Ako at ang Little Prince, Ako ang Little Prince

The ONE Campaign!

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag ang pagkakataong nagkatugma-tugma ang tila dibuho ng aking kasaysayan. Sa isang aklat ng mga kaarawan, napagtanto ko na si Hellen Keller ay ipinanganak sa parehong araw ng aking kapanganakan. Natuwa ako.

Nagulat din akong malaman na ang Litle Prince (Antoine de Saint Exepury) ay may kaugnayan sa amin, sa aming buhay. (ayon sa aklat)

Labintatlong taon (13) na mula ng una kong mabasa ang nobelang ito at paulit-ulit ko itong binabasa. Patuloy rin ang pagkakatagpo ko ng kahulugan. Bawat taon, may bagong kahulugan. Hanggang sa isang umaga, nagising akong iniuugnay ang Munting Prinsipe sa aking buhay. Agad kong natukoy ang rosas, ang mga planetang dinalaw ng munting prinsipe ay di iba sa mga mumunting planetang nadalaw ko. Nakilala ko ang naglagay sa akin sa panganib, ang rosas na naglabas sa akin sa aking mundo; sa ngayo’y di na marahil kailangang makilala pa kung sino ang alamid sapagkat alam na alam ko na ang sikreto. ang di ko lang alam ay kung sino ang magbabalik sa akin sa planetang aking pinanggalingan.

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s