sa isang tagong kapayapaan

sa pagtuklas ng kapayapaan

sa mabilis na paglamon ng dilim

sa bayan ng pangamba

aandap-andap ang gaserang

matapos mapatid ng hangin ang huli nitong ningas

ay s’yang nagpaliyab sa karagatan ng takot.

Walang anu-ano’t dumaisdis ang mga punglo;

putok dito, putok doon; walang tigil ang ratratan

mas nakabibinging sigaw ng naghihingalo ang umalingawngaw.

anupa’t nagliyab ang mga pawid na tahanan;

walang maisaboy maliban sa nangagbahang dugo.

Pumula ang lupa at nangamula ang apoy

habang ang ilang may natitirang tapang na lumalabang mabuhay

ay lalong pinapupula, nagpupuyos sa paghihiganti.

Ito ang lihim na bayang nagkukubli sa anino ng gabi

masukal mabuhay, subalit mas masukal ang mamatay

nang walang kalaban-laban.

Nakilala ko ang kapayapaan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s