Magic

Habang pinagmamasdan ang gagambang gumawa ng bahay.

ang paglipat ng apoy mula sa posporo patungong kandila.

Sa mabilis na paglubog ng araw sa manila bay

mga tao sa divisoria; palinga-linga, hindi nauubusan ng pera.

Ang mabibili ng P1000 sa divisoria

Kanin at star margarine

Inuumaga sa inuman kasama ng mga kaibigan

Naghahagikgikan sa pag-alala ng nakaraan

Paulit-ulit na kwentuhan tungkol sa pelikulang pinanood

Mga korning joke na kapag ikaw ang nagkwento, nakakatawa pa rin

Pag-agos ng tubig, kahit saan, basta pag-agos ng tubig. May musika, may indayog, nakababaliw!

Mga batang nagtatampisaw sa ulan!

Marinig ang kanilang tawanan

Ang tawanan ng mga bata

Swimming!

Swimming sa creek, sa pool, sa sapa, ilog o dagat

O kaya naman sumahod at maligo sa alulod kung di man sa falls!

Kalansing ng barya

Pag-ikot nito at pag-abang kung tsa o tsub, may pag-asa kung tagilid!

Kare-kare!

Suha na isinasawsaw sa sukang may sile

Makakita ng taxing nakaabang sa umaga

Bisekleta

Marinig ang bunso kong kapatid na nagsasalita tungkol sa Diyos at sa kabutihan ng pagdarasal!

Never ending story

Makatanggap ng text na swak na swak, pinag-isipan kahit forwarded.

Mapaligiran ng 2 anghel habang nagchachat

Kakalabitin ka at sasabihing, “sa’yo to… (mamumukhaan) ‘cher, dito ka nag-internet?”

Noli me tangere at el filibusterismo

Walang hanggang paalam

Malamig na coke

Kung sinuswerte, malamig na san mig light na may kasamang kinilaw

Chocnut

Mrt

Ang mga dyipni at gusali ng Maynila

Pinoy ako theme song

SVO at STEP

Grass ng PNU

Makahuli ng isda gamit ang pisi

Little prince

Makarinig ng salitang thank you at makikiabot po ng bayad

mapakinggan ang moonriver

Paulit-ulit na mapanood ang dokumentaryo ng edsa 1

life is beautiful at jologs

with honors

national geographic

makakita ng cocoon

paggawa ng laing, scene ni aga at dante rivero/ love scene ni aga at claudine – kailangan kita

comfort in your strangeness ni Cynthia alexander

Alitaptap!

Pagdagsa ng mga alitaptap

At pagsaboy ng mga bitwin kahit walang kutitap

Ang ilaw

Ang musika

Tubig

Ulan

At paghimbing ng bata

salita

Tula

.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s