganda!
Tara sundan natin iyan para makarating tayo sa kabila”
“Ano ka ba, hindi iyan tulay! Palatandaan iyan na titigil na ang ulan!” sabi ng inay
“Hindi, narinig ko sa pag-uusap ng nanay at tatay na tulay daw iyan papunta sa magandang buhay!Masaya sila sa tuwing nakakakita ng bahaghari. Naaalala nilang minsan ay hinabol sila ng palo ng kanilang magulang!”

Sa Baguio sila parehas na nag-aral at naging guro.
“Akalain mong sa kulit nating ito ay magiging guro tayo”” biro ng nanay ko.
“Kaya nga tayo pinaghawak ng makukulit na bata, sumpa ata sa atin ito ng mga magulang natin!”
“Naku, kay Camille lang ay nakabawi na sila sa akin!”
Ngek, ibinida pa ako ni nanay sa kakulitan!

Pero hindi sila laging masaya. Matagal silang hindi nag-usap. Gusto kasi ni nanay na sa Atok na lang magturo. Gusto naman ni ninang magturo sa ibang bansa. Pupunta daw si Ninang sa Amerika.
“Ninang san ba ang Amerika? Tanong ko
“Malayo iyon”
“Paano ba pumunta doon?”
“Tatawirin ko ang kalangitan”
Marami pa
sana akong itatanong kaso dumating si nanay at nag-usap sila.
Bago umalis si ninang ay nagyakap sila, umiyak tapos naghiwalay na. Natitiyak kong tumulay sa bahaghari ang ninang. Bago magtakipsilim, nakita ko pa ang bahaghari, pero di
gaya ng dati, malungkot si nanay kahit may bahaghari.

Bumalik agad si ninang. Ang daming dala; tsokolate, sapatos, sabon, pabango, damit at may manyika pa para sa akin. Kasama na niya si Rodel. Mapula ang pisngi at maputi tulad ko pero kulay mais ang kanyang buhok. Pero sa pagbabalik ni ninang, parang ako lang ang masaya.

“Mareng Ibyang, may makakalaro pala itong si Rodel ko sa susunod na buwan. Lalaki ba iyan o babae?” Tanong ni ninang kay inay habang hinahagod ang tiyan ni inay.
“Naku hindi ko alam, ayaw ni Anton ipatingin, wag daw pangunahan ang Diyos, maiba ako mare, kumusta ka naman. Madalas pa ba ang kirot ng dibdib mo?”
“Eto, nag-aalala, dalawang buwan palang si Rodel”
“Tibayan mo ang loob mo, may awa ang Diyos”
Hindi ko maintindihan ang pag-uusap nilang iyon.

Isang umaga, kabadong-kabado ako, manganganak na daw ang inay.
“Magpakulo ka ng tubig”
“Pumanatag ka”
“Mare kaya mo yan”
“aaahhhhh! Ayoko na!”
“Tibayan mo ang loob mo, pangalawa na natin ito”
“iire mo pa Ibyang”
“Aaahhhhh”
“Uuuhha-uha”
Lumabas na si JR!

Ilang Linggo lang ang nakalipas ay kinabahan na naman ako. Si ninang naman ang umiiyak, nakahiga at namimilipit sa sakit. Nakita kong nangingilid ang luha ni inay. Maya-maya pa’y narinig kong humiyaw ang inay.
“Mareng Susie!!!”
Wala na si Ninang! Sumakabilang buhay na daw si ninang.
“Tumanaw ako sa bintana, naroon nga ang bahaghari; tumawid na nga siguro ang ninang.

Sa kanang dede ni nanay sumususo si JR, ang bunso kong kapatid. Sa kabila naman ay si Rodel. Sabik na sabik ito sa gatas ni inay. Ngayon nya lang natikman ang gatas na iyon dahil hindi siya nakasuso kay ninang. May kar… kanser? Tama kanser nga daw sa dede si ninang.

Sigurado ako na tulad nila, magiging magkaibigang matalik si Rodel at JR. Maghahabulan sa gulayan, magtutuksuhan, mag-aaruga sa kanilang mga anak, sabay na mangangarap at tatawid sa bahaghari.

Advertisements

5 comments on “Ang makulay na tulay ni ninang at ni inay!

  1. hi ako pow c mhars fernandez ng taga pampanga
    remember my name ha……….!!!!!!!!
    M-make
    H-happy
    A-and
    R-rest your
    S-self
    naks……..!!!! ‘.;,’;.’,”,) >”,>

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s